Chapter 7

1106 Words
Araw ng anihan. Maaga pa nasa taniman na ako. Binati ko ang mga matatanda na makita ko. "Ang aga mo ngayon ah." Bati sa akin ni Mona. Ngumiti lang ako sa kanya saka kumuha ng kaing. " Magumpisa na tayo para makarami tayo." Sabi ko sa kanila. Umakyat na kami sa puno. " Malaki na naman ang sasahudin ni Zane ngayon." Sabi ni Dario. " Sigurado yan makakarami na naman yan ngayon." Sabi ni Jek jek. Saka nginuso ang dumarating. Napatingin ako sa dumarating nakita ko si Primo nakakabayo ito. Kumalabog agad ang dib dib ko. "Mukhang hindi kasama ang kabit niya ah." Sabi ni Lisa. Natuwa ako sa narinig ko. Nakita ko na bumaba ito sa Kabayo niya. Tumingin muna ito sa taas ng puno na tatalian niya. Natawa sila Mona. "Naninigurado na si seniorito sa puno na tatalian niya baka may malaglag na naman kasing malaking bunga." Sabi ni Mona nagtawanan sila. Napangiti na lang ako. " Nadadala na tuloy si seniorito pano kung ano ano ang ginagawa mo Zane." Sabi ni Dario. Hindi ko na lang sila pinansin. Busy na ang mata ko sa kakatitig sa kanya. " Hay naku, may sariling mundo na naman yang kausap mo." Sabi ni Jek jek kay Dario. Natawa sila ng makita na titig na titig ako kay Primo. Napailing na lang si Dario sa akin. "Akala ko ba kakalimutan mo na siya." Sabi ni Dario sa akin. Nabigkas ko kasi yun nung minsan na lasing ako sa inuman namin. "Ikaw naman kakalimutan niya sa panaginip. Hindi sa totoong buhay." Sabi uli ni Jek jek. Nagtawanan na naman sila. Hindi ko sila pinansin. "Haays, tara na nga at bumalik na sa trabaho baka mamaya diyan matunaw yang si Seniorito sa sobrang lagkit ng tingin mo sa kanya." Sabi ni Dario sa akin at hinila na ako papunta sa puno. Nagtatawanan na sumunod sa amin sila Mona. Ganado ako sa pagtatarabaho. Hangang tanghali. Ng may dumating na sasakyan saktong nagkakainan kami. Ang saya ko pa naman kasi kasalo namin siya kumain kahit malayo siya sa akin ayos lang at kahit hindi niya ako tinitingnan kahit isang beses ayos lang sa akin. Masaya na akong nakikita ko siyang ngumingiti. Bumaba ang mga sakay ng sasakyan na dumating. Nakita ko si Crystal. Lumapit ito kay Primo sabay halik dito. "Naku, mukhang hinahamon ka best " Bulong sa akin ni Mona. Huminga lang ako ng malalim saka umiwas na lang ako ng tingin sa kanila. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. "Kumain na kayo ng matapos na tayo. Narami pa tayong kukuhanan ng bunga." Sabi ko sa kanila. Saka nauna na. Umakyat ako sa puno hindi ko na lang sila tinitingnan kahit naririnig ko ang harutan nila. Nakikiramdam sa akin ang mga kababata ko pati ang mga matatanda. Ng matapos kaming manguha ng bunga. Bumaba na ako sa puno. " Grabe ang bilis mo talaga Zane. " Sabi ni Dario. Ngumiti lang ako. Ng ikakarga ko na ang kaing sa tricycle Para madala sa bodega. Ng may pumigil sa kamay ko. " Sa sasakyan daw ni Sir Primo mo yan ilagay. " Sabi ng alalay ni Crystal. Napatingin ako sa kanya. "Pero medyo hilaw papo ito. Mabuti papo yung kay Dario n lang ang kunin niyo kasi manibalang na." Sabi ko sa alalay ni Crystal. " Yan kasi ang gusto ni Seniorita na prutas." Sabi niya sa akin. Hindi na lang ako umimik binuhat ko ito at kinarga sa sasakyan ni Primo. " Hmm, look whos here. Bagay pala sayo yang ganyang ayos. Kesa ang nakasuot ka ng uniform ng school. Mukhang ka talagang utusan." Sabi ni Crystal saka nagtawanan sila ng mga kaibigan niya. Tiningnan ko siya ng masama. Saka nagmamadaling binuhat ko ang kaing sa likod ng sasakyan ni Primo hinawakan niya ito. "Ano ba yan hilaw pa ito. Bat ito ang binuhat mo ang sabi ko yung hinog na. Bat hilaw pa ito. Hindi kaya ako kumakin ng hilaw na mangga. " Sabi niya. " Pero sabi ng alalay mo ito daw ang gusto mong prutas. " Sabi ko sa kanya na nagtitimpi na patulan siya. " Gusto ko nga ang mangga pero gusto ko yung hinog hindi hilaw. Kaya alisin mo yan palitan mo ng hinog. " Sabi niya. Tiningnan ko siya. " O ano pang hinihintay mo tangalin mo na daw yan palitan mo ng hinog. " Sabi ng kaibigan ni Crystal. Kaya binuhat ko ito. " Bakit buhat mo na naman yan? " Tanong ni Primo ng makita na buhat ko ang kaing ng mangga. " Ay naku Primo. Sabi ko nga yung alalay ko na lang ang magbalik ng Kaing kasi mali ang nakuha niya ang sabi ko hinog hilaw naman ang dinala niya. Alam mo namang hindi ako kumakain ng maasim diba." Sabi ni Crystal dito. " Sa susunod ipabuhat mo na lang sa iba. Para ka talagang lalake. " Sabi ni Primo na nakakunot na naman ang noo. Huminga na lang ako ng malalim. Tinawag ko si Dario at pinahatid ang isang kaing na hinog na mangga sa sasakyan ni Primo. Baka kasi hindi ako makapagpigil masapak ko na ang babae na yun. Kinabukasan maaga pa ako nagising pinaliguan ko ang kabayo ko. "Haro nandito ka lang pala, Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Tatay sa akin. "Bakit niyo naman ako hinahanap tay?" Tanong ko dito. "Ipapahatid ko sana sayo sa malaking bahay yung listahan ng mga bibilihin para sa ngayong buwan kay Seniora. Kaso hindi kita makita.Kaya ako na lang ang naghatid. Buti na lang kasi nagkakagulo sila sinugod nila sa hospital ang lolo ni Seniorito Primo. " Sabi ni tatay. Napatingin ako sa kanya. " Si Don Juaquin po sinugod sa hospital?" Tanong ko kay tatay. Tumango siya. " Ano po ang nangyari tay? " Tanong ko uli kay tatay. " Inatake daw uli sa puso ang Don." Sabi ni tatay. Natahimik ako. Masyadong malapit sa akin ang dalawang matanda. Para ko na silang totoong lolo at lola. Kaya nagaalala ako dito. " Tay wala po ba kayong iuutos sa akin sa malaking bahay? " Tanong ko kay tatay. " Naku, naku. Gusto mo na namang makita si seniorito no? " Tanong ni tatay sa akin. Kumamot ako ng ulo ko. " Tay naman e. Gusto ko lang po kumustahin kong ano na po ang nangyari kay Don Juaquin." Sabi ko dito. Tinitigan niya ako. " O siya sige pumunta kana dun at dalahin mo ang listahan dahil hindi ko din nakausap si seniora kanina." Sabi ni tatay. Kaya tuwang tuwa na sumakay ako ng tricycle. " Alis na po ako Tay " Sabi ko kay tatay. Tumango na lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD