Maaga pa nasa school na ako. Inaabangan ko na ang pagdating niya.
Nandito na naman ako sa Beanch. Napangiti ako ng makita ko ang sasakyan niya. Nakita ko na lumabas siya lalapitan ko sana siya kaso nagulat ako ng mayalalayan siyang lumabas sa sasakyan. Napakunot ang noo ko ng makita si Crystal hawak ni Primo ang kamay nito. Parang kinurot ang puso ko. Pero hindi ko ito pinansin. Lumapit parin ako sa kanila.
"Good morning Primo!" Bati ko dito.
"Kanina maganda ang araw ko ngayon hindin. " Sabi niya saka inaya na si Crystal na lumayo sa amin. Inirapan naman ako ni Crystal. Pero nginitian ko lang siya. Wala akong pakialam ang mahalaga nakita ko si Primo kontento na ako dun. Masaya akong pumasok sa klase ko.
"Fatima!" Tawag ng teacher ko. Sa kaklase namin.
"Ma'am." Sagot nito saka tumayo.
" What is the Cube root of 27?" Tanong ng teacher namin dito. Naririnig ko sila pero hindi ko sila pinapansin busy ako sa kakadrawing ng itsura ni Primo kanina.
"Ah,.. 6 ma'am." Sagot nito. Sumimangot ang teacher ko.
"Wrong." Sabi ng teacher ko.
"Zane!" Tawag nito sa akin hindi ko ito napansin.
"Zane!" Tawag uli nito. Kinalabit ako ng kaklase ko. Napatingin ako sa kanya. Saka. Nginuso si ma'am. Nakita ko na nakatingin sa akin ang teacher ko. Agad na tumayo ako. Natatawa ang mga kaklase ko sa akin.
"Yes ma'am?" Tanong ko sa teacher ko. Nakakunot ang noo na tiningnan ako nito.
"What is the Cube root of 27?" Tanong nito sa akin. Napaisip ako.
" how did the answer become 3? can you show us. " Sabi ni ma'am sa akin. Tumango ako sa kanya. Binigyan niya ako ng chalk. Natahimik ang mga kaklase ko. Puminta ako sa unahan at sinulat ang sagot ko.
"Ayan na ma'am." Sabi ko saka naupo na uli ako.
" Cube root of 27 is 3. Because cube root means. When the number can multiply by itself in Three times.So that the cube root of 27 is 3x3=9x3 =27 or 3 devide devide 3x3x3= 3." Sagot ko sa teacher ko.
"verry good." Sabi ng Teacher ko. Napatanga ang mga kaklase ko.
"Nakita niyo na. Mabuti pa itong si Zane kahit Puro lang drawing ang inaatupag may pumapasok sa utak. Kayo halos lumawit na ang dila ko sa kakapaliwanag sa inyo wala parin kayong naiintindihan sa akin. " Sabi nito na galit na galit sa mga kaklase ko. Saka nagpaalam na ito sa amin.
" Zane paano mo na gagawa yun?" Tanong sa akin ng katabi ko.
" Ang alin? " Tanong ko sa kanya.
" Yung kahit mukha kang lutang Pero kapag tinatanong ka nila ma'am para kang sinasapian. Bigla kang tumatalino." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko.
" May multiple personality ka ba? " Tanonb nito sa akin.
" Ewan ko sayo. Makinig ka kasi pag nagpapaliwanag si ma'am ganun lang ang sekreto dun. " Sabi ko sa kanya saka kinuha na ang gamit ko. Kasi break time na namin. Nagmamadali na akong lumabas dahil baka maunahan ako sa lamesa na malapit sa mesa nila Primo. Napakamot na lang sa ulo ang kaklase ko sa akin.
"Makinig daw e hindi nga siya nakikinig." Bulong nito na kinuha narin ang gamit niya.
Nakita ko na wala pa si Primo. Pero nandun na sila Crystal. Hindi ko ito pinansin. Nagderetso ako sa lamesa na lagi kong pinupwestuhan. Paupo na ako ng lapitan ako nila Crystal.
"Pwede bang tigilan mo na ang boyfriend ko." Sabi ni Crystal sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit sino ba ang boyfriend mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ay tanga pala ito e! Obvious ba na si Primo ang sinasabi ni Crystal." Sabi ng isa. Hindi ko siya pinansin.
"Boyfriend mo na pala siya bakit natatakot ka. Saka wala naman akong ginagawa sa kanya." Sabi ko dito.
"Talaga lang ha, Kanina lang nilapitan mo pa siya. Kahit alam mo na kasama niya ako." Inis na sabi ni Crystal.
"Binati ko lang naman siya masama ba yun?" Tanong ko sa kanya.
"Oo dahil ayaw ko ng may lumalapit sa boyfriend ko. Isa pa hindi ka ba nahihiya sa sarili mo ayaw ka na nga makita ng tao pinipilit mo parin ang sarili mo." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Saka hindi mo ba nakikita ang sarili mo. Ang layo ng agwat niyo sa buhay. Mangarap ka naman ng ka level mo lang hindi yung nangangarap ka ng hindi nababagay sayo. Ang lakas ng loob mo rin lumandi no amo mo pa ang nilalandi mo. " Sabi ng isa. Tumayo na ako at iiwasan ko na lang sana sila dahil umiinitt na ang ulo ko. Pero hinawakan ng isa ang kamay ko. Iniiwas ko ang kamay ko dito na sagi ko si Crystal. Na out balance ito nagulat ako. Hahawakan ko sana ito pero may mabilis na sumalo dito. Napatingin ako sa lalake na sumalo kay Crystal. Nakita ko si Primo masama ang tingin nito sa akin.
"Ganyan ka na ba talaga ka walang modo. Kahit saan pinapakita mo ang pagiging bastos mo. Sa palagay mo sa pinapakita mo na yan may magkakagusto ba sa kagaya mo. Matuto ka namang mahiya kahit minsan lang. " Sabi ni Primo saka hinawakan ang kamay ni Crystal at inaya itong lumabas.
"Pasensiya na Zane, mainit lang ang ulo niya." Sabi ni Reeve. Hindi na lang ako umimik kinuha ko na lang ang gamit ko saka lumabas ng Canteen. Tumakas na lang ako dumaan ako sa bakod at umuwi.
"O, bat nandito ka tumakas ka na naman sa school niyo no?" Tanong ni tatay sa akin. Hindi ako umimik. Nagderetso ako sa silid ko. Saka ako dumapansa papag ko.
"Kinagalitan ka ba ng teacher mo?" Tanong ni tatay sa akin hindi ako umimik.
"Alam ko na si seniorito no? Kasi kung teacher mo lang hindi ka magkakaganyan. Si seniorito lang ang nakakapagbago ng timpla mo." Sabi ni tatay sa akin.
"Tay somosobra na ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi ko na nga ba si seniorito ang dahilan." Sabi ni tatay saka huminga ng malalim.
"Saan ka somosobra? Sa ganda naku kung ako ang tatanungin mo aba e talaga namang maganda ka sa paningin ko anak kita e." Sabi ni tatay sa akin. Inis na bumangon ako.
"Tatay naman e." Inis na sabi ko dito.
"E ano ba kasi ang tinatanong mo?" Tanong niya sa akin.
"Somosobra na ba talaga ang ugali ko? Wala ba talaga akong modo tay bastos ba ako.? Nakakahiya ba talaga ang ugali ko?" Tanong ko kaya tatay. Tumitig siya sa akin saka huminga.
" Sa totoo lang anak hindi ka bastos. Kaya niya lang siguro sinabi yun kasi na sosobrahan na siya sayo. Kasi naman anak napapahiya din so seniorito sa mga ginagawa mo. Kaya naman anak minor minor lang. Walang masama ang magkagusyo ka sa isang tao. Normal lang yun pero sana konting control dahil lahat ng sobra masama na. " Sabi ni tatay sa akin saka niyakap niya ako.
" Saka anak hindi magkakagusto si seniorito sayo niyan kung lagi mo siyang pinapahiya lalo lang siyang magagalit sayo niyan. " Sabi uli ni tatay.
" Pero tay. Alam ko naman po na hindi mgkakagusto sa akin si seniorito. Kaya nga kahit lagi siyang galit sa tuwing makikita niya ako masaya na ako basta mapansin niya lang ako kontento na ako dun. Hindi na ako naghahangad ng higit pa dun. Alam ko naman po na magkaiba kami ng estado sa buhay. Langit siya lupa lang ako." Sabi ko kay tatay.
" Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa ama mo. Malay mo mapansin ka niya kapag sumama ka sa ama mo? " Sabi ni tatay.
" Tay ayan ka na naman e. Ayoko nga po kayong iwan e. " Sabi ko sa kanya.
" Saka sabi ko naman sa inyo na kontento na nga ako na makita lang siya masaya na ako dun. " Sabi ko sa kanya.
" O siya, magbihis kana ng ikuha mo na ako ng pang gatong ko ng makasaing na tayo." Sabi ni tatay sa akin. Tumayo na ako at kumuha ng damit ko saka pumasok sa banyo.
***PRIMO POV#***
"Somobra ka naman yata kay Zane. Wala naman ginagawa yung isa alam kong nakita mo yun. Nasagi lang siya ni Zane. Alam kong si Crystal ang gusto mo. Pero maging makatuwiran ka sana hindi yung mali pa ang kinampihan mo." Sabi ni Xian ng makasalubong ko siya papasok ng papunta na ako sa room ko. Hindi ako umimik. Tama naman siya. Naiinis lang talaga ako sa babae na yun kaya kinampihan ko sila Crystal kahit alam ko na mali sila.
"Maganda nga yun sa kanya ang mapahiya siya. Kaso sadyang makapal ang mukha ng babae na yun kaya siguradong hindi yun tatablan." Bulong ko sa isip ko.
" Ang layo niya masyado kay Crystal hindi lang ito maganda at mayaman kagaya namin. Mahinhin ito at May manners kung kumilos. Hindi kagaya ng babae na yun mahirap na nga wala pang ka manners manners kung kumilos talo pa ang lalake. Sino ba ang matinong lalake ang magkakagusto dun." Inis na bulong ko uli saka pumasok na sa room ko.
Paguwi ko hinintay ko na naman si Crystal. Nagpaparamdam na ako dito pero hindi pa ako nagtatapat. Humahanap pa ako ng tamang pagkakataon. Pero si Crystal talaga ang gusto kong babae na makakasama ko habang buhay. Maya maya nakita ko na ito na lumalabas. Ngumiti ito agad ng makita ako. Sinabi ko na sa kanya kanina na sabay na kami umuwi.
" Kanina ka pa? " Tanong niya sa akin.
" Hindi kalalabas ko lang. " Sabi ko sa kanya. saka kinuha ang gamit niya. Hinatid muna namin siya bago ako umuwi. Pagdating ko sa bahay. Nakita ko na nagkakagulo sila.
" Anong nangyayari manang? " Tanong ko sa mayordoma namin.
" Inatake na naman po ng high blood ang lolo niyo seniorito. " Sagot nito sa akin. Umakyat na ako sa taas.
" Kumusta na po si lolo, lola? " Tanong ko kay Lola.
" Ayos na siya apo. Kaso mahina siya ngayon. Sabi ng doctor kailangan daw niyang magpahinga." Sabi ni Lola. Nakahinga ako ng maluwag. Sila lola na lang ang nakasama ko mula ng mamatay ang mga magulang ko.