Samantalang siya na kay Crystal lang ang tingin niya. May kung ano na kumirot sa puso ko. Pero binalewala ko lang yun. Hangang sa natapos ang Program wala akong naiintindihan . Dahil na kay Primo lang ang attention ko. Lumapit kami sa kanila nagpaalam ako kay tatay na hindi pa ako uuwi kasi magiikot pa kami dito sa plasa.
Gusto ni Lola Amor ba sumabay na ako kay Primo. Pero sinabi ko na kasama ko ang mga kaibigan ko saka may usapan pa kami na magiikot sa plasa. Kaya pinauna ko na sila. Mamimilit pa sana si lola Amor pero nagsalita ang Papa ni Seniorito Reeve na hayaan na niya kami. Kaya nagpaalam na lang ito sa amin. Nakahinga ako ng maluwag. Nauna ng umalis sila Primo. Nang wala na sila nagkayayaan kami na pumunta sa Peryahan. Habang naglalakad kami kwentuhan sila ng kwentuhan.
" Ang galing ng ginawa ng anak ng mga Valencia no? " Sabi ni Mona sa amin.
" Oo, pero ang ganda ng boses ni Venus. " Sabi naman ni Jek jek.
" Ikaw Zane sino ang bet mo sa kanila? " Tanong ni Lisa sa akin.
" Naku yan pa ang tinanong mo e na kay Seniorito lang ang mata niyan magmula magumpisa ang program. Hangang matapos" Sabi ni Dario. Nagtawanan sila. Inirapan ko na lang sila. Halos lahat sinakyan namin ang mga rides. Tawang tawa kami kay Jek jek dahil hilong hilo ito. Matapos naming sumakay sa roller coaster. Papasok kami sa loob ng Horror house ng kalabitin ako ni Jek jek saka nginuso ang nasa kabilang gilid namin. Pagtingin ko dito nakita ko si Primo kasama sila Crystal. Nakakapit na naman sa braso niya si Crystal. Hindi na lang ako umimik. Pagpasok namin sa loob ng bahay nagulat kami dahil ang dilim. Mga lampara lang ang ilaw dito.
"Grabe nakakatakot best." Sabi ni Jek jek. Nagtawanan kami. Hawak hawak kami ng kamay. Kaso biglang namatay ang ilaw. Nagsigawan sila. Nagkatulakan natulak ako. Nabitawan ko ang kamay na hawak ko sa kabila. Na sik sik ako sa sulok. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Hinayaan ko naman ito kasi inisip ko sila Dario ang humawak sa akin kaya hinawakan ko ng mahigpit ito. Pag nagkakatulakan hinaharangan ako nito. Hindi ako umimik kasi ganito talaga si Dario magprotekta sa amin.
"Doon tayo?" Rinig kong sabi ni Primo.
"Parang ang lapit lang niya sa amin. Siguro isa sila sa kasama namin dito." Bulong ko kasi pumasok kami sa isang silid. Puro usok dito ng mawala ang usok biglang may lumabas na nakasuot ng Vampira na costume. Nagsigawan na naman natulak na naman kami. Pero yakap yakap ako ng lalake na kasama ko. Na sik sik kami.
"Malapit lang talaga si Primo sa amin kasi naamoy ko ang pabango niya. Naririnig ko ang sigawan nila Mona. Pumasok na naman kami sa nakita naming pintuan. Kaso pag pasok namin sa loob nakita ko ang lumulutang na kabaong nagsigawan na naman tulakan na naman. Hangang isa na lang na pintuan ang hindi namin na bubuksan. Hindi ko parin binibitawan ang hawak kong kamay. Siya din hindi ako binibitawan. Nasa balikat ko pa ang kamay niyang isa.
" Dario bilisan mo dun tayo" Sabi ko sa kanya.
" Teka Zane." Sabi ni Mona na nasa tabi ko.
Binuksan ko ang pintuan Nakahinga ako ng maluwag ng makita na labasan na nga ito. Nagmamadali kaming lumabas na tatlo. Paglabas ko laking gulat ko ng makita kung sino ang hawak ko na kamay. Ganun din siya bigla siyang bumitaw sa akin. Napangiti sa akin si Mona.
"S.. Sorry akala ko si Dario ka." Sabi ko na lang saka lumayo sa kanya. Hindi siya umimik. Nakakunot lang ang noo niya. Ako naman hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.Maya maya lumalabas na sila Dario kasunod nila sila Crystal. Ang gulo gulo ng ayos nila Crystal. Nilapitan agad ito ni Primo.
"Bat ang tagal niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Pano sobrang makakapit sa akin ang mga kaibigan ni Crystal." Sabi ni Jek jek.
" Sa akin kapit na kapit si Crystal. Akala ko si Zane. Pero ng tumili na laman ko na si Crystla ang hawak ko. Kasi hindi titili si Zane ng ganun. " Sabi ni Dario. Nagtawanan sila Mona.
" Tuwang tuwa naman pala kayong dalawa kasi nayakap niyo ang mga yun. " Sabi ni Lisa habang naglalakad kami.
" Abay syempre ang babango kaya nila. " Sabi ni Jekjek. Natawa kami.
" Hindi lang kaya kayo ang masaya ngayon. May isang tao dito na sobra ang kilig ngayon. Dahil kahawak kamay niya sa loob ang prinsepe niya." Sabi ni Mona na tinutukso ako. Kaya natawa na lang ako.
Hangang sa higaan hindi ako agad nakatulog napapangiti ako kapag naiisip ko ang nangyari sa loob ng horror house.
" Grabe ganun pala ang pakiramdam pag yakap ka niya. Masarap pala sa pakiramdam kapag pinoprotektahan ka ng mahal mo. " Bulong ko saka niyakap ang unan na nasa tabi ko. Nakatulog ako na may ngiti.
Kinabukasan abala ang lahat. Anti bisperas bg fiesta dito sa amin. Kaya masaya na may panoorin sa Plasa
" Hoy, pupunta ka ba ng plasa ngayon? " Tanong ni Jek jek sa akin ng makita niya ako na nagpapakain ng kabayo ko.
" Hindi, pupunta ako sa malaking bahay ngayon tutulong kami dun ni tatay. Marami kasing gawain dun ngayon. " Sabi ko sa kanya.
" Ako din. Pinapupunta kami ni nanay dun marami nga daw kasing gagawin dun kasi marami daw bisita mamaya. " Sabi ni Jek jek.
" So pano dun na lang tayo magkita kita. Ang alam ko pupunta din dun sila Dario kasi tutulong sila magkatay ng mga baboy." Sabi uli nito. Tumango na lang ako.
Dun na nga lang talaga kami nagkita kita. Tumulong sila tatay sa pagkatay ng baboy. Ako naman dumeretso sa kusina. Tumulong ako sa paghihiwa ng mga sangkap.
" Zane, sabi ko na nga ba nandito ka din. " Sabi ni Mona. Ngumiti na lang ako sa kanya.