Nanginginig ang buong katawan ni Valine simula nang nakapasok na siya sa loob ng Villa Samotcha. Ang sobrang tahimik na kapaligiran ay mas pinalala pa ang discomfort na kaniyang nararamdaman, lalo pa’t walang imik na nakaupo lamang sa sofa si Farrah. Valine was aware na ganito umasta ai Farrah kung may balaka itong isagawa na masamang plano. She had been a victim of her half-sisters scheme, simula pa noong mga bata pa sila.
Hindi maintindihan ni Valine. She's feeling off simula ng sunduin silang dalawa ng Ate Farrah niya ng kanilang family driver. Dahil sa may emergency call na natanggap ang ninong niyang si Creon ay hinayaan na lamang nito na sunduin sila, lalo pa’t nakauwi na ang kanilang mga magulang. Kung noon lang ito na hindi pa niya alam ang tunay na kulay ng kaniyang half sister, ay hindi siya mangangamba. Pero ngayon na kilala na niya kung sino ito ay hindi mapigilan ni Valine ang kabahan.
“Daddy! Mommy!” Nakatingin lamang si Valine nang tumakbo palapit sa mga magulang nila si Farrah. Nagtataka siya kung bakit bigla na lamang itong umiyak. Gayong may pangiti-ngiti pa ito nang pumasok sila. Valine was just observing at nanatili lamang siyang nakaupo sa couch. Valine couldn't deny the fact na simula ng namatay ang ina niya, ramdam niyang bahagyang lumayo ang loob ng kaniyang Ama sa kaniya. Mahal naman siya nito, ngunit iba pa rin noon. Noong hindi pa nito dinala sa tahanan nila ang pamilya nito sa labas. Ni kailan man ay hindi niya nakitang nagwala ang kaniyang Mommy o naglasing ito. Ang tanging natatandaan niya ay palaging may doctor sa silid nito at most of the time ay tulog. Kung makakausap naman niya ito ay palaging nakangiti at collected, iyong naiisip niyang wala itong sakit or depression. From her point of view, her mother is harmless and healthy. Kaya kahit ’di niya sabihin ay questionable pa rin sa kaniyang utak ang pagsu-suicide nito basi sa imbestigasyon—na pinaniwalaan naman ng kaniyang Ama. She couldn't even go against her father's decisions dahil bata pa siya—hanggang ngayon ay wala pa rin siyang backbone.
“How dare you do this to your sister, Valine! Alam mong ikakasal na siya kay Creon?” Nangunot ang noo ni Valine at naguguluhan na tumingin sa mukha ni Farrah. Walang patid ang luha nito na sinamahan pa nang matinding hikbi. Nakapaskil sa mukha ni Valine ang matinding katanungan, gayong wala siyang alam kung saan nanggagaling ang galit ng Tita Rabiya niya. ‘So totoo nga talaga! Ikakasal si Farrah at ninong, but why? Wala lang ba sa kaniya ang nangyari sa ’min?’ Nakaramdam ng galit si Valine sa kaniyang ninong Creon. She was pissed and annoyed ngunit nanatili pa rin siyang kalmado.
“I have no idea what you are talking about, Tita . . .” malumanay na sagot ni Valine. Tumayo siya upang lumapit sana sa kaniyang Ama. Her face was full of poise and determination. She wanted to greet her father since hindi sila nagkita noong nakaraang gabi nang saglit itong umuwi.
“Stay right there, Valine!” Nanlaki naman ang mga mata ni Valine nang sigawan siya ng kaniyang Ama. Maraming pagkakataon na siyang pinagsabihan nito, but not to the point na pagtaasan siya nito ng boses. Noon, pinagsasabihan siya nito dahil sa mga kapalpakan na nagagawa niya, bunga na rin ng sulsol ni Farrah. At the end, it's always her who's taking all the blame, at si Farrah naman ang mabait at hindi makabasag pinggan.
“How dare you betray your own sister, Valine?” Mas lalong nangunot ang noo ni Valine nang maging ang step-mother niya ay humagulhol na rin. Valine's mouth opened. She wanted to explain ngunit hindi naman niya alam kung sa anong kadahilanan. At saan magsisimula.
Tumingin siya kay Farrah, only to see na mas umiiyak pa ito, while her father David is patting Farrah’s back. “Wa-wait. What did I do?” Tumaas ang boses ni Valine at naguguluhan na lumapit sa kaniyang Ama. She was determined to settle things out dahil ayaw niya ng misunderstanding.
“This!” Napangiwi naman siya nang isampal ng kaniyang Ama sa mukha niya ang hawak nitong mga papel.
Hindi makapaniwalang kusang bumagsak sa sahig ang mga tuhod ni Valine. ‘Hindi lang ako pinagtaasan ng boses ni Daddy, nagawa rin niya akong saktan?’ Naglandas ang mga luha ni Valine. Nangingilid ang masagana niyang luha na tumingala sa kaniyang Ama. Her face was full of questions.
“Try checking it out for yourself, Valine! Ang buong akala ko ay mahal mo ang kapatid mo. I thought tanggap mo na kami since naging maayos naman ang turing ko sa ’yo. I even treated you like my own child! Saan ba ako nagkulang at nagawa mo ’to sa anak ko? How heartless of you, Valine . . .” Tulalang nagsimulang kumilos ang kamay ni Valine at pinulot niya ang isang picture na nakataob.
“This . . .” Wala sa sariling natakpan ni Valine ang kaniyang bibig. Her eyes widened with disbelief. At that moment, nag-sink in na sa kaniyang utak kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiti ni Farrah kanina nang makapasok na sila. Tiningnan niya nang masama si Farrah, ngunit ’di man lang siya nito tinapunan ng tingin.
“Nakapagtataka ba, Valine? I didn't raise you to be this shameless! You arrogant piece of your heartless mother!” Sa pagkakataong ito at tiningnan ni Valine nang masama ang kaniyang Ama. ‘Insult me all you want, but not my mother!’
“Ah!” Halos mawala sa wisyo si Valine nang makatanggap siya ng totoong sampal mula sa Ama niyang si David.
“Dad, please . . . that's enough! Valine is bleeding. Valine, are you okay?” Mabilis ang kilos ni Farrah na hinawakan ang mukha niya at may pinunasan ito sa gilid ng kaniyang labi, gamit ang laylayan ng suot nitong dress.
“Don’t you dare touch me!” sigaw ni Valine sabay tulak kay Farrah. Nabigla naman siya dahil mahina lamang ang ginawa niyang pagtulak ngunit tumilapon na sa may couch ang katawan nito.
“A-aray ko . . .”
“Honey, Farrah, are you okay?” Lumuhod si Rabiya at dinaluhan ang nakatagilid sa sahig na si Farrah.
“You! You ungrateful b—” Valine subconsciously closed her eyes at iniharang sa kaniyang mukha ang mga braso niya nang makita ang papalapit na sampal ni David.
“No, Daddy! Please . . . please. Nasaktan na si Valine. Please let this go, Dad! For me. Please, spare my younger sister . . .” Nanginginig ang katawan na pakiusap ni Farrah habang ito ay nakaluhod sa sahig. Hawak nito ang balakang na para bang may bali ito roon. ‘I really couldn't keep up with you when it comes to acting, Farrah. How odd. Paano mo ba ako nagawang papaniwalain sa mga fake affection mo sa ’kin noon?’ Natatawang nagpalingo-lingo si Valine. Pinagmasdan niya ang mga litrato habang patuloy ang kaniyang kamay sa pag-aayos ng mga pirasong nakataob.
Valine could see na nakunan lahat ng litrato ang pagpasok niya sa club kasama si Jian, lalo na ang paghalik sa kaniya ng isang lalaki, hanggang sa pangyayari kung saan karga siya ng kaniyang ninong Creon at naghahalikan silang dalawa. ‘Pinasundan pa ako ni Farrah just to justify her scheme!’ Valine bitterly smiles dahil ramdam niyang gumagana na naman ang masama nitong plano. ‘Just too bad for me dahil mas malala ito ngayon.’
“What happened to you, Valine? It doesn't mean na wala na ang ina mo ay magiging ganito ka. Do you think magiging masaya ang Mommy Vina mo sa mga ginagawa mo ngayon? How could you! Sagrado ang pangalan nating Samotcha. Pinangalagaan ko ito sa loob ng mahabang panahon. How dare you tarnish it with your incompetence and craziness huh?” Nagpantig naman ang tainga ni Valine nang marinig niyang dinamay ng kaniyang Ama ang pangalan ng ina niya. Mabilis siyang tumayo at hinarap si David nang buong tapang kahit na ramdam pa niyang naliliyo pa siya.
“Hah! Haha! Haha!” Valine was now laughing like a lunatic. “Really, Dad? How shameless . . . Do you think hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan ng depression ng Mommy ko? Ako pa ngayon ang shameless? May anak ka na mas matanda pa sa ’kin! You were having an affair when my mother was still around! Sino ngayon ang shameless sa ’tin hah?”
“Pak!”
“Dad!” At this time, nakasalampak na ulit sa sahig si Valine. She could feel that her world was spinning. It was like her soul was slowly moving away from her body. She couldn't feel the pain from the slap. Dahil mas nararamdaman niya ang sakit sa kaniyang puso. Valine was feeling betrayed and abandoned. ‘Ganitong-ganito ang nararamdaman ko nang gahasain ako ng limang lalaki sa likod ng bar. ‘Yong pakiramdam na wala akong kakampi. Na wala akong ni isang masasabi na pwede kong takbuhan habang ako ay nag-aagaw buhay.’
“Anak mo rin ako . . . Your legitimate child to be precise. Sana hindi na lang kita naging Ama . . .” Valine mumbles as she lies her head on the floor.
“Manang! Sabihin mo kay Pedo na dalhin sa silid niya si Valine. Isarado ang kaniyang silid at hindi siya maaaring lumabas. Mananatili siya sa kaning silid hanggang sa maikasal sina Farrah at Creon!” Again, a bitter smile plastered on Valine's face. ‘Saan ba nagsimulang lumabo ang lahat sa ’min ni Dad?’
Valine could feel that her body was being lifted from the floor. Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam na dinagdagan pa ng kaniyang matinding hilo.
“Dad, Valine needs to see a doctor. Please, patingnan mo siya sa doktor! I'm so worried about her, Dad.” Kulang na lang ay humagalpak ng tawa si Valine sa mga pinagsasabi ni Farrah. ‘What a drama queen.’ Valine clenches her fist.
“Don’t worry, Honey. Tinawag ko na si Doctora Betty. She'll be here in a minute.”
Ilang sandali pa ay nailapag na sa kaniyang kama si Valine. Her eyes were firmly close ngunit kahit paano ay nariyan pa ang kaniyang ulirat.
“Pasensya ka na po, Miss Valine hah. Pasensya na at wala akong nagawa. Pinagmasdan lang kitang saktan kanina ng Ama mo. Hindi ako makapaniwala sa nagawa niya sa ’yon. Hahay . . . ang mukha mo, Miss Valine . . . Nakalulungkot.” Naaaninaw pa ni Valine ang pagpahid ng luha ng driver nilang si Pedo. ‘Right, Manong Pedo has been with me simula pa noong buhay pa si Mama. He is a kind person . . .’
Bago nawalan ng malay si Valine ay narinig pa niya ang boses ng kaniyang Ama at pagpasok ng doktor.
Nakaupo si Creon sa kaniyang misa sa opisina niya. Katatanggap lamang niya ng tawag na sa loob ng isang buwan ay nahuli na rin ang delivery driver na naglagay ng drugs sa pagkain ng kaniyang pina-deliver. The reason kung bakit nakuha niya ang puri ni Farrah.
“This doesn't feel right . . .” Hinilot ni Creon ang kaniyang sintido. Tumingin siya sa labas ng glass wall sa kaniyang opisina bago muling pinagmasdan ang mga litratong nagkalat sa misa niya.
“Sir? May problema po ba sa mga litratong ’yan?” Maging ang secretary ni Creon na si Aron ay napatingin na rin sa kanina pa niya pinagmasdan na mga litrato.
“Sure ka ba na ito ang kuha mula sa cctv ng bahay ko?” Tumango naman si Aron at nagkamot ng kaniyang ulo.
“Yes po, Sir . . . Nakito mo rin naman ang video ’di ba. Saka mula po ’yan sa technical team natin. It cannot be tampered since dumaan ’yan kay Luke.”
“Pero bakit wala akong matandaan na si Farrah ang nakasama ko? I mean . . . until now, I can still feel her warm body . . .”
“Ano po, Sir?” Pinagmasdan ni Creon ang kaniyang mga kamay at bisig. ‘Even the smell . . . sa alaala ko ay naaamoy ko pa ang natural na bango ni Valine . . . Valine has her own natural scent, at iyon ang naamoy ko sa aking katawan at sa kama nang nagising ako.’
“Bakit mukha ni Valine ang nakikita ko? Bakit hindi mukha ni Farrah kung siya talaga ’yong babaeng pumasok sa bahay ko.”
“Sir, baka po lumala na ’yong obsession mo roon sa bata.” Napayuko naman si Aron nang tiningnan siya nang masama ni Creon.
“You think so?”
“Hindi naman sa ganun, Sir. Pero sure ka na bang pakakasalan mo si Miss Farrah?”
“I don't know. But I have to take responsibility.”
“How about Miss Valine? Sa tingin ko po ay matindi ang tama sa ’yo ng batang ’yon.”
“Shut up, Aron . . .” Pinulot ni Creon ang baso niyang may lamang alak at nilagok iyon. ‘How could I ever let that child go? Augh! This is though.’