VALINE WAS LOCKED UP

2307 Words
Valine's forehead flinched as she was beggining to regain her consciousness. She was about to open her eyes nang makaramdam siya na mayroong prensensya sa paligid niya. In fact, it was not just one. May kutob siyang marami ang nakapaligid sa kaniya ngayon, which giving her a headache. ‘It is so uncomfortable . . .’ Valine wanted to say it out loud. “Alam kong gising ka na, so you better open up your eyes, young lady!” Valine was blankly thinking nang marinig ang boses ng kaniyang Ama. Kapag ganitong maypa young lady na ito, she was certain that she's in a deep trouble. ‘May ilalala pa pala ’yong pa-scandal photos ni Farrah.’ Valine groans in frustration. “I just woke up from being beaten up. I'm still having a headache . . .” Dahan-dahan na bumangon si Valine—only to find out nagiging liyo ulit ang kaniyang pakiramdam ’pag iginagalaw ang kaniyang ulo. “Little Sis, let me help you.” Iwawaksi na sana niya ang kamay ni Farrah, ngunit wala na siyang lakas para gawin iyon. ‘I’m at a disadvantage for now . . .’ “So, who was it? Huh? Valine, graduating ka pa lang! Bakit mo ’to ginawa sa sarili mo? Ang bata mo pa. You just turned twenty-one for God sake!” Rinig ni Valine ang boses ng Tita Rabiya niya ngunit talagang wala siya sa mood para patulan ang mga pinagsasabi nito. Habang tumatagal ay mas lalo lamang pumipintig ang kaniyang sintido. “A-aray! Dad, ano ba? Nasasaktan ako!” sigaw ni Valine nang bigla na lang hilahin ni David ang kaniyang braso. Valine wanted to defend herself, ngunit talagang nanghihina pa siya. ‘I was was starting to wonder kung talagang anak ba ako ni Dad. Lahat ba ng Ama sa mundo ay ganito?’ A tear fell from Valine's eyes. “Be careful, Mr. Samotcha. Your daughter’s pregnancy is still on a crucial stage since four weeks pa lang ito. Mahina pa ang katawan niya . . .” Binitiwan naman siya ni David nang marinig ang sinabi ng doctor. Nangungunot ang noo ni Valine sabay tukod sa dalawa niyang kamay upang manatili siyang nakaupo sa ibabaw ng kama. “What? Pregnant? Who?” takang tanong ni Valine. Nagpabaling-baling pa ang kaniyang tingin hanggang sa nagtagal iyon sa babaeng doktor. Her way of looking ay sumisigaw nang matinding paliwanag. “So you didn't know? Dahil ba kung sino-sino na lang ang mga lalaking pinapatulan mo kaya ngayon ay nahihirapan ka ng alamin kung sino ang Ama niyang dinadala mo?” Pinagmasdan ni Valine ang mukha ng Tita Rabiya niya. Ngunit wala sa mga sinabi nito ang kaniyang atensyon. ‘Nagbunga ang nangyari sa ’min ni ninong?’ Wala sa sariling kinapa ni Valine ang kaniyang tiyan. Bumukas ang kaniyang bibig at nagliwanag ang mukha niya. “I’m pregnant?” Naluluha siyang napatingala sabay malapad na ngumiti. “I’m pregnant . . .” Hindi si makapaniwala sa nangyari. ‘There’s always a blessing after the storm! Worth it ang mga pananakit na natanggap ko. At least now, hindi na maaaring matuloy ang kasal nina Farrah at ninong Creon.’ “At masaya ka pa? Sino ang Ama niyang dinadala mo? Alam mo ba kung gaano kalaki ang kahihiyan na sasapitin ng pamilya natin ’pag nalaman ng mga taong naanakan ka ng kung sino-sino lang!” singhal ng Ama niyang si David. Kahit labis ang galak ay yumuko si Valine at kinompose ang sarili. “Hindi kung sino-sino lang ang Ama ng ipinagbubuntis ko.” Tumaas ang kilay ni Valine sabay pagak na tumawa. Talagang hindi niya mapigilan ang maging masaya. “Si Simon ba ang Ama ng dinadala mo, Little Sis? Hindi ba’t sinabihan na kita na playboy ang lalaking ’yon?” Nangunot naman ang noo ni Valine sa biglang sabat ni Farrah. “Ot was it Daylan? Shinzee? Si-sino sa kanilang tatlo?” Kita ni Valine na halos pumutok na ang ugat sa ulo ng kaniyang Daddy nang tingnan niya ito. ‘Naghahanap talaga ng gulo ang bruhildang ’to!’ “What the hëll are you talking about?” Galit na sinalubong ni Valine ang concern na tingin ni Farrah. “Watch your words, Valine. ’Wag kang bastos! Hangga't narito ka sa pamamahay ko ay matuto kang maging magalang!” “Bahay ko rin ’to, Dad. Bahay ko rin.” “Aba’t!” Muling inamba ni David ang kaniyang kamay kay Valine. ‘Bakit ka ba nagkakaganito, Dad? Never mo akong sinaktan physically before. You do it verbally, pero tanggap ko ’yon kasi naging pasaway naman talaga ako. Pero ngayon?’ Valine closed her eyes tightly. “Please, Mr. Samotcha . . .” anang doktor. Nakahinga naman nang maluwag si Valine nang napansin niyang wala na sa ere ang kamay ng Ama niya. Tumuwid siya nang upo at tumingin sa Ama niya. “Si ninong ang Ama ng dinadala ko,” kalamadong turan ni Valine. She was scared deep inside, but she was aware na wala siyang kakampi sa loob ng silid kaya ay pinipilit niyang maging malakas. “Say it again!” Napaatras naman si Valine at napasiksik sa headboard ng kama nang muling hilahin ni David ang kaniyang braso. No matter how hard she was trying to be strong para sa Anak niya, wala naman siyang magawa dahil sabay-sabay na ang sama na kaniyang nararamdaman. “Da-Dad! Ano ba! Masakit! Nasasaktan ako!” umiiyak na turan ni Valine. “Talagang masasaktan ka dahil sa tabil niyang dila mo!” “Bakit? You were asking me kung sino ang Ama nitong dinadala ko ’di ba? So that's it! I'm telling the truth. Bakit ayaw ninyong maniwala?” “Stop spouting nonsense, Valine and be honest!” Pansin ni Valine na nawala bigla ang maamong demeanor ni Farrah. Bakas na sa mukha nito ang galit at pagkabahala. “Bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Hindi niyo ba nakita doon sa mga pictures kung gaano kami ka komportable ni ninong sa isa’t isa? Kung unang beses namin iyong ginawa, malamang hindi iyon magiging ganoon ka perpektong kuha ‘di ba? Gusto naming dalawa ang nangyari, so nakuha niyo ba ang nais kung sabihin?” “Shut up!” Napapikit na lang si Valine nang yugyogin siya ng Ama niya. “Dad, bakit ka ba ganito sa ’kin?” Hinawakan ni David ang baba ni Valine. ”Alam mo bang matagal kitang pinagtiisan?” “Pinagtiisan? Dad, naririnig mo ba ang sarili mo?” “You are hopeless, Valine. Ang buong akala ko pa naman ay para sa ikagaganda at ikaaayos ng pamilya natin ang mga pananaw mo sa buhay.” “You wanted our company to be saved, right, Dad? Wala naman iyong ipinagkaiba ’di ba? Whether it's me or Farrah, ganoon pa rin ang kapupuntahan. May merger pa rin na mangyayari between families. So why are you being hostile with the the thought na si ninong Creon nga ang nakabuntis sa ’kin? At ako dapat ang pakasalan niya and not Farrah!” “Dahil mahal ni Farrah si Creon!” “Mahal ko rin si ninong, Dad. Also, Farrah is aware of it kahit noong minor pa ako. I've been into ninong Creon for a couple of years now!” “Why do you lie so much, Valine? Ikaw lang ang sinabihan ko noon na in love ako kay ninong Creon. Pati ba naman ang nangyari sa ’min ni ninong noong nakaraang buwan ay aangkinin mo rin?” Wala naman sa sariling tumayo si Valine at dahan-dahan na naglakad palapit kay Farrah. Wala siyang pakialam kahit na nahihilo pa siya. Basta ang nasa loob niya ay matinding galit para kay Farrah dahil sa walang katapusan nitong kasamaan. ‘Ano pang balak ang angkinin mo sa buhay ko, Farrah? Si Dad? No. I think you have conquered his heart already. Wala ng natira sa ’kin . . .’ Mapait na ngumiti si Valine. “Nagpapatawa ka ba, Farrah? Ganoon ka ba ka-disperate para lang maikasal kay ninong? Really? May nangyari sa inyo ni ninong? Gaano ba kakapal ’yang apog mo para umarte ka ng ganiyan? Tinanggap ko kayo nang buong puso, kayo ng Ina mo. Pero wala ka ng ibang ginawa kundi ang sirain ako kay Dad. Do you thi—” Nasapo na lang ni Valine ang kaniyang pisngi nang makatanggap siya ng sampal. It was not a heavy hit. Ngunit dahil hilo pa siya ay muntik na siyang natumba kung ’di siya hinawakan ng doktor. “Please, Mrs. Samotcha . . . baka makunan si Miss Valine.” ‘Nakikisampal na rin si Tita Rabiya? Haha! Wala man lang ginawa si Daddy? Bakit pakiramdam ko ay ako itong sampid sa pamamahay na ’to?’ “Please, Valine. Itigil mo na ’to. Masasaktan ka lang. Parehas nating alam na hindi totoo ang sinasabi mong si ninong ang Ama ng dinadala mo, dahil in the first place, wala namang nangyari sa inyong dalawa ni ninong. Now, tell me, sino sa mga manliligaw mo ang nakabuntis sa ’yo? Matutolungan kita basta ay magsabi ka lang sa ’kin.” Halos masuka na si Valine nang hawakan ni Farrah ang kaniyang kamay dahil sa labis na pandidiri. “I will defend you. I will ask Dad na habulin kung sino sa tatlo ang Ama ng bata. ’Pag nalaman natin kung sino sa kanilang tatlo, we will do anything para panagutan ka niya . . .” umiiyak na giit ni Farrah. “Let go of my hands, Farrah. Nakakadiri ka. Isa kang utak talangka at utak kriminal pa! Kilala mo ako! Never akong nagkaroon ng boyfriend —no matter how hard you frame me. ’Wag mong ipahid sa ’kin lahat ng mga kalandian mo. I bet, ninong will never touch a woman of your kind. Masyado kang marumi para sa tulad niyang germaphobic!” “Walang hiya ka! You dare to insult my daughter!” “Honey, enough. ’Wag mong pagurin ang sarili mo, please . . .” “Valine, please. I want to help you.” Pilit na hinihila pabalik ni Valine ang kaniyang kamay dahil ramdam na niyang bumabaon ang kuko ni Farrah sa kaniyang balat. Idagdag pa ang pakiramdam niya na may gumagapang na mga masasamang mikrobyo mula kay Farrah papunta sa kaniya. “I said let go!” malakas na sigaw ni Valine sabay tulak kay Farrah palayo sa kaniya. “Ahhh!” Muling natumba si Farrah at nakabig nito ang flower vase, dahilan upang mabasag iyon sa sahig at nadaganan naman ng palad ni Farrah. “Farrah, anak! Are you okay? Yo-youre bleeding!” “Y-you! You're ungrateful, b***h! Ang lakas ng loob mong saktan ang Anak ko, huh?” “Anak? Dad, Anak mo rin ako! Nag-iisa mong Anak kay Mommy, ang unang babae na pinakasalan mo!” “Isaksak mo ’to sa kukute mo, Valine! Hindi kita anak! Anak ka ng Mommy mo sa ibang lalaki. Pinakasalan ko siya para isalba sa kahihiyan. Para hindi siya mapahiya sa mga taga Winery Town! Para isalba sa kahihiyan ang mga Zamora.” Pakiramdam ni Valine ay biglang tumigil ang ikot ng kaniyang mundo. ‘Kaya pala kahit noon pa, kahit pinakikita mong mahal mo ako, ramdam ko pa rin na kulang iyon. Nang nawala si Mommy, lumala pa ang nararamdaman kong insecurities at inuwi mo pa sina Farrah at Tita Rabiya . . . Just a year matapos namayapa ni Mommy.’ “You should be grateful dahil tinanggap kita nang walang pag-iimbot. Inalagaan ka pa ni Rabiya kahit na pariwara ka hanggang sa ngayon, malapit ka ng makatapos ng pag-aaral! You should be grateful! Napaka-ungrateful mo, tulad ng iyong Ina!” Nagpantig naman ang tainga ni Valine. At that moment, na-realize niya kung gaano ka-slobish ang pamumuhay ng stepmother at ngayon ay step sister niya. Nagsasaya ang mga ito sa yaman ng kaniyang Ina. Tiningnan nang masama ni Valine ang kaniyang Ama. “Tell me, Mr. Samotcha, nag-enjoy ka naman gamit ang yaman ng mga Zamora ’di ba? Gaano na kataas ang naabot mo sa buhay dahil sa yaman ng Ina ko? Mula sa simple mong buhay ay naging CEO ka ng kompanyang pag-aari ng Mommy ko. Grateful? Ikaw! Kayo ng pamilya mo, dapat kayo ang maging grateful sa amin ng Mommy ko!” sigaw ni Valine. Kita niya ang galit sa mukha ni David. Ngunit kalaunan ay ngumiti rin ito. “Ako ang nagpalago sa kompanyang sinasabi mo. Pinaghirapan ko ’yon! As for you, oras na rin para pakinabangan ka. Tulad ng Ina mo, kailangan may managot diyan sa pinagbubuntis mo. Hindi ko hahayaan na ipahiya mo ang pangalan ko! Bukas na bukas din ay ipapakasal kita sa isa sa mga kaibigan ko. Don't worry. Medyo matanda lang naman nang konti sa ninong Creon mo. But it'll be fine. Magiging buhay prinsesa ka pa rin naman dahil mayaman naman siya.” “No! Dad! I already told you, si ninong ang Ama nitong dinadala ko! Tawagan natin si ninong!” Valine was pinned on her bed at itinali ang kaniyang dalawang kamay gamit ang isang tela. Hindi na niya alam kung saan siya hihingi ng tulong dahil wala namang nais na tumulong sa kaniya sa mga taong kaniyang kasama sa silid. “Pedo, isara mo ang pinto ng silid ni Valine. Bantayan mo itong pinto upang ’di siya makalabas. Dok, thank you for coming here. Tatawagan na lang kita ulit ’pag kailangan.” ‘Why do you hate me this much, Dad? Why?’ “Dad! Please, no! ’Wag mo ’tong gawin sa ’kin. Let's call ninong. Ibalik mo sa ’kin ang cellphone ko para matawagan ko si ninong. Dad! Dad!” sigaw ni Valine. Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula kay David. Ang huli niyang nakita ay ang nakangiting mukha ni Farrah. mga ngiti na nagpapakita ng matinding tagumpay bago nagsara ng tuluyan ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD