“Lumabas na ang results ng exams mo. So far ay mabuti ang lagay mo, Miss Lauren. Though, the pain must be bothering you a lot. Sa tuwing hindi ka makatulog sa sakit at hapdi, you can take pain killers,” paalala ng doktora. “Huwag mo ring kalimutang malinisan at malagyan ng ointments at mga gamot ang mga sugat para hindi ito maimpeksyon.”
“Salamat po, Doc,” sambit ko at tiningnan ang results ng mga exam na isinagawa sa akin. Mabuti na lang at wala namang nabaling buto. Mukhang napilay lang.
Sumulyap ako sa pintuan kung saan nakatayo si Seatiel habang nakasandal sa hamba nito at magkakrus ang mga braso. Bumuntonghininga siya sabay tayo ng tuwid.
“I’ll wait outside, doktora.”
Tumango ang doktora sa sinabi ni Seatiel. Tumingin pa siya sa akin bago tuluyang lumabas ng pinto at hinayaan kaming dalawa.
“Do you want to tell me something, Miss Lauren?”
Napalunok ako. Parang may nakadagan sa dibdib ko. Mabigat din ang bawat paghinga at kahit anong pigil ay nanginginig ang mga kamay ko.
Gusto kong magsalita pero may kung ano sa sarili ang pumipigil sa ‘kin. I can’t even find the right words to say. Gusto ko na lamang umiyak sa sobrang frustration na nararamdaman.
Hinawakan ni Doctora Mirea ang kamay ko at tumango, tila ba naiintindihan niya ako.
“Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, Lauren. It takes time to process and heal everything... just tell me when you’re ready...”
Hindi na rin ako nakapagsalita pa kaya tumango na lang ako at umayon sa sinabi nito. Lumabas din ang doktora matapos niyang tapikin ang braso ko at sinabing magiging maayos din ang lahat at mabilis lang gagaling ang mga sugat na natamo ko.
With my physical wounds, yes. Time can heal all of these. Pero ang sugat sa alaala ay magagamot ba ng oras? Ng panahon? Will it ever be forgotten?
I know I was not r*ped, but will it make any difference at all? They ass*ulted me. They h*rassed me! They wanted to k*ll me, at hanggang sa huli ay pinagbabantaan nila akong mahahanap at mahahanap nila ako, na hindi ako makakatakas sa mahabang panahon!
What would I do with my life, then? Habang buhay magtatago at matatakot?
Napakagat ako sa labi nang maramdaman ang mainit na likidong pumatak sa pisngi ko. I want to forget that night so bad... gusto kong kalimutan ang ginawa nila sa ‘kin. I hate that night.
I hate the rain... I hate the moon and the stars! I hate the skies...
Marahang bumukas ang pinto kaya mabilis kong pinawi ang mga luha ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Seatiel na pumasok.
Tahimik siya. Sa halip na lumapit sa pwesto ko ay nanatili siya sa pintuan at doon sumandal. Pinagkrus niya ang mga braso habang matamang nakatingin sa akin at bumuntonghininga.
“Ayos lang ba ang mga sugat mo? Gusto mong inuman na ng pain killer?”
Umiling ako at binalik ang tingin sa lampara. I can’t stop myself from crying. Walang gabing lumipas na hindi ko iniiyakan ang nangyari. I even get bad dreams sometimes. Binabangungot ako sa nangyari at pakiramdam ko ay ayaw ko nang lumabas.
Pakiramdam ko kapag lumabas ako sa daan ay makikita nila ako. They won’t stop hunting me until I’m wrapped in their hands again. They won’t stop... until I am completely destroyed.
“Lauren...” tawag ni Seatiel.
Hindi ako lumingon. Ayaw kong makita niya ang pag-iyak ko. Kung sinabi sa kaniya ng doktora ang tungkol sa exam, siguro ay may ideya siya sa totoong nangyari sa akin, na hindi totoong nanakawan lang ako gaya ng sinabi ko sa kanila.
“Sorry, ang lamig kasi. Nagluluha ang mga mata ko kapag malamig ang panahon...” palusot ko.
Sandaling hindi sumagot si Seatiel kaya nilingon ko siya. Tears remained in my eyes. My lips are trembling. I want to stop my tears but it won’t! Like how those bastards didn’t stop when all I did was to beg them to let me go...
“Can I come... closer to you?” halos pabulong na tanong niya. Mabagal ang kaniyang tanong at napapaos ang boses. Sinalubong ko ang mga mata niya.
Hindi ako sumagot. Lumakad siya palapit at naupo sa tabi ko. Hindi ko naman magawang alisin ang mga mata sa kaniya...
He helped me. Siya ang dahilan kung bakit humihinga pa ako hanggang ngayon, kung bakit buhay ako at hindi tuluyang napahamak.
He... saved me.
“Bakit mo ako iniligtas?” napapaos na tanong ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
Tumingin sa akin si Seatiel. His deep eyes stared into mine. Marahang hinagod ng paningin niya ang kabuuan ng mukha ko bago iyon huminto sa gilid ng aking mga labi. His jaw clenched.
I just know I have a bruise there.
“Bakit sasakyan ko ang hinarang mo?” sa halip ay tanong niya na ikinayuko ko. “You saved your life. Stop giving the credits to other people.”
“Salamat, Seatiel. Habangbuhay kong tatanawin na utang na loob ang ginawa mo. You’re the reason I’m still breathing... you’re the reason why I’m still here... I couldn’t imagine...” Nabasag ang boses ko sa halo-halong pakiramdam. Pumatak ang luha ko. “I couldn’t imagine being caught by my kidnappers.”
Kumuyom ang kaniyang palad sa sinabi ko at umiwas ng tingin.
“They will rot in hell for doing this to you. They’ll pay for it,” mariing sabi niya na tila sigurado siyang mangyayari nga iyon. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at tinungo ang pinto nang hindi ako nililingon. “Matulog ka na. I’ll be downstairs ‘til morning...”
Nakatulog ako kahit papaano. Maaga akong nagising pero wala na sina Nay Issa at ang mga bata. Nasa simbahan daw sa bayan. Saka ko napag-alamang Linggo pala.
Pagbaba ko sa sala ay saktong kalalabas lang ni Seatiel sa banyo. Hindi gaya kahapon na may suot siyang t-shirt, ngayon ay wala. Topless siya at lantad ang katawan, tanging pantalon ang suot habang abala siya sa pagpupunas sa kaniyang basang buhok.
Tumutulo pa ang mga butil ng tubig sa kaniyang katawan. Pagkatapos ay isinukbit niya ang tuwalya sa balikat at kumuha ng tubig sa fridge bago lumagok dito.
Nasa hagdan pa lang ay natigil na agad ako at napatingin sa kaniya. Nakatagilid siya mula sa direksyon ko kaya kitang-kita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya.
Wala akong masabi kundi... holy cow. Halos mahulog ang panga ko sa panonood sa kaniya!
Mukhang napansin niya naman ako sa hagdan dahil lumingon siya at mabilis na nagtama ang paningin namin. Hindi ko agad nabawi ang tingin ko.
“Lauren?”
Tumikhim ako bago tuluyang bumaba sa hagdan. Nang makita niya ako nang maayos ay tiningnan niya ang kabuuan ko. May sumilay na ngiti sa mga labi niya nang makita ang aking ayos.
“Mukhang mabilis ang paggaling ng mga sugat mo. That’s good.”
Ngumiti lang ako at tumango. “Tungkol nga pala sa bayad para sa medical exams at sa check up ng doktora... u-uhm, pwede bang... makiutang muna?” tanong ko. Walang puwang ang hiya sa ngayon. Kailangan ko ‘yong lunukin. Mas nakakahiya naman kung magpapatay-malisya ako tungkol sa lahat ng mga nagastos nila sa ‘kin.
Tumagal ang tingin niya sa ‘kin bago natawa. “I’ll take care of those. Huwag mong isipin ang babayaran.”
“H-Hindi... nakakahiya naman. Ibabalik ko agad. Pati iyong mga nagastos n’yo sa mga gamot at bills. Hmm, kokontakin ko lang ang kaibigan ko at matutulungan niya ako,” saad ko.
Ilang araw na rin ang lumilipas. Kailangan kong balitaan si Louisiana o baka mabaliw na ang isang iyon dahil hindi niya ako makontak.
Seatiel just smiled. Gaya noong nakaraan ay tinulungan niya ulit ako sa pagligo pero siyempre, hindi niya ako hinahawakan. May benda pa rin kasi ang kanang kamay ko hanggang ngayon kaya ang hirap buhatin ng tabo. Hindi naman ako left-handed.
Saktong dumating sina Nay Issa nang tapos na akong maligo. Winawalisan ko ang sala nila kahit paulit-ulit ako dahil bumabalik ang mga kalat at alikabok.
“How the heck does this work...” bulong ko habang sinusubukang walisin ang tapat ng sofa. My goodness, para akong naggo-golf! Paano ba ito?
Tumayo ako nang tuwid at nagpunas ng pawis. Ito pa lang ang ginagawa ko, pinagpapawisan na ako! Pero bakit sina Hera, parang hindi naman napapagod? What’s wrong with this broom?!
Or maybe I’m really just doing it wrong?
Ang hirap pala nito! All this time nagpipinta lang ako habang nililinisan ng maids ang kwarto ko. Siguro dapat ay tulungan ko si Hera sa susunod o mas mabuting ako na lang ang magwalis sa kwarto ko para hindi niya na ‘yon intindihin.
Speaking of, kumusta kaya sila? Are they worrying about me? Or my absence isn’t affecting them at all?
Hindi naman ako gusto ng ibang maids sa mansyon. Maarte raw ako, spoiled, at walang ginagawang matino. Samantalang isang beses lang sa twenty-three years ko ginawang mag-over the bakod para sa isang party. Once! And Papa caught me... tapos rebelde na ako sa paningin nilang lahat.
It’s not even a club party! It was my friend’s birthday! Kung hindi magpaalam, magagalit, at kung magpaalam, hindi naman papayag.
Napatigil ako at napalingon sa mesa nang may humagikgik doon. Sina Bom at Cindy na pinapanood akong magwalis.
“Sabi sa ‘yo, eh, hindi siya marunong...” bulong ni Bom kay Cindy.
I bit my lip. Hindi nga.
“Ate Lauren, gusto mo pong turuan po kitang magwalis?” tanong ni Cindy sabay lapit sa ‘kin. Malawak ang ngiti niya at walang bahid ng panghuhusga. Kinuha niya ang walis at hinayaan ko naman siyang ituro sa akin kung paano ba ‘yon hawakan nang tama.
Madali lang pala! Kailangan lang diinan ang hawak na siyempre hindi ko magawa sa ngayon at para akong lantang gulay, at pagkatapos ay ipapagpag nang kaunti para hindi bumalik ang alikabok o kalat.
Sinubukan kong tumingin sa paligid. Baka naman meron silang vacuum cleaner. Mas madali ang isang ‘yon.
Pagkatapos magwalis ay hinila ako nina Cindy at Bom patungong bintana. Tumungtong sila sa upuan at sinilip ang labas ng bintana. Namilog ang mga mata ng dalawang bata nang makita ang mga nasa labas na bagong dating.
“Wow, mukhang namitas sila ng mangga!”
May mga bagong dating na may dalang mga basket. May mga babaeng nag-aasaran. Natanaw ko sina Seatiel at Marcus na binibiro ng mga babae.
“Tara, humingi tayo!” sabi ni Bom pero umiling lang si Cindy.
“Ayaw ko! Nandiyan si Margaret... kukurutin na naman niyan ang pisngi ko at ibi-baby ako para magpalakas kay Kuya Seatiel! Ikaw na lang, Bom. Bahala ka diyan, ganoon din ang gagawin niya sa ‘yo!”
Umiling-iling pa si Cindy na halos ikanganga ng bibig ko. Wow... kids nowadays are scary.
Dahil tuloy sa sinabi ni Cindy ay napatingin ulit ako sa labas. Natanaw ko ang isang babaeng maputi na tinutulak ng iba pang babae papunta kay Seatiel.
They’re laughing and all. May sinabi ang babae kaya siya tiningnan ni Seatiel. Mukhang nakakatawa dahil ngumingiti siya.
Hindi ko namalayang umalis na sa bintana sina Bom at Cindy na humatak sa ‘kin dito kaya nang lumingon si Seatiel sa direksyon namin ay ako lang ang naabutan niya sa bintana.
Nagtama ang paningin namin habang may sinasabi sa kaniya ang babae at sa gulat ko ay agad akong napaiwas ng tingin at nagpanggap na tumitingin sa shelf na malapit sa bintana!
Nagtuloy ako sa pagwawalis kahit na malinis na ang sahig.