“Ate Lauren, tara na po!” pag-aaya ni Bom habang hawak-hawak ang kamay ko at hinihila ako palabas ng pintuan.
“A-Ah, eh, ikaw na lang kaya, Bom?” alanganing sabi ko dahil gusto niyang sumama ako sa pagpunta sa mga ‘yon. Tinawag din kasi siya nina Marcus at isasama niya ako para daw hindi siya lapitan ni Margaret.
I don’t even know kung sino roon ang Margaret!
Wala naman akong kilala rito!
“Sandali po, Ate Lauren!” tawag ni Cindy sabay abot sa ‘kin para isuot ang isang cardigan.
“Halika na po, Ate Lauren,” atat na sabi ni Bom. Halos magpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko at nakakahilo dahil nasa magkabilang gilid ko pa sila!
“S-Sandali!”
Bom didn’t spare me. Tuluyan niya na akong hinila palabas ng bahay.
“Kuya Seatiel, Kuya Marcus!” pagtatawag niya habang hila ako. Nagsasalita ako pero hindi niya ako hinahayaan! This eight year old boy really!
“Oh, hi, Bom!” bati agad ng isang babae nang makalapit kami sa kanila, iyong maputi. So, probably, that’s Margaret?
Ngumiti lang si Bom at nilapitan ang isa sa mga basket. Namilog ang mga mata niya habang nakatingin sa mga hinog na mangga. Mayroong ilan na hindi hinog sa ibang basket.
Nagkatinginan kami ni Seatiel. Alanganin akong ngumiti. Si Marcus naman ay malawak ang pagkakangiting sinalubong kami.
“Uy, Lauren!”
Nasa akin ang tingin ng tatlong babae, nagtataka at medyo gulat sa presensya ko.
“Oh, may kamag-anak kang umuwi ng La Esperanza, Seatiel?” tanong ng isang babae habang nakatingin sa ‘kin samantalang hindi ko malaman kung paano ko sila babatiin man lang!
“Anong kamag-anak? Alam mo namang wala nang kamag-anak itong si Seatiel, at kung meron man, hindi na aapak dito sa Esperanza,” natatawang sabi ni Marcus doon sa babae.
Tumingin ako kay Seatiel. He scanned my whole body. Naka-dress naman ako at cardigan na ibinigay ni Cindy, so my wounds and bruises are not exposed.
I can’t tell if he’s pissed I went outside or he doesn’t care about it.
“Hi,” sabi ng maputing babae at nilahad ang kamay niya. Bumagsak ang tingin ko roon. “I’m Margaret! Anong pangalan mo?” dagdag niya habang malawak ang ngiti.
Napangiti naman ako at tinanggap ang kamay niya. Kaliwang palad pa ang nilahad ko samantalang kanan ang kaniya, so she had to switch hands. Napatingin siya sa tela sa kanang kamay ko dahil do’n.
“Hi, Margaret. I’m L-Lauren...” pakilala ko at saka bahagyang tinago ang kamay.
“Nice to meet you, Lauren!” She then eyed Seatiel, pagkatapos ay tiningnan ang kabuuan ko. “Wow, ang ganda mo, ha! Kung hindi ka kamag-anak ni Seatiel, sinong kamag-anak mo rito? Si Bom?”
Hindi sumagot si Bom pero nakabusangot ang mukha nito. I heard ampon si Bom at si Cindy ang tunay na anak ni Ate Aly. Sa bayan daw nila ito natagpuan noong batang-bata pa lang.
Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Agad din namang nagsalita ang isa pang babaeng nagpapaypay ng sarili habang nasa tabi ni Margaret kaya wala na akong pagkakataong sumagot.
“Naku naman, Margaret! Baka naman kasi totoo ang balita!” ngisi nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Seatiel. Pagkatapos ay hinarap niya ito. “Totoo bang inuwi mo na rito ang asawa mo? Siya na ba ‘yon?”
Halakhak lang ni Marcus ang kasunod niyon. Lahat sila ay na kay Seatiel ang tingin at pati na rin ako. My eyes widened.
M-May asawa na siya?
“Darling, gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na tinakbuhan si Seatiel ng mapapangasawa niya...” tumatawang sabi ni Marcus.
Tila ba nagliwanag ang mukha ni Margaret sa narinig. She quickly furrowed her brows at napahawak sa kaniyang bibig na tila nagugulat at nalulungkot sa narinig. “Oh, sorry to hear that, Seatiel! Bakit naman daw?”
Hindi siya tinapunan ng tingin ni Seatiel at sa halip ay tumingin sa ‘kin. He furrowed his brows to Bom na nagkikibit-balikat lang habang pumipili at kumukuha ng mga mangga.
“Maayos na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa ‘kin na parang walang narinig sa mga kasama.
I looked at the girls who were eyeing us, bago tumango lang sa tanong niya.
“Seatiel?” ulit ni Margaret bago napanguso.
He looked at them, tapos ay tumango lang kay Marcus. “Mamaya na lang. May gagawin pa ako...”
Tiningnan niya ako bago siya lumampas patungo sa bahay, of course that was the cue for me to follow him! Sumunod na rin sa kaniya si Bom na hinawakan pa muna ang kamay ko.
“Nice to meet you, Margaret... kayo rin...” pahabol na sabi ko bago tuluyang mahatak ni Bom. Siyempre ay ayaw ko namang magmukhang maldita at rude sa kanila. Mukhang sanay na sanay naman sila kay Seatiel.
Ngumiti lang si Margaret at sinundan kami ng tingin papasok ng bahay. Tumawa si Marcus sabay akbay rito at nakangising kinausap ang babae.
“Are you okay now? Hindi na ba masakit ang mga sugat mo?” tanong ni Seatiel.
“Kuya Seatiel, humingi po kami ng mangga, ha!” paalam nina Cindy at Bom at nagtungo sa kusina para hugasan ang mga manggang kinuha.
Pinagsasabihan sila ni Seatiel. He told me to sit. Halos mapangiwi ako. ‘Yong totoo, lumpo ba ako sa paningin ng lalaking ‘to?
“Sit down, Lauren. Titingnan ko ang paa mo,” utos niya.
Hinayaan ko na lang siya at sumunod sa bawat sabihin niya. He commanded me to lift my foot so he could check it properly. Siyempre, sumunod lang ako!
Inalis niya ang benda sa paa ko matapos iyong ipatong sa hita niya. Nakayuko siya sa tapat ko kaya sinusubukan kong huwag maglikot at baka pagtaksilan pa ako ng suot kong dress. Mahirap na. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari doon sa bintana!
“Okay na ang paa ko. Mukhang pwede ko nang tanggalin ang benda. I can walk better now kaysa noong mga nakaraan,” sabi ko habang tinitingnan ang paa ko.
The swelling subsided now. Hindi naman talaga malala. Siguro nabigla lang sa mahabang pagtakbo. Mabuti na nga lang talaga at walang fracture sa buto or else, mas malaki ang gagastusin at mas matagal hilumin.
“You want to take it off?” tanong niya.
Tumango ako at sinulyapan ang mukha niya. He’s seriously concerned with my foot. Hindi naman ‘yon malala. Siguro nga mas malala pa ang palad ko.
“Naglinis ka?” tanong niya matapos ang ilang sandali. Mukhang nahagip ng paningin niya ang feather duster na nasa ibabaw ng mesa. Nag-alis kasi ako ng alikabok doon sa shelves. Tinulungan naman ako nina Bom at Cindy kanina kaya hindi masiyadong mahirap, at saka pag-aalis lang naman ‘yon ng alikabok.
Nakangiti akong tumango. “It’s not that much. Wala kasi akong magawa...”
Bumuntonghininga siya sabay angat ng tingin sa akin. Saglit siyang tumigil kaya napatingin ako sa kaniya.
Galit ba siya? Ayaw niya ba ng nangingialam sa mga gamit nila?
“You don’t need to. Magpahinga ka lang. Just call me when you need something. Huwag mong intindihin ang gawaing bahay. Ako na ang gagawa kung ayaw mong makakita ng kalat,” aniya na para bang pinapagalitan ako.
What? Ano ‘yon? Hihilata lang ako ritong parang prinsesa?
Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Iwinasiwas ko pa ang kamay ko para lang depensahan ang sarili. “Hindi sa gano’n. Hindi naman makalat. I’m fine with anything. It’s just that... madali lang namang magwalis at mag-alis ng alikabok, at gusto ko lang may magawa.”
“Still...” He just heaved a sigh, hindi na dinugtungan pa ang sinabi.
Seriously, hindi pa naman ako sobrang lumpo para manatili sa isang tabi at magbuhay prinsesa sa bahay na hindi ko naman pag-aari.
Hindi na siya nagsalita pa at bumalik sa pagtingin sa paa ko. He slightly pressed his thumb against my ankle pero mabilis pa rin ang paggapang ng sakit niyon dahil kawawala pa lang ng pamamaga.
Napakislot ako sa sakit mula sa ginawa niya. A pained moan escaped my mouth. Niyuko ko ang paa dahil sa sakit ng pagpisil niya rito!
Hindi pa siya nakuntento at inulit pa! Nahawakan ko tuloy ang kamay niya sabay urong paatras sa paa ko! Damn, that hurts!
“A-Ang sakit! Why did you...” mangiyak-ngiyak na asik ko. Dahil sa biglang pag-iwas ay halos bumangga pa ang paa ko sa ilalim ng upuan!
I hugged my knee. Dumukdok ako sa mga tuhod habang mariing nakapikit para lang indahin ang sakit. Bakit niya kasi pinisil? What the hell was that for?!
“T-That freaking hurts! Bakit mo naman pinisil?”
He looked concerned and amused at the same time. He found it funny? Nasaktan ‘yong tao, and he finds it funny?
“Okay, sorry. Hindi ko naman alam na ganiyan kasakit,” aniya at muling pinatong ang paa ko sa kaniyang hita. May pinakuha siya kina Bom na kung ano. Tinitingnan niya ang paa ko at natatakot akong pisilin niya ulit kaya medyo naglikot ako sa kinauupuan.
If he ever dares to press it again, baka masapok ko siyang talaga kahit hindi ko sadyain!
“Huwag kang malikot,” utos niya dahil panay ako bawi sa paa. Natatakot akong masipa siya kaya mas mabuti pang alisin na lang ‘yon! Unless okay lang sa kaniyang masipa. “And will you please close your legs, woman? Damn it,” dagdag niya at inisang tingin ang hita ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sabay hawi sa dress para ayusin.
Nasa ganoong lagay kami nang biglang may kumatok sa pinto. Mukhang sina Nay Issa na. Hindi pa rin kasi sila bumabalik mula sa kabilang bahay. Kanina pa sila roon mula nang dumating sila galing sa bayan dahil nagluluto sila.
Sabi ni Cindy ay birthday ni Margaret. Mukhang malapit talaga silang magkakapitbahay. Siguro matagal na talaga silang magkakasama rito sa Esperanza.
Si Ate Aly nga ang pumasok, nagpupunas siya ng mga kamay. “Seatiel, hijo, nakalimutan namin ang ibang rekados, pati cheese at saka baka kulangin ang manok! Iyon na ang sunod naming lulutuin mamaya. Pwede ka bang magpunta sa bayan? At saka daanan mo na rin si Mang Roel.” Tumango lang si Seatiel nang hindi nagrereklamo. Napatingin naman sa akin si Ate Aly. “Ayos na ba ang paa mo, Lauren?”
Tumango ako at saka tumayo na. Medyo okay na talaga ito. Hindi na rin gaanong namumula at binendahan naman na.
“Baka abutan ka ng hapon. Mukhang uulan pa naman mamaya,” paalala ni Ate Aly. “Ikaw, Lauren? Dito ka lang ba? Gusto mong sumama?”
“Po?” tanong ko agad. Na-excite ako bigla. Sasama ako papunta sa bayan?
Ngumiti si Ate Aly. “Oo. Magiging mabuting magkaibigan kayo ni Margaret! Marunong ka bang magluto?”
Medyo naglaho ang tuwa ko sa dinugtong ni Ate Aly. Pilit akong ngumiti.
Nahihiya akong sumama roon sa ginagawa nila. At isa pa, wala akong kaalam-alam sa pagluluto... magiging sagabal ako sa kusina.
Nakakatakot makisalamuha dahil baka magtanong sila nang magtanong at hindi ko mapagtagpi-tagpi lahat ng kasinungalingang nasabi ko sa pamilyang ‘to.
“Lauren,” tawag bigla ni Seatiel kaya napalingon ako sa kaniya pati si Ate Aly. Nagpapalit na siya ng t-shirt. Pinilit kong huwag bumaba ang tingin ko sa katawan niya. “Gusto mong sumama? Sa bayan...”
Parang lumukso ang dugo ko sa tuwa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong lumabas ngayon. Lagpas isang linggo na rin ako rito sa loob ng bahay nila.
“Eh...” takang sabi ni Ate Aly. “Kaya mo na bang maglakad, Lauren?”
Tumango lang ako. “Ayos na po ang paa ko.”
“Oh, siya, magdala kayo ng payong, ha! Aabutan kayo ng hapon at baka talagang umulan!”
Pagdating sa bayan, kailangan kong gamitin ang pagkakataong ‘yon para makatawag kay Louisiana. Kung paano ako pupuslit mula sa paningin ni Seatiel, mamaya ko na iisipin.
Maybe after talking to Louise, pwede na akong umalis sa lugar na ‘to.