Kabanata 9

3046 Words
“Hindi na! K-Kaya ko! Kaya kong maligo mag-isa...” saad ko at binawi ang tabong kinuha niya mula sa kamay ko. “Tutulungan lang kitang magbuhos. Hindi kita hahawakan kung ‘yan ang iniisip mo.” Nagtangis ang panga niya at seryoso ang boses nang sabihin ‘yon. Natahimik ako at hindi na umangal. Sinuot ko na lang ulit ang dress na suot ko kanina bago naupo sa maliit at mababang upuan. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Seatiel bago sumalok sa tubig na nasa balde. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kaniya. Did I offend him? Hindi ko naman inisip na hahawakan niya ako. Naisip kong baka naaabala ko siya na kahit sa pagligo ay kailangan ko pa ng tulong. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbuhos ng tubig, tinatanong kung masiyado bang malamig ‘yon para sa ‘kin. “Kung gusto mo ay magpapakulo muna ako ng mainit na tubig.” “Hindi na... ayos na ito,” tanggi ko agad. “You sure?” paninigurado niya. Tumango ako. Hindi naman na siya nagsalita at muli akong tinulungan sa pagbubuhos ng tubig. Sakto lang ang lamig nito at nakaramdam ako ng ginhawa sa katawan. Pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit na rin ako dahil sa mga halamang gamot at ointments na pinahid sa mga sugat ko. Dumaloy ang tubig sa katawan ko. Binasa niya rin ang buhok ko kaya medyo napasinghap ako sa lamig. That feels so good! Inabot ko ang sabon at maingat na nilinis ang braso ko. Nang tuluyang mabasa ang buong katawan ay halos mapalunok ako at mapapikit sa hapdi ng mga sugat. Memories from that night suddenly flashed. Mabilis akong napadilat para alisin ang mga imahe at napahinga nang malalim. Tumigil si Seatiel at yumuko nang bahagya sa gilid ko. “Hey, ayos ka lang?” Napabalik ako sa sarili at tumango. Hindi ko iyon pinansin at sa halip ay inangat ang mahaba kong buhok pero hindi ko ito mahawi nang maayos dahil sa sugat sa palad ko. Impit akong napadaing. Medyo napapitlag ako nang maramdaman ang kamay ni Seatiel nang hawiin niya ang buhok ko at siya na ang nag-angat nito. His palm feathery touched my nape. Hindi ‘yon nagtagal at halos hindi ramdam pero natuod pa rin ako sa kinauupuan ko. Seatiel’s dark eyes met mine. Sobrang lapit niya sa ‘kin na naaamoy ko ang bango niya. He’s basically breathing inches away from me! “Sorry,” marahang sabi niya, siguro dahil hinawakan niya ang buhok ko. “Am I making you uncomfortable?” Napakurap ako at mabilis na umiling. I didn’t mean to offend him! “Hindi. Ayos lang...” Parehas kaming hindi kumibo hanggang sa sumalok siya ng tubig at marahang binuhusan ang likod ko. Hindi ko alam kung bakit titig na titig siya sa mukha ko... seryoso ang mga mata niya at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious kung anong nasa isipan niya. Matapos magbanlaw ay hinayaan niya na ako sa loob ng banyo para magbihis. Hirap pa rin akong gumalaw lalo na nang mabasa ang mga sugat ko pero sinikap kong kunin ang damit at suotin. Tinuyo ko ang katawan ko bago nagbihis. Iyon nga lang ay pati sa pagsusuot ng bra ay pahirapan dahil hindi ko ma-stretch ang katawan ko para maabot ang hook. Nang matapos ay napatitig ako sa sariling repleksyon sa salamin ng banyo. I feel fresh. Naging maaliwalas na rin ang mukha ko. The spaghetti straps exposed my shoulders, my wounds and bruises. Ang tanging walang sugat sa ‘kin ay ang mukha, pero sa gilid ng labi ay mayroong pawala nang pasa. Maybe I got it when that a*shole man slapped me. Ayoko munang isipin ang nangyari. For my own good. Ang tanging gusto ko lang talaga ngayon ay ang gumaling mula sa mga sugat na ito. Tinuyo ko nang kaunti ang buhok ko at sinuklay. Kahit na basa ay nanatili pa rin ang natural na kulot nito. Pagkatapos ay lumabas ako sa banyo at agad hinanap ng mga mata si Seatiel. I saw him sitting on the chair. Malalim at seryoso ang tingin niya sa table habang umiinom sa kaniyang kape at nakapatong sa mesa ang kaniyang kamay habang naglalaro ang mga daliri dito. Humigop siya sa tasa at saka napatingin sa direksyon ko nang mapansin akong lumabas ng banyo. Nagulat ako nang masamid siya sa iniinom. Inilapag niya ang baso at napapunas sa bibig habang nakatingin sa ‘kin. I forced myself to smile kahit parang biglang binalot ng lamig ang katawan ko. P-Pangit ba? Ganoon ba talaga kasagwa ang lantad na mga sugat at pasa ko? “P-Papatungan ko na lang siguro ng jacket...” bagsak ang mga balikat na sabi ko. Napahawak ako sa magkabilang siko. The corners of my eyes started to heat which I find ridiculous! “It’s fine... no need to do that.” Tumayo siya. “Dito ka lang. Maliligo lang ako.” Naiwan akong mag-isa sa sala nang pumasok siya sa banyo. Hindi ko mapigilang manghina. I don’t know if I can ever accept all the traces that these wounds will leave me. Kung hindi gagaling ang mga tanda at marka nito, paulit-ulit ‘yong magpapaalala sa ‘kin sa gabing ‘yon. Hindi ko magalaw ang mga prutas na nasa mesa. Siya pa yata ang kumuha ng mga ‘yon kanina bago siya dumating dito. Binuksan ko na lang ang bintanang yari sa kahoy at inangat. Mababa lang iyon at agad kong natanaw ang labas. This is my first time seeing this place closely since yesterday. Maganda pala sa labas at mula sa ‘di kalayuan ay may mga kabahayan. Isang baryo ito at hindi ganoon kalayo ang mga bahay. Buhay sa bukid. Sa isang banda ay may mga nakabilad na tuyo at kung anu-ano pa. Namangha ako at kahit papaano ay nawala ang tumatakbo sa isipan ko. Nakita ko ang ilang mga batang naglalaro sa ilalim ng isang puno kung saan merong duyan. Kumuha ako ng apple at tumayo sa bintana para pagmasdan ang labas. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang pakiramdam ng umaga sa probinsiya. Sa Maynila kasi, kapag sumilip ka sa bintana, malalanghap mo lang ang usok ng mga sasakyan at factories. “Ang init!” biglang sabi ng isang boses mula sa pintuan ng bahay. Napalingon ako roon. Si Tamsiah. Nagulat siya nang makita ako. She looked at me from head to toe, mukhang napansing bago ang suot at ayos ko. “T-Tamsiah...” Ngumiti ako at lumapit para sana tulungan siya sa kaniyang bitbit. “N-Nasaan si Seatiel?” bungad niya at hinayaan akong buhatin ang isang plastik. Hindi ko pa siya nasasagot, lumabas na si Seatiel mula sa banyo. Nakasuot na ito ng itim na t-shirt at basa ang buhok, ang tuwalya ay nasa balikat. Hindi ko namalayang natulala ako saglit sa lalaki. Iniwas ko ang tingin ko at inilapag ang mga plastik sa mesa. Lumapit agad sa kaniya si Tamsiah at malawak na ngumiti. “Bakit ka umuwi?” tanong ni Seatiel. “Maagang natapos ang klase namin at wala ang huli naming professor. Naisipan kong umuwi rito pagkagaling sa book shop.” “Hindi mo tinakasan ang huling klase mo? Tamsiah...” kunot-noong sabi ni Seatiel sabay tingin sa mga dala nito. “Hindi, ‘no. I love attending my classes, Sir,” tumatawang sagot ng babae sabay tingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi niya iyon sinuklian. “Ay, nga pala!” May kinuha siya sa kaniyang backpack at malaki ang ngiting pinakita iyon kay Seatiel, isang makapal na libro. “Tada!” Seatiel chuckled. Pinunasan niya ang kaniyang basang buhok habang natatawa. Namilog ang mga mata ko sa librong hawak ni Tamsiah. Paborito kong libro! It’s a classic book. Marami akong paintings na galing sa librong iyon ang mga ideya. Nakaramdam ako ng excitement sa pagkakapareha namin. Umupo si Tamsiah at kumuha ng mansanas. She played tricks with it using her hand. Hinagis niya ‘yon at sinalo bago kumagat dito habang nakasandal ang likod sa upuan at dumekwatro. Bumuntonghininga siya at saka ako muling nilingon. “Naligo ka, Lauren?” pagtatanong niya sa isang masiglang boses na mabilis ko tinanguan. “Oo. Pinahiram sa ‘kin ni Seatiel itong dress...” Sana lang ‘di niya pag-aari ang bestidang ito dahil baka sumama pa ang loob niya sa ‘kin na suot-suot ko ito ngayon. “Buti kaya mong maligo? Mukhang malala ang sugat mo sa kanang palad...” Hindi ko alam ang isasagot ko. Napasulyap ako kay Seatiel. “Tinulungan ko siyang maligo,” kaswal na sagot niya dahilan para mabagal na maibaba ni Tamsiah ang hawak na mansanas. Matagal ang tingin niya kay Seatiel. Ilang sandali pa muna bago siya pilit na ngumiti at tumingin sa ‘kin. “Kung ganoon ay maayos na siguro ang pakiramdam mo kahit papaano.” Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Mula sa labas ay may lalaking tumawag kay Seatiel at sumilip sa pintuan. “Hoy, Seatiel! Pinapatawag ka ni Captain bukas,” nakangising sabi ng lalaki. “May babae na namang pumunta sa port kanina at naghahanap sa ‘yo. Nabuntis mo raw at ikaw ang ama ng dinadala!” ngising-ngisi na dagdag nito sabay halakhak. Napaawang ang mga labi ko sa narinig at tiningnan si Seatiel. Hindi siya mukhang gulat o takot sa narinig. Napangisi pa ito nang bahagya habang may bakas ng amusement ang mga mata at naiiling. He just shook his head like it’s some kind of entertainment! “Ilang babae na ang pumupunta sa port kakahanap sa ‘yo. Himalang lahat sila ay buntis at ikaw ang ama. ‘Yong totoo? Ganoon ba karami ang minilagro mo sa barko?” Sumimangot si Tamsiah at tila naintriga. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. “Anong sinasabi mo, Marcus? Ang tagal nang bumaba ng barko ni Seatiel...” “Isang buwan pa lang, sweetheart,” ngisi ni Marcus kay Tamsiah na ikinasama ng mukha nito sabay titig kay Seatiel na tumawa lang. Nahagip ako ng paningin ng lalaki at mabilis na nag-second look. Nagulat siya sa presensya ko at nilingon sina Seatiel at Tamsiah na marahas na kinagat ang apple. “Oh, may bisita kayo?” Tumingin sa akin si Seatiel. Hindi ko pa rin maialis ang mga mata ko sa kaniya. May asawa na ba siya? O si Tamsiah... are they in a relationship? “Pang-apat na araw niya na rito,” saad ni Seatiel. Pumasok ang lalaki at kita ko ang pagtataka rito nang mamataan ang mga pasa at sugat sa braso at balikat ko. Nauwi kaming apat sa pag-uusap. Kaibigan ni Seatiel ang lalaki at taga-rito din daw. May itsura din ito gaya ni Seatiel at maganda ang pangangatawan. Mukha nga lang babaero ang isang ito. Well, kahit naman iyong si Seatiel. Imposibleng walang mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya... His looks alone could make girls drool. “Marami na talagang masasamang loob ngayon. Sayang naman ang mga gamit mong nawala. Paano ‘yon? Saan ka ba nanakawan?” tanong ng lalaking Marcus ang pangalan. Napaisip ako at binalikan ang lugar kung saan nga ba huminto ang kotse ko nang gabing ‘yon. “I think I stopped somewhere in Hernandez.” Napakamot sa ulo si Marcus. “Ang layo pala...” Sa halip na malungkot, nakaramdam ako ng ginhawa sa tuwing naririnig ko sa kanilang ang layo ng pinanggalingan ko dahil ‘yon naman talaga ang gusto ko, ang lumayo, ‘yong malayong-malayo sa maaabot nila, nina Mommy at Papa, nina Lucas, ng mapanuring mga tao sa social media. Sana’y malayo rin ako sa mga taong gumawa sa akin nito. Sana hindi nila ako mahanap. Sana ay tigilan na nila ako. “Pero huwag kang mag-alala. Titingnan ko kung may magagawa ako. Baka kahit iyong kotse mo lang ang naiwan. Kung apat na araw na ang lumilipas, malamang ay nakuha na iyon ng police department o ng patrol. Susubukan ko silang kontakin.” “Salamat, Marcus.” Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob. Sigurado akong hindi kinuha ng mga lalaking iyon ang kotse ko, maliban na lang siguro kung may mga kasama pa silang inutusan nilang pati iyon ay kunin. “Mayaman ka siguro... mayroon kang kotse, eh,” biglang sabi ni Tamsiah. Nakatingin silang tatlo sa ‘kin habang si Marcus ay tumango. “Mukha naman siyang anak-mayaman. Walang duda. Kaya nga siya nanakawan,” naiiling na sabi nito sa huling sinabi. “Hindi naman... luma na ang kotseng ‘yon. Noong college.” “Ano ang kurso mo sa Maynila? At saka ilang taon ka na ba?” “Business student ako. Business Administration. Kaka-graduate ko lang last year.” “Wow!” manghang sabi ni Marcus. “Saan ka nag-aral? Magaganda ang mga university sa Maynila. Pangarap ko ‘yong big four universities diyan dati, eh!” Ngumiti lang ako. Siyempre, bakit ko sasabihin sa kanila? “Hmm, hindi kilala ang pinag-aralan kong unibersidad,” tanging sagot ko at bago pa sila magtanong ay inunahan ko na sila. “Kayo ba? Anong course ang kinuha n’yo?” Ngumuso si Marcus sabay kagat sa apple. Lumitaw ang kaniyang dimples na bumagay sa maamo niyang mukha. Unlike Seatiel, this guy’s face is more friendly. Mas intimidating si Seatiel. He looks a bit rough, and hard to deal. “Marine Engineering ako. Si Tamsiah, ayan nasa kolehiyo pa. Ano ulit kurso mo, sweetheart ko?” Tamsiah rolled her eyes. “Pwede ba, Marcus? Tigilan mo ang pagtawag sa ‘kin ng nakakainis na endearment na ‘yan at baka mabigwasan kita!” Tumingin ako kay Seatiel at nagulat nang makitang nakatingin siya sa ‘kin. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya bago uminom sa orange juice. Parehas lang kaming nakikinig sa pagtatalo nina Tamsiah at Marcus. “Iyang si Seatiel, oh, ‘di ba sa Maynila ka nag-aral? Ano ulit ang kurso mo?” tanong ni Marcus. Namangha ako. He graduated in Manila? “Ah, naalala ko na! Dalawang beses palang nag-aral itong kumpare ko. Sa Maynila, business course rin. Tapos nag-aral ulit ng Engineering.” “Engineering?” tanong ko. “Marine.” Si Marcus ang taga-sagot, while Seatiel remained quiet. Hindi ko naman mapigilang mamangha. Napatingin ako kay Seatiel. Kung ganoon, nagtrabaho pala siya sa barko? Bakit kaya siya bumaba? Did he completely stop? Ang sabi ni Marcus, they’re three years older than me. Ibig sabihin, 26 na sila while I’m 23. Si Tamsiah ay kaedad ko pero nasa pangalawang taon pa lang daw ng kolehiyo sa kursong Nursing. Iba na ang pinag-uusapan namin pero mukhang malayo pa rin ang isip ni Tamsiah. Hindi siya mapakali at hinarap si Seatiel. “So, ano nga? Ano iyong sinasabi ni Marcus na babaeng naghahanap sa ‘yo sa port?” Ngumiwi si Marcus sabay tawa nang malakas. “Tatay ka na, Seatiel. Congratulations!” Umiling si Seatiel. “Gago. Baka maniwala sa ‘yo si Lauren...” Nagulat ako sa pagbanggit niya sa ‘kin. Nakitawa na lang ako. “Eh, ‘di hindi totoo?” tanong ni Tamsiah. “Ang pangit ng mga dinadala mong balita rito, Marcus. Umuwi ka na nga at asikasuhin ang mga kabayo sa rancho! Hihiramin ko ang isa sa weekend.” “Sure, sweetheart!” ngisi ni Marcus sabay tayo. Tinapik niya ang balikat ni Seatiel. “Mangingisda dapat kami ngayon pero kung gusto mong ayusin ko na lang ang rancho, bakit naman hindi?” Asiwang-asiwa si Tamsiah habang mapang-asar siyang kinakausap ng lalaki. “Mangingisda kami mamaya, Lauren. Sama ka?” tanong ni Marcus nang nasa pintuan na kami. Natuwa naman ako at tatango pa lang sana ay mabilis na siyang binatukan ni Tamsiah. “Kita mong nagpapagaling pa siya, isasama mo sa bangka?” Imbes mainis ay mas ngumisi pa ang lalaki. Nakataas ang kilay ni Tamsiah. Hindi ko maitatangging maganda ito. Bagay na bagay sa kaniya ang morena skin. Makinis din ang balat niya at maganda ang mahaba at itim na buhok. “Sabihin mo lang kung nagseselos kang may ibang babae akong magiging kaibigan, Tamsiah, magagawan ko naman ‘yan ng paraan, eh.” “Nagdedelusyon ka na naman! Sana lamunin ng alon ang bangka mo!” Ngumiwi si Marcus at muli akong nilingon. “So, ano, Lauren? Gusto mong sumama sa dagat? Malapit lang iyon!” “Si—” For the second time, hindi na naman natuloy ang pag-oo ko! This time, si Seatiel ang nagsalita. “Hindi pwede, Marcus.” Napangiwi ang lalaki sa sinabi niya at napapalatak. “Dito lang siya. Kailangan niyang magpahinga. Sa susunod na lang.” “Eh, ikaw? Hindi ka ba sasama mamaya?” Nilingon ko si Seatiel dahil sa tanong ni Marcus. He glanced at me once, bago iyon binalik sa kausap at umiling. “Aba, bakit? Maghihintay roon si Margaret—” “I’m staying here,” sagot ni Seatiel. Wala nang nagawa si Marcus at tumango-tango na lang. “Sige na nga. Paano ba ‘yan? Bukas na lang, Lauren... kapag okay na ang pakiramdam mo,” paalam nito sabay tango sa ‘kin. Ngumiti naman ako at nagpaalam din. Of course, it’s the sea! Sino ang tatanggi sa dagat? Sabay na silang umalis ni Tamsiah at naiwan kaming dalawa ni Seatiel. “Baka kailangan mong umalis. I’m fine being alone kung iyon ang inaalala mo,” saad ko at hinarap siya. “Ayos lang sa ‘yong mag-isa?” kunot-noong tanong niya. Tumango ako. Hindi naman ako bata, ‘no! At ayokong maging dahilan kung bakit hindi niya magawa ang mga kailangan niyang gawin dahil lang nandito ako sa kanila. Sa halip na matuwa sa sinabi ko ay napangisi pa si Seatiel at patalikod na humakbang papasok sa pintuan ng bahay. “But I’m not fine with you being alone...” he playfully said. Natulala ako sa kaniyang sinabi. He just shrugged his shoulders habang ang ngisi ay hindi mabura-bura. “Paano ba ‘yan? You’re stuck with me, Miss Lauren...” Pumasok na siya sa bahay at bago sumunod ay luminga pa ako sa paligid, only to find their neighbors eyeing us. Naiisip ko na agad kung ano ang pinagbubulungan ng mga babae mula sa kinaroroonan nila habang nagsasampay. Agad akong sumunod kay Seatiel sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD