Kabanata 17

2214 Words
Sikat ng araw mula sa bintana at pang-umagang lamig ang gumising sa ‘kin. Umihip ang hangin kaya napagalaw ako sa higaan. Matagal akong nakapikit hanggang sa isa-isang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kahapon at kagabi. Dahan-dahan akong napamulat ng mga mata at napatitig sa kisame. Namula ang mukha ko sa naalala at napalunok. Mabilis kong nilibot ng tingin ang buong silid. Walang tao. Ako na lang mag-isa ang natutulog. Mula sa bintana, tantiya ko ay kakasikat pa lang ng araw pero makulimlim pa rin ang langit. Bumangon ako at bahagyang sinilip ang bintana pero wala akong makita. Wala talagang tao. Malawak na field pa rin ang nasa labas at ang mga puno sa likod nitong bahay na diretso na sa kagubatan. Basa pa ang mga damo, mukhang kakatigil lang din yata ng ulan. “Panaginip ba iyon?” tulalang tanong ko habang binabalikan ang nangyari. Tumayo ako mula sa higaan at sumilip sa pader kung saan nagtatago itong kwarto. Bungad na roon ang pinto at bintana kung saan ko sinilip si Seatiel noong nakita ko siyang natutulog sa duyan sa ilalim ng puno. Tinanaw ko ang bintana at nakitang naroon nga si Seatiel sa labas pero ngayon ay wala siya sa duyan. Hinahaplos niya ang kabayong nakatali na ulit ngayon sa puno. Tinabi niya kasi si Cruise kagabi sa may silong sa gilid ng bahay. Siguro binalik niya na kasi paalis na kami. Wala siyang suot pang-itaas at tanging pantalon lang. Naninigarilyo. Basa ang buhok niya. He looks illegally charismatic with his chain necklace, upper body naked. Inangat niya ang kamay kung saan niya pinaglalaruan ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri. Binalik niya ‘yon patungo sa mga labi. Pagtapos ay bumuga siya ng usok. Napatingin ako roon at hindi ko alam na posibleng maging attractive sa paningin ko ang pagbuga ng sigarilyo. I hate cigarettes, but now... Gumawa ng mahinang tunog ang kabayo. Hinahaplos pa rin ito ni Seatiel. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa mga kamay niyang humahaplos dito. His hands are veiny. Naitikom ko ang bibig at napapilig sa ulo. Gusto kong iuntog ang sarili sa mga naglalaro sa isip. “Gising ka na pala,” biglang sabi niya. Napabalik ang tingin ko sa kaniyang mukha. Nakatingin na siya sa ‘kin na mukhang nahuli ako sa ginagawang pagmamasid. “Tara na?” tanong niyang tinapon ang sigarilyo sa lupa at inapakan para mawalan ng apoy. Tumango na lang ako. Hindi na rin kami nagtagal at umalis na. Nakabalik agad kami at nakasalubong pa ang ilang kapitbahay nilang nakikiusyoso kung saan daw kami galing at kung bakit inumaga. Walang sinagot si Seatiel. Sa halip ay tungkol sa palayan ang binanggit niya. Saglit lang ‘yon at pumasok na kami sa loob ng bahay. Kagigising lang nina Nay Issa at Ate Aly. Ang dalawang bata ay papasok pa lang. Maaga pa kasi at kahit nga may araw, malamig ang paligid. Hindi raw tuloy matuyo-tuyo ang kanilang mga sinampay. “Oh, saan kayo tumuloy?” tanong ni Nay Issa pagpasok namin sa bahay. Ngumiti ako at nagmano sa kaniya. Kinumusta niya ang kamay kong may benda pa rin na hindi na nagawang mapalitan kagabi. “Sa bahay na bato raw, Nay. Hindi ko nasabi sa ‘yo kagabi kasi tulog ka na,” sagot ni Ate Aly sabay lapag ng mug ng mainit na kape. Ang natirang mainit na tubig ay ibubuhos niya sa timba para maging maligamgam ang tubig panligo ni Bom. Tapos nang maligo si Cindy at tinulungan ko siyang magsuot ng uniform. Napatingin ako kay Seatiel nang tawagin siya ni Nay Issa. Nakatingin siya sa akin habang tinutulungan ko si Cindy sa school uniform nito. Nang magtama ang paningin namin ay umiwas din siya agad. “Naku, Seatiel, pinatulog mo siya roon? Baka nilamig ‘yan doon! Ayos ka lang ba, Lauren? Hindi ka ba nalamigan?” nag-aalalang tanong ni Nay Issa habang sinisipat ang kabuuan ko. Medyo kinabahan tuloy ako kung may bakas ng nangyari kagabi. Ngumiti ako at sasagot pa lang sana ako ay bigla nang nagsalita si Seatiel. “Hindi mo sigurado, La,” aniya. Seryoso ang boses niya pero may tinatagong ngisi. Napaiwas ako ng tingin. “Babalik ako mamayang hapon,” sunod na sabi niya at saglit lang na nagmano kay Nay Issa at nagpaalam kay Ate Aly. “Bye, Kuya Seatiel!” paalam ng dalawang bata. “Dala mo ang kabayo? Oh, siya, mag-ingat ka. Maulan, baka mapaano ka sa pagdaan sa ilog,” sabi ni Nay Issa. Tango lang ang sinagot niya. Saan kaya siya pupunta? Bakit dadaan sa ilog? Hindi na ako nagsalita at muli na lang tinulungan si Cindy. Pagkatapos ay nagpaalam muna ako sa kanilang aakyat sa taas. Pinadala ni Ate Aly ang kape at sinabing magpahinga ako. Inabot niya rin sa akin ang isang telepono na nabanggit ko noon pang nakaraang araw dahil makikihiram ako. “Dapat kasi hindi ka na isinama ni Seatiel. Tingnan mo, pinagod ka pa!” iiling-iling na sabi nito. “Bom! Dalian mo diyan! Late na kayo! ‘Yong assignment mo, ha, hindi mo ginawa!” “Pwede pa siguro iyon bukas, Nay. Hindi kasi umuwi si Kuya Seatiel kagabi. Walang tumulong sa Math!” Pumanhik na ako sa taas dala ang kape. Maingay sila sa baba kapag umaga dahil dalawang bata ang pumapasok sa elementarya. Nakakatuwa. Buhay na buhay itong bahay nila. Hindi ako maka-relate dahil only child ako at walang kasamang lumaki. I literally grew up with maids. Tipong hindi ko kailangang gumalaw dahil may nagpapaligo sa akin at may nagtatali ng buhok habang nagbe-breakfast, at saka ihahatid ni Kuya Nolan gamit ang van. Sinara ko ang pinto at napahawak sa ulo. Nagpabalik-balik ako ng lakad. “This is wrong... b-bakit namin ginawa ‘yon?” frustrated na tanong ko. Kinuha ko ang unan at mahigpit na niyakap. Sinubsob ko ang mukha habang kinukulong ang sigaw. Paano kung totoo ang sinasabi ni Marcus? May mapapangasawa na si Seatiel? Then, if he’s really getting married, he has a fiancee and... this is cheating? Nag-cheat kami? He... cheated with me?! Nakaramdam ako ng takot. Will this become a big scandal? Nasira ko na ang imahe ko sa Manila simula noong pinahiya ko si Lucas. Ni hindi pa ako tinitigilan ng lalaking iyon. At ngayong nasa La Esperanza ako, masisira na naman ang imahe ko. Saan na naman ako pupunta? Wala na akong matatakbuhan! Kinuha ko ang teleponong pinahiram ni Ate Aly. Marunong akong gumamit nitong landline. Ganito kasi ang gamit ko pantawag kay Louise kapag kinukuha lahat ng gadgets ko sa tuwing grounded ako. Karamihan ba sa kanila rito ay walang mobile phone? Siguro hindi sila mahilig sa social media kaya telepono lang ay okay na. Mabuti na lang talaga at kabisado ko ang number ni Louisiana. Siya lang naman ang lagi kong katawagan at lagi naming kinakailangan ang tulong ng isa’t isa. Ilang sandali lang at sinagot niya ito agad. “Hello?” bagong gising na tanong ni Louise. “Who is this?” “Louise,” bagsak ang mga balikat na tawag ko at binagsak ang sarili sa kama habang yakap ang telepono. Nawala na ang pag-aalala ko tungkol sa mga nangyari. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala. Kailangan ko nang may makakausap, or else... mababaliw ako! “Sino ‘to? Hello? Hello?” Tila medyo nagising ang diwa nito. “This is Isla, Louisiana.” “Anong... anak ng pitong puta! Ay, tupa!” Nahulog ang telepono sa kabilang linya. Nailayo ko tuloy ang akin sa tenga. Ilang magulong ingay pa iyon bago muling luminaw ang boses niya. “I-Isla... i-ikaw nga ba ‘yan?” gulat na tanong niya. “Ako nga, Louise...” “Y-You witch! Bakit ngayon mo lang naisipang tumawag?! Have you gone crazy?!” Sunod-sunod ang sigaw niya na palagay ko ay um-echo sa buong bahay nila. Malalim akong bumuntonghininga. “May kailangan akong sabihin sa ‘yo.” “Oo, marami talaga! Alam mo bang kulang na lang ay lagyan ka ng burol sa St. Peter for formality! Iniisip ng lahat na patay ka na! Oh, my goodness, Isla Laurena! What have you done to yourself?!” Napangiwi ako sa sunod-sunod niyang sigaw. Galit na galit siya pero bakas doon ang relief na sa wakas ay nakausap niya na rin ako. “Nasaan ka ba, ha? Siguro naman ay wala ka sa Santander? Going there now is a bad idea!” sabi niya nang banggitin ko iyon. Malalim akong huminga. “Wala ako sa Santander...” “Mabuti... at mabuti ulit dahil tumawag ka! Kailangan kong sabihin sa iyo ito. Hindi ka makakatuloy sa Santander... dahil namatay four days ago ang sinasabi ko sa ‘yong kakilala ko... wala nang tao sa bahay na ‘yon. Inaasikaso na ng kapatid nito at pagkatapos ay ipagbebenta ang bahay... I’m sorry.” Para akong nanlamig sa narinig. N-Namatay? Four days ago? “A-Anong ikinamatay?” “Aksidente... natagpuan na lang itong walang buhay sa banyo at nagdurugo ang ulo. Ang sabi, posibleng nadulas sa bathtub at tumama ang maselang bahagi ng ulo. Hindi naagapan kasi mag-isa lang iyon sa bahay kaya hindi naisugod sa hospital...” Napatakip ako sa bibig. Hindi ko alam kung bakit kakaibang kaba ang naramdaman ko sa sinabi niya. “What a weird coincidence, don’t you think? Sana ligtas ka riyan kung nasaan ka man. May nag-aalaga ba sa ‘yo? Mag-isa ka lang ba diyan palagi?” nag-aalalang sabi ni Louise, ngunit ang isip ko ay tila lutang pa sa sinabi niya kanina. Malalim akong huminga at bumangon sa kama. Yakap ko pa rin ang telepono. Binuksan ko ang bintana para makasagap ng hangin. Parang mawawalan ako ng hininga sa binalita niya. “Hindi agad ako makakabalik sa Manila...” sambit ko. “Anong ibig mong sabihin? Mananatili ka riyan? Mas lalong magagalit sa ‘yo ang Tita Ruella at Tito Frank, Isla... hanggang ngayon, hindi sila tumitigil sa paghahanap sa ‘yo.” Nilapag ko ang telepono sa bintana at hawak ‘yon sa isang kamay. Inipit ko ang handset sa tenga para marinig pa rin ang sinasabi ni Louise at sinuklay ang mahabang buhok palikod ngunit may tumakas pa ring mga hibla at bumalik sa gilid ng mukha ko. Bumuntonghininga ako at pumikit. “I’ll be fine here. Hindi ko pa kaya ngayon...” Napalunok ako sa mga idinahilan. “Who knows kung sino ang nag-aabang sa akin na lumabas sa pinagtataguan kong ito? Who knows what he’s going to do with me once he finds me? Isang maling galaw at baka hindi na tayo magkita pa ulit kahit kailan. Natatakot ako, Louise,” pagtatapat ko sa kaibigan. “Tapatin mo nga ako. Iyan lang ba talaga ang dahilan o may iba pa?” Bumuntonghininga ako. “Maganda ang probinsiyang ‘to. I... w-well like the people here! Very caring.” I bit my lip. May nahulog na papel mula sa kung saan. Nahulog ‘yon sa paanan ko kaya agad kong kinuha. May narinig akong sipol mula sa baba ng bintana. Nilipat ko roon ang tingin habang nagsasalita si Louise mula sa kabilang linya. “Talaga ba, Isla? Buhay probinsya? Alam kong mahilig ka sa mga bundok at sa bukid, pero hindi ka marunong tumira diyan! Anong alam mo sa taniman, palayan, at mga pagkaing pangbukid, huh! Paano ka mabubuhay diyan? Madikitan ka pa lang ng putik, naghuhugas ka na! Hindi ka nga dumadaan sa putikan dahil ayaw mong nalalagyan ng putik ang boots mo!” tuloy-tuloy na sabi ni Louisiana na akala mo ay hindi kami pareho. Nakita ko si Marcus sa baba. Siya pala ang naghagis ng papel patungo rito sa taas ng bintana. Sa tabi niya ay si Seatiel na inaalis si Cruise mula sa pagkakatali ulit sa puno. Hindi pa siya nakakaalis? Akala ko ba nagmamadali siya... Tumatawa si Marcus, sinenyas ang mga kamay sa hugis telepono at ngumisi. Masama ang tingin ni Seatiel at seryoso. Mukhang inaasar siya ni Marcus at napipikon na. Binuklat ko ang puting papel. “Lauren, sino kausap mo?! Boyfriend mo ba iyan?” pasigaw na tanong ni Marcus mula sa baba. “Hoy, ano, nakikinig ka ba?!” sigaw ni Louise mula sa kabilang linya. “Parang may narinig akong lalaki, ha! Bukid ba talaga ang dahilan kaya gusto mo diyan o mayroon kang nakilalang gwapo at hindi ka na makaalis? Witch ka talaga!” May kilala akong engineer, laude, at maraming skills. Magaling sa lahat. Sa trabaho, sa horse riding, sa kama. Up and down! Side-to-side! Marami ‘tong alam! Kahit ano! Nagsisimula sa S ang pangalan. Ito number. Ito na lang ang tawagan mo. Sulat ni Marcus. Wala na naman sigurong magawa. Napailing-iling ako kasabay ng pamumula ng mukha. Nasa labas si Marcus, sa may mesa sa ilalim ng puno, at ginagawa yata ang assignment ni Bom. Siya yata ang dumating bago ako pumanhik dito sa taas. Malawak ang ngisi ni Marcus habang inaasar kami ni Seatiel na tahimik pa rin. Tumingala siya sa gawi ko. Tuluyang naalis ang tali ni Cruise sa puno. Mukhang paalis na talaga siya... Nagtama ang paningin namin ngunit hindi siya ngumiti. Dumating si Margaret at ang isang babae na sinalubong niya kaya nag-iwas siya ng tingin at iyon ang inabala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD