Kabanata 8

2159 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising sa nakasanayan ko pero hindi ko alam na sadyang maaga pala talagang gumigising ang mga tao rito sa probinsiya. Bumaba ako sa sala habang nililingon ang paligid pero hindi ko makita sina Ate Aly at Nay Issa at maging si Tamsiah, at kahit iyong dalawang bata. Tahimik ang buong bahay. Nagtungo ako sa pinto sa kusina na patungo yata sa likod ng bahay. Sumilip ako roon pero wala ring tao. Nasaan ba sila? Nasa kwarto kaya sa itaas? Natutulog pa? “You’re awake,” biglang sabi ng isang boses kaya napalingon ako. Mula sa pinto ay pumasok si Seatiel na nagpupunas ng mga kamay. He’s wearing a plain white shirt. Medyo marumi na iyon at mukhang kanina pa siya gising. His hair is also slightly messy. Saan kaya siya galing? Alas-siyete pa lang ng umaga... Tumikhim ako at hinarap siya. Nahiya ako sa sarili dahil hindi pa ako naliligo. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang maligo. Nag-spray na lang ako ng nakita kong perfume sa kwarto, but at least... I combed my hair. “Nasaan sila?” tanong ko. Tumingin siya sa ‘kin mula sa paglalapag ng ilang plastik sa mesa. “Palengke. Ang dalawang bata ay nasa eskwelahan.” Tumango ako at tiningnan ang mga dala niyang mga prutas pala. Pumunta siya sa sink para maghugas ng mga kamay at uminom ng tubig habang hindi ko naman mapigilang mapasunod ng tingin. Napansin ko na pawisan siya at mukhang galing sa labas. “Si... T-Tamsiah?” tanong ko dahil kahit ito ay mukhang wala. “College dormitory. Sa bayan.” “Oh,” manghang sabi ko at tumango. Ano kayang kurso ni Tamsiah? Isinenyas niya ang upuan at naupo naman ako roon. “Kumain ka na. Ano ang gusto mo?” tanong niya habang nagbubukas sa maliit na fridge. Surprisingly, meron silang refridgerator. “K-Kape na lang,” sagot ko para hindi na siya mag-abala pang magluto. Nakakahiya naman kung paglulutuan niya pa ako ng agahan kung tapos na siyang kumain. “Kailangan mong kumain. You won’t get any better if you don’t eat.” “Ah... kung gano’n, ako na lang ang magluluto,” saad ko at tumayo. Tiniis ko ang mga sugat sa biglaan kong paggalaw. Lumapit ako sa sink at nakisilip sa mga rekadong nasa fridge. Mukhang nahalata niya ang pag-inda ko sa mga sugat dahil nakatingin siya sa ‘kin. Hindi ako marunong magluto pero kaya ko namang magprito o iyong merong sabaw. “Ako ang magluluto. Umupo ka riyan at maghintay,” tanging sabi niya na ikinahinto ko. Lumayo siya nang kaunti nang magkalapit ka. Napatingin ako sa kaniyang medyo narumihang t-shirt, sa pawis niyang leeg, at doon sa mga prutas na mukhang bagong pitas pero ang bango at linis pa rin niyang tingnan. “Nakakahiya naman. A-Ako na. Marunong ako magluto.” “Hindi ko sinabing hindi,” pilosopong sagot niya. Napakagat ako sa labi nang medyo lumayo na naman siya at parang sinisilaban ang mga tenga ko sa hiya. Ayaw niya ba akong lumapit dahil... hindi pa ako naliligo? Do I smell right now?! Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Sinubukan kong amuy-amuyin ang sarili pero wala pa naman akong naaamoy. O baka naman ay nasanay na ako sa amoy ko nitong mga nakaraan na akala ko ay normal na lang ito... pero ang totoo ay nangangamoy na ako dahil hindi pa ako naliligo! Tumikhim ako at pinagkrus ang mga braso, pasimpleng niyakap ang sarili. Nilingon ako ni Seatiel at napatigil ang mga mata sa ‘kin. “Pawis ako, galing sa labas, pasensya na...” napapaiwas ng tingin niyang sinabi sabay balik doon sa ginagawa. Napaawang ang labi ko. Kaya ba umiiwas siya? Ang bango niya nga... at ‘di ko alam na pwedeng maging ganiyan kagwapo sa simpleng damit. Maganda kasi ang pangangatawan niya. Hmm, fairly speaking, he has a body of a model... Tumingin ulit siya sa akin kaya bumalik na ako sa mesa at hinayaan na siya sa kagustuhang magluto. Panay ang buntonghininga ko dahil may gusto akong sabihin sa kaniya na hindi ko magawa dahil sa hiya. Sa huli ay mukhang napansin niya ‘yon kaya naman tumingin siya sa ‘kin. “May masakit ba sa ‘yo? Alas-diyes pa ang dating ng doktor pero pwede kitang dalhin sa hospital. So, care to speak if the pain isn’t bearable anymore?” Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin nang hindi pinamumulahan sa hiya! “Ah, hindi. Ano kasi...” Hinihintay niya ang sasabihin ko. Napalabi naman ako at lakas-loob na nagsalita. “Gusto ko sanang maligo. P-Pwede ba?” tanong ko na bahagyang ikinatagal ng tingin niya sa ‘kin bago napaiwas at pinatay ang kalan. I bit my lip when he didn’t answer. Hindi ko alam kung mali ba ang pagkakasabi ko o ano. “Kumain ka muna.” Iyon lang ang sinabi niya bago nilapag ang luto na palang pagkain, fried rice at omelette. Nagsalin din siya ng orange juice sa baso mula sa pitsel. Pagtapos ay inisang tingin niya ang mga sugat ko. “Maraming sugat ang katawan mo. Mahapdi iyan kung mababasa.” “A-Ayos lang. Medyo mainit na kasi ang pakiramdam ko,” sabi ko kahit ang totoo ay gusto ko lang naman talagang maligo. “You can take a bath. Wala nga lang tutulong sa ‘yo sa loob ng banyo dahil wala ni isang nandito,” sabi ni Seatiel at kumagat sa mansanas na hinuhugasan niya. His perfectly white teeth and red lips showed. “Kung gusto mo ay mamayang tanghali na lang... kapag uwi ni Aly.” “Ah, h-hindi na. Kaya kong maligo mag-isa,” tanggi ko dahil nakakahiya kung pati sa pagligo ay aabalahin ko sila. Hindi na sumagot si Seatiel at hinayaan ako. Binilisan ko na lang ang pagkain para makaligo na habang kinukuhanan niya ako ng masusuot. Susubukan kong gumawa ng gawaing bahay habang wala ang mga tao rito pagtapos kong maligo. Maybe in that way, I could help them. Ayaw ko namang maging pabigat sa kanila. Ang sabi nina Ate Aly at Nay Issa ay manatili raw muna ako rito hangga’t hindi gumagaling ang mga sugat ko. And then I can go. Ang problema ko ay kung saan ako kukuha ng pera papuntang Santander gayong kahit sentimo ay walang natira sa ‘kin. “Wear this. May mga itinabing damit si Aly.” Inabot ni Seatiel ang isang simpleng bestida na light blue ang kulay. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Lacey dress ito at spaghetti strap. Siguro para hindi matakpan ang mga sugat at mas mabilis maghilom. Mas mabilis ding magagamot. “Salamat dito,” saad ko kay Seatiel pero kalaunan ay medyo napatigil din ako nang may mapagtanto habang tinitingnan ang dress. Nagkatinginan kami ni Seatiel na mukhang parehas ang sumagi sa isipan. Tumikhim na lang ako para maalis ang awkwardness at mahigpit na napahawak sa bestida. He bit his lower lip and scratched his temple, mukhang ngayon lang din naisip ang bagay na ‘yon. I don’t have any undergarments. Wala akong masusuot na underwear... “A-Ako na ang bahala. Salamat,” kaswal na sabi ko kay Seatiel at bumalik sa pagkain. Hinintay ko siyang mawala sa kusina para makapag-isip ako, na ginawa niya naman at walang sabing lumabas ng bahay. Nang mawala siya ay saka lang ako nakahinga nang maayos. Goodness, this is awkward! Anong gagawin ko? Sana pala ay nakinig na lang ako sa kaniya o kaya ay mamaya na lang ako maliligo kapag dumating sina Ate Aly at Nay Issa, hindi iyong si Seatiel pa ang kasama kong mamroblema kung ano ang susuoting underwear! Wala akong naisip na solusyon kahit medyo matagal siya sa labas. Nagulat na lang ako nang muling pumasok si Seatiel sa loob ng bahay at may dalang paperbag. Nangunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan ang kaniyang dala. “Use this,” tanging sabi niya. Tinanggap ko naman iyong paperbag at sinundan siya ng tingin nang magtungo siya sa sink at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga prutas. Napalagok pa yata siya sa tubig. Sinilip ko ang paperbag at halos mahulog ang kanin sa bibig ko nang makita ang laman nito. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan at dali-daling nilunok ang pagkain. Hindi ako makatingin sa kaniya! Did he seriously... Saan niya ito kinuha? Bra at shorts?! Mabilis kong dinampot ang dress at ang tuwalyang binigay niya kanina at pumasok sa banyo. Napasandal ako sa pinto niyon at napahawak sa dibdib. Napapikit ako nang mariin habang parang inaapuyan ang buong mukha ko sa sobrang pula. “Kalma, Isla...” bulong ko at sinubukang balewalain ang lahat ng ‘yon. Nagsimula na akong maligo. Ang banyo nila ay nasa kusina lang din. Walang shower at tanging timba at gripo ang meron. Kumpleto naman ang mga sabon at mga nakaboteng shampoo. Tumingala ako sa pader ng banyo at naghanap ng nakakabit na shower pero wala yata talaga. Nagkibit-balikat ako at nilagay ang mga damit na susuotin ko sa hanger at sinabit ‘yon sa sampayan bago binuksan ang gripo at pinuno ng tubig ang balde. Napatitig ako rito nang mapuno na. Ibubuhos ko ba ‘yon nang buo? But it’s heavy... Hinubad ko ang suot at tanging naiwan ang suot kong bra na akin. Napangiti ako nang makitang ang paborito kong Victoria’s Secret ang suot kong bra. Iba lang ang suot kong damit noong magising. Siguro dahil narumihan at nasira na ang dress na suot ko nang gabing ‘yon at binihisan ako. Ang sabi ni Seatiel ay dinala niya ako sa isang manggagamot sa kabilang isla bago dinala rito sa La Esperanza. Kinuha ko ang paperbag at inangat ang kumpol ng mga bra doon. Kumunot ang noo ko dahil parang bago ang mga ‘yon at hindi gamit. “Bago yata ang mga ‘to? May price tag pa,” bulong ko sa sarili at halos pamulahan ng mukha nang makitang halos lacey bra ang mga ‘yon. Hindi ako magugulat kung may partner itong thongs! Binalewala ko iyon at sumalok sa tubig sa balde gamit ang kamay at binasa ang dibdib. Binasa ko rin ang buhok ko pero hindi sapat ‘yon. Hindi ko naman mabuhat ang balde dahil mabigat. Siguro ay dapat hindi ko pinuno ng tubig? Nang hindi matiis ay kinuha ko ang tuwalya at tinakip sa katawan. Binuksan ko ang pinto at sinilip ang paligid. Naroon pa rin si Seatiel, naghihiwa na siya ngayon ng mga prutas na hinuhugasahan niya kanina. “Seatiel...” I called. Nilingon niya ako at napatigil sa ginagawa nang makita ang ayos ko. Iniwas niya ang tingin at salubong ang mga kilay na nagsalita. “Yeah? What is it?” Napakamot ako sa ulo. “Itatanong ko lang sana kung... paano ko bubuhatin ‘yong balde?” Nanliit ang mga mata niya sabay balik ng tingin sa ‘kin, parang hindi nakuha ang sinabi ko. “Puno kasi ng tubig... sinubukan kong buhatin pero hindi ko kaya. I was wondering if I should just fill it half so I could lift it?” Ngumiti ako. “Hindi ko maintindihan, Lauren,” kunot-noong aniya sabay tigil sa ginagawa. “Bakit mo bubuhatin ang balde?” “H-Huh?” Ngayon naman ay siya ang ‘di ko maintindihan. Kung hindi ko iyon bubuhatin, paano ako makakaligo?! He heaved a sigh at dire-diretsong naglakad sa direksyon ko. “Takpan mo ang katawan mo. Papasok ako,” sabi niya at pinasok ang banyo. Nanatili ako sa likod ng pinto at sinundan siya ng tingin. He looked at me, bago kinuha ang isang maliit na parang pansalok sa gilid. Hindi ko iyon napansin kanina. “Para saan iyan?” tanong ko. “Huwag mong sabihing hindi mo alam?” tanong niya na parang hindi makapaniwala sa ‘kin. “Tabo, Lauren. Tabo. Water dipper in English, if that’s how you would understand it.” Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. He sounded so sarcastic! Gusto kong depensahan ang sarili ko. Of course, I know tabo! Pero ang tanging alam kong tabo ay ‘yong nakikita ko sa labahan namin sa tuwing naglalaba sina Hera at ang mga maid! Wala naman kaming ganoon sa loob ng banyo... “O-Okay. Hindi ko alam na...” Hindi ko matuloy ang sasabihin ko kaya napabuntonghininga na lang ako habang hindi makatingin sa kaniya sa sobrang hiya. “Sige, m-maliligo na ako. Thanks.” Sana ay narito sina Nay Issa. Nakakahiya! Lumapit ako roon at hinintay siyang lumabas pero ni hindi gumalaw si Seatiel sa kinatatayuan. Tiningnan ko siya. I tried to look calm and innocent para lang maging casual ako sa paningin niya! Isang beses siyang nagpakawala ng buntonghininga at saka kinuha ang tabo mula sa kamay ko. “Hindi mo kayang maligo mag-isa,” seryosong sabi niya na nakapagpatigil sa ‘kin at halos manlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? Sasamahan niya ako rito sa banyo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD