“Taga-Maynila ka pala... kaya pala iba ang kutis mo. Ang puti mo. Ilang taon ka na ba?” tanong ni Ate Aly nang kami na lang ang naiiwan sa sala.
Natutulog na ang dalawang bata at si Tamsiah. Sina Nay Issa at Ate Aly na lang ang nasa sala. Kanina pa ako nagpipilit na tumulong sa pagliligpit pero hindi nila ako pinayagan. Sa halip, pinaupo nila ako sa sala at pinagpahinga.
I’m just thankful they didn’t mention what happened earlier, o kahit magtanong ay hindi nila ginawa. Nakakahiya lang! Mas gugustuhin ko pang magpatay-malisya kaysa pag-usapang binalak kong tumakas at dumaan sa bintanang ‘yon.
Pagod pa ang buong katawan ko at kumikirot ang mga sugat. Hindi ko alam kung gaano katagal kong iindahin ang mga ‘yon.
“Twenty-three po,” sagot ko sa tanong ni Ate Aly at humigop sa mainit na kapeng binigay nila.
Lumingon sa akin si Ate Aly habang si Nay Issa ay abala sa paggagantsilyo. Pinahihinto na siya ni Ate Aly pero tatapusin niya raw ang ginagawang bag.
“Batang-bata!”
Ngumiti si Ate Aly at nagpunas ng mga kamay mula sa paghuhugas ng mga plato. Umupo siya sa tapat ko at humigop sa kaniyang kape bago nagtanong.
“Nasaan ang pamilya mo ngayon, Lauren?”
Umiling ako.
That’s the least thing I want them to know. Hindi na mahalagang sabihin ko pa sa kanila ang bagay na ‘yon dahil aalis din naman agad ako rito at hindi magtatagal.
“Wala ka nang pamilya?”
“Hindi ko po alam kung nasaan sila ngayon.”
“Saang lugar ba ang dapat na tungo mo?”
“Sa... sa Santander.” Malalim akong huminga. “Isang kakilala po ng kaibigan ang dapat na pupuntahan ko.”
Ngumiti si Ate Aly habang titig sa lamparang nasa harap namin at humigop sa kaniyang kape. “Iniisip ko kung paano ka namin matutulungang makabalik sa inyo o makapunta sa kailangan mong puntahan.”
“H-Hindi po...” Umiling agad ako. Nakaramdam agad ako ng guilt at hiya na kailangan pa nilang intindihin ang bagay na iyon. “What you’ve done to help me is more than enough. Malaking bagay po ang tulong n’yo,” puno ng sinseridad na sabi ko. “At ang pagligtas sa akin ni Seatiel... it means so much to me.”
Kung hindi niya ako niligtas nang gabing ‘yon, I will die in my kidnappers’ arms. I will die in pain... in hopelessness, or maybe, if he didn’t stop the car, I would’ve ended my own life that night.
“Akala ko po... mamamatay ako nang gabing ‘yon. Akala ko... hindi matatapos ang masukal na gubat at hindi mawawala ang mga puno sa paligid, at walang hanggan ang putikan. Buong akala ko ay katapusan ko na at hindi ko inaasahang magigising ako pagtapos nang gabing ‘yon...”
Tahimik ang buong sala, nakikinig lang sina Ate Aly at Nay Issa habang may bahid ng awang nakatingin sa ‘kin. I sighed, and sipped on my coffee again. Tinago ko ang panginginig ng mga kamay ko.
“Kaya salamat po sa pagpapatuloy n’yo... tinuturing ko itong pangalawang buhay.”
Lumapit si Ate Aly at niyakap ako. Hindi ko ‘yon inaasahan pero napangiti ako sa ginawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang magkumpara. Dahil kung si Mommy ito, she will surely scold me for what happened.
Buong gabi ay wala akong magawa kundi ang tumitig sa kisame. Patay na ang ilaw at tanging lampara ang nagbibigay liwanag. Walang aircon o kung ano pa mang marangyang bagay pero kakaiba ang lamig, natural at nakakagaan sa pakiramdam.
Hinayaan kong bahagyang nakabukas ang bintana kung saan nagmumula ang preskong hangin. Wala nang ulan. May kaunting bituin sa langit hindi gaya ng nagdaang gabi.
Ayaw akong patulugin ng sakit. Sa bawat pagpikit ko, para akong naglalaro at hinahanap kung aling parte ang mas makirot, kung alin ang mas mahirap igalaw.
At tama nga si Seatiel. After knowing I have all of these aching wounds, naisipan ko pang tumakas. At kung sino bang matinong tao ang dadaan sa bintana mula sa pangalawang palapag.
Gusto kong matawa sa sariling katangahan at kahihiyan. Parang hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong hiya sa buong buhay ko.
Pinikit ko ang mga mata at tumagilid. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko si Seatiel.
Hindi ko matatangging gwapo ang isang ‘yon. I didn’t know that a country boy could look that handsome!
He’s good-looking. Mahihiya ang mga kakilala kong lalaking taga-Maynila kapag itinabi sa kaniya. He will make a good public figure because of his looks and appeal.
Natigilan ako sa mga naisip at napamulat ng mga mata. Mahina kong tinapik ang sariling pisngi.
Why am I thinking about these things?
“Ngayon naman, sinasaktan mo ang sarili mo?”
Gulat akong napatingin sa pinto nang may magsalita roon at napabalikwas sa kama. Nag-360 degrees ang paningin ko pero agad akong napatitig kay Seatiel nang makitang siya ang pumasok.
“K-Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko at napaupo sa kama.
Hindi ito sumagot at humakbang palapit. May dala siyang lagayan at gamit panggamot. Napalunok ako at hinayaan siyang lumapit.
Sumunod sa kaniya ang tingin ko nang may kunin siya sa mesang nasa kabilang bahagi ng kwarto. Natanaw ko ang malapad niyang likod habang nagbubukas ng medicine kit.
Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin nang bigla siyang humarap. Umupo siya sa tapat ko.
“Nakapagpahinga ka ba?” tanong niya at sumulyap sa mga braso at kamay ko. “May I?”
Nanatili ang tingin ko sa kaniya habang inaabot ang kamay ko. Hinawakan niya iyon habang tutok ang mga mata rito.
Hindi ko magawang tumingin sa kamay kong tinitingnan niya. Napaiwas lang ako nang ilipat niya ang tingin sa akin, siguro ay naramdaman ang paninitig ko sa kaniya.
Tumingin na lang ako sa kamay ko kahit na ramdam ko ang kaniyang tingin sa akin. It lasted for seconds. Binalik niya rin ang atensyon sa kamay ko.
Mahina akong napatikhim. Huwag niyang sabihing...
N-Naaalala niya ang nakita niya kanina?
Hindi siya nagsalita at nagsimulang palitan ang benda sa kamay ko. Marahan ang bawat galaw niya at maingat.
Malalim na yata ang gabi, ah. Bakit hindi pa siya natutulog?
“What’s your name?” bigla ay tanong niya kaya napabalik ako sa sarili. Nasabi ko na iyon kanina sa hapag... hindi ba siya nakinig?
“Lauren...” sambit ko na lang.
Lauren your ass, Isla. I used to hate my second name, pero ngayon ay magagamit ko rin pala.
“Really?”
Nagkatinginan kami. Bahagya naman akong kinabahan dahil parang hindi siya naniniwala.
“Y-Yeah. Why?”
Tumango na lang siya at dinampian ng bulak ang palad ko. Napadaing ako sa sakit.
“Seatiel,” banggit niya sa kaniyang pangalan, no trace of friendliness. Seryoso lang siya sa ginagawa. Tumango na lang ako. “May tinawagan akong doktor para magpunta rito bukas nang umaga at tingnan ulit ang lagay mo.”
Hindi ako sumagot agad kaya natahimik kami.
“Hindi mo ba itatanong kung anong nangyari... nang gabing ‘yon?” hindi namamalayang tanong ko pagtapos ng ilang saglit na katahimikan.
Tumigil si Seatiel dahil sa sinabi ko. Seryoso ang mga mata niya kahit puno ‘yon ng pagkamangha.
“Gusto mong sabihin?” His voice is gentle.
Napakurap ako at unti-unti ay napababa ng tingin.
Sa tingin ko ay hindi ko pa kayang balikan ang sandaling ‘yon. Masiyado pang sariwa sa isipan ko ang nangyari.
Hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Tahimik na kami buong sandaling pinapalitan niya ng benda ang kamay at paa ko, at ginagamot ang ilang sugat. May pinainom din siyang gamot sa ‘kin at sinabing makakatulong ‘yon para maibsan ang sakit mula sa mga sugat.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nililigpit niya ang mga ginamit. Nakaupo ako sa higaan at malalim ang iniisip.
Hindi ko kayang sabihin ang nangyari. Natatakot akong mahusgahan kahit hindi ko naman kasalanan.
“Magpahinga ka. Nasa baba ako kung may kailangan ka.”
Muling napaangat ang tingin ko kay Seatiel nang tumayo siya at tinungo ang pintuan para lumabas pero ilang hakbang mula sa pintuan... tumigil siya at nilingon akong nakaupo sa kama. Matagal kaming nagkatinginan. Doon ko napansin ang ganda ng mga mata niya kahit ang tanging liwanag sa buong kwarto ay ang galing sa lampara.
The yellowish light reflected on his eyes perfectly.
“Lauren,” tawag niya. Lumingon ako at hinintay ang kaniyang sasabihin pero nakatingin lang siya sa ‘kin at pagkatapos ay malalim na huminga. Mahigpit niyang hawak ang medicine kit. “Good night.”
Matapos sabihin iyon ay dumiretso na siya palabas at naiwan akong mag-isa.