❀⊱Avvi's POV⊰❀
Napatingin ako sa salas, nag-iinuman sila ate kasama si Lucio. Napaka-gwapo nya talaga, at aaminin ko na talagang in-love na in-love ako sa kanya. Gusto ko tuloy maiyak dahil nakaka-inis, isa kasi siyang bakla.
Bumalik ako sa aking silid at inubos ko ang laman ng bote ng beer. Nagpapakalasing ako ngayon, kasi nga ang lalaking gusto ko ay hindi mapapasa-akin. Katulad ko, lalaki rin ang gusto niya.
Naupo ako sa gilid ng kama, natawa ako sa sarili ko dahil pang-apat ko na pala itong hawak ko na bote ng beer. Medyo nahihilo na rin ako dahil mas kaya ko ang wine kaysa dito sa beer. Isa pa ay mas masarap ang wine. Pero pinaka-paborito kong inumin ay ang margarita, pero syempre hindi alam ng ate ko 'yon. Pasaway kasi ako!
Pagka-ubos ko ng ikaapat na beer at binuksan ko na ang last. Syempre muntanga lang ako na brokenhearted sa isang bading pa, kaya umiinom akong mag-isa.
Hindi ko na nga namamalayan pa ang oras. Napatingin na lamang ako sa alarm clock na nasa gilid ng kama ko at mag-aalas dos na pala ng madaling araw. Napatayo tuloy akong bigla at medyo nahilo pa ako. Lumabas ako ng silid ko upang silipin si ate kung tapos na ba sila. Pero nagulat ako na pagbukas ko ng pintuan ng aking silid ay nakita ko si Lucio na gumegewang na naglalakad at naghahanap yata ng banyo.
Halos hindi na rin nito maidilat pa ang kanyang mga mata. Napatingin ako sa sofa, bagsak na rin sila ate. Bangenge na, pero ako naman ay kinakaya ko pa, nahihilo man ako ay kaya kong maglakad at kaya kong mag-isip ng matino.
"Uhm, okay ka lang ba Lucio?" tanong ko, pero tinignan nya lang ako at nagsimula ulit itong humakbang. Pero dahil sa kalasingan niya ay bumagsak siya sa akin, pero alalay pa rin niya ang bigat niya at pilit pa rin siyang tumatayo.
Naaamoy ko ang mabango niyang hininga, kahit pa amoy na amoy ko ang tapang ng alak sa bibig niya. Nakakalasing at aaminin ko na mas lalo akong nababaliw sa kanya.
Dahil sa lasing naman siya ay hinalikan ko siyang bigla sa pisngi. Nag-angat siya ng mukha pero parang ang lamig ng pagkakatitig niya sa akin.
"Uhm, duon ka muna sa silid ko matulog, duon na lang ako matutulog sa silid ni ate." Nag-angat muli siya ng mukha at talagang ang gwapo-gwapo niya. Nababaliw na yata talaga ako upang pagnasahan ko ang isang bakla.
Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi. Nagulat siya, pero alam ko naman na lasing siya kaya binitawan ko agad siya. Gusto ko lang siyang halikan, saka smack lang naman ang ginawa ko sa kanya, hindi niya 'yon maaalala.
Nang makatayo na siya ng maayos ay bigla akong umalis. Patakbo na sana ako upang bumalik sa silid ko ng hinablot niya ang palapulsuhan ko. Bigla akong napatingin sa kanya... "Ba-bakit mo ako hinalikan?" napipiyok niyang tanong dahil sa kalasingan. Wala siya sa katinuan kaya sabi ko na lang ay nauntog ang labi ko sa labi niya, pero nagulat ako ng bigla niya akong siniil ng halik, halik na napakasarap at hindi mo iisipin na isang bakla ang humahalik sa akin.
Alam na alam niya kung paano pagalawin ang dila niya sa loob ng bibig ko kaya napapaungol ako sa sarap. Nagulat pa ako ng bigla niya akong binuhat kahit na lasing siya. Gusto kong tumanggi, lalo na ng makapasok kami sa loob ng aking silid.
Bumagsak kami sa kama, at dahil siguro sa nahihilo siya ay tumihaya siya ng higa. Titig na titig naman ako sa kanya, lalong-lalo na sa kanyang labi. Ang sarap niyang humalik at pakiramdam ko, nasa loob pa rin ng bibig ko ang dila niya. Napapikit tuloy ako, pagkatapos ay napatingin ako sa kanya. Nakapikit din ang mga mata niya kaya tinabihan ko siya. Siguro ay dala na rin ng alak sa katawan ko, pero alam na alam ko ang ginagawa ko. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw kong pigilan ang sarili ko. Dinukwang ko si Lucio, hinalikan ko siya sa labi habang unti-unti kong hinuhubad ang suot niya, pero nagulat ako ng maramdaman ko na gumaganti siya ng halik. Gusto kong maging akin siya sa mga oras na ito kaya hinahayaan ko lamang ang sarili ko sa nangyayari, pero tumututol ang aking isipan. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang gawin ito sa kanya.
Binitawan ko siya, pagkatapos ay ibinutones ko ulit ang polo niya at humiga na lang muna ako sa kama ng patihaya. Mamaya-maya na ako lilipat sa kwarto ni ate, medyo nahihilo pa kasi ako.
Humugot ako ng malalim na paghinga at pagkatapos ay akma na akong babangon ng bigla niya akong pinigilan sa aking palapulsuhan. Pero mas nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi, habang ang isang kamay niya ay dinudukot na ang dibdib ko. Nagulat man ako pero hindi ako tumutol, lalo na ng maramdaman ko ang isang kamay naman niya na humahagod na sa pagitan ng hita ko, pagkatapos ay ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng underwear ko. Duon pa lang ako tila natauhan kaya itinulak ko ang katawan niya.
"Mali ito Lucio, lasing ka at hindi dapat mangyari ito." Bahagyang nag-angat ang mukha niya, lasing talaga siya. "I want you Avvi. I really want you." Nagulat naman ako dahil binanggit niya ang pangalan ko kaya tuluyan na akong nakalimot. Hindi ko na alam pa kung bakit hinayaan ko na lamang na gawin niya sa akin ang hindi dapat. Pero wala akong magawa dahil pagmamahal ang dahilan kung bakit nagpapaubaya ako. Hindi ko na nga rin namalayan na tuluyan na niyang nahubad ang lahat ng aking kasuotan.
Tuluyan na akong nadarang ng apoy at nagpaubaya na ako sa lalaking itinitibok ng puso ko. Lumuluha ako habang ang mainit niyang labi ay naghahalinhinan sa korona ng aking dibdib. Pagkatapos ay bigla na lamang niyang itinarak sa akin ang malaki niyang alaga, kaya napasigaw ako sa sobrang kirot na dulot nito sa akin. Ito ang unang karanasan ko sa pakikipagtalik.
Mabilis siyang umuulos sa ibabaw ko, habang umaalog ang buo kong katawan. Ang kaninang hapdi na aking nararamdaman ay napalitan ng ibayong sarap kaya napapaungol na ako ng malakas, pero ang akala kong langit ay napalitan ng pagkaguho ng aking mundo ng marinig ko siyang umuungol at nagsasalita ng malakas.
"Ooohhh... Mahal na mahal kita Natalie. Kalimutan mo na ang asawa mo, nandito ako Natalie, ako na lang at tatanggapin kita ng buong puso ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang pag-banggit niya sa pangalan ni Ate Natalie. Bakit ganuon, kanina sabi niya he wants me daw, pero bakit si Ate Natalie ang isinisigaw niya ngayon?
Humagulgol ako ng humagulgol. Kung ganoon ay nagpapanggap lamang siyang bakla at mahal niya si Ate Natalie? Parang sumasabog ang puso ko ngayon dahil sa matinding kirot na nararamdaman ng puso ko. Kung kani-kanina lamang ay langit ang nararamdaman ko sa pinagsasaluhan namin, ngayon naman pakiramdam ko ay nasa isang kumunoy ako at unti-unting nalulunod. Ang sakit na marinig mula sa kanyang bibig na si Natalie pala ang babaeng mahal niya. Parang dinudurog ang aking puso sa mga oras na ito kaya ang aking mga luha ay walang patid sa pag-daloy.
……✎
"AVVI!"
Nagulat ako at napabalikwas akong bigla ng marinig ko ang sigaw ni ate. Pero mas nagulat ako ng makita ko ang galit na galit na mukha ni Lucio na masamang nakatingin sa akin. Pareho kaming walang saplot kaya agad kong hinablot ang kumot upang ipangtakip ito sa aking hubad na katawan.
"Anong ginawa mo Avvi?" may galit na ani ni Lucio kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. Naguguluhan ako. Ako lang ba ang may gusto nito? Siya ang gumalaw sa akin at hindi ako, kaya bakit parang sa akin ang lahat ng sisi?
"Ate...." Nauutal ako. "Magbihis kayo!" malakas na sigaw ni ate habang si Natalie ay malungkot na nakatingin sa akin. "Ate naman, magpa..."
"Magbihis kayo at mag-uusap tayong apat!" malakas na sigaw ni ate. Kita sa mukha niya ang matinding galit. Napatingin ako kay Lucio, gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nagpapanggap na bakla, at kung bakit nagagalit siya sa akin. Dapat ako ang magalit, kasi sa simula pa lang ay nagpapanggap na siyang bakla. Kinuha pa niya ang pagka-birhen ko, pero bakit parang siya pa ang nalamangan?
Nagbihis agad si Lucio at lumabas ng silid ko na hindi niya ako tinitignan. Umiiyak naman ako habang nagbibihis ako dahil hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si ate, lalo na si Lucio na alam kong galit na galit ngayon sa akin. Nakita ko pa kanina na tinitigan niya ang bahid ng dugo sa puting kumot ko at pagkatapos ay umiiling-iling siya at saka siya lumabas.
Nang matapos akong magbihis ay nakayuko akong lumabas ng silid ko. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay naririnig ko na ang pag-uusap nila sa salas.
"Pakasalan mo ang kapatid ko, Lucio."
"Hindi naman ako papayag na basta mo na lang tatalikuran ang nangyari sa inyo. Nakita mo ang bahid ng dugo sa kumot, at alam mo na ikaw ang unang lalaki sa buhay ng kapatid ko," umiiyak na ani pa ni ate. Alam ko na nasasaktan siya dahil mahal niya ang lalaking mahal ko. Nasasaktan tuloy ako para sa aking kapatid. Lahat ng ito ay kasalanan ko. Pero mas masakit ang mga salitang binitawan ni Lucio.
"What?! Are you insane? I will not marry your sister, for Pete's sake! Why on earth would you think that I'd marry her? Just because of what? Because you think I took her virginity? That was entirely her doing! How did I even end up in her bedroom in the first place? Unless... she must have brought me into her room while I was completely drunk. No, I refuse to marry her!" galit na sigaw ni Lucio kaya napahawak ako sa kaliwang dibdib ko kung saan ay unti-unting nadudurog ang puso ko.
Lahat sila ay napalingon sa akin ng marinig nila ang pag-hikbi ko. Nakikita ko ang nagliliyab na mga mata ni Lucio habang galit na galit ito na nakatingin sa akin.
"Tell your sister that we are not going to get married. I don't love you, and I have no plan of ever doing so," he declared, his words slicing through the air with an icy finality.
Magsasalita sana ako pero isang sampal ang dumapo sa mukha niya mula sa ate ko. "How dare you! Pagkatapos mong magpakasarap sa kapatid ko ay 'yan pa ang sasabihin mo? Pagkatapos ka naming tinanggap sa buhay namin bilang isang kaibigan, ito pa ang igaganti mo? Paano ang kapatid ko Lucio? Ganoon na lang 'yon? Nagpakilala kang bakla, pero ngayon, pakiramdam ko ay hindi na ako naniniwala na isa kang binabae matapos mong galawin ang kapatid ko." May galit na ani ni ate. Hindi naman kumikibo si Lucio, nakatitig lamang siya kay Ate Natalie. "Nata..." Ate Natalie cut him off. "Pakasalan mo si Avvi Lucio, panindigan mo ang ginawa mo sa kanya. Hindi ka ba naaawa na napakabata pa niya para masira siya ng ganito? Paano kung magbuntis 'yan?"
Nakita ko ang pagsungaw ng luha sa gilid ng mga mata ni Lucio na agad niya itong pinunasan. Nakatitig siya kay Ate Natlie at hindi pa rin ito nagsasalita.
Mayamaya ay ibinaling naman niya ang paningin niya kay Ate Marcia, at saka pa lang siya nagsalita. "Fine. Pero huwag kayong umasa na mabubuhay kami na parang isang masayang mag-asawa. Kapag nagbuntis siya, anak ko lang ang aasikasuhin ko dahil wala naman akong pagmamahal sa kanya."
Parang sinasaksak ang puso ko habang naririnig ko ang mga sinasabi niya. Gusto kong magsalita at gusto kong sabihin kay ate na ayokong pakasal. Kahit mahal ko si Lucio ay hindi ko naman kakayanin na makulong siya sa akin, hahayaan ko siyang mahalin si Ate Natalie, at magpapakalayo-layo na lamang ako.
"Ate..."
"Shut up Avvi. Pakakasalan kita mamaya lang din, hintayin na lang natin ang ipapatawag kong judge na magkakasal sa ating dalawa. Pero dito ka mananatili hangga't hindi ako nakakahanap ng condo ko na hindi malalaman ng mga kaibigan ko. Gusto ko ring ilihim natin ang tungkol dito dahil hindi pa ako handa na ipagtapat sa lahat ang kalokohang ito. Huwag na huwag mo rin itong sasabihin sa mga kaibigan mo. Siguro naman ay hindi kalabisan ang hinihiling ko."
Hindi na ako nakapag salita pa, dahil sa tuwing nagtatangka naman ako ay hindi niya ako pinapatapos. Gusto kong ipagsigawan sa kanilang lahat na ayoko, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko lang na mangyari ito.
"Basta huwag mo lang sasaktan ang kapatid ko, Lucio," ani ni ate. "Hindi ako nananakit ng babae, pero huwag din kayong umasa na titibok ang puso ko para sa kanya."
Nagtatakbo na ako sa aking silid at dumapa ako sa aking kama at humagulgol ako ng humagulgol. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin ni Lucio tungkol sa akin dahil para akong sinasaksak ng matalim na bagay dito sa aking puso. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na pala ako at yugyog sa aking balikat ang gumising sa akin.
"Avvi, pinapatawag ka na ng ate mo." Unti-unti kong idinidilat ang aking mga mata at nakangiting mukha ni Ate Natalie ang bumungad sa akin. Napahagulgol na ako at niyakap niya ako. "Huwag kang umiyak, kilala namin si Lucio. Mabait siyang tao at naniniwala ako na mapapamahal siya sayo. Nararamdaman ko rin na mahal mo siya sa kabila ng pagkakakilala natin na bakla sya. Pero katulad ng hinala ng ate mo, sa tingin ko rin ay hindi naman siya tunay na bakla. At kung totoo man ang hinala namin, may chance na ma-in love siya sayo." Wika niya. Hindi ako sumagot at iyak lamang ako ng iyak.
"Iiyak ka na lang ba diyan? Hindi ba at ito naman ang gusto mo? Ayusin mo ang sarili mo dahil nandyan na ang magkakasal sa atin."
Hindi ko nilingon si Lucio, may galit akong nararamdaman para sa kanya. Pero tama si Ate Natalie, baka naman may pag-asa na maibaling sa akin ni Lucio ang pagmamahal na inuukol niya para kay Ate Natalie.
Lumipas pa ang ilang minuto at nasa harapan na kami ng judge na tinawagan ni Lucio. Mabilis lang din kaming naikasal, wala pa ngang thirty minutes at ni hindi rin niya ako hinalikan. May suot naman kaming singsing, pero pagkaalis ng judge ay hinubad niya ito at inilagay lang niya sa bulsa niya. Okay lang, ganuon talaga kapag hindi mahal ang isang tao.
Naitawag na rin ni ate sa aming mga magulang ang nangyari kaya iyak daw ng iyak si nanay. Si ate na lang din at si Ate Natalie ang pumirma bilang witness dahil hindi raw makakauwi sila nanay.
Pumasok ako sa silid ko at muli akong umiyak. Naramdaman ko ang pag-bukas ng pintuan at alam ko na si Lucio ito. Hindi ko sinasabi sa kanya na narinig ko lahat ng mga sinabi niya habang nagtatalik kami kagabi. Lahat-lahat, lalo na tungkol sa pagmamahal niya kay Ate Natalie. Ayokong madagdagan pa ang galit niya sa akin.
"Hubarin mo 'yang singsing mo. Ayokong makita na isinusuot mo 'yan," ani niya. Hindi naman ako kumikibo at hinubad ko na lamang ang singsing at inilagay ko ito sa kahita na ibinigay sa akin ni ate kanina. "Dito ka lang at huwag kang umasa na magkakaroon tayo ng honeymoon. Babalikan na lang kita kapag nakabili na ako ng tutuluyan nating condo. Ayokong malaman ng lahat na ikinasal ako sa babaeng hindi ko mahal."
Parang may milyong-milyong patalim ang sumasaksak sa aking puso habang naririnig ko ang masasakit na salita na binibitawan niya sa pagmumukha ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang makasama siya sa iisang bubong.
Sana lang ay mauntog agad ako sa katotohanan upang magkaroon ako ng lakas na iwanan siya kapag nahirapan na ako sa pakikisama ko sa kanya.
Hindi ako sumasagot sa kanya, hindi rin ako makapaniwala na mag-asawa na kami, pero alam ko na ikinakahiya niya na isa na akong Mrs. Agaton.
Napatingin ako kay Lucio na nakatayo pa rin sa pintuan at masamang nakatingin sa akin. Gusto kong labanan ang titig niya, pero napayuko na lang ako at hindi na ako nakapag salita pa.
"Sa papel lang tayo kasal Avvi, at mananatiling sa papel lang ang pagkakatali nating dalawa at hindi sa puso. Hindi kita mahal, at kaylanman ay hindi kita mamahalin."
"Bakit itinuloy pa rin ang kasal? Hindi kita pinilit Lucio, at hindi rin ako ang nagdala sa'yo sa silid ko!" may galit kong ani. Nasasaktan ako sa sinasabi niya sa akin. "Dahil nakiusap sa akin si Natalie. At isa pa Avvi, sa tingin mo ba ay mapapaniwala mo ako na hindi mo ito ginusto? Matagal ko ng alam na malaki ang gusto mo sa akin at hindi ako bulag para hindi ko 'yon makita. Alam ko na plinano mo ang lahat ng ito upang matali ako sayo. Tama ba ako Avvi?" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Mali ka Lucio. Pilitin mong alalahanin ng kakarampot mong utak kung ano ang nangyari kagabi. Huwag mong isisi ang lahat sa akin matapos mong magpa-sarap. Hindi kita inakit, hindi kita dinala sa silid ko kaya huwag mo akong pagbintangan."
Hindi siya kumibo, nakikita ko lamang ang matinding galit na gumuguhit sa kanyang mga mata habang masama siyang nakatingin sa akin. Siguro nga ay may kasalanan din ako dahil hinalikan ko sya, pero 'yun lang ang nagawa ko.
Napaluha na lamang akong bigla habang unti-unti akong napapayuko. Ganito pala talaga kasakit ang magmahal ng taong wala namang pagmamahal para sayo, sobrang sakit at parang gusto ko na lang iuntog ang sarili ko para magising ako sa katotohanan na hindi kami para sa isa't isa.
"Kung inaakala mo na makukuha mo ako ng ganuon lang kadali ay nagkakamali ka Avvi, dahil hindi ikaw ang babaeng pangarap ko." I chuckled. "Bakit? Dahil si Natalie ang babaeng kinababaliwan ng puso mo? Ganuon ba Lucio? Kaya ayaw mo akong mahalin dahil siya ang mahal mo at hindi ako? Sorry ha, pero pinakasalan mo ako kaya wala ka ng magagawa pa." Nakikita ko sa mga mata niya ang naglalagablab na galit. Nakikita ko sa panga niya ang pagngangalit, pero nakikita ko rin na nagtitimpi lang siya na huwag niya akong masaktan.
"Huwag kang mag-alala Lucio. Kung hindi mo ako kayang mahalin, hindi ko rin ipipilit ang sarili ko sayo. Kung gusto mo, ipa-annul mo na lang ang kasal natin, o kaya naman ay huwag mo na lang iparehistro kung hindi pa ito naipaparehistro ng abogado mo. Hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sayo. Dapat tumanggi ka na lang kanina."
Hindi siya kumibo at tinalikuran na lamang niya ako. Pagsara ng pintuan ng silid ko ay humagulgol na ako ng humagulgol. Ang sakit pala.