CHAPTER 5

1206 Words
Pero hindi ganoon ang kaniyang Mommy. Siya na rin ang sumagot sa mga katanungan na nasa utak niya. Sinalinan niya ulit ang baso ng alak at halos masaid ang laman ng bote. Frustration is what's inside his heart this time. I will make everything fall in its places this time! This time Luke! And that good-for-nothing Edward, I will kick him in his ass kung siya ang maghahadlang sa aking mga plano! Damn! Nag-uumigting sigaw ng kaniyang utak. Noon pa lang nasa Singapore pasekreto niyang hiningi sa IT department ng kompanya ang soft copy ng CCTV footage sa planning office. Nag marating ang Penthouse ng kanilang Hotel na nasa Singapore agad niyang kinuha ang laptop at isinalang ang USB drive at pinanood ang footage. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nakadama ng matinding galit dahil sa nakikitang pagdikit-dikit ng head ng architectural kay Elianna. He cursed loudly na kung nandoon lang ang kanyang Mommy Cristina ay paniguradong aatakihin ito sa puso sa mga malulutong na mura niya. Her mom is almost like a saint, napakakalmado at sobrang bait. Kahit may katigasan ang ulo ni Lance dati ay hindi niya nakaringgang pinagalitan ito ng kanilang Mommy. Bagkus lahat ng pagmamahal ay pinakita nito sa bunso niyang kapatid and she never failed, naging maganda naman ang resulta. Unti-unti ay sinuklian ni Lance ang sakripisyo ng kanilang ina. Naging mabuting anak na rin ito at iniwan ang buhay na hindi ikinatutuwa ng mga magulang. Namamahala na rin ito ngayon sa kanilang fast food chain, at natutuwa naman siya sa nakikitang pagbabago ng kapatid. Pati ang kanyang mommy ay hindi na niya nakikitaan ng stress at lalo itong naging masaya dahil sa apo nitong si Kenedy. Maging siya man ay lalong na-inspire dahil sa bata. *** Fear, excitement, worried. Those are the feelings na kanyang naramramdaman habang papasok siya sa airport. Ngayon na ang flight niya pauwi ng Pilipinas. Hindi na rin siya nagpahatid kay Edward kahit anong pilit nito sa kanya ayaw niyang makasilip ito ng kaunting pag-asa dahil sa hinahayaan niya ito. Gusto rin siyang ihatid ni Alyssa pero hndi rin niya pinayagan dahil sa hindi niya gustong maabala pa ito sa trabaho, lalo’t dito na rin ibinigay ang iniwan niyang trabaho Nasa loob na siya ng Eroplano at hindi niya alam ang mararamdaman. Gusto niyang umidlip saglit at mahaba-haba pa ang kaniyang ibabiyahe pero tila hindi nagko-cooperate ang kaniyang utak. Memories occupies her mind… “Mommy!" Malakas na tawag niya sa kaniyang ina habang hila-hila ang kaniyang bike sa kanilang garahe. Agad naman sumungaw sa main door ang Inang nakasuot pa ng apron dahil kasalukuyan itong nagluluto ng kanilang pananghalian. Sabado ngayon at ang kaniyang daddy ay kasalukuyang nasa kanilang maliit na farm. Halos isang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay. They’re living with simple life here in Laguna. Only child lang siya dahil naging maselan ang pagbubuntis ng kaniyang Mommy sa kaniya at hindi na pumayag ang Daddy niya na mhihirapan at ma-risk ang buhay ng kaniyang ina. Meron silang halos sampong ektaryang farm at ito ang kanilang pangkabuhayan. Nakakunot ang noo ng kaniyang ina habang nakatingin ito sa kaniyang bike. “Saan ka pupunta Elianna?At mananghali na tayo. Maya-maya lang at nandito na rin ang Daddy mo.” “Sandali lang po ako Mommy at pupunta lang ako saglit kina Frances. Hihiram lang ako ng notes niya.” Sagot niyang nakasampa na sa kaniyang bike. “O, sige at huwag kang magtatagal doon at kakain na. Mag-ingat ka sa daan Elly!” Pahabol na lang nito nang umalis na siya lulan ng kaniyang bike. "I will mom!” Pasigaw niyang sagot dahil malayo-layo na rin siya sa kanilang bahay. Si Francesca ang kaniyang best friend simula ng elementarya siya. Transferee ito noong grade four sila. Napakaganda ni Frances dahil Amerikano ang ama nito. Umuwi ito kasama ang kaniyang ina dahil naghiwalay ang mga magulang nito. Kinaibigan niya si Frances dahil likas na mabait ito at mahinhin kahit na sa Amerika ito lumaki. Mula noon ay hindi na sila humiwalay pa sa isa’t-isa. And they were tagged as beauty and brain sa campus. Pero kailan man ay wala silang naramdaman ni katiting na inggit para sa isa't-isa Graduating na sila ngayon sa highschool at plano nilang pareho ang kurso ang kukunin at sa pareho ring eskwelahan mag-aral para magkasama pa rin sila. Mabilis ang ginagawa niyang pagpe-pedal sa kanyang bike. Nang sa pagliko niya sa napakakurbang daan hindi niya kaagad napansing may sasakyan sa gilid ng daan. Aminado siyang mabilis ang pagpedal niya sa kaniyang bisikleta. dahil alam niyang hindi matao ang lugar na iyon. Short cut na daan iyon papunta sa bahay ng kaibigan at mangilan-ngilan lamang ang dumaraan doon. Idagdag pa na wala namang nakatira sa lumang mansyong naroon. Sumampa ang bike niya sa sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan sa harapan ng lumang mansyon. Tumilapon siya at akala niya mapupuruhan na siya pero salamat at doon siya lumanding sa makakapal na damuhan. Nagpalinga-linga siya at nang makitang walang tao sa paligid ay maingat siyang tumayo, pero agad din niyang ibinagsak ang katawan sa damuhan nang maramdamang mahapdi ang kaliwang binti niya. Nang tingnan niya ay may dugo na umaagos doon. Gusto niyang umiyak dahil natatakot pa naman siya sa dugo. “Look what you get for being reckless!” Isang baritonong boses ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Pakiramdam niya ay kababangon pa lang nito sa higaan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Marahas na napatingala si Elianna mula sa pagkakayuko sa kaniyang binti. Agad niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses and she almost fainted nang makita ang lalaking nakadapa sa ilalim ng sasakyan. Base sa napansin niya ay nag-aayos 'ata ito ng makina ng sasakyan sa ilalim. Sobrang nagulat siya at kani-kanina lang no'ng nagpalinga-linga siya ay wala siyang nakita ni isang tao sa daan. Namilog ang kaniyang mga mata nang lumabas ito mula sa ilalim ng sasakyan na tanging nasasapinan ng rubber mat. Nang mapadako ang kaniyang mga mata sa tiyan nitong tila sintigas ng bakal kung titingnan ang tila nagyayabang mga abs nito ay parang hindi niya kayang ikurap man lang ang kanyang mga mata. A six-pack abs! Tanging kupasing maong na halos warak na sa kalumaan ang suot nito at wala itong damit pantaas. Ang makapal na buhok ay sobrang gulo pa, siguro gawa ng paggapang nito sa ilalim ng sasakyan. Meron ding mga grasang nakadikit sa brownish na buhok nito at pati na rin sa mukha nito. He has a broad shoulder and his muscled arms na tila nagbubuhat ng mga mabibigat. Dumapo pa ang kaniyang paningin sa mga mukha nito. He has a deep set of brown eyes na may makakapal na mga kilay at nakasalubong habang nakatunghay sa kaniya. Matangos ang ilong na bumagay sa manipis na labi nito. All in all napakagwapo nito at pupuwedeng ihilira sa mga Greek Gods sa kakisigang taglay nito. Hindi niya alam kung pure Filipino ito base sa mukha nito at naka English pa. "Are you finished scanning my body?” Sabi nito ulit nang hindi siya nakapagsalita at tila nakatulala lang dito. Tumaas pa ang isang sulok ng labi nito, hindi niya alam kung dahil nasusuya ito sa kaniya o na-amuse ito sa reaksiyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD