CHAPTER 4

1118 Words
MANILA “Is everything settle sa pag-uwi ni Architect Lorenzo, Uncle Art?” Sabi ng binatang nakaupo at nakapatong ang dalawang mlalaki at mahahabang mga binti sa mesang nasa harapan nito. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa basong may lamang alak. Napailing ang matandang lalaki sa nakikita. Pamangkin niya si Lucas at ito rin ang CEO ng A.Arguellez. Bagaman napagkamalan ng karamihan na A is stand for his name Arthur. Nagkakamali sila dahil A is stand for Alvaro ang apilyedo ng namayapang ama ni Lucas. Naalala pa niyang papalubog na sana ang itinayo niyang kompanya maraming taon na ang lumipas nang sinubukan niyang ialok ito for merging kay Tony Alvaro. Bayaw niya ito, asawa ng nakakatanda niyang kapatid na si Cristina. Hindi naman ito tumanggi at tinanggap ang alok niya, at ilang taon pa lang ang lumipas nakahanap na ito ng maraming investors at bumangon na uli ang negosyong papalubog na sana. Hindi lang bumangon umindayog pa ito ng napakataas at halos nakakalula. No wonder! Tony is always hungry in Business at namana 'ata ito ng binata nitong si Lucas. Kabaligtaran sa bunso nitong anak na si Lance na sobrang easy-to-go. At nang mamatay nga ito makalipas ang dalawang taon. Ihinabilin nito ang naiwang posisiyon sa nakakatanda nitong anak. Bagaman halos isang taon pa lang itong pumalit sa ama dahit kinakailangan pa rin nitong mag-undergo sa formal training bago sumabak sa posisyong inilaan ng ama para dito. At walang pinagbago lalo lang itong naging malakas ng pumalit si Lucas. Because his charm attracts more client. Isa lang ang ayaw niya sa pamangkin at the age of thirty-two hindi pa ito nag-aasawa. He’s a great womanizer. Pero hindi naman niya hinahalo ang trabaho sa personal na buhay nito. Everything is set Luke, marami tayong kilalang mga architects. Bakit si Miss Lorenzo? Well Luke, no wonder napakagaling ni Elianna, but I’m afraid pinasabak mo agad siya sa napakalaking obligasyon without giving her a proper training na siya naman nating ginagawa sa mga empleyado natin.” Bagaman nagtaka siya kung bakit naging interesado ang pamangkin una pa lang na masilayan nito ang mga designs ni Elianna ng bumisita ito sa opisina niya sa Singapore. Hindi niya rin ito napigilan nang mag-request ito ng agarang pag-transfer kay Elianna sa Maynila, para gawin itong project manager sa mga naka-line up nilang malalaking condominium projects. Agaran nitong pinaayos sa kanya ang pag-uwi ng dalaga. Interesado ba ang pamangkin sa dalaga? Well, no doubt Ellianna Lorenzo is so beautiful, physically she is perfect! At hindi naman lingid sa kanyang maraming binata sa kompanya nila sa Singapore ay nahuhumaling sa ganda nito. Isa na doon ang head ng planning department na si Architect Edward. They can be the perfect couple. Parehong maganda at ang guwapo. “Uncle trust me, I know what I’m doing and I assure you, she can bring it on top.” Tiyak nitong sagot. “Alright, I always trust your decisions Luke, you know that.” Tila pagpapatianod niya sa binata. “By the way I’m sure mawawalan ng kulay ang planning department kung mawawala na si Elianna. Mabuti na lang at mahinahong tao si Edward, hindi dadalhin ang init ng ulo dahil aalis na ang babaeng itinatangi nito.” Natatawa pang sabi niya, nakikita niya kung gaano ka patay ang binata sa dalaga. Edward is one of his favorite employee, napakagaling na bata, napakatalino at sobra siyang humahanga sa pamamaraan nito sa trabaho. He won’t be surprised if one day makikita niya ito with his own business, a successful one. “Sino? 'Yong tila baklang head ng planning department uncle?” Tumaas pa ang isang sulok ng labi nito na tila suklam na suklam sa binanggit niyang tao. “Edward is such a nice guy Luke, maraming may gusto dito at napakabait na bata, everyone likes him, at nakikita ko naman na tila nagkamamabutihan naman sila ni Architect Elianna.” “I don’t want to talk those people na hindi ko naman kilala personally Uncle. I’m not interested with their personal life. My concern ay ang ipapagawa kong trabaho kay Architect Elianna, Uncle. For Pete’s sake, this is not about showbiz! ”Sabi nitong padabog na umupo ng tuwid at ibinagsak ang hawak na baso sa mesa nito tumapon pa ng kaunti ang laman ng baso nito. Nagulat siya sa inakto ng pamangkin bagaman hindi niya maintindihan, but he finds himself amused sa naging reaksiyon ng pamangkin niya. And that’s his obligation to find out the reason behind the irritation. “Okay. Okay! Don’t shout at me Lucas. Look at yourself, you’re barking like a crazy dog!” Malakas siyang tumawa at hindi alintana ang tila galit ng pamangkin, at alam niyang wala itong magagawa. Luke is a very rugged man, walang kinakatakutan pero pagdating sa kaniya at sa namayapang ama nito malaki ang respeto nito. Pagdating naman sa ina ay napakalambing naman nito. He adores his mother, so much that he could kill someone na manakit dito. That’s why he admires Lucas so much. He has a reservation for everything. “I’m sorry Uncle, masyado lang akong maraming ginagawa this week, and I lost control. Gusto ko nang madaliin na umpisahan ang construction ng ating mga proyekto.” Hinging paumanhin naman nito na tila batang pinagalitan ng magulang. “I understand, don’t worry tomorrow Elianna will be here. Pero dahil bukas ay weekend, so, by Monday she will be here para mag-report na, and I already set the meeting para ma-discuss sa kanya ang magiging trabaho.” “Thanks, uncle Art, I’ll be glad at meron ng hahawak sa proyekto.” Dinampot uli ang baso at straight na ininom ang laman. “Because masiyado mong pini-pressure 'yang sarili mo sa trabaho, hindi mo ba inisip na maglagay na sa tahimik hijo? Tumatanda ka na. Masarap 'yong may inuuwian kang maituturing mong sa 'yo. Magbibinata na nga si Kenedy.” Sabi niyang tinapik ng bahagya ang balikat nito. Nakita niyang umaliwalas ang mukha nito at napangiti pagkarinig sa pangalan ng batang binanggit niya. “I have mommy and Kenedy, Uncle, at nariyan rin si Lance so there’s no reason for me na hanapin pa ang kaligayahan ko sa iba.” Sagot nitong nagkibit ng balikat. “The problem with you ay hindi mo sineseryoso ang mga nakarelasyon mo, at hindi ko alam kung bakit. Anyway, naparito lang naman ako para dalhin sa 'yo ito.” He handed him the folder na dala niya.“Dumaan lang ako para diyan pag-aralan mo ang proposal, may meeting pa ako.” Paalam niya. Tinadyakan ni Lucas ang bakanteng upuang nasa harapan nang tuluyang makaalis ang Tiyuhin. Hindi niya alam kung nanadya ito, o talagang wala lang itong alam. Did Mom tell him everything?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD