Bigla naman siyang natauhan at nakalimutang may iniinda pala siyang sugat. Agad siyang tumayo, only to groan ng maramdaman ang pananakit ng balakang na bumagsak sa damuhan pati na rin ang pagkirot ng kaniyang sugat sa binti.
“Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yong diyan mo aayusin 'yang sasakyan mo sa gilid ng daan?Alam mo namang napakakurba ng daan! Diyan mo pa ipinuwesto sa hindi agad makikita. Tapos ako pa ang sasabihan mong reckless!” Litanya niya nang makabawi sa pagkabigla.
Ignoring the pain in her legs. Saka niya lang narealize kung makakaintindi ba ito ng tagalog. And who cares kung hindi ito makaintindi?! Ang yabang naman nang sabihin sa kanya na in-scan niya daw ang kabuuan nito!
Hindi ba talaga Elly? Sagot ng isang bahagi ng utak niya. Pero hindi niya inintindi iyon dahil bigla siyang naiinis sa lalaki, hindi ba dapat ay tulungan na lang siya nito?
“Huwag mong idahilan ang daan sa recklessness mo, karamihan sa mga kabataan ngayon masiyadong padalos-dalos, kaya 'yan tuloy!” Sagot nitong bumaba ang paningin sa mahahaba niyang legs.
Agad naman siyang na-conscious sa mga titig nito. Halos nakahantad na rin kasi ang kalahati ng kaniyang hita dahil nakasuot lamang siya ng maikling sweat shorts at malaking T-shirt. She was never been conscious sa kaniyang physical appearance until this time. At salamat dahil nagtatagalog pala.
“Huwag mo naman balewalain ang kakulangan mo sa part mo! Matagal na akong dumadaan dito at never akong nadisgrasiya at ngayon pa lamang.” Naiinis siya at tila masiyado itong bilib sa sarili.
Biglang lumipad ang paghangang naramdaman niya kanina para rito. At kung magsalita tila ba tatay niya ito na kung titingnan ay parang ilang taon lang naman ang layo ng edad nila sa isa’t-isa.
Ito 'yong tipo ng tao na pakiramdam sa sarili’y palaging tama at ayaw tumanggap sa explanation ng iba. Napalatak na lang ito at muling bumaba ang tingin sa binti niyang may sugat.
“Let me see your wound, at dapat malinisan agad 'yan at baka maimpeksiyon, kargo de-konsensya ko pa.” Seryosong sabi nito at hindi pinansin pa ang tila pagta-tantrums niya. Tila bata siya kung ituring nito at gusto niyang magalit lalo dito.
“No need.” Agad niyang ipiniksi ang binti niyang may sugat nang akma nitong hahawakan 'yon.” Don’t dare to touch me, ni hindi nga kita kilala eh.” Asik niya sa lalaki. Pero binalewala nito ang paninita niya dito.
Hinabol pa rin ng kamay nito ang binti niyang may sugat at sinipat ito. Wala siyang nagawa nang hawakan nito ang binti niya at inspeksiyong tila ito Doctor at siya ang pasyente.
Nagulat pa siya nang maramdaman ang tila nakakapasong kamay nito sa kaniyang balat, tila ba mayroong bolta-boltahe ng kuryente ang gumapang doon mula sa mga kamay nito. Kinilabutan siya at tila nawawala sa katinuan ang kaniyang utak.
His callous and big hands caressing her wounded legs and she swears merong damdaming bumangon sa kaniya na ngayon niya lang nararamdaman. Hindi, kahit sa crush niyang si Cyrus sa kanilang campus.
“May mga malilit ka ring mga galos at mangingitim na 'yan mamaya. Dapat malagyan kaagad ng cream para hindi ito mag-iwan ng scars.” Tila paliwanag nito sa kaniya.
“Bakit?Ano ka ba Doctor?” Sagot naman niyang binabalewala ang mga sinasabi nito. Marahas itong tumingala sa kaniyang gawi at bahagya pang bumunggo ang tuktok ng ulo nito sa kaniyang baba. Napatingin ito sa kaniyang mga mata at ganoon din siya dito.
Their Gazes locked.
At hindi niya alam kung bakit tila bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Parang merong mga dagang naghahabulan sa loob. And again the feeling is new to her.
Pareho pa silang nagulat nang may malakas na tumikhim sa 'di kalayuan. Napatayo ito nang tuwid at balewalang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Ganoon din ang ginawa niya at nakita niyang may isa pang lalaki ang lumabas mula sa gate ng lumang mansiyon at nakatunghay lamang sa kanila. Halos kaedad niya lang ang lalaki. Nakita niyang papalapit ito sa kanila.
“What Happened, Kuya?” Tila nag-aalala itong nakatingin sa nakakatandang lalaki sa harapan niya.
"Bumangga ang bisikleta niya sa sasakyan ko.” Kuwento nito sa nakabatang lalaki.
Agad namang bumaling sa kaniya ang nakakabatang lalaki. Unlike the older man hindi masiyadong malaki ang katawan nito, mapusyaw din ang kulay ng balat nito hindi tulad ng tinawag niyang Kuya na masiyadong tan ang kulay ng balat. Para itong modelo na mahilig magbabad sa beach .
Mabilis niyang binura ang ano mang paghanga sa pisikal na anyo ng lalaki masiyado itong mayabang para hangaan. Pero tulad ng Kuya nito matangkad din ito at guwapo. They both have a beautiful brown eyes and brownish hair.
“Okay ka lang ba, Miss?” Baling nito sa kaniya na tila nag-aalala.
“I’m okay.” Maikli niyang sagot at napangiti sa lalaki. The younger boy is nice and friendly hindi tulad ng Kuya nito na parang may pasan-pasan na problima. Parang napaka-bitter sa buhay nito.
“Maigi sigurong mapatingnan 'yan sa clinic at baka ma-infect 'yan.” Dagdag pa nito.
“Huwag ka nang mag-abala pa malapit lang naman ang bahay namin dito.” She composed herself at dahan-dahang nilapitan ang nakatumbang bike sa 'di-kalayuan. Pilit iniinda ang mga parte ng katawang masasakit.
Agad naman itong lumapit sa bike niya at ito na ang kusang nagpatayo sa bisikleta.
"Here.” Inabot nito ang bike sa kaniya.
“By the way, I’m Lance and this is Kuya Lucas, kapatid ko. Kalilipat lang namin diyan sa lumang bahay na 'yan.” Turo nito sa malaking bahay.
“I’m Elianna, sa kabilang kanto lang 'yong bahay namin,” nahihiya niyang pakilala sa sarili. Sa sulok ng kaniyang mata ay nakita niyang mataman siyang tinititigan ng tinawag nitong Lucas, at naiilang siya sa mga titig na iyon.
“Nice meeting you Elly.. hmmm Elly, can I call you Elly?” Inabot ang kamay sa kaniya for a shake hands. Nahihiya man ay inabot niya ang kamay nito para makipagkamay.
“It’s fine, everybody calls me, Elly.” Sabay bawi sa kamay niya nang hindi nito binibitawan at naramdaman ang pagpisil nito sa kaniyang palad. Yumuko pa ito at akmang hahawakan ang binti niyang may sugat.
“Tara sa loob malinisan man lang 'yang sugat mo at parang malaki ang sugat mo at may mga galos ka pa.”
Agad naman siyang humakbang paatras upang hindi nito mahahawakan ang legs niya. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang bumunggo ang likod niya sa matitipunong dibdib ni Lucas. Nakatayo lang pala ito sa likuran niya .Wala pa naman itong pang-itaas na damit.
Nakita niyang puno ito kanina ng grasa, but his scent made her heart skipped a beat. Naghahalo ang natural scent nito sa pawis nito pero ngayon lang siya naka-encounter na pawisan na ay mabango pa rin.
“Be careful, you’re so clumsy!” Bulong nito. And again, his fresh mint breathes made her lose her mind. Lumayo siya dito at tuluyang sumakay sa kaniyang bisikleta.
Tiningnan niya rin ito ng masama.
“Huwag na L-lance, sa bahay na lang.” Baling niya kay Lance.
“Ihahatid nalang kita, teka at kukunin ko lang ang sasakyan sa loob, Elly.” Sagot naman ni Lance na tila nagpapa-impress sa crush nito.
"Elly!” Tawag sa kaniya ng babaeng sakay ng tricycle. Umaliwalas ang mukha ni Elianna nang mapagsino ang tumawag sa kaniya.
“Frances! Kaway niya sa kaibigan ng makalapit ito sa kaniya. “Saan ka pupunta?” Tanong niya kaagad dito.
“Kanina pa kita hinihintay sa bahay, kasi 'di ba sabi mo hihiramin mo itong notes ko? Kaya ako na lang sana ang maghahatid sa inyo.” Sabay taas sa bitbit nitong kuwaderno.
“Papunta na ako dapat sa bahay n'yo kaso natumba ako at may nakaharang pala na sasakyan sa daan. Diyan ba naman aayusin sa daan ang sirang sasakyan niya, e, alam naman na makitid ang daan dito.” Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng antipatikong lalaki.
“Hey Ladies!” malakas namang sabi ni Lance. Napabaling ang kaibigan at saka lang nito napansing may iba pa silang mga kasama.
“Hi, I’m Lance, and this is Kuya Lucas.” Mabilis namang lumapit si Lance at agad nagpakilala.
Nakita niyang lumapit si Lucas kay Frances and extends his hand for a shake hands.
“Nice meeting you, Frances.” Si Lucas na nakakatunaw ang titig,mga sa kaibigan niya. Curiously, she looks at her friend. Frances is so attractive with her denim shorts and hanging blouse exposing her beautiful body. Ang buhok na mahaba at natural blond dahil sa Fil-Am ito ay inililipad ng hangin and she looks like a Goddess.
At siya?
Tila gusgusing bata, wearing her sweat shorts and an oversize t-shirt literal na nakapambahay. Isa lang ang lamang niya dito ang kaniyang height. Kahit na foreigner ang ama nito ay 'di hamak na mas matangkad pa rin siya kay Frances.
And she hated Lucas even more, she don’t know why. Dahil ba sa atensiyon nito sa kaibigan?
Agad niyang binalingan si Lance na titig na titig naman sa kanya and she flips some stray hair in her face away.
“Pwede bang makiinom Lance?” Wala siyang ibang maisip na gagawin habang nag-uusap si Lucas at si Frances.
Alangan namang tutunganga siya sa isang sulok.
“Come inside, Elly.” Yaya naman ni Lance sa kaniya sa loob, no choice, sumunod siya sa binatilyo.
“Pagpasensiyahan mo na, Elly, magulo ang bahay at hindi pa naayos ang mga gamit namin dahil kalilipat pa lang namin.” Tila nahihiya pa ito sa kaniya.
“Okay lang Lance. Salamat.” Mahinhin na sagot niya matapos siyang uminom ng tubig na binigay nito.
“Aalis na ako at siguradong hinihintay na ako ng mommy sa bahay.” Paalam niya at lumabas na siya ng bahay.
Naabutan naman niya sa labas na mataman pa ring nag-uusap ang dalawa. And she wanted to hate her friend, pero alam niyang hindi iyon tama at walang dahilan, so, she ignores the unwanted feeling.
“Kukunin ko na lang ang notes mo Frances at uuwi na lang ako dahil paniguradong nakauwi na ang daddy at hinihintay na nila ako. Saglit lang ang paalam ko.” Agaw niya sa pansin ng kaibigan na tila hindi na siya napansin dahil masiyadong tutok sa mga sinasabi ni Lucas.
Tiningnan niya ito at inirapan nang tumingin ito sa kaniya. Ni hindi nito nagawang magsuot man lang ng kamiseta habang nakikipag-usap kay Frances. As if he’s seducing her, and Frances seems to like it also.
This man is so disgusting!
“Sure Elly. Here.” Inabot niya ang notebook at dali-daling sumakay sa bike.
“Bye Elly, see you around!” Pahabol ni Lance habang papalayo na siya. She never bothers to look back. This is her bad day ever!
Kahit na masakit ang sugat niya sa binti at ang balakang niya ay pinilit niyang bilisan ang pagpapatakbo sa kanyang bike. Nang marating ang kanilang bahay ay mabilis siyang pumasok sa kanilang bahay matapos niyang ilagay ng maayos ang kanyang bike sa kanilang garahe.
Sobrang nag-alala pa ang kaniyang Mommy nang makita ang sugat niya. Pero hindi hamak na sermon ang inabot niya sa kaniyang nanay Cora, ang kaniyang yaya simula nang sanggol pa lamang siya..
Dalaga pa raw ang kaniyang Mommy nang manilbihan ito sa kanila. No'ng mag-asawa ang kaniyang Mommy ay pinasama daw ito ng kaniyang Lola Rosa sa Mommy niya. Nang manganak ang kaniyang ina ay ito na ang naging katuwang nito sa pag-aalaga sa kaniya. Kaya hindi na ito iba sa kanila, pamilya na ang turing nila sa matanda dahil wala na rin itong pamilya pa.