After she declared back her love to Lucas ay hinatid na siya nito sa kanilang bahay. The proposal wasn't that romantic and extravagant, but the thought of it was so extraordinary for her and for Lucas. Something's that worth to keep on.
Natutuwa naman ang kaniyang Daddy nang makita nito ang binata.
“Engineer Alvaro, mabuti at hinatid mo na naman itong anak ko,” tila ba tiwalang-tiwala ito agad sa binata. Oo nga pala boyfriend na niya ngayon ang super hunk na Engineer na ito. Isipin pa lamang niya 'yon ay kinikilig na siya. Para bang nakalutang siya sa alapaap.
“By the way, Sir, can I have a word with you?” Napakamot pa sa batok na sabi nito sa kaniyang Daddy. Naging seryoso naman ang mukha ng kaniyang ama at niyaya nito si Lucas sa maliit nitong office.
Nang makapasok ang dalawa sa loob ng library ay kinakabahan naman siyang palakad-lakad sa kanilang sala.
Hindi rin nagtagal ay lumabas ang dalawang lalaki mula sa silid at makahulugan siyang tinitigan ng kaniyang ama. Halos mabiyak ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba sa maaring sasabihin nito dahil panigurado sinabi na ni Lucas ang tungkol sa kanila. Ito kasi 'yong tipong matapang at walang kinakakatakutan.
“I am telling it to you, Engineer Lucas, do not mess up with my daughter at malagot ka sa 'kin. Alam mong napakabata pa nitong si Elianna ko,” banta ng kaniyang ama pero halata namang hindi ito tutol sa binata.
“Luke o Lucas na lang po sir, soon me and you will become one as family. Hinding-hindi ko po 'yon magagawa ang saktan si Elly. Mahal na mahal ko po si Elly,” kampanteng sagot nito at maagap na kinuha ang tray ng meryenda sa kaniyang Mommy nang makita nitong papasok ang ina mula sa kusina.
'O sino ang matapang na binata na humarap sa parents ng dalaga sa unang araw ng relasyon nila at sabihin sa ama ng babae na maging magpamilya rin sila nito? Tanging si Lucas Alvaro lamang ang nagmamay-ari ng ganoong lakas ng loob.
“I’ll hold on your words, call me Tito George,” nakangiti na sabi ng kaniyang ama. Inakbayan din nito ang tila nababahala niyang ina.
“Masiyado pang bata itong anak namin, Lucas, sana naman magiging maayos lang ang lahat,” may alinlangan sa boses ng kaniyang ina.
“Don’t worry po, Ma'am, maaasahan n'yo po ako diyan,” at ewan niya ba kung bakit napakahiwaga ng salita nito. Agad nawawala ang alinlangan ng mga magulang at halatang agad kumapit sa mga sinasabi nito.
Ginagap nito ang kaniyang mga palad at bigla ring nawala ang tensiyong nararamdaman niya sa pagharap-harap nilang ito. He’s holding her hand as if he’s holding his life.
“Drop the formality, Lucas, call me Tita Luisa. Wala na rin kaming magagawa pa at nobyo ka na ng anak namin.”
“Thank you po, please believe me, malinis po ang hangarin ko sa anak n'yo,” bigay assurance nito.
“H-hinding-hindi ko rin po sisirain ang tiwala n'yo sa’kin, Mommy, Daddy,” she promised. Lucas held her cold hand so tightly and it warms her heart.
Malalim na ang gabi nang magpaalam itong uuwi na.
Masaya silang nag-uusap hindi nagtagal. Namumula pa ang kaniyang mga pisngi dahil everytime Lucas got a chance ay kaagad itong bubulong sa kaniya kung gaano siya nito kamahal at kung gaano ito kasaya ngayon.
Halos hating gabi na nang magpaalam si Lucas na uuwi. She doesn't want to end her day with him just like that, pero alangan naman na dito na matutulog si Lucas sa kanila, hindi ba?
"Umalis ka na!" Pabirong taboy niya rito dahil parang walang balak si Lucas na umalis habang mataman lang na nakatitig sa kaniya , nakasandal sa motorsiklo nito, at hawak-hawak ang kaniyang mga kamay.
"Puwede ko bang iuwi ka na lang, Sweetheart?" He kissed her hands.
"Mr. Alvaro masiyado ka na!" Kinuha niya ang mga kamay niya at natawa naman sa ginawa niya si Lucas.
"Te amo siempre y para siempre. Buenas noches dulzura." Yumukod pa ito bago siya ninakawan ulit ng isang mabilis na halik sa mga labi. Naririnig niya pa ang tawa nito na nakisabayan sa malakas na tunog ng makina ng sasakyan nito habang papalayo ito.
***
Everything went fine simula noon. Mabilis na lumilipas ang mga araw. Halos araw-araw siyang walang pagsisidlan sa kaniyang kasiyahan, having Lucas as her boyfriend.
Sinusundo at hinahatid siya nito sa eskwela sakay ng motorsiklo nito and she started loving his Harley Davidson. Kulang ang araw niya 'pag hindi ito ang gamit ni Lucas sa paghatid-sundo sa kaniya. She started loving everything about him.
Hindi rin tumutol ang mga magulang ni Lucas bagaman katakot-takot na bilin nito sa kanila lalo na kay Lucas. Naging aloof rin sa kanila si Lance. Agad itong lumalayo pero balang araw alam niyang maiintindihan nito ang lahat. Ngunit nababahala siya dahil simula noon ay palagi na rin itong napapaaway sa campus at palagi pang pinapatawag ang ina ng mga,dahil palagi itong hindi pumapasok. But Lucas give her assurance na huwag na daw pansinin at sila ng bahala dito.
Si Frances ay hindi rin siya pinansin noong unang malaman nito ang relasyon nila ni Lucas, pero kalaunan ay naging masaya na rin daw ito para sa kanila. Pero totoo pala ang kasabihang life is not a fairytale.
Dahil sa araw pala na 'yon ay hindi niya alam na guguho ang kaniyang mundo.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nag-ring sa kaniyang bag at awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya nang makitang si Lucas ang tumatawag sa kaniya. Ilang araw na itong hindi niya nakikita dahil nasa business trip ito,and she misses him so much.
Para bang ilang taon na niya itong hindi nakikita. Nag-vi-video call naman ito 'pag gabi pero iba talaga 'yong nakakasama niya ito.
Tila ba nakadepende na kay Lucas ang buhay niya, at 'yon ang hindi niya napaghandaan.
“Hi sweetheart, pauwi na ako ngayon,” narinig niya ang boses nito sa kabilang linya. Bigla siyang na-excite sa kaalamang maya-maya lang ay kasama na niya ito.
“Hihintayin kita sa bahay, Luke,” biglang sumigla ang boses niya.
“Pwede bang doon tayo magkita sa tabing dagat na lang? Ihahatid na lang kita mamaya sa bahay n'yo, I have a surprise for you.” Napaisip siya sa sorpresang sinasabi nito at hindi siya nag-alinlangang sumang-ayon na doon siya dideritso pagkatapos ng klase niya. Naging tambayan na rin kasi nilang dalawa iyon. Their favorite place to hang on.
“I will wait for you there, Sweetheart, and I miss you so much,” sabi nito bago magpaalam sa kabilang linya.