CHAPTER 10

1325 Words
”Ibaba mo ako sabi at hindi ito ang daan pauwi sa ’min.” “Alam ko namang hindi ito ang daan papunta sa inyo, eh. You're always making things hard for both of us, Sweetheart. And don’t push me to my limit at baka ano pa ang magawa ko,” nakakalokong sabi nito at biglang bumangon ang kaba sa kaniyang dibdib pagkarinig sa sinabi nitong endearment. Hindi kaya nabibingi lang siya? Pero malinaw kasi, eh. “Huwag kang gumawa ng ano mang kalokohan sa ’kin, Lucas,” banta niya dito. Pero malakas lang itong tumawa ulit. At aaminin man niya o hindi his laughter is like a pleasant music to her ears. Hindi niya maintindihan ang mga damdaming binibigay nito sa kaniya. Naroong, nagagalit siya dito lalo na 'pag magkausap ito at ang best friend niya. Naroong humahanga rin siya hindi lang sa physical na anyo nito pati na rin sa achievements nito sa ganitong edad pa lamang nito. Hindi kaya nagseselos… Pero siya na rin ang pumutol sa isiping iyon. “Bakit may pakiramdam akong napakasarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang bumabanggit nito, Sweetheart?” “Ano bang pinagsasabi mo diyan?” Hindi na nito nakuhang sumagot pa nang sumapit na sila sa gilid ng dagat. Medyo malayo-layo na rin ito sa kanila. Pinarada nito ang motorsiklo sa lilim ng isang malaking Puno. Inalalayan din siyang makababa nito. “Anong gagawin natin dito Lucas? Siguradong hinahanap na ako ng Mommy sa bahay,” nag-aalalang sabi niya sa binata . Ngunit mataman lang itong nakatingin sa kaniya habang nakasandal sa malaking puno at naka cross ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito. “Bear a little time with me, Elly, please,” he pleaded.. Naninibago siya sa inaakto nito ngayon, hindi na ito 'yong tipong palaging galit. Hinawi pa nito ang ilang hibla ng buhok niyang tumabing sa kaniyang mukha. Nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong kabigin at napasubsob siya sa malalapad na dibdib nito. Automatically, she hugged his waist, dahil mawawalan siya ng balanse kung hindi niya gagawin iyon. “L-let me go Lucas,” hindi niya alam kung may boses pang lumabas sa kaniya sa sobrang gulat sa ginawa nito. Idagdag pa na parang drum ang kaniyang puso na dumadagundong dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. “Bakit ba palagi kang galit sa ’kin, hmm? Hindi ka naman ganoon sa kapatid ko at sa batang lalaki doon sa campus,” malambing na sabi nito habang hinahaplos ang hndi kahabaan niyang buhok. And that brought a heavenly feeling to her na kailanman hindi niya naramdaman sa kanino mang lalaki o sa tanang buhay niya. “Kasing edad ko lang si Cyrus, sinasabi mo lang 'yan kasi matanda ka na,” pabiro niyang sabi to ease the awkward moment between them. “Stop mentioning other guy’s name when I’m with you.” “And why not?” She dared him. “Didn’t you get it, Elly? I’m jelous! Dammit! I’m jealous even with my own brother. At kanina nang Makita ko kayong magkasama sa bahay ay parang gusto kong sipain sa mukha si Lance, but it could cause trouble at ako mismo ang magpapahamak sa kaniya instead of protecting him lalo na sa mga pinagdadaanan niya ngayon,” pagalit na sabi nito. “I-I d-don't know what to say Lucas,” garalgal ang boses na sabi niya. She’s really upset na gusto niyang tumakbo sa gitna ng dagat at magpakalunod. She really don’t know what to do. “You don't need to say something, Sweetheart, I know sobrang bilis sa 'yo ang pangyayari at mahirap mong maintindihan ang lahat ng ito dahil masiyado ka pang bata. Ayoko sanang gawin ito ngayon, but each day passing by na hindi mo ako pinapansin nami-miss kita lalo. And I 'd like to smash those guys na lumalapit sa ’yo. Hindi mo ba alam na araw-araw akong pumupunta sa high school building para makita ka lang? At nagagalit lang ako kapag madadatnan kong kausap mo si Lance o kung sino pa mang lalaki diyan,” mahaba at madamdamin nitong sabi at pakiramdam niya nalulunod ang kaniyang puso sa sobrang galak sa mga inamin nito. “Y-you w-were there for me? Akala ko kasi sinusundo mo si Frances,” she’s stammering. “Sino naman ang may sabi niyan sa 'yo? Nang maturuan ko ng leksyon ang pagkatsismosa niya,” sagot nitong titig na titig sa kaniyang mukha. “Anghel ka ba na pumanaog mula sa langit? Because you look exactly what the bible describe about angels. Napakaganda mo, Elly.” Saka hinawakan nito ang kaniyang baba at pinantay ang ulo sa kaniya. Sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya at nangangatog ang kaniyang mga tuhod dahil doon. “A-akala ko kasi nililigawan mo si Frances,” sagot niyang pilit binabalewala ang ginagawa nito. “Hindi ko siya nililigawan, sa kaniya lang ako lumalapit kasi para kang tigre 'pag kaharap mo ako,” he said lovingly while caressing her cheeks, at alam niyang nagbu-blush na siya. “I think, I’m inlove with you the first time my eyes laid on you, Elly. Hindi mo ba alam na galit na galit ako noong bumangga ka sa sasakyan ko? Pero nang makita ko ang mukha mo ay biglang natapon ang galit na nararamdaman ko.Nagagalit na lamang ako no'n dahil nakikita ko ang maraming galos mo. Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nadisgrasya ka. At noong muli tayong nagkita sa campus, alam mo bang gusto ko sanang durugin sa mga kamay ko ang katawan ng lalaking 'yon nang makita kong hinawakan ka niya sa mga kamay? At noong debut ni Frances, matagal na ako sa labas at tinitingnan kayo ni Lance. Noon namang isinayaw ka ng payating lalaking 'yon, gusto kong magwala kung hindi ko lang naisip masira ko ang party ng kaibigan mo,” mahabang sabi nito na parang literal nang lumulukso ng kaniyang puso mula sa puwesto nito sa dibdib niya Sobrang saya niya ngayon. She didn't know na may tulad pala nitong damdamin na tanging si Lucas lang ang makapagpaparamdam sa kaniya. “Now tell me kung hindi iyon selos, anong tawag diyan?” Dagdag pa nitong, napaiyak siya at isinubsob ang kaniyang mukha sa dibdib nito. Napapahikbi siya at hindi niya alam ang sasabihin. “Tell me something, Elly my Sweetheart. Do you hate me more? Lalo ka bang nagagalit sa 'kin, hmmm?” Tinaas nito ang kaniyang mukha at pinunasan ang mga luhang mabilis na lumalandas sa kaniyang mga pisngi. “Kanina ka pa umiiyak and I want to cursed myself for making you cry.” "I don’t know what to say Lucas, but one thing for sure, I hate you and Frances being together.” Nakahikbi pa ring sabi niya. “And from now on, ikaw na ang palagi kong kasama.” Humigpit ang paghawak nito sa kaniyang baba sa paraang hindi naman siya nasasaktan. “And what about Frances?” tanong niyang sinalubong ang mga mata nito . “Don’t worry about her, I’m sure she’ll be happy. Alam naman niyang mlakas ang tama ko sa 'yo.” Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kaniya. She was surprised nang lumapat ang labi nito sa kaniyang mga labi. Those things are foreign to her at hindi niya alam kung paano tugunin ang halik na iyon. It’s her first kiss. “Let’s stop this bago pa ako makalimot, you’re driving me crazy, my Sweetheart,” bulong nito at muli siyang niyakap nang mahigpit at isinubsob ang mukha sa kaniyang buhok. “I love you, my dear, Elly, please say you love me too, I’ll die if you say you don't love me back,” tila nagpapanic na sabi nito, and her heart is so full. She will die also kung hindi niya masabi ang nararamdaman niya kay Lucas. Wala ng sasaya pa sa araw na iyon para kay Elly. Mamatay man siya ngayon okay lang basta kasama niya lang si Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD