Nang matapos ang huling subject niya ay dali-dali na siyang lumabas ng campus at agad na sumakay ng tricycle na naka parada. Nagpahatid na siya sa tabing dagat kung saan sila magkikita ni Lucas. Ayaw niyang paghintayin doon nang matagal si Lucas.
Noong marating niya ang lugar na iyon ay nagmamadali siyang bumaba at nagbayad sa driver ng tricycle. Halos patakbo siyang lumapit nang makita niyang nakaparada ang motorsiklo ni Lucas sa 'di kalayuan. Sa ilalim ng malaking puno.
Malapit na siya sa kinaroroonan nito nang matigil siya sa kaniyang paglakad dahil naulinigan niyang tila may nag-uusap. Hindi nag-iisa si Lucas doon at may kasama ito
Out of curiousity ay sinilip niya ito para makita kung sino ang kausap nito, ngunit natatabingan ang mga ito ng malaking puno, kaya dahan-dahan siyang lumapit upang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
Her parents taught her that eavesdropping isn't good, but she will die of curiosity kung hindi niya malalamam kung sino at kung ano ang pinag-uusapan ni Lucas at ng kasama nito.
Malapit na siya and the voices became clearer. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang marinig ang nagmamay-ari ng boses na kausap ni Lucas. Kilalang-kilala niya ang kausap ni Lucas. Tila mabibiyak ang dibdib niya sa sobrang kaba habang nakakubli siya at pinapakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.
“I am pregnant Luke, I don’t know how to handle this. Napakabata ko pa at ayokong madaanan ng aking anak ang dinanas ko kung gaano kahirap ang walang ama,” humihikbing sabi nito.
At kilalang-kilala niya ang boses ng kaniyang bestfriend hindi man niya makikita ito. Ilang taon na ang pagkakaibigan nila ni Frances para hindi siya pamilyar sa boses nito.
“Please Frances calm down, I’m here, hindi kita hahayaang haharapin 'yan mag-isa.” Halos Mabiyak ang kaniyang puso sa naririnig. na sagot ni Lucas sa sinabi ni Frances. Buntis si Frances at si Lucas ang ama? How could they do that to her? At ito ba ang sorpresa na sinasabi sa kaniya ni Lucas? Ang guhuin nito ang buong mundo niya?
Her boyfriend and her best friend? Hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga naririnig. Nanginginig ang buo niyang katawan sa mga nalaman. Parang gugustuhin na lamang niya ang umulan ng ubod lakas at anurin na lamang siya ng baha hanggang sa pinakagitna ng baybayin para hindi na siya makaahon pa roon. At para hindi na rin niya maramdaman pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Kaya pala absent ito kanina. At palagi itong absent at matamlay, she never bothered to ask her anyway.
Gusto niyang sumigaw, para malaman ng mga itong nakikinig siya pero walang boses na lumalabas sa kaniya. Namalat ang kaniyang lalamunan at gusto niyang maglupasay sa sakit na nararamdaman ngayon.
Kung binugbog siya siguro ay okay pa, but God knows how heartbroken she is right now. Her boyfriend and her best friend cheated on her!
Siguro ito iyong sorpresang sinasabi ni Lucas kanina sa telepono. Kung ito nga iyon ay sigurado siyang nakakasorpresa talaga ito!
“Paano si Elly?” Narinig niyang sabi pa nito.
Napakapit siya sa malaking puno dahil pakiramdam niya ano mang oras ay matutumba siya. Hinihintay niya kung ano pa ang sasabihin ni Lucas.
“She’ll understand Frances, just go home now at aayusin ko ang lahat.”
Nang marinig niya iyon ay bigla siyang natauhan.
Natutop ng palad ni Elly ang kanyang bibig sa mga naririnig. Napatuwid siya ng tayo at lumakad palayo sa nanghihina niyang mga binti. Kinaya niyang maglakad kahit na literal na nawalan siya ng lakas. Wala sa loob na napapatakbo siya habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata. Ayaw niyang maabutan siya rito ni Frances. Ayaw niyang makita pa siya ni Lucas. They're both killing her.
Hindi niya alam kung bakit kailangan na papaniwalain siya ni Lucas na mahal siya nito samantala ay may relasyon pala ito at si Frances.
At si Frances naman, how could she can act fine sa kaniyang harap habang nagkukuwento siya ng tungkol sa kanila ni Lucas? Paanong hindi man lang ito umaalma gayong may namagitan na pala rito at kay Lucas? May usapan ba ang dalawa tungkol doon?
Ni hindi niya namalayan kung paano siyang nakauwi sa kanila. Biglang gumuho ang mundo niya. Akala ba niya ay okay lang kay Frances na sila ni Lucas? Iyon pala ay ginawa siyang tanga ng dalawa. While she’s enjoying his attention, He and her dear friend enjoying fooling her around.
Saklap, 'di ba?
Nagulat ang kaniyang ina sa kaniyang itsura pagdating niya. Kaagad siyang tumakbo payakap dito while telling her everything. Nasasaktan siya kung kaya ay wala siyang itinago sa kaniyang ina. At ramdam niyang halos mabibiyak din ang dibdib ng kaniyang mommy habang nakikinig sa kaniya at nakikita siyang nasasaktan.
Habang ang daddy niya ay halos hindi malalaman ang gagawin. First time niya itong nakitang nagalit ng ganoon at pakiramdam niya, she caused trouble with her mom and dad. To this family. She is the failure to them!
“Huwag lang susubukan ng lalaking 'yon na magpapakita sa ’kin dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kaniya,” galit na galit ito.
Maya-maya lang ay narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Parang wala siyang ganang kumilos at wala na rin siyang pakialam pa kung sino man ang tumatawag sa kaniya. Ang mommy na niya ang lumabas sa kaniyang cellphone mula sa kaniyang bag. Nang iangat ito ng Mommy niya malapit sa kaniya ay nakita niya pang nakarehistro ang pangalan ni Lucas na tumatawag.
Pinatay ng kaniyang ina ang cellphone at ibinalik sa kaniyang bag. Halos wala pang sampung minuto mula ng tumawag ito sa kaniya ay narinig na niya ang malakas na busina ng motorsiklo sa labas ng kanilang gate.
Kilala niya kung sino iyon, ngunit ni hindi siya natinag sa kinauupuan niya at nanatili lang siyang humahagulgol. Ni hindi niya napigilan ang ama ng lumabas ito para harapin si Lucas.
“Umalis ka na habang hindi pa ako nakalimot sa aking sarili!” Narinig pa niya ang galit na sabi ng kanyang ama.
“Gusto ko pong makausap si Elly,” tila balewala naman dito ang galit ng kaniyang ama. Ni hindi niya nakaringgan ang kaunting takot man lang nito sa kaniyang Daddy. He has all the courage to talk to her Dad like he did nothing wrong with her.
Nagsimula na rin nitong kalampagin ang gate nila nang hindi ito pinagbuksan ng Daddy niya. Pinigilan niya Ang sariling lumabas para lapitan Ito. Natatakot siyang makita niya ito. Natatakot siyang makinig sa sasabihin nito, dahil baka kung maniwala lang siya at makalimutan niya ang narinig niyang usapan nito at ni Frances kanina. Her heart is so scared to give in. Mahal niya ito at iyon ang ikinakakatakot niya.
“Ilabas niyo po siya! I respect you, but I won't be leaving here without a single word with Elly!” Nagsisigaw na rin ito.
Dinala na siya ng kaniyang ina sa kaniyang kuwarto at hindi niya alam kung bakit mabilis siyang nakatulog. Ganito ba ang nasasaktan, mabilis mapagod? Hindi na rin niya alam ang nangyayari sa labas dahil para bang hinang-hina siya.