Kinagabihan halos ilang minuto na siyang nakatapos sa paggayak bago ang itinakdang oras ni Edward sa kanya.. At kasalukuyang na niyang hinihintay si Edward nang muli niyang sinipat ang repleksyon sa salamin, and she’s amaze of her reflection.
She is wearing a black halter long dress, na may mlalim na slit sa kaliwang side hindi mo mapupuna ito kung hindi ka lumalakad. It shows her shapely and milky white long legs.
Hinayaan niya lang nakalugay ang kanyang shoulder level blond hair. That made her look more classy. Namana niya ang matangkad na height ng kanyang Daddy George, 5’ 11” ang kanyang height. At biniyayaan nang mahubog na katawan, a voluptous body na minana naman niya sa kanyang Mommy Luisa, pati na rin ang maputi at makikinis niyang balat.
Marami na rin ang ngsasabing napakaganda niya, an angelic face sabi pa ng karamihan. Ang iba nga sinasabing qualified daw siya sa mga prestihiyosong beauty pageant pero natatawa na lang siya at wala naman siyang hilig sa mga ganoong bagay.
“Anghel ka ba na pumanaog sa lupa?” Suddenly the words of someone flash back in her mind. Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang mga salitang iyon na kailanman hindi niya gustong maalala pa.
Nagulat pa siya nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang apartment. Sigurado siyang si Edward na 'yon, kaya agad siyang tumayo at kinuha ang kaniyang purse sa upuan at tinungo na ang pintuan.
“Hi, You look stunningly gorgeous Elly!” Hindi nito itinago ang labis na paghanga sa kanya.
“Thank you Edward, You’re being exaggerated,” biro niya para pagtakpan ang ilang sa mga titig nito.
“I am telling what’s in my heart Elly,” seryoso at makahulugang sabi nito.
Natahimik siya at tiningnan lamang ito nang hawakan nito ang kanyang siko at iginiya sa naka-park na sasakyan nito.
Edward is a real gentleman, napakalumanay na tao. Pati pananalita nito napakalambing, never niyang nakita na nagalit ito sa tauhan sa planning section kapag may nagkamali. He always brought everything with diplomacy. Bagay lang sa napakalinis na awra nito.
Kabaliktaran ni Lucas na very rugged manamit na akala mo 'yong sapatos ay ilang buwan nang hindi nalabhan sa sobrang dumi. Mahilig rin sa mga kupasing pantalong maong, ang buhok na tila ba hindi nakakilala ng suklay sa sobrang gulo, pero that’s not made him less handsome. Instead, it’s just added to his hotness at lalong nagpaguwapo sa kanya. Isa pa napakabango nito maghapon mang magpapawis. Pati pananalita nito hindi mo rin maringgan nang kahit kaunting lambing man lang. Parang binabagay lamang din nito ang ugali sa machong katawan. He had a nice built, 'yong malaking katawan na mayroong matitigas na mga muscles, all in right places.
Ano ba? Kanina ka pa nag-iisip ng kung anu-ano diyan! such a morbid thought Elly!
Sita niya sa isang bahagi ng isipan at palagi na lang kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Mga bagay na hindi dapat isipin pa, o hindi man lang nararapat na pansinin.“
"Are you alright Elly? Kanina ka pa walang kibo diyan,” pansin ni Edward nang makaupo na sila sa pina-reserved nitong mesa sa isang cozy restaurant ng isang sikat na hotel sa Singapore. Napatingin siya sa glass wall ng nasabing restaurant. Sa labas at nakikita niya ang nagtatayugang buildings na tila ba nagpapaligsahan ng taas sa isa’t-isa.
“I’m alright Edward, don’t worry,” pinilit niyang ituon ang buong pansin sa masasarap na pagkain na nakahain sa mesa nila.
“Dadalawin kita sa Pilipinas regularly, Elly, distance is not a reason para tigilan ko ang nararamdaman ko sa 'yo,” seryoso itong nakatingin lang sa kanya halos hindi naman ito kumakain at hindi mapuknat-puknat ang tingin nito sa kanya, tila ba mayroon siyang magnet na hindi nito maalis-alis ang paningin sa kanya. Kinuha niya ang baso at agad na uminom ng tubig dahil pakiramdam niya ay mabubulunan siya sa mga sinasabi nito. He was never been this vocal before, siguro naniniguro dahil magkakalayo na sila ilang araw na lang ang lilipas.
“Hindi mo kailangang gawin 'yan, at makakaabala lang 'yan sa trabaho mo, I know how busy you are,” gusto niyang ipaintindi dito na hindi na dapat nitong ituloy ang panliligaw sa kanya at wala naman siyang maitutugon sa damdamin nito.
“But that’s all I wanted to do, at walang makakapigil sa ’kin Elly, alam 'kong darating ang araw na magugustuhan mo rin ako bilang ako hindi bilang isang kaibigan,” may gumuhit na lungkot sa mga mata nito pagkasabi ng salitang 'yon, siya man ay nalulungkot.
Pero natuturuan ba ang puso?
“Alright Edward, ikaw ang bahala pero kailan man ay hindi kita pinaasa,” hinayaan niya na lang ito, who knows someday sa sobrang katiyagaan nito makukuha din nito ng buo ang kanyang puso.
Matapos silang maghapunan at nagyaya na rin siyang umuwi dahil marami pa siyang aayusin na mga gamit bukas. Hindi na rin niya inimbita si Edward na pumasok nang marating nila ang kanyang apartment dahil lumalalim na rin ang gabi.
“Thank you Elly for giving me the chance you, I will prove my sincerity for you,” he said, while holding her hands.
“So, gusto mo bang ihatid kita sa airport sa pag-alis mo?” Dagdag nito dahil wala itong nakuhang ano mang sagot mula sa kanya.
“Huwag ka nang mag-abala pa Edward, I can take a taxi from here, at ayokong maabala pa ang trabaho mo. Magkikita pa rin naman tayo eh, ingat sa pagmamaneho,” she pulls back her hands sa paraang hindi naman ito ma-offend. Binuksan na niya ang pinto ng kanyang apartment.
“Bye for now Elly, see you soon,” saka nagpaalam na rin itong umuwi.
Kanina pa nakaalis si Edward, nakaligo na nga siya at nakabihis ng pantulog. Pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ilang beses na siyang napapablikwas sa higaan ay hindi pa rin siya makatulog.
Bumangon siya at naupo sa kanyang kama, saka kinuha ang remote control ng TV at in-on 'yon. Pero nakailang channel na ang nailipat niya wala naman do'n ang kanyang atensyon, frustrated niyang pinatay ang television.
Napakislot pa siya nang tumunog ang kanyang cellphone, kinuha niya 'yon at tanging numero lamang ang nakalagay. Hindi niya kilala ang nasabing numero, pero sinagot pa rin niya ang tawag na 'yon sa pag-aakalang baka importante 'yon.
"Hello," sabi niya sabay hikab. Pero ilang minuto na siyang naghihintay sa sagot sa kabilang linya ay wala pa ring nagsasalita. Pinatay niya ang cellphone at nahiga. Baka prank caller lang 'yon, at wala siyang oras maglokohan kung sino man ang taong walang magawa na 'yon.