Wala siyang imik habang nasa biyahe na sila ni Lucas. She’s avoided to look at him. Ewan niya kung bakit. Nakakaramdam kasi siya ng guilt na wala naman siyang kasalanan na nagawa. Tahimik lang din naman si Lucas. Nasa pagmamaneho lang nito ang buong atensyon nito.
Nang marating nila ang kaniyang apartment ay hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ni Lucas ng pinto ng sasakyan. Kinuha niya ang kaniyang sapatos at bag saka bumaba na siya.
Kinuha niya ang susi sa bag niya at habang nagbubukas siya ay nagkandabuhol-buhol na ang kaniyang kamay. Nadi-distract siya sa presensya ni Lucas na alam niyang nakatayo malapit lang sa kaniya. Dama niya iyon dahil sa mainit na singaw na nagmula sa katawan nito.
“Ako na.” Kinuha ni Lucas sa kamay niya ang susi at ito na nga ang nagbukas sa gate. Lihim siyang napabuntong hininga. She doesn’t want to have this unwanted feeling, sa totoo lang. At hindi niya iyon pinipilit, kusa niya iyong nararamdaman, at naiinis siya sa kaniyang sarili.
Nine years, Elly. You shouldn't have been affected like this.
“Pumasok ka na,” si Lucas pa ang nagsabi n’on sa kaniya na kung tutuusin ay siya pa sana ang magyaya rito na pumasok na sa loob.
Mabilis naman siyang tumalima, pati sa main door ng apartment niya ay si Lucas na ang nagkusang magbukas. Pagkapasok sa loob ay kaagad na ring naupo si Lucas sa sofa na nandoon.
“P-Puwede na siguro nating pag-usapan ang sinabi mong trabaho. Lumalalim na rin kasi ang gabi.” Inilapag niya ang kaniyang bag sa isang bakanteng upuan habang siya ay nanatiling nakatayo lamang.
“How about kung mag-dinner ka muna?” He’s looking directly at her eyes. Napayuko siya dahil sa hindi niya kayang salubungin ang paningin nito.
“Mamaya na. Uunahin muna natin iyang trabaho na sinasabi mo.” Lumapit siya sa isang bakanteng upuan kung saan ito ay malayo kay Lucas. Natatakot siyang mapalapit man lang siya sa lalaki.
“Nagugutom na ako. What do you have here to eat?” Tumayo ito at diretsong pumasok sa loob ng kusina. Matagal na hindi siya nakagalaw sa kinauupuan niya dahil sa ginawang iyon ng lalaki. Ilang saglit pa ang pinalampas niya bago siya tumayo at sinundan niya ito sa loob ng kusina.
Naabutan niya itong nakamasid sa nakabukas niyang refrigerator. Oh, God. Wala pa namang laman na stocks ng pagkain ang ref niya, maliban sa mga instant foods, at iyong mabilisang lutuin. Palagi na rin lang kasi siyang um-order ng pagkain dahil wala na rin siyang time magluto pa. Isa pa, pagdating niya minsan sa bahay ay pagod na rin naman siya.
“God, Elly! Hindi ka ba kumakain na wala man lang laman na maayos na pagkain itong refrigerator mo?” Itinuro nito sa kaniya ang loob ng ref niya. Bigla naman siyang naalibadbaran sa sinabi nito. Sino ba ito para sabihan siya kung ano ang dapat na pagkain na meron siya sa kaniyang bahay?
“Kung anong meron diyan ay ‘yan na ‘yan, Mr. Alvaro. Kung sinabi mo sana sa ‘kin na dito ka kakain, eh, ‘di sana nakapagpa-deliver ako ng puwede mong makain.” mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.
Hindi naman sumagot si Lucas, bahagya lang nitong naitampal ang isang kamay nito sa sarili nitong noo. Muli itong yumuko at naghagilap sa loob. Hinayaan na lamang niya ito at pumasok na siya sa loob ng kaniyang silid para magbihis.
Matapos niyang magsuot ng kaniyang cotton jogger pants at t-shirt ay muli siyang lumabas sa kaniyang silid. Sakto naman na lumabas si Lucas mula sa kaniyang kusina. Nakasuot na ito ng apron. Nag-init ang kaniyang mukha nang makita niyang suot iyon ng lalaki. Apron niya kasi ‘yon, eh.
“Dinner is ready, puwede muna siguro tayong kumain bago mag-usap tungkol sa trabaho,” he said without even felt sorry for using her kitchen. Naging at home na ito sa bahay niya at mukhang siya ang naging bisita dahil parang siya pa ang nahihiya.
Sinunod na lamang niya ang gusto nito. Kaysa kukontra pa siya at matatagalan pa ito rito sa bahay niya. Ano naman ang sasabihin ng mga kaopisina niya kapag na nandito si Lucas ngayong gabi sa bahay niya? Iisipin ng mga ito that she is building an intimate relationship with their married boss?
At si Frances? What is she going to tell her kapag malaman nito na hindi pa umuuwi ang asawa nito dahil nandito ito ngayon sa kaniyang bahay sa ganitong oras ng gabi?
“Lucas,” tawag pansin niya sa lalaki na abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa. Tiningnan niya ang ginagawa nito. Pork tocino ang niluto nito at pritong itlog. Iyon lang naman kasi ang meron siya sa loob ng refrigerator niya, eh. Kaya no choice na rin naman ito.
“Why? Maupo ka na at kumain na tayo.” Inayos nito ang isang upuan para sa kaniya.
“B-Baka puwede ka na munang umuwi. H-Hinidi ba puwedeng ipagpabukas na lamang natin ang pag-uusap tungkol sa trabahong sinasabi mo?”
“Why? Narito na lang rin naman ako.”
“Malalim na rin kasi ang gabi at medyo napapagod na rin ako. Tutal ay buong maghapon lang naman akong nandito bukas at wala naman akong gagawin, hindi rin naman ako uuwi sa ‘min.” Hindi siya tumatalima sa kinatatayuan niya.
“You have at least let me eat my dinner here. Nagluto pa naman ako. Bakit? Magagalit ba ang boyfriend mo kapag malaman niya na nandito ako? I came here for a work, iyan ang sabihin mo sa kaniya.” Ang maaliwalas na mukha nito kanina ay biglang tumiim dahil lang sa sinabi niyang umuwi na ito. At inisip pa talaga nito na boyfriend niya si Edward? Samantala ang dapat sana nitong iisipin ay ang sasabihin ng asawa nito.
“W-Wala namang kinalaman si Edward dito, eh. Ang sa ‘kin lang naman ay–”
“Iyon naman pala, eh.” Humila ito ng isang upuan sa paraan na nagdadabog. Naglikha iyon ng ingay sa tahimik na gabi. Kilala na niya itong si Lucas, ‘pag sinabi nito ‘yon ay ‘yon na talaga ‘yon. Hindi nito ugaling makikinig sa iba.
“Maupo ka na at kumain. Hindi masarap ang pagkain kapag na malamig na ito.” Hindi tumitingin sa kaniya na utos nito. Again, wala na naman siyang nagawa ulit. Kung patigasan lang din kasi ng ulo ay talagang dehado siya rito kay Lucas.
Tahimik lang ito habang nilalagyan nito ng kanin at ulam ang plato niya. Palihim niyang tinitigan ang mukha nito. Physically, wala naman masyadong nagbago rito. Except lang sa habang nagkakaedad ito ay lalo lang itong gumuguwapo. A mature look is better with him. Mas naging dominating and bossy ang dating nito. Masungit pa rin naman ito kagaya ng dati.
"Lucas.."
"Elly.."
Halos sabay pa nilang pagbanggit sa pangalan ng isa't-isa. Nagkatinginan na lamang sila at sabay rin na nagkangitian. Hindi niya pinilit ang ngiting iyon, kusa lamang iyon na lumitaw, at naiinis siya sa kaniyang sarili dahil doon.
"Y-You first," sabi niya. Itinuon niya ang kaniyang pansin sa pagkain na nilagay ni Lucas sa kaniyang plato.
"Gaano na ba kayo katagal mag-on ni Architect Francisco?" Natigil sa ere ang kamay niya na magsusubo sana ng pagkain dahil sa tanong na iyon ni Lucas sa kaniya.
Muli niyang inilapag ang kubyertos sa kaniyang plato at tinapangan ang sarili na tingnan ito. "Required ba sa trabaho ko ang alamin ang tungkol sa love life ko, Mr. Alvaro?" She saw Lucas jaw dropped. Pero saglit lamang iyon dahil bigla ring naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
"Kung sa rules ng company ay wala naman niyan, pero gusto kong magkaroon niyan sa sarili kong rules. Kaya puwede natin itong pag-usapan kahit pa sa labas na tayo ng opisina." Kinuha nito ang baso na may lamang tubig saka ito uminom roon.
Nalaglag naman ang mga balikat ni Elly dahil sa sinabing iyon ni Lucas. Oo nga pala, mahilig talaga itong magtupad ng sarili nitong rules kahit dati pa.
"Mabait na tao si Edward. And l-loving him isn't hard for me to do it for him," nauutal niyang sabi. Hindi rin siya makatingin sa mukha ni Lucas. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagsisinungaling niya o dahil may malalim siyang rason na hindi niya kayang sabihin kahit na sa sarili niya?
"You fell for him easily? As far as I know, you easily fall for someone na magpapakita ng motibo sa 'yo." Umangat ang paningin niya sa mukha nito. Magkasalikop ang dalawang mga kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Titig na titig din ito sa kaniyang mukha.
"Hindi ako ganyang klaseng babae, Mr. Alvaro. Kahit na niloloko na ako ng isang tao ay hindi ko pa rin siya kayang gantihan sa ganiyang paraan!" Ibinagsak niya ang hawak niyang kubyertos sa plato niya. Nagugutom siya kanina pero bigla siyang nawawalan ng ganang kumain.
"Niloko? Sino ang nanloloko? Ako?" His face was like an open book right now. Hindi nito itinatago ang emosyon na meron ito sa kaniya ngayon.
"W-Wala akong sinasabing ganyan! Ikaw na nga ang nagsabi na huwag dapat pag-usapan ang nakaraan, and here you are bringing the past like you still haven't moved on from that!" Tuwid siyang napasandal sa kinauupuan niya. Parang gusto niyang magsisi kung bakit pa niya sinabi kay Lucas na nasiraan ang sasakyan niya kanina.
"Sa sarili kong rules ang kahit na anong topic na gusto kong pag-usapan ay 'yan ang gusto kong pag-usapan."
"At sa sarili ko ring rules ay wala akong pakialam sa sarili mong rules na 'yan!" Inis siyang tumayo at planong iiwan niya ito roon. Nakakapagod na nga ang buong maghapon niya ay dadagdagan pa nito sa gabi niya.
"So, bakit mo nga ako iniwan? Damn, Elly!" Tumayo rin ito at natumba pa ang upuan nito dahil sa marahas na pagkilos nito.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mong 'yan?! Huwag ako ang tatanungin mo sa sinasabi mong hiwalayan na 'yan, Lucas! Kung gusto mo pang pag-usapan natin ang sinasabi mong trabaho, let's talk about it right away! Kung wala ka namang gana na pag-usapan pa 'yan, ay makakauwi ka na!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kaniyang boses. Naiinis siya sa mga akusasyon nito, as if ito pa ang entitled na mag-rant ng ganoon, samantala kaniya ang lahat ng karapatan na 'yon!
"This?" Kinuha nito ang plano na nakapatong sa sofa nang sundan siya nito sa may sala. "I don't want to talk about this bullshit, anymore!" Pinunit nito sa harapan niya ang nasabing plano. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito ngayon.
Anong pakialam ko kung punitin mo man 'yan? Tutal ikaw naman ang haharap sa kliyente mo at hindi ako!
"Eh, 'di kung wala naman palang pag-uusapan tungkol diyan, bakit pa tayo naririto ngayon? Lock the door when you leave!" Nagdadabog siyang tinalikuran ito para tunguhin ang silid niya.
Nakakailang hakbang pa lamang siya nang hablutin ni Lucas ang isang braso niya. Napasadsad ang likod niya sa katawan nito. Napapikit ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya sa kaniyang likod ang malakas na t***k ng puso ni Lucas. She shook her head. Ayaw niyang maalala na ganito rin ang nararamdaman niyang t***k ng puso ni Lucas dati.
"I'm so sorry for ranting out, pero kasi ginagalit mo ako," bulong nito. Nanayo ang mga balahibo niya sa batok dahil ramdam niya ang mukha nito na nasa leeg niya. This should not be.
May ginawa ba akong ikinagagalit mo?
Gusto niyang itanong pero hindi niya nagawa dahil ang buong isip niya ay sa mga katawan nilang magkadikit.
"You are still smelling so sweet like before," he whispered. He brushes the tip of his nose on his neck, at nawawalan siya ng sense sa maaari niyang gawin.
"B-Bitiwan mo ako, Lucas." Pilit siyang nagpupumiglas sa nanghihina niyang katawan. Idagdag pa ang pabango ni Lucas na nanunuot sa kaniyang ilong. Iyon ang nagdagdag sa panghihinang nararamdaman niya.
"I miss you," bulong nito.
Noon lamang niya pinakawalan ang malalim na hininga na kanina pa niya pinipigilan.