Mula ng pangyayaring iyon ay pilit na niyang iniiwasan si Lucas. Magkaroon man sila ng meeting ay kaagad siyang sumasama sa mga kasamahan niya palabas ng conference room pagkatapos ng meeting. Ayaw niyang maiwan mag-isa kasama ni Lucas.
Hindi naman siya nito pinapansin. Kinakausap lang siya nito regarding sa trabaho. And she’s planning na sagutin na si Edward sa muli nitong pagbisita sa kaniya. Hindi dahil sa panakip butas niya si Edward, but maybe all she needs is the new love para tuluyang mawala sa sistema niya si Lucas. At 'yon ang pinagkait niya sa kanyang sarili sa nakalipas na siyam na taon, ang bagong pag-ibig.
Naging maayos na ang agos ng lahat. Until one day pagkatapos niyang samsamin ang mga gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa ay dali-dali siyang lumabas dahil Friday ngayon ay kailangan niyang magmadali. Uuwi pa kasi siya sa Laguna. Paglabas niya sa pintuan ay halos magbanggaan pa sila ng isang babae na kung pwede lang ayaw niya sanang makita habang buhay niya.
Nagulat din ito ngunit agad ding nakabawi.
“Elly! Oh, my God, Elly!” Bulalas nito. Hindi siya makagalaw sa kinatatyuan, tiningnan lang niya ito. At aaminin man niya o hindi lalo itong gumanda. Motherhood really suits her.
Ang mahaba at natural blond hair nito ay masiyado ng maikli at nakahantad ang maganda nitong leeg. Did, Lucas, asked her to cut her long hair? Ang alam niya dati ay mahal na mahal nito ang mahaba nitong buhok.
Nang akma siya nitong lapitan at yayakapin ay pumiksi siya. Para bang walang nangyari sa kanila sa nagdaang siyam na taon at ganoon ang reaction nito. Siguro kinalimutan na nito ang nangyari at inisip na maayos na rin ang lagay niya. But those long nine years, ay wala itong ideya kung gaano siya maghirap, kung gaano siyang tila mababaliw.
Walang nakakaalam kung paanong magigising siya sa hating gabi at iiyak hanggang sa makatulog ulit siya. Masiyado siyang natrauma sa nangyari dahil sa ginawa nito at ni Lucas sa kaniya.
"N-Nagmamadali ako Frances, mauuna na ako sa 'yo,” she sounded bitter. Pero ano ba ang dapat niyang maramdaman? Maging masaya? Magdiwang pagkatapos ng lahat? Dali-dali niyang iniwan ito at pilit naman siyang hinahabol nito.
“Elly, let’s talk about our past! Please, it’s not what you think what had happened!” Sigaw nito dahil hindi siya nito mahahabol.
Ano pa bang hindi niya alam? At maliwanag pa sa sikat ng araw ang presensya ni Kenedy. At isa pa, wala na namang dapat na pag-usapan pa. Everything served its purpose. Tuluyan na siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinatakbo ito palabas ng building.
Hanggang sa kalagitnaan ng biyahe niya ay nanginginig pa rin ang mga tuhod niya. Parang biglang nanghihina ang pakiramdam niya sa muli nilang pagkikitang iyon ni Frances. Parang gripo rin ang damdamin niya na nabuksan. Muling bumalik sa dibdib niya ang sakit sa nakaraan. Sa nangyari ay parang ayaw na muna niyang umuwi sa Laguna ngayon. Pero hindi, nangako na siya dati sa sarili niya na kapag dumating ang pagkakataon na ito ay hindi na siya maapektuhan pa, and here she is, acting like it happened just yesterday.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng daan patungo sa kaniyang apartment nang biglang huminto ang sasakyan niya sa gitna ng daan. Hopelessly, she opened her window and looked around. Walang tao. Madalang lang rin ang sasakyan na dumadaan dito. Shortcut na daan kasi ito at hindi main road. Plano niya kasing dumaan sa apartment niya bago umuwi sa kanila dahil may kukunin pa siyang report niya doon na gagawin niya sa weekend para sa Lunes.
She walked outside her car. Sinipat niya ang ibabang bahagi ng sasakyan niya. Trying to figure out what was wrong with this car. But she can't find it. Ito ang problema niya ngayon, eh. Marunong lang siyang mag-drive pero wala siyang kaalam-alam sa makina. Nagpalinga-linga siya sa pagbabakasakaling may taxi na daraan. But there's nothing. Kung may taxi sana ay puwede siyang sumakay para maghanap ng mekaniko. Wala rin siyang kilala n'on. Hindi bale na sana na hindi na muna siya makakauwi sa kanila sa Laguna. She sighed helplessly.
What am I going to do now?
Napasandal siya sa sasakyan niya. Next time ay hindi na lamang siya gagamit ng sasakyan, mabuti pang mag-taxi na lamang siya papunta sa trabaho niya. Muli niyang tinapunan ang sasakyan. May kalumaan na nga ito, idagdag pa na nabili lang ito ng Daddy niya ng second hand.
Susubukan niyang maglakad-lakad doon sa may bungad, baka sakali na may dumaan na taxi roon. Iyon na nga ang ginawa niya naglakad-lakad siya. Nang makarating siya sa bungad ay tumayo na siya roon para mag-abang ng taxi. Ilang saglit pa ang dumaan ay wala talagang taxi na naligaw doon. Kung meron man ay may mga sakay naman. Rush day kasi ngayon dahil Friday.
Matagal na ang paghihintay niya pero wala talaga siyang suwerte. Tiningnan niya ang relong suot niya sa kaniyang braso. Napapamura siya nang makitang alas siete na pala ng gabi. Ilang oras na ba ang hinihintay niya rito? Iisa na lang talaga ang choice niya ngayon, lalakarin niya hanggang main road kahit na malayo pa iyon. Bahala na si Spider man.
Muli siyang lumakad pabalik sa nasira niyang sasakyan. Kukunin na lamang niya roon ang bag niya at lalakad na siya. Nang marating niya ang kotse ay kaagad niyang kinuha ang bag niya sa loob at muling isinara iyon.
Matapos niyang ma-lock ang sasakyan ay binuksan niya ang kaniyang bag para tawagan ang Mommy niya na hindi na muna siya makakauwi. Baka kasi mag-alala ang mga ito sa kaniya dahil wala pa siya roon. bakit ba ang malas niya sa araw na ito?
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang halos isang daan na missed calls na nakalagay sa cellphone niya. Wala namang text doon kaya hindi niya alam kung sino ang tumawag sa kaniya ng ganoon kadami.
Plano sana niyang tawagan ang numero na iyon, baka kasi mahalaga ang tawag kung bakit umabot sa ganoon kadami ang pag-dial nito ng number niya. Pero naunahan siya nito. Nagmamadali niyang sinagot iyon nang tumawag nga ulit sa kaniya.
"Hello, who's this?" Kalmadong sabi niya habang nagsisimula na siyang lumalakad. Kung hindi pa siya lalakad ngayon ay siguradong aabutin siya ng hating gabi sa lugar na ito. Bigla siyang kinabahan dahil medyo may kadiliman pa naman dito.
"Where are you? Hindi mo ba alam kung gaano na ako katagal na tumatawag sa 'yo?" Muntik pa siyang matisod nang marinig niya ang galit na boses ni Lucas sa kabilang linya.
God, sumpa mo po ba sa 'kin ang araw na ito?
"Sorry po, Sir. May trabaho ka po bang ipapagawa po sa 'kin?" Tanong niya na hindi na inalala pa ang sinasabi nito dahil nagmamadali siya sa kaniyang paglalakad. Naka-heels pa naman ang sapatos niya. "Baka puwedeng bukas na lang 'yan, Sir. Nagmamadali kasi ako ngayon," dagdag niya nang matagal na hindi nakapagsalita si Lucas sa kabilang linya.
"Goddammit, Elly!" Natigil siya sa kaniyang paglalakad nang marinig niya ang pagbanggit nito sa pangalan niya. Simula kasi nang bumalik siya rito ay never niyang narinig na tinawag siya nito sa first name niya. He always addressed her in her surname. Bakit parang lumiwanag ang paligid niya sa simpleng pagbanggit na 'yon ni Lucas sa pangalan niya.
Napukaw siya nang marinig niya ang malakas na pagbuntong hininga nito bago ito nagsalita, "Nagmamadali? Saan ka ba? Alam kong hindi ka pa umuwi sa Laguna dahil hindi ka pa nakauwi rito sa apartment mo."
Paano nito nalaman ang bagay na iyon? Hindi pa man niya literal na tinanong ang laman ng isip niya ay sinagot na nito ang malaking katanungan niyang 'yon
"Nandito ako sa labas ng apartment mo. Kanina pa ako nandito, naghihintay sa 'yo." Ikinagulat pa niya lalo ang sinabi nito. Ano naman ang ginagawa nito roon?
"A-anong ginagawa mo diyan?" Nagtatakang tanong niya. Ganoon ba kahalaga ang kailangan nito sa kaniya na sadyain pa siya nito roon? Hinintay pa talaga siya, ha?
"May ipinapahabol na revision ang client sa plano na pinasa natin. And he wanted it so soon, kaya pinuntahan na kita rito."
Natigilan siya. Bakit pa nito kailangang puntahan siya para lang sa drafts ng plano? Puwede naman nitong i-send iyon sa email niya. Iyon naman palagi ang ginagawa nito kapag na may gusto itong ipagawa sa kaniyang trabaho.
"Sir, sorry. Pero baka gagabihin ako na makarating diyan sa apartment ko. Puwede mo na lang sigurong iwan diyan 'yan. Puwede mo pong isabit iyang plano na 'yan diyan sa gate kung saan mo puwedeng ilagay 'yan. And if possible, i-email mo na lang sa 'kin ang changes na gustong mangyari ng kliyente," she was stretched out her stress. Kanina pa siya naglalakad pero hindi pa niya narating ang highway.
"I can wait. Mabuti na iyong ma-explain ko nang maayos ito. The changes client wanted to happen was so complicated, baka maguguluhan ka lang. Gaano ka ba katagal diyan?" Halata sa boses nito ang matinding pagkabagot.
"I still don't know, nasiraan kasi ang sasakyan ko rito sa gitna ng daan." Nababahala pa niyang nilingon ang pinanggalingan. Hindi na niya nakikita pa iyon. "Maghahanap pa ako ng mekaniko para sa sasakyan ko, and then--"
"Where are you? Tell me and stay where you are right now. I will come for you." Lumambot ang tono ng boses nito habnag sinasabi nito iyon. Tiningnan niya ang linalakaran niya. Malayo pa siya sa pinupunto niyang puntahan. Napapagod na rin siya dahil sa suot niyang high heels shoes. Huminto siya sa paglalakad.
"Where are you?" Tanong nito na naririnig na niya ang makina ng umaandar na sasakyan.
Hindi man niya gustong makasama si Lucas, but it's a practical decision to just let him help her tonight, "Nandito ako sa.."
sinabi niya kung saan siya.
"Alright." Iyon lang at pinatay na nito ang cellphone. Matagal pa niyang hinahawakan lang ang kaniyang cellphone bago niya ito ilagay sa kaniyang bag.
Halos wala pang sampong minuto ang paghihintay niya ay nakita na niya ang itim na sports car ni Lucas na dumarating. Nakahinga rin siya nang mabuti. Natatakot na rin kasi siya dahil wala na halos tao na lumalakad sa lugar na ito at madilim na ang paligid.
Huminto ang sasakyan nito sa tabi ng daan. Bumukas ang pinto n'on at lumabas si Lucas. Kumalabog naman ang dibdib niya habang lumalapit si Lucas sa kaniya. Lumalakad ito papalapit sa kaniya gamit ang signature na lakad nito. Iyong kagaya ng lakad ni Tom Cruise, maangas pero sexy.
Don't dare, Elly. Tama na, may pamilyang tao si Lucas.
"Dammit, Elly! Hindi mo ba alam kung gaano ka delikado ang lugar na ito? Bakit ba mahilig kang dumaan sa shortcut na mga daan kahit alam mo na hindi ito convenience para sa 'yo?" Nahimigan niya ang magkahalong galit at pag-alala sa mukha nito habang sinasabi nito iyon sa kaniya. Hindi niya makita ang reaksyon ng mukha nito dahil sa madilim ang bahaging iyon.
At ang sinabi nitong mahilig siyang dumaan sa shortcut na daan? Bigla niyang naalala ang una nilang pagkikita nito. Nine years ago. Sa shortcut din na daan siya dumaan no'n at nagkataon nga na bagong lipat sila Lucas doon.
"I didn't know na masisira ang sasakyan ko," saka niya lang din na-realize ang takot dahil sa sinabi ni Lucas na delikado sa lugar na ito.
"You didn't know because... s**t!" Hindi niya alam kung saan na naman ito nagagalit, "Here, take this."
Inabot nito sa kaniya ang bitbit nitong malaking slippers na sigurado siya na pagmamay-ari nito. Napatingin siya roon. Ano ang gagawin niya sa slippers nito?
"Wear this. Alam ko na masakit na iyang binti mo kung ang pagbabasehan ko ay ang layo ng sasakyan mo hanggang sa linakad mo. Nadaanan ko ang sasakyan mo roon."
Lumuhod ito sa paanan niya nang hindi siya tumalima. Nagulat na lamang siya nang kunin nito ang paa niya at hinubad nito ang suot niyang sapatos pati ang foot sacks niya. Nanigas siya at hindi nakagalaw. Parang may kung anong mahika rin na ginamit si Lucas sa kaniya na hindi siya nag-react sa ginagawa nito. Parang naging sunud-sunuran na lamang siya sa gusto nitong mangyari. Napapakislot na lamang siya dahil sa init ng palad ni Lucas na humahawak sa paa niya. Habang ginagawa ni Lucas iyon ay niyuko niya ito at tiningnan ang ginagawa nito. Parang may mainit na palad na humaplos sa puso niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.
Nang tumayo si Lucas ay nagkatinginan sila nito. Madilim pero kita niya sa mga mata nito ang damdamin na hindi niya maipaliwanag kung ano. Malapit lang ang mukha nito sa mukha niya.
"Elly--"
"Lucas--"
Magkapanabay pa nilang sambit sa pangalan ng isa't-isa. Matagal na walang isa sa kanila ang nagsalita. Pero siya na ang unang bumasag sa katahimikan na namuong iyon.
"A-akin na ang sapatos ko." Bahagya siyang lumayo at inabot ang sapatos na bitbit ni Lucas. Tama si Lucas mas naging presko sa pakiramdam niya ang suot niyang tsinelas nito kahit na sobrang laki n'on sa paan niya.
"Don't mind this, ako na. Alam ko na napapagod ka. Akin na rin pati iyang bag mo." Inabot nito ang bag na nasa balikat niya. Napaatras pa siya lalo dahil sa ginawa nito.
"M-Malapit lang naman ang kotse mo, Mr. Alvaro. A-Ako na lang, hindi naman ito mabigat." Pinilit niyang ngumiti kahit na nahihirapan siyang gawin iyon sa harap ni Lucas.
"So what kung malapit, sa gusto kong ako ang magdala niyan?" Wala na siyang nagawa ulit nang sapilitan na kinukuha ni Lucas iyon sa kaniya. Ayaw niyang tumanggi pa sa gusto nito dahil habang tumatanggi siya ay pilit naman siyang linalapitan ni Lucas. At mahirap na iyong magkadikit ang kanilang mga katawan.
"And one more thing, Elly. Stop calling me, Sir, po, and Mr. Alvaro. Wala tayo sa opisina. Nagmumukha akong matandang binata sa kakatawag mo sa 'kin sa bullshit na tawag mo na 'yan!" Matalim nitong suway sa kaniya.
"You first." Turo ni Lucas sa daan papunta sa sasakyan nito. Hindi na lang siya ulit kumontra pa.
"Rex, please pakihila ng sasakyan ni Elly, sa address na ito," sabi ni Lucas sa kausap nito sa cellphone nito. Sinabi nito sa kausap nito kung nasaan ang tumirik ang sasakyan niya. Nang makapasok sila sa sasakyan nito ay kaagad itong may tinawagan. Lihim na lamang siyang nagpasalamat. Hindi na siya magpoproblema kung paano niya makukuha ang kaniyang sasakyan doon.