CHAPTER 20

2171 Words
"L-Lucas, this is not right and—" "Mali? Anong mali sa bagay na ito? Sabihin mo at itatama ko ngayon din! Kaya kong itama iyang pagkakamali na sinasabi mo, Elly.” Bawat sinasabi nito ay parang karayom na tumutusok sa kaniyang puso. Alam niya na hindi nito kayang baguhin ang ano mang nangyayari. Na masasaktan lang sila pareho kapag na ipinagpatuloy nito ang gusto nito. “Umuwi ka na,” muling taboy niya rito. Hindi maganda na niyayakap siya nito kahit sabihin pa na wala namang nakakakita sa kanila ngayon. “Don’t I deserve an explanation?” Humihigpit ang pagyapos nito sa kaniyang baywang, at kung hahayaan lamang niya na tumagal ang tagpong iyon ay sigurado siyang maging marupok siya. “We don’t both deserved it. I-I have a relationship right now with someone else at hindi mabuti ang ganito. And you have yours too–” “Damn, Elly! Till now you’re still stubborn as before! Bakit ayaw mo akong hayaan na magsalita?!” She can hear his jaw clenched in so much anger. Nang maramdaman niya ang pagluwag ng pagkakapit ng braso nito sa kaniyang katawan ay malakas niyang binaklas iyon. Humakbang din siya palayo kung nasaan ito nakatayo. “Umuwi ka na. Kung ayaw mo pang umalis ay ako ang aalis ngayon din!” To prove that she’s not just joking ay mabilis siyang humakbang papunta sa pintuan para lumabas. Hindi siya nagbibiro na aalis siya kung hindi pa talaga ito uuwi. Puwede siyang magpalipas ng gabi sa hotel. Marami niyan dito. “Okay, fine! Bumalik ka na rito at uuwi na ako!” Malakas na sabi nito. Natigil siya sa paglalakad, pero nanatili lang siyang nakatayo roon at hindi man lang lumingon kung nasaan ito. Ayaw niyang tumingin kay Lucas dahil alam niya na maging apektado siya kapag ginawa niya iyon. Halos mapugto ang hininga na pinipigil niya nang dumaan si Lucas sa tabi niya. Malayu-layo na ito sa kaniya nang matigil rin ito sa paglalakad nito. “Ipapahatid ko bukas din ng umaga ang sasakyan mo rito.” He said before he walked to his car. Habang tinititigan niya ang papalayong sasakyan ni Lucas ay parang naninikip ang dibdib niya. The beautiful love story that started with full of heart was just ended with so much pain and hatred. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon maglaro ang tadhana. Matagal na nakaalis si Lucas pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa kinatatayuan niya kung saan siya bago ito umalis kanina. Nang maramdaman niya ang malamig na ihip ng panggabing hangin na nanunuot sa kaniyang balat ay saka lang siya natauhan. Ikinurap niya ang kaniyang mga mata para ibalik ang luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata. Mapait siyang ngumiti bago pumasok sa loob ng kaniyang apartment. Mabibigat ang mga hakbang na pumasok siya sa kusina. Napabuntong hininga siya nang makita ang pagkain na hinanda ni Lucas. Hindi man lang nagalaw ang mga iyon. Isa-isa niyang iniligpit iyon para makatulog na siya. Nawawalan na rin siya ng ganang kumain. Matagal na siyang nakahiga sa kaniyang kama pero mailap pa rin ang antok sa kaniya. Naririnig na niya ang pagtilaok ng manok sa labas bago siya nakatulog. KINABUKASAN ay mainit na sa labas nang magising siya. Alam niya ‘yon dahil pumapasok na ang liwanag ng araw sa loob ng silid niya na nagmula sa nakaawang na bintana niya. Hindi talaga niya isinasara ang bintana niya kapag matutulog siya sa gabi. May grills din naman ang mga bintana kaya safe kahit na buksan pa niya ‘yon. Marami kasing puno sa labas ng silid na ginagamit niyang ‘yon kaya mahangin talaga, hindi na rin niya kailangan na gumamit ng air con dahil mas masarap ang preskong hangin na pumapasok doon. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung anong oras na. Namimilog ang kaniyang mga mata nang makita niyang past ten na. Bumangon siya at kumuha ng tuwalya niya para maligo na siya. Kailangan niyang maging handa dahil baka bigla siyang tatawagan ni Lucas para pag-usapan ang tungkol sa proyekto na sinasabi nito kagabi. She sighed. Hindi natuloy iyon dahil nauwi sa away ang sana ay pag-uusapan nilang ‘yon ng lalaki. Pero tama lang ang ginawa niya. Ayaw niyang magpadalus-dalos sa mga bagay na pagsisihan lang niya sa bandang huli. Matapos niyang maligo ay pumunta siya sa kusina para magkape at mag-almusal. Hinawi niya ang kurtina sa salas para lumiwanag ang loob ng bahay. Natigil siya sa ginagawa nang may mamataan siya sa labas. Dalawang sasakyan. Iyong isa ay ang sasakyan niya at may isa pang kulay puti na bagong-bago at sobrang kintab. Dali-dali siyang lumabas ng bahay at tinungo ang mga sasakyang nakaparada. Una niyang tiningnan ang kaniyang sasakyan. Sinubukan niya iyon at talagang gumagana na. Halatang naayos na nga dahil luminis din ito, it’s too obvious na bagong car wash nga lang ito. Ang sunod niyang tiningnan ay ang bagong sasakyan. Kulay puti na Mercedes benz, bagong bili at hindi pa nagagamit. May pink ribbon pa na nakapumpon sa harap. Nagtataka siya kung para saan ba iyon. Bakit ito nandito? Ang susi ay nasa bubong rin ng sasakyan. Sa ilalim ng susi ay isang brown envelope. Binuksan niya ‘yon para tingnan kung ano ang nilalaman n’on. Mga papeles ng sasakyan na nakapangalan sa kaniya. Binasa rin niya ang note na kasama ng mga papeles na ‘yon. Elly, This is the company’s gift for you. Our token of appreciation to every effort you’ve done to the company. Hope you like it. A.Arguellez Tapos sa ibabaw ng pangalan ng kompanya ay ang initial at ang lagda ni Lucas. Hindi niya puwedeng maipagkamali sa iba ang signature na ‘yon ni Lucas. Hindi niya matatanggap ang regalo na ito. Ito man ay galing sa kompanya o personal man na pera ni Lucas ang ginamit na ipinambili rito. Masiyadong mahal ang sasakyan na ito para sa sinasabi nitong token of appreciation. Muli niyang ipinatong ang envelope sa ibabaw ng sasakyan at bumalik sa loob ng bahay. Tatawagan niya si Lucas ngayon din. Hindi na nga siya nagdalawang isip pa nang nasa kamay na niya ang cellphone niya. Hinanap niya sa call history ang numero na ginamit ni Lucas sa pagtawag sa kaniya nang nagdaang gabi. Nakailang ring pa lang naman iyon nang sagutin ni Lucas ang kaniyang tawag. Kinilabutan siya nang marinig niya ang tila bagong gising na boses ni Lucas sa kabilang linya. Bakit ba biglang pumasok sa isip niya ang hitsura ni Lucas na kakabangon pa lamang sa may kama nito? Wearing nothing except his boxers. Ang boses nito na parang inaakit siya na mahiga sa tabi nito. Goddamnwell, Elly! Mura niya sa kaniyang sarili dahil kung anu-ano ang pumapasok sa kaniyang isipan. "Good morning—" She stopped him. Naiinis siya sa bedroom voice nito, "I just wanted to clarify things, Sir. Ikaw ba ang nagpadala ng bagong sasakyan dito sa apartment?" Walang paliguy-ligoy na tanong niya rito. She doesn't want to get distracted sa kaniyang pakay kapag hinayaan pa niyang magsalita ito. She heard him cough bago nagsalita, "Yeah, at nabasa mo naman siguro ang note na nakalagay diyan, eh, kung hindi pa, just open the brown envelope doon nakasulat ang note ko." "Hindi iyan ang gusto kong malaman. Ang gusto kong alamin ay kung bakit kailangan akong bigyan ng kompanya ng sasakyan." "Hindi ikaw ang magdidesisyon kung nararapat na bigyan ng kompanya ang empleyado ng ano mang regalo." Ang bedroom voice nito ay tuluyang nawala, malamig at walang emosyon na boses ang pumalit. "Pero hindi ko matatanggap ito, Mr. Alvaro." Tanggi niya, "Ang ibang empleyado ba ng kompanya mo ay nakatanggap din ba ng ganito kamahal na sasakyan galing sa kompanya mo?" 'Hindi. Tanging ikaw pa lamang," walang gatol naman na sagot nito. "Iyon naman pala, eh. Ano ang sasabihin nila kapag malaman nila na binilhan mo ako ng ganito kamahal na regalo? I don't want that they will starts speculating things between us, it's because you gave me this token of appreciation na sinasabi mo!" Umaga pa lang ay parang bigla na niyang pasan ang buong mundo dahil kay Lucas. "May sasabihin sila? Ano naman ang pakialam ko? Hindi naman pera nila ang binili ko ng sasakyan na 'yan, not even the single cent of the company's fund." At kanino palang pera ang pinambili nito? Sarili nitong pera? Eh, 'di mas lalo pa silang pagtsitsismisan dahil sa ginawa nito. Ano ang iisipin ng pamilya nito sa kaniya? Na humingi siya ng ganoon kagarang sasakyan kay Lucas? Hindi bale nang mag-commute siya basta huwag lang siyang pag-isipan ng iba nang masama. "Ipapakuha mo ang sasakyan na ito ngayon din, Lucas, parang awa mo na. Hindi ko ito kailangan. Ang Daddy ko na nga lang ang nagpumilit na kailangan kong dalhin ang sasakyan niya kahit na hindi naman na sana kailangan. Kaya kong mag-commute araw-araw. Hindi ako ipinanganak na may sariling sasakyan at driver para hindi ako maging komportable sa pampasaherong sasakyan." Sumakit talaga ang ulo niya first thing of her morning. "Hindi ko ipapakuha 'yan diyan. Kung ipipilit mo talaga, go ahead, magdadala ako ng dalawang container ng gasolina diyan at lighter. Para makita mo kung paano ko susunugin ang walang kuwentang bagay na 'yan!" She can hear his anger. At hindi niya alam kung ano ang ikinakagalit nito ng sobra dahil lang sa hindi niya matanggap ang bigay nitong sasakyan. This Lucas Alvaro is so hard-headed and so unreasonable! Simula pa noon ay wala na itong ginawa sa kaniya kundi puro sakit lang ng ulo at puso. Ows, totoo, Elly? Puro sakit ng ulo at puso nga lang ba? Eh, paano iyong nararamdaman mong saya nang maging kayo ni Lucas? Tanong ng isang bahagi ng utak niya na kaagad rin naman niyang kinontra. Exception 'yon dahil hindi ko alam na niloloko lang pala niya ako! Sa tingin mo kung alam ko 'yon ay masisiyahan ako ng ganoon? Kikiligin ako gaya no'n? Siyempre, hindi 'no! "So, ano na, Elly? Willing ka bang i-try ang suggestion ko?" Napapitlag siya nang marinig ang muling pagsalita ni Lucas. Ano na nga ba ang last nitong sinabi? Ah, tama! Magdadala raw ito ng gasolina at lighter para sunugin ang bigay nitong kotse sa kaniya! Si Lucas Alvaro lang ang tanging malakas ang loob na magsunog ng isang mercedes benz. At pumayag lang siya sa sinasabi nito ay alam na niya ang kahihinatnan ng kawawang sasakyan. Talagang makikita niyang nauupos iyon sa apoy, hindi si Lucas Alvaro ang magsasabi na hindi nito gagawin. "Bahala ka kung ayaw mong ipakuha 'yan dito!" Naiinis na sabi niya. Inisip niya na hayaan na lang 'yan diyan, tutal hindi naman siya interesadong gamitin ang sasakyang iyon. Mabuti pa na mag-commute na lamang siya kaysa magmaneho ng sasakyan na galing sa itinuturing niyang mortal niyang kaaway. "Kumain ka na ng breakfast mo, alam ko na hindi mo na tinapos ang hapunan mo kagabi. Hintayin mo ang pagkain na pina-deliver ko para sa 'yo. Peace offering ko na rin 'yon sa ginawa ko sa 'yo kagabi." Shit, ka talaga Lucas, 'o! Pati ba naman pagkain ko, pinangunahan mo na ako? Hindi nga nagtagal ay dumating na ang delivery ng pagkain. Bigla niyang naalala ang pagkain na pinadala rin sa kaniya noon dito isang gabi. Ngayon niya lang na-realize na iisang restaurant lang ang nag-deliver noon at ngayon. Hindi kaya si Lucas din ang nagpadala n'on sa kaniya dati? "Nandiyan na ba ang pagkain? Hope you like it, masarap ang pagkain nila diyan at paborito ko." Noon niya lang naalala na hindi pa pala niya pinapatay ang cellphone niya at nasa kabilang linya pa pala si Lucas habang kinakausap niya ang delivery boy. "Hindi ko ito matatanggap," sabi niya habang inaabot sa kaniya ng lalaki ang supot ng pagkain. "Ma'am kunin n'yo na po kung ayaw n'yo pong mawawalan ako ng trabaho," nagsusumamo na pakiusap sa kaniya ng lalaki. "Narinig mo ang sinabi niya? I mean it and I'm not joking," muling sumingit si Lucas nang marinig nito ang sinabi sa kaniya ng lalaki. Tiningnan niya ang lalaking pawisan na nakabitin sa ere ang isang kamay na may supot ng pagkain. Napakagat siya sa kaniyang labi. Makakaya ba ng konsensya niya kapag na may isang tao na mawawalan ng pangkabuhayan nang dahil sa kaniya? Nang dahil sa galit niya kay Lucas? Wala itong kasalanan, napag-utusan lang ito. Wala rin itong alam tungkol sa pinagdaanan nila ni Lucas, kaya hindi kailangan na madamay ito. Humugot siya nang malalim na hininga bago niya kinuha ang pagkain na bigay nito. Again, wala na naman siyang nagawa kay Lucas. "Thank you, Ma'am!" Mabilis na itong lumapit sa motorsiklo nito at mabilis na pinatakbo 'yon, para bang takot na takot na magbago pa ang isip niya. "Damn you, Lucas Alvaro!" Iyon lang at pinatay na niya ang kaniyang cellphone. Pero bago niya ginawa 'yon ay narinig pa niya ang nakakaasar subalit sexy na tawa ni Lucas. Hindi pala sexy, tawa demonyo pala! Nagdadabog siyang pumasok sa loob ng bahay. Umaga pa lang pero sirang-sira na ang kaniyang araw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD