“Pero hindi ba dapat thankful tayo dahil sa dinami-dami ng mga magagaling dito at matatagal na empleyado ikaw ang napili. Congratulations Elly, you deserve the best. Malulungkot lang ako at hindi na tayo magkakasama everyday at wala nang manlibre sa ’kin. But I tell you palagi akong uuwi ng Pilipinas para bisitahin ka,” dagdag pa nito.
“Pero kasi Alyssa natatakot ako sa maaring mangyari sa pag-uwi ko. W-what if, what if..” nakinikinita niya ang mangyayari sa pag-uwi niya sa kanila, at iisang lugar lang sila ng mga taong nanakit sa kanya.
“Ano ka ba naman Elly napakalaki ng Pilipinas, iba ang mundong ginagalawan mo at iba rin sa kanila. We even don’t know kung nandoon pa sila 'no! Malay natin sa ibang bansa na rin sila nakatira ngayon,” she reached her hands at pilit siyang inaalo.
“Na-miss ko na rin sina mommy siguro nga it’s time na magkakasama-sama na kami ulit,” she just look forward for the positive side sa kanyang pag-uwi na ito.
“Matagal na rin iyon nangyari Elly, bata ka pa noon at hanggang ngayon ba hindi ka parin naka-move on sa nangyari?”
“Hindi naman sa gano'n Alyssa, talaga lang ayoko nang mkikita 'yong mga taong naging parte nang kabiguan ko, masyado nang matagal iyon para hindi pa ako maka move on,” she checked herself if she meant what she said. At hindi niya na lang pinansin ang sincerity sa mga pinakawalang salita sa kaibigan. Hindi niya gustong bigyan pa ito ng palaisipan. Alyssa knew the whole story of her life, naging confidante na rin niya ito.
“Elly marami ang nanliligaw sa 'yo, and Sir Edward is a big catch. Napakaguwapo and hunk pa, may mataas na posisyon dito sa kompanya bukod pa sa napakabait din. Ilang taon na ba 'yon nangyari, eight years? nine years? Napakaganda mo para sayangin lang sa pagbabalik tanaw mo sa nakaraan frenny,” alam niya magsisimula na itong maglilitanya sa kanya at gusto niyang matawa.
“Edward is just a good friend to me, para ko na ngang kuya eh,” talagang nanliligaw si Edward sa kanya, limang buwan pa lamang siya na nag-apprentice sa kompanya. Pero tinapat na niya ito simula pa lang. But Edward was so consistent bagaman hindi niya naman ito pinapaasa. Wala naman siyang problema sa binata, napaka-gentleman nito, mabait masiyado, guwapo at napakagaling pa na Architect. But her love is not meant for him gaano man kaganda ang katangiang taglay nito.
“At sino naman ang gusto mo aber...” tumingala pa ito sa itaas na tila nag-iisip.
“Hmmm, si Lucas Alvaro pa rin ba?” She smiles mischievously.
“Alyssa?!” Namilog ang kanyang mata pagkarinig sa pangalang binanggit nito. Bagaman ikinuwento niya ang nakaraan pero ngayon pa lang itong nangahas banggitin ang pangalan ng lalaki.
“Biro lang,” balewala nitong sabi pero tila natilihan nang makita ang naging reaksyon niya.
“Sorry Elly, me and my big mouth,” sabi nitong tila napahiya at biglang iniba ang sinabi.
“Pero balita ko istrikto daw si Mr. CEO kaya balitaan mo na lang ako pagdating mo. Saka na lang tayo mag-usap at babalik na ako ng table ko,” nagmamadali na itong bumalik sa di kalayuang cubicle. Pareho silang nasa planning department. Napailing na lang siya at gusto niya itong batukan sa kadaldalang taglay nito.
Kinabukasan halos sampung minuto pa lamang siyang nakaupo nang lapitan siya ni Miss Andrea, ang sekretarya ni Sir Arthur. Agad siyang tumayo at binati ito.
“Good morning po Miss Andrea,” magalang niyang sabi.
“Magandang araw din sayo Elianna,” sagot nitong nakangiti. Isa rin itong Filipina. Well, lahat naman yata ng empleyado ng kompanya ay pawang Pilipino, at hindi sila kumukuha ng foreigners na empleyado kahit na sa iba rin nilang branch abroad.
“Naparito ako to inform you na naayos ko na ang flight mo pauwi. Here,” may inabot itong isang brown envelope sa kanya.
“Nasa loob na ang ticket mo at flight detail, pati na rin ang address ng tutuluyan mong apartment,”
“Pati po ba tutuluyan ko cover po ng company?” Tama si Alyssa parang sobra-sobra naman ang atensiyong ibinibigay sa kanya at hindi siya sanay.
“Yes, Mr. Chairman wants you to focus sa trabaho pagdating mo. At ayaw mo ba noon hindi mo na problema ang tutuluyan mo sa Maynila, at masyadong malayo pa ang Laguna kung bibiyahe ka every day pamaynila.”
Hindi na siya nagulat kung bakit alam nito kung taga saan siya dahil naka sulat naman ito sa resume na naisubmit niya nang mag-apply siya.
“It’s better siguro kung umpisahan mo nang mag ligpit ng mga gamit mo at apat na araw mula ngayon na ang alis mo. Tomorrow is your last day here sa office para may time ka pa na makapag-ayos ng mga bagahe mo. 'Yan ang kabilin-bilinan ni Sir Art nang tumawag kahapon,” sabi nitong ikinagulat niya.
Four days from now? Really!
“So good luck Elianna, magkikita rin tayo doon minsan. Babalik na ako at marami pa akong gagawin.”
“S-slamat po,” tanging nasagot niya sa dinami-dami nang sinabi nito sa kanya. Paano kasi ay hndi pa nga siya halos nakabawi sa gulat na naramdaman kahapon, ito na naman ang panibago. Expected na makaalis siya nang mabilis pero mga two weeks or so pa ang nasa isip niya. Pagkaalis nito maya-maya pa ay nagsimula na siyang mag-ayos ng mga gamit. She don’t want to waste time at baka magahol lang siya.
Naayos na rin niya kahapon ang file ng mga trabahong e-turnover niya at naibigay na rin niya kay Edward ang copy. Maging ito man ay nagulat sa naging desisyion ng kanilang Boss.
So walang nakakaalam nito even Edward?
Doon bumukas ang pinto sa opisina nito at iniluwa ang isang napakagwapong si Edward. Well if you like the neat looking guy na buong hapon man sa site pag-uwi nito hindi mo pa rin nakitaan nang lukot ang damit.
Meron itong private office at nasa labas ang kanilang mga cubicle. Naputol ang kanyang pag-iisip nang tumikhim ito. Agad siyang tumayo at binati ang binata.
“Good morning sir, nasa table niyo po ang soft copy nang mga trabahong pinagawa mo sa ’kin. I already files it.”
“Thank you Elianna I already have it. Pero Hindi naman 'yan ang pinunta ko dito. Nalaman kong babalik ka na sa Pilipinas, four days from now, and I want to talk to you.”
“Ang bilis talaga ng balita,” naiiling sabi niya. Hindi na niya alam kung ano ang uunahin niyang isipin. But one thing is for sure matutuwa panigurado ang kanyang mga magulang sa nangyayaring ito dahil makakauwi na siya at makakasama na siya ng mga ito ng matagal.
“Can I take you to dinner tonight, Please?” Kulang na lang magmamakaawa ito. At nahihiya siyang may makarinig na mga kasamahan, kaya napilitan siyang pumayag. Oras pa naman ng trabaho, at binibigyan siya nang ganitong atensiyon ng kanilang boss.
“Okay,” matipid niyang sagot dahil ayaw niyang may mga pares ng mga mata ang naagaw ang pansin dahil sa paglapit nito mismo sa kanyang cubicle. Hindi naman lingid sa mga ito na nanliligaw sa kanya si Edward dahil napaka showy nito. Karamhihan nga ay nakikilig pa, but she doesn’t want to mix her job with her personal life.
“Thank you Elianna, I’ll fix you at seven o’clock later,” halatang masaya ito, bago bumalik sa sariling opisina.