CHAPTER 16

1719 Words
Nagulat pa siya isang araw noong pauwi na sana siya. Akmang sasakay na siya sa kaniyang kotse nang may biglang tumawag sa kaniya ng pangalan mula sa kaniyang likuran. Na-excite siya kaagad nang mapagsino niya ang boses na tumawag sa kaniya. Agad siyang tumakbo at lumapit dito at niyakap ito. “Edward!” Bulalas niya and somehow she misses him as her friend. She is glad to meet a familiar one in this stressful place. “I miss you so much, Elly. Simula nang umalis ka pakiramdam ko ay ilang taon na kitang hindi nakikita,” bulalas nito nang bitawan siya at sinipat nang maigi ang kaniyang mukha as if he’s dreaming of seeing her. Hinampas niya naman ito ng mahina sa braso. “Ano ka ba naman halos wala pa ngang dalawang lingo tayong hindi nagkita, kailan ka nga pala dumating?” Nakangiti niyang tanong dito. “Kararating ko lang at pagkatapos kong iwan ang bagahe ko sa hotel na tinuluyan ko ay dumiritso na ako kaagad dito sa 'yo, I can’t wait to see you.” Halata ang kasiyahan sa mukha nito, habang tinititigan siya. “Pauwi ka na ba? Can I invite you to dinner?” “Sure,” sagot niya at itinuro ang kotse niyang naka-park. Wala rin naman siyang gagawin pagkauwi niya sa apartment, idagdag pa na masiyado pa namang maaga. Kinuha naman nito ang susi sa kaniya at inalalayan siya na makapasok sa loob ng kaniyang sasakyan nang mabuksan nito iyon. “F*ck! Get out of my way!” Galit na sumungaw sa bintana ng kanyang sports car si Lucas. Muntik pa siyang mapalundag sa sobrang gulat nang sumigaw ito. “I’m sorry, Sir, kung nakaabala kami,” hinging paumanhin ni Edward sa mahinahong boses. He is calm as always. Cool as ever. “Bakit ba kasi dito kayo nagliligawan sa parking area?!” Galit pa itong bumaba sa sasakyan nito. Pabalya pa ang paraan ng pagbukas nito sa sasakyan nito. Anong pakialam niya kung sisirain nito ang luxury car nito, ano? Halos mapatili pa siya nang tadyakan nito nang ubod lakas ang gulong ng sasakyan nito. Doon na siya hindi makapagpigil. “At ano naman ang ikinagagalit mo diyan, eh, ang layu-layo namin sa daraanan mo?!” Asik niya rito. Nagagalit din siya dahil tila itong bata kung umasta. “Baka nakalimutan n'yo kung sino ang kausap n'yo?” May pagbabanta nitong sabi bago matalim na tinitigan si Edward. “Of course not, who told you na nakalimutan namin kung sino ka? Pero matuto kang ilugar iyang sarili mo, Sir, hindi ito oras ng trabaho to boss us around!” Naiinis niyang sabi bago pa niya napigilan ang sarili. “Please, Sir, don’t shout at her,” sagot naman ni Edward at saka pinisil ang mga palad niyang hawak-hawak nito. Nagsukatan ng titig ang dalawa at gustong kabahan ni Elly sa maaring mangyari. Bigla niyang naalala ang away nito at ni Lance dati. Hangga’t maari ay ayaw na niyang maulit ang mga ganoong pangyayari. May phobia na siya sa bagay na 'yon. “That’s bullshit!” Sabi nito bago sila tinalikuran at sumakay sa sasakyan nito. Ibinalibag pa nito ang pintuan nang makapasok ito. Mabilis din nitong pinaharurot ang sasakyan palayo sa kinaroroonan nila. Gusto niyang ninerbiyusin sa maximum speed sa papatakbo nito sa sasakyan nito, but she just shrugged her shoulder at nagpatiuna nang pumasok sa sasakyan niya. Nagtaka man si Edward sa inakto nito, but she just told him na baka mainit lang ang ulo nito sa mga trabaho nito. Pilit niyang inilalayo ang topic kay Lucas. Ayaw niyang mapag usapan pa nila ito. “May alam akong magandang kainan dito. Pagmamay-ari ito ng kaibigan ko,” Edward suggested. Napangiti siya. Bahala na nga ito, hindi siya laking Maynila kaya limitado lang masyado ang lugar na alam niya rito. Isa pa, siyam na taon siyang nawala sa Pilipinas kaya hindi na siya pamilyar pa sa mga lugar na nandtito. Malapit lang ang sinasabi ni Edward na kainan na pagmamay-ari ng kaibigan nito kung kaya’t hindi nagtagal ay narating na rin nila iyon. Matapos nitong maiparada nang maayos ang kaniyang sasakyan ay kaagad siya nitong inalalayan pababa. She surveyed the whole place with her eyes. Maganda nga ang lugar na ito. Maaliwalas at ang warm white na ilaw sa loob ay nagbibigay ng magandang ambiance sa lugar. Iyong tipo ng lugar na puwede kahit sino. Walang sino man ang maalanganin na pumasok dito. Kumbaga, this place is a friendly one. Puwede sa mayaman at puwede sa mga simpleng tao lang kagaya niya. “Nandito ba si Kenn Laurence Alvaro?” Magalang na tanong ni Edward sa babaeng nasa counter. Malapad naman ang pagkakangiti nito kay Edward habang hindi kumukurap ang paningin nito na nakatutok kay Edward. Well, this isn’t new. Napakaguwapo ni Edward at talagang agaw pansin ito sa mga kababaihan. Pero nagulat siya sa binanggit nitong pangalan. As in si Lance ba na kapatid ni Lucas ang tinutukoy nito? O baka coincidence lang na kapangalan at kaapilyedo ito ni Lance? “Architect Edward! You’re here, really?” Pamilyar na boses ang pumukaw sa kanila. Napatingin siya sa pinagmulan n’on at nanlalaki ang mga mata niya na nakatitig kay Lance. Si Lance nga ito na dating kaibigan niya, ang kapatid ni Lucas! “My friend! How’s everything going? Mukhang maganda nga ang lugar na ito na ipinagmamalaki mo sa ‘kin!” Halata ang kasiyahan ni Edward. Linapitan nito si Lance at mahigpit na nagkamayan ang dalawa. “Meet this beautiful lady here, Lance. Siya ang sinasabi ko sa ‘yo na pinakamagandang dalaga sa balat ng lupa!” Hinayon siya ni Edward at nakita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ni Lance nang tingnan siya nito. “Oh, my God, Elly! Is that really you?!” Inisang hakbang nito ang pagitan nila at buong higpit siya nitong niyakap. “What a small world, Eddie! I knew her, she’s my long lost friend!” Turo sa kaniya ni Lance na hindi maipinta kung gaano kasaya ang mukha nito. “Really?! Why I forgot to mention her name? I only told you how pretty she is!” Tumatawang sabi ni edward. “You’re in love, that’s why! But, dumaan ka muna sa dulo ng kanyon bago mapapasaiyo itong si Elly. Kung malalampasan mo ‘yon, then she’ll be yours!” Hindi niya alam kung may ibig sabihin ba ang sinabi ni Lance, nakatawa naman kasi ito, eh. “Bakit ba? Well, if that’s the only way, I am so willing to cross that path just to reach Elly’s heart.” Buong pagmamahal na tiningnan siya ni Edward. Nahihiya siyang napatingin kay Lance. Lance just winked at her that it made her more uncomfortable. “Come, dito tayo mag-usap sa mesa. This is what you call a celebration! The two of my favorite friends are here now at my place.” Itinuro ni Lance sa kanila ang bakanteng mesa sa isang sulok. Medyo malayo iyon sa ibang kumakain. “Give them all of our specialty, sagot ko na.” Utos nito sa crew bago sila sinamahan sa itinuro nitong mesa. “Tama si Eddie, Elly. Napakaganda mo na dati pero mas lalo kang gumanda ngayon. Pakiramdam ko ay hindi lang itong kaibigan ko ang nababaliw sa ‘yo. There’s someone over there who’s still crazy about you.” Tukso ni Lance na pasimpleng tumingin sa balcony nang kainan. Napalingon din siya sa direksyong iyon. Muntik pa niyang mailuwa ang tubig na nasa bibig niya nang makita niya si Lucas doon. Madili ang mukha nito na nakatingin sa kanila. Kaya pala parang may nagbabantay sa kaniya dahil nakatingin pala ito sa kaniya kanina pa. Ni hindi man lang nito iniba ang direksyon ng paningin nito kahit na nakikita na nito na tinitingnan niya ito. “Excuse me, can you show me the comfort room, Lance?” Nanginginig ang kaniyang mga tuhod nang tumayo siya. Itinuro naman ni lance kung saan ang comfort room. Dali-dali na siyang tumungo roon. She wished she refuse Edward’s invitation earlier. Hindi naman niya kasi alam na nandito itong si Lucas, na animo’y kalaban ang buong mundo kung umakto ito. Plus, hindi niya alam na magkaibigan pala si Edward at Lance. Bago pa siya makapasok sa loob ng CR ay isang bulto na ang humarang sa kaniya sa pintuan. Napatingala siya sa mukha nito kahit kilala naman niya kung sino iyon. “E-Excuse me, dadaan lang ako. Isa pa hindi ito CR para sa mga lalaki.” Sinipat pa niya ang karatola na nasa pinto. Baka kasi nagkamali lang siya ng basa, mapapahiya pa siya rito. “Alam ko. Marunong naman akong magbasa.” Niyuko siya ni Lucas. And his closeness to her was just giving her so much nervousness. Lalo pa yatang nanginginig hindi lang ang tuhod niya kundi pati na rin ang buo niyang katawan. “Saan pa ba kayo dumaan ng lalaking iyon na kararating n’yo lang?” The corner of his lips twitched with disgust. Ang kaba na naramdaman niya kanina ay biglang nahalinhinan nang inis. Napakamalisyoso sa pandinig niya ang paraan ng pagsasalita nito. “Pati ba naman ang oras ng pagdating ko rito ay oorasan mo, Sir Alvaro? Wala po tayo sa opisina mo, para bantayan mo ang time-in at time-out ko.” Pinilit niyang makadaan sa maliit na espasyo na nasa tabi nito pero muli siya nitong hinarangan doon. Inis niyang hinarap ito. “Ano ba ang kailangan mo, aside from noticing my own time?” Nakapameywang na tanong niya rito. “Stop flirting any man around, Miss Lorenzo! Especially to my Brother!” Nagpanting ang tenga niya sa narinig na sinabi nito. Saan ito kumukuha ng idea sa mga sinasabi nito? Okay, si Edward ay nanliligaw sa kaniya, but she didn’t show any sign na ginugusto niya rin ito. And about Lance? They have been good friends since then kahit na sinabi nito na mahal siya nito dati. Ang pagtingin niya rito bilang isang kaibigan ay hindi iyon nagbabago. He was still remain as her friend, kahit na ang daming nangyari. “This is for telling me that I am flirting around, Mr. Alvaro!” Galit niyang sabi bago niya pinadapo sa pisngi nito ang kaniyang palad. She slapped him! Pinakaayaw niya ang pinagbibintangan siya sa kasalanan na hindi niya ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD