Maganda ang opisinang binigay sa kaniya pero parang hindi niya kayang i-appreciate iyon. Lumilipad pa rin ang isip niya kay Lucas. Ang muli nilang pagkikita nito. Ang maraming pagbabago nito hindi lang sa physical na aspeto, pati na rin ang pag-uugali nito. Kung gaano ito ka-moody dati, tingin niya ay nadagdagan naman iyon ng sampung beses ngayon.
Matagal lang siyang nakaupo sa swivel chair sa harapan ng mesa at nakatulala lamang. Everything was beyond her expectation. Medyo may katagalan na rin siyang nagtatrabaho sa A.Arguellez, pero hindi niya kailan man inisip na si Lucas ang may-ari nito. No one talked about him. No hint of him. Napakalinis ng appearance nito. Talagang magugulat siya. Talagang maguguluhan siya.
Meanwhile Lucas...
Dinampot ni Lucas ang isang upuan saka malakas na ibinalibag iyon sa isang sulok. Nagkalat ang mga natamaan nito at lumikha ng malakas na ingay ang ginawa nitong iyon.
Nine years and this is not supposed to be the way we meet after all those years! Iniwan ka niya Luke without a single word from her! Galit na sabi ni Lucas sa kaniyang isipan.
Naalala niya pa kung paano siya halos magmakaawa sa dalaga kahit na wala namang dahilan na gawin niya iyon. Wala siyang naisip na dahilan para ganoon ang trato na ginawa nito sa kaniya. Pero makita lang siya nito ay tila siya may nakakahawang sakit na matindi ang pandidiri nito kapag na lumapit lang siya.
At kanina tila siya na starstruck dahil lalo itong gumanda. Hindi dapat ganoon ang mararamdaman niya. He hates her. He wanted to get even, that is why he managed to transfer her here. Pero nawala siya sa kaniyang sarili at para siyang isang teenager na kinausap ng first crush niya sa kanilang campus.
Damn you, Lucas! You should get back in your mind kung ayaw mong pagtatawanan ka ni Elianna for acting like an idiot!
Biglang pumasok sa isipan niya ang makurbang katawan, mahahabang mga binti, at may maamong mukha na tila ba isang anghel. Those thought made Lucas grow inside at doon siya nagagalit sa damdaming iyon. Kung hindi niya napigilan ang sarili niya kanina ay baka bigla na lamang niya itong hinila at ihiga either sa carpeted na sahig o doon sa mismong mesa niya, gusto niya itong angkinin right here and there. Pero agad niyang pinalis ang pagnanasa sa dalaga. Maraming babae ang handang gumamot ng init ng katawan niyang ito. Isang tawag lang niya sa mga ito ay magkakandarapa na silang pumunta kahit sa impyerno pa ang loacation na ibibigay niya sa mga ito.
Kinuha niya ang imported na alak sa maliit na refrigerator sa opisina niya at uminom doon. Ni hindi na niya isinalin pa ang alak sa baso. He needed alcohol in his body, he needed it to make him numb for a while. Sa muli nilang pagkikita na ito ni Elly. He must put in his mind exactly what had happened nine years ago. Kung paano nito halos sinira ang lahat sa kaniya, pati na ang pagkakapatid nila ni Lance.
Ilang taon ring hindi sila nag-uusap ni Lance dahil sa hinala niyang may relasyon ito at si Elly. Handa itong magkamatayan sila at kalimutang magkapatid dahil kay Elly. At iyon ang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Elly. Ang rason kung bakit nanatiling sariwa sa kaniya ang lahat. Gusto niya ring saktan ito ngayon sa paraan kung paano siya nitong sinaktan dati.
O ano, Luke, ngayon na nakita mo na si Elly, tell me, kaya mo ba talaga siyang saktan?
Parang nag-aasar na bulyaw ng isang bahagi ng isip niya sa kaniya. Ibinagsak niya ang bote ng inumin sa mesa na halos napangalahati na niya. He is undeniably angry. Pero hindi para kay Elly iyon, para iyon sa kaniyang sarili.
Dammit!
Pinaglaruan ni Elly ang damdamin nilang magkakapatid, and he hated her for that. He can't forgive her because of what she has done both to him and Lance.
At the same time ay nagagalit din siya kay Lance noong malaman niyang binuntis din nito ang best friend ni Elly na si Frances. Mas nagalit pa siya nang sabihin nitong ayaw daw nito na panindigan ang nangyari kay Frances dahil si Elly daw ang mahal nito.
His Elly.
Mapait siyang ngumiti. Alam niyang nandoon si Elly nang kausapin siya ni Frances sa tabing dagat dahil nakita niya ang bracelet na bigay niya rito noon, nahulog ito sa daan. Pero inisip niyang labis itong nasaktan nang malamang magkakaanak na si Frances at Lance. Niloko siya nito si lance pala ang mahal nito at hindi siya.
Pero bakit umabot sa punto na pinaniwala siya nitong siya ang mahal nito?
Dahil inakala nito na galit siya rito kung kaya ay ginamit nito ang bagay na iyon para hindi na siya makakahadlang sa paglapit nito kay Lance. He was a fool to believe in her. Bata lang ito noon pero naisahan pa nito ang isang kagaya niya na nasa wasto nang pag-iisip.
Doon niya napagtantong kapatid pala niya ang gusto nito.
At bakit hindi ko kaagad naisip na masaya siya pagkasama si Lance samantala palagi namang galit sa ’kin?
Ang hinala niya ay naging malinaw nang isang araw ay maabutan niya si Lance sa labas ng bahay nila Elly. Nakita niyang dali-daling lumabas ang dalaga nang makita ang kapatid niya. And by looking at them from a far made him sick. Dama niya na parang pinipiga ang puso niyang makita ang babaeng mahal niya na sabik na makita ang talagang gusto nito. Kaya hindi na niya noon napigilan ang sarili na magpakita sa dalawa. Pinapatay siya ng mga ito habang nakatanaw siya sa malayo.
While he? She chased him like a trash.
Kahit na kinain na niya ang pride niya at handang lumuhod kausapin lang siya nito ay hindi siya nito pinakinggan. Ang plano niya noon ay dalhin sa ibang bansa si Lance para doon mag-aral at para mailayo niya si Elly sa kapatid niya. But his plan didn't happen. Iba ang nangyari sa talagang gusto niyang mangyari.
He suffered pain so much, ang mga bugbog at masasakit na salita ng ama nito tuwing magtatangka siyang kausapin si Elly ay balewala. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya sa isipin na nasasaktan si Elly para sa kapatid niya.
Lalo na nang malaman niyang umalis na ito papunta sa ibang bansa and he had no idea kung saan ito nagpunta. Nasira halos ang buhay niya dahil sa pag-ibig. At ang naisip niya nang malaman niya na nag-apply ito bilang isang apprentice sa branch nila sa Singapore ay alukin kaagad ito ng trabaho makapasa o hindi man ito sa board exam nito. He wanted revenge. At pasalamat siya nang tinanggap nito ang inalok niyang trabaho sa pamamagitan ng Uncle Art niya.
But he had to set aside his feelings for his mom dahil labis itong nasaktan sa nangyayari kay Lance. Ito ang mas naapektuhan sa mga nangyari, at kasalanan nga ni Elly ang lahat ng ito.
Nakita niya kung paano ito umiyak noong halos hindi na umuwi sa kanilang bahay ang kapatid dahil nandoon si Frances sa kanila. Hindi nito kayang tingnan man lang si Frances. And again, kasalanan ni Elly iyon.
Huminto rin sa pag-aaral si Lance at doon umuuwi sa condo nito. At ayaw man niya pero si Elly ang sinisisi niya sa lahat ng iyon.
Kung sana hindi nito tinalikuran ang lahat baka sakaling napakiusapan pa nito ang kaniyang kapatid. Awang-awa rin siya kay Frances at pinalayas ito ng ina nito. Wala na itong mapupuntahan kaya pinagpasyahan nila ng kanyang ina na isama nalang ito pabalik ng Maynila.
There’s no need for them to stay sa ancestral house ng kanilang Lolo sa Laguna. Dahil doon din nawasak ang kanilang mga buhay. Ang buhay niya. Ang buhay ni Lance. Ang buhay ni Frances. Ang buhay ng Mommy niya na naging apektado sa panyayari sa bunso niyang kapatid.
Pumunta nga sila doon para umaasang magbago si Lance, pero ano pa ang gagawin nila doon kung tuluyan na itong nasira dahil sa isang babae?
Maging siya ay winasak din ni Elly at hindi niya alam kung muli pa siyang mabubuo. Pero simula nang dumating si Kenedy ay unti-unti niyang nakita ang liwanag at muli niyon na binuo ang nawasak niyang buhay. And he dated a lot of women this fast few years. He is now really on his self.
***
Magulo man ang utak ay pilit pinag-aralan ni Elly ang trabahong ibinigay sa kaniya ng kompanya. Na-meet na rin niya ang sinasabi ni Lucas na magiging team niya sa proyekto. And she’s glad na mga mababit naman ang mga ito at maayos nilang napag-usapan ang trabaho.
Mabilis din na lumipas ang mga araw at mag-iisang linggo na siyang nagtatrabbaho sa Maynila. Hindi naman naging hadlang ang presensya ni Lucas dahil hindi naman sila nito nagkita simula nang una nilang pagkikita rito.
Nagpapasalamat naman siya dahil 'pag may gusto itong ipapabago sa mga planong ginagawa nila ay ang sekretarya lang nito ang humaharap sa kaniya at nagbibigay ng instruction na nagmula kay Lucas.