CHAPTER 17

1631 Words
"Nagagalit ka dahil totoo?" Lucas asked her irritably. "At kung gagawin ko 'yon, may problema ka ba roon kung hindi naman ito makakaapekto sa trabaho ko sa kompanya mo?" Naghahamon din niyang tanong dito. Hindi puwedeng magpapatalo siya sa mga sinasabi nito sa kaniya. "Huwag mong gawin iyan kapag nakikita ko!" Medyo may kadiliman sa kinaroroonan nila at hindi niya gaanong maaninag kung ano ang reaksyon sa mukha nito. "At bakit?" Nakaarko ang kilay na tanong niya rito. Kapwa sila naghahamunan sa isa't-isa. "Because I will wreck the neck of any man who get near to you." Napaatras siya dahil sa talim ng boses nito. "May pamilyang lalaki ang iba niyan, kaya hindi mabuti na lumalapit ka sa kanila na para bang hindi mo alam ang damdamin ng mga taong masasagasaan mo!" Dagdag nito na ikinapanting ng tenga niya. How dare he accuse her like a slut! "Damn you, Lucas Alvaro!" Muling lumipad ang palad niya sa kabilang pisngi nito pero hindi nito hinayaan na lumapat iyon sa pisngi nito. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya palapit sa katawan nito, kung kaya't napasubsob siya sa malapad na katawan nito. Ang galit na naramdaman niya ay napalitan ng pagkalito nang masamyo niya ang mabango na katawan ni Lucas. He is still using his favorite brand of expensive perfume. She shook her head slowly, noong may kakaiba siyang maramdaman sa paglapit ng mga katawan nilang 'yon ni Lucas. "Yes, damn me, one more hit and I'll hit you back with my kiss." Nanlalaki ang mga mata niya na itinulak niya si Lucas palayo sa kaniya. But Lucas never let her go. Bumaba ang isang kamay nito sa baywang niya at muli siyang hinila palapit sa katawan nito. Tuluyang nawala ang katinuan niya nang muli siyang madikit kay Lucas. "Elly! Naligaw ka ba?!" Narinig niya ang boses ni Lance na tumatawag sa kaniya. Kaagad naman siyang binitiwan ni Lucas pagkarinig nito sa boses ng kapatid nito. "Umakto ka ng tama, I am watching your every move." 'Yon lang at tinalikuran na siya ni Lucas. "Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Lance nang makita siya nito. Tiningnan pa niya ang daan kung saan dumaan si Lucas. Nakahinga siya nang maluwag noong naglaho na parang bula si Lucas doon. Hindi na niya nakita ito roon. "M-Maliligaw? Parang sira 'to." Tumawa siya kahit hindi siya sigurado kung tawa ba iyon sa pandinig ni Lance. "Ang tagal mo kasi, naka-serve na 'yong foods doon." "H-Ha? K-Kasi tiningnan ko ang tanim na nandito, akala ko plastic, real plant pala siya." Salamat at kaagad siyang nakahanap ng palusot noong makita niya ang bulaklak na nakatanim sa malaking paso sa isang sulok. "Iyan ba? Gusto mo ba? Puwede mo siyang iuwi," masayang tugon ni Lance. Umiling siya. "Huwag na muna Lance, it looks perfectly there in that corner. " "Okay. Let's go back, kanina pa naghihintay sa 'yo si Eddie." Tumango lang siya at nauna nang humakbang pabalik sa kanilang mesa. Nang makaupo na siya ay pasimple niyang tiningnan ang kinaroroonan ni Lucas kanina. He wasn't there. Pero alam niya na nasa paligid lang ito at gaya ng sinabi nito ay binabantayan nito ang bawat kilos niya. Naramdaman niya ang pagmasid nito kahit hindi niya alam kung saan ito. Ang masarap na pagkain ay parang matabang na rin sa panlasa niya. Hindi rin siya masiyado nakakaintindi kung ano na ang pinag-uusapan ni Lance at Edward. Paminsan-minsan ay sumasabat siya kapag na binanggit ng dalawa ang pangalan niya. Nang matapos na silang kumain ay kaagad na siyang nagyaya kay Edward na umuwi. Gusto pa sana siya nitong ihatid pero nagdahilan siya na mahihirapan itong umuwi sa hotel na tinutuluyan nito dahil wala itong sariling sasakyan. Pumayag na rin ito sa suggestion ni Lance na magkape muna ang mga ito sa ibang lugar. Nagpasalamat siya dahil hindi na siya nahirapan pa na kumbinsihin ito. Nauna na siyang umuwi. Pagdating niya sa kaniyang apartment ay kaagad na siyang naligo at nahiga. Ayaw muna niyang mag-isip. Gusto niyang magpahinga ng maaga. *** Nagulat pa siya kinaumagahan pagdating na pagdating niya sa kaniyang opisina ay tinawagan siya ng sekretarya ni Lucas. Pinapupunta siya nito sa opisina ni Lucas, dahil may mahalagang sasabihin daw ito tungkol sa trabaho. Nagtaka man ipinagkibit balikat niya iyon. Sinipat pa niya ang sarili sa salamin at nang mkontento sa hitsura niya ay dali-dali siyang pumaroon at baka masama na naman ang timpla nito. Baka pasan mo na naman ang mundo at mamaya ay sa’kin mo naman ibunton! Hmmmp, tila ba ako pa ang may kasalanan dati! Napapanguso pa siya nang maisip ang bagay na iyon. Ang aga-aga ng mundo, eh. Kumatok siya bago binuksan ang pinto para pumasok. Sa mesa nito ay kaagad niya itong nakitang nakaupo at magkasalubong ang mga kilay habang nakamasid sa blueprint na hawak nito. Tumikhim siya at agad naman itong nag-angat ng paningin sa kaniya at kita niya ang pagbago ng ekspresyon ng mukha nito habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala sa sariling hinila niya ang laylayan ng skirt niya na hindi pa nga umabot sa mga tuhod niya ang haba n'on. At nang tingnan siya nito sa mukha at magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya kung paano mag-aapoy ang mga mata nito, without her knowing what. Is it desire? Oh, heavens, Elly! This is too early to be sort of having a dirty mind. At gusto niyang batukan ang sarili dahil sa mga isiping ganoon alam niyang mali iyon dahil may asawa na ito. Nagha-hallucinate siya ng bagay-bagay. “P-pinatawag mo daw po ako, Sir?” Tanong niya ng makabawi. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang maalala niya si Kenedy at Frances. Ngunit walang salitang tumayo lang ito and in a split second nasa harapan na niya ito at hindi inaalis ang titig sa kaniyang mga mata. Mali man pero ito 'yong mga damdaming nararamdaman niya dati matitigan lang siya nito ay tila nabuhay ang namatay niyang puso at muling tumibok ng napakabilis. Bakit ba hindi niya ito mararamdaman sa sino mang lalaki? “L-lucas p-please go away,” nauutal niyang sabi. Ni hindi niya nakikilala ang sariling boses. “Bakit ba palagi mo na lang akong tinataboy? At bakit mo ba ako palaging ginagalit?” May tila patalim sa boses nito na humihiwa sa kaniyang buong pagkatao. At parang nanunumbalik ang damdamin niya noong aminin ni Lucas sa kaniya ang nararamdaman daw sa kanya. Hinawakan nito ang batok niya at hindi sinasadyang napatingala siya dito. Ang sumunod na pangyayari ay hindi niya napigilan nang bumaba ang mukha ni Lucas at sakupin ang nakaawang mga labi niya. Gusto niyang patigilin ito sa ginagawa subalit tila siya jelly na nanlalambot. Naging mapusok si Lucas and she is surprised nang kusa niyang tugunin ang mga halik nito. Kung dati puro dampi lang ang ginagawang paghalik nito, iba ngayon, para bang bubuyog na uhaw na sinisipsip ang kanyang mga labi. Dahan-dahan siya nitong tinutulak at napapaatras naman siya. Saka lang siya tumigil nang wala na siyang mapupuntahan at nakasandal na ang likod niya sa saradong pintuan. Tila may sariling isip ang kaniyang mga kamay na kusang yumapos sa leeg nito and she gasped so loud when he pinned closer, his hardness to her, while his other hand is kneading her left breast. Kahit na natatakpan pa ito ng damit niya ay tila tumatagos ang init mula sa mga palad nito. Ramdam na ramdam niya ang magaspang nitong kamay dahil sa may kanipisan ang kanyang damit. Parang walang saysay ang pagkakatakip niyon sa kanyang balat. “L-luke,” bulong niya nang saglit nitong binitiwan ang mga labi niya at tinitigan ang kaniyang mukha. Alam niyang darang na darang na ito. At ganoon din naman siya, ano man ang gagawin nito ngayon hindi na niya kaya pang pigilan. “Please don’t stop me now, Elly.” His eyes that full of manly desires were pleading at her. Wala sa loob na hinaplos ang mukha nito. She can feel the stubble in her palm while caressing his face. Oh, my God! Bakit lalo kang gumagwapo habang tila nagmamakaawa ka? Napapitlag sila pareho at bumalik sa tamang puwesto ang kanyang pag-iisip nang gulantangin sila ng malakas na tunog ng teleponong nasa mesa nito. “A-Answer the phone,” sabi niya, sabay tulak dito. Inayos niya ang ilang butones ng blusa niya na hindi niya namalayang nabuksan na pala nito. Gusto niyang murahin ang sarili sa pagkanulo ng kaniyang damdamin kay Lucas. Oh God, Elly! Paano kung…paano kung? Hindi na niya tinapos ang katanungang iyon at lihim na lamang siyang nagpasalamat sa kung sino man ang tumatawag. Nakita niyang nanginginig ang mga kamay nito na dumadampot ng telepono upang sagutin ang tumatawag. While his eyes never leave her. Siya naman ay nanatiling nakasandal lang sa pintuan at pilit ibinabalik ang nawalang lakas niya kani-kanina lang. “Why are you calling Frances, and where’s Kenedy?” Sabi nitong hindi na siya makuhang tingnan pa. Gusto niyang maglaho na tila bula noong marinig niya ang mga pangalang binanggit nito. Wala siyang pinagkaiba sa ginawang pagtraidor ni Frances at Lucas dati kung hindi natigil ang ginawa nila ng asawa nito. Pero iba ngayon hindi na mga sarili nila ang involve. There’s Kenedy, at ayaw niyang saktan ang bata. She remembered how adorable Kenedy was sa una nilang pagkikita noong nagdaang araw. May pagmamadali sa kaniyang mga kilos nang buksan niya ang pintuan at mabilis na lumabas. May pagtataka man na sinusundan siya ng tingin ni Rosemarie, but she doesn’t care anymore. Pagdating sa sariling opisina niya ay mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at nag-dial ng numero ni Alyssa. She needs someone na makakausap. 'Di hamak naman na sermon ang ginawa nito sa kanya. But somehow that made ease the tense she is having right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD