CHAPTER 9

1790 Words
Mula ng pangyayaring iyon hindi na niya kinakausap pa si Lucas, makita man niyang hinahatid nito si Frances. Siguro magkasintahan na ang mga ito dahil sobrang sweet sa isa’t-isa. She ignored them at siya na lang ang kusang lumalayo pagnaroon ang mga ito. One time, nakita niya ito sa labas ng Campus at tiyak niyang hinihintay nito si Frances. Agad siyang umiwas nang tangka siya nitong kausapin. Kaagad niyang binilisan ang lakad at.laking pasalamat niya nang may dumaan sa harapan niyang tricycle. Dali-dali siyang sumakay at nagpahatid sa kanilang bahay. Si Frances hindi na rin gaanong sumasama sa kaniya at hindi naman sila gaanong nag-uusap dahil palagi lang itong busy kay Lucas. And the thought made her heart sick. She was like losing her very own best friend. And she hated Lucas for that. He stole everything from her. Even her heart? Pero pilit niyang iniignora ang ganoong damdamin. Naging malapit naman sila ni Lance at tila sila na ang mag-best friend. Minsan pumupunta naman ito sa kanilang bahay at nagdadala ng mga pagkaing niluluto raw ng Mommy nito. Natutuwa naman ang kaniyang Mommy at Daddy sa binata. Pero mas natutuwa ang kaniyang Daddy kay Lucas dahil no'ng gabing ihatid siya nito sandali pa raw nag-usap ang dalawa. Masiyadong bilib ang ama niya sa binata, at gusto naman niyang mainis kung gaano ka galling na artista ito kung sakali. Inaagaw nito ang mga taong malalapit sa kaniya. “You know what Elly, 'pag kasama kita parang ang tino kung tao,” sabi ni Lance. Isang araw habang nakaupo sila sa malaking bato na nasa garden ng mansion ng pamilya nito. Niyaya siya nito sa bahay nila pumayag lang siya dahil alam niyang wala ang Kuya nito. Isinama daw ng Daddy nila sa isang business trip. Wala rin ang ina nila at umuwi daw sa bahay ng mga ito sa Maynila. Ang tanging naroon ay ang matandang kasambahay ng mga ito na matagal na raw sa kanila. Si Nana Sela. “Bakit naman? Matino ka naman talaga Lance,” naaliw siya dito. Hindi niya alam kung seryoso ito sa mga sinasabi nito dahil tila relax na relax lang ito palagi. Kinuha niya ang baso ng juice na nakalapag sa Bermuda grass. “Basta, feeling ko ang saya-saya ko 'pag kasama kita,” seryosong sabi nito. Ramdam niyang uminit ang magkabilang pisngi niya. “Ang bata-bata mo pa para sa mga ganoong palipad hangin Lance. Bolero ka talaga,” natatawang sabi niya. Saka inisang lagok ang kaniyang juice para pagtakpan ang pagkailang. “Seryoso nga gusto kitang Ligawan.” Napabuntong hininga ito. Hindi naman siya nakapagsalita. “Mula kasi nang Makita kita diyan sa labas hindi ka na maalis-alis sa isipan ko. Kaso 'pag binabanggit ko 'yan kay Kuya Luke nagagalit siya’t naging aburido. Nagpunta raw kami dito para sa pagbabago ko.” He sighed deeply at tumingin sa malayo. "Lance!” Gulat namang sabi niya. Hindi niya inaasahang ganito ang ipagtatapat nito sa kaniya. “Darating ang araw na magiging maayos na ang lahat Elly. Liligawan kita. Pangako.” Tinaas pa nito ang kanang kamay to seal his promise to her. Sasagot pa sana siya, pero hindi iyon natuloy nang may biglang magsalita. Naagaw niyon ang kanilang pansin. “What are you doing here?” Napatayo pa siya sa sobrang gulat nang marinig niya na may magsalita mula sa gate. Nakatayo ito roon at may bitbit na attache case. Wearing his signature ripped jeans na halos nakayakap sa matitipunong mga hita nito. Tila ba sinadyang pinagawa para rito matching with his dark blue polo shirt na hapit din sa katawan nito. Showing his muscled chest. Magulo ang buhok pero kung titingnan ito ay napakapresko pa rin nito.Kumakalabog ang dibdib niya sa lakas ng t***k ng kaniyang puso habang magkahinang ang kanilang paningin ni Lucas. “Uuwi na lang ako Lance, maraming salamat sa miryenda.” Baling niya kay Lance saka kinuha ang bike na nakasandal sa pader. Madadaanan niya si Lucas bago siya makarating sa kinalalagyan ng bisikleta niya.. Bumilis ulit ang t***k ng kaniyang puso. Racing rapidly na tila siya aatakihin sa puso. It seems that I missed him.. Sabi ng isang bahagi ng kanyang utak na agad niyang binura. Nabitawan niya ang bike niya nang hapitin nito ang braso niya. Nawalan siya ng balanse at muntik pang matumba kung hindi siya maagap na kumapit sa dibdib nito. Ramdam ng palad niya ang mabilis na t***k ng puso nito. Para ring napapaso ang kamay niya sa init ng katawan nito. Awtomatikong napahawak rin ang isang kamay nito sa kaniyang baywang. And his palm landed on her bare skin. Nakasuot siya ng fitted jeans at fitted blouse rin at ang haba umabot lamang sa ibabaw ng kaniyang pusod. Kaya naka-expose ang kaniyang balingkinitang baywang at talagang doon pa dumapo ang kamay nito sa bahaging hindi natatakpan ng kaniyang damit. “Let me go!” parang walang lakas na sabi niya dito. Trying to make things back to normal. “And if I’m not? Would you scream?” He counter back. At kung hindi pa siya bibitawan nito ay para na siyang matutunaw na kandila. “I will, so, don’t dare me,” sagot niyang tila nakabulong na lang dahil tila wala na siyang lakas. Idagdag pa ang nakakabinging t***k ng kanilang mga puso, tila 'yon na lang ang tanging naririnig niya. “Go ahead then,” he was whispering, too, na tila ba'y hindi nakamasid si Lance sa kanila. “Please, Lucas, let me go. Kung ayaw mong maging kaibigan ako ng kapatid mo hindi na lang ako lalapit pa sa kaniya, just let me go home.” Sa huli siya na rin ang sumuko dahil nawawalan na siya ng lakas na lumaban pa dito. She’s almost begging and tears suddenly fell down in her rosy cheeks. "Oh no! Please don’t, Elly. Please, stop crying! What have I done?” Tila nag-panic rin ito nang makita siyang napaiyak. He wiped her tears with his thumb and that made her cry even more. Doon na lumapit sa kanila si Lance. “Did you hurt her, Kuya? Don’t dare to hurt, Elly, dahil kahit mataas ang paggalang ko sa 'yo ay hindi ako magdadalawang-isip na lumaban sa 'yo.” Namumula ang mukha ni Lance at nakita niya ang galit sa mga mata nito. Doon lumabas ang matandang si Nana Sela. "Even if it's mean of breaking up our brotherhood?" Tila paghahamon ni Lucas sa kapatid. Bigla siyang natakot sa kahihinatnan ng usapan ng dalawang lalaki. Ayaw din niyang maging dahilan siya ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa dahil lang sa pinilit niyang maging kaibigan si Lance. Ayaw ni Lucas no'n at hindi niya alam kung bakit ang lahat ay gagawin nito huwag lang siyang maging kaibigan ng kapatid nito. He maybe hated her that much. "Even if it is..." bumaba ang boses ni Lance pero nandoon pa rin ang matinding determinasyon sa sinasabi nito. “Ano ba naman kayong mga bata kayo di 'ba nagpunta tayo dito para mag-iwas sa gulo? At ito na naman kayo, nagsisimula na naman! Hindi n'yo ba alam ang magiging damdamin ng Mommy n'yo 'pag nakikita kayong ganito?” Nag-aalalang sabi ng matanda. Nahihiya siyang malaman nito na siya ang sanhi ng gulong iyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Pero nang tingnan siya nito ay nginitian pa siya nito. Hindi niya man lang ito nakikikitaan ng panghuhusga sa kaniya, and she’s guilty. "Go back inside, Lance, at ihahatid ko si Elly sa kanila. And stop indicating war here, I’m tired and sick of that crap,” tila kalmado pa rin ito at hindi man lang natinag sa galit ng kapatid. Binitawan na rin siya nito, but his fingers entwined slowly with hers. At wala siyang lakas umalma lalo na at nasaksihan niyang nagdudulot siya ng gulo sa magkakapatid. Maybe Lucas and her, hated each other. Too much, na kahit pakikiibigan niya sa kapatid nito ay mahigpit na tinututulan nito. At nakakalungkot isipin. Walang lingong-likod naman na pumasok si Lance sa loob ng bahay. Binagsak pa nito ang pinto na tila yumanig sa buong kabahayan. Napapitlag pa siya. Nararamdaman niyang lalong humigpit ang kamay ni Lucas sa pagkakahawak sa kaniyang mga kamay. Napapikit siya and realizing at her young age hindi niya dapat ito nararanasan. Masaya siya bago dumating ang mga ito sa kaniyang buhay. And her parent won’t let this happen kung alam lang ng mga ito ang mga ganap. Binitawan nito ang kaniyang kamay at pumunta ito sa likod ng bahay. Maya-maya pa ay lumabas na ito sakay sa malaking motor bike nito. At nanlaki ang mga mata niya sa nakita. A Harley Davidson latest model! Nakikita niya lang ito sa mga internet at TV. “Ihahatid ko lang po si Elly sa kanila, Nana Sela.” Baling nito sa matanda na tumango lamang sa kanila. “Pagpasensiyahan mo na ang magkakapatid, hija, ganiyan lang mga iyan minsan,” hinging paumanhin nito na tila ito pa ang nahihiya sa inakto ng dalawang lalaki. “Wala pong ano man, Nana. Mauuna na po ako,” sabi niya sa matanda. Inagapan naman siya ni Lucas upang makasakay sa malaking motorsiklo nito. “Dito talaga ako sasakay?” Nag-aalangan pa niyang tanong sa binata. “Don’t worry, I won’t let you fall down.” Sagot nitong inilagay ang mga kamay niya sa baywang nito. She looks like hugging him from his back. Hindi sinasadyang napatingin siya sa taas ng bahay at nakita niyang gumalaw ang kurtina bago sila lumabas ng gate. “Why you’re so hard on me Elly?” Mahina ngunit umabot pa rin sa pandinig niya ang tanong nitong iyon. “Because..because—” She lost words again. “Because what, Elly?” “Because you don’t like me, isn’t it?” Napayakap siya nang mahigpit sa lalaki nang bilisan nito ang pagpapatakbo ng motorsiklo nito, "Because you also hated me!” Nabigla niyang sagot dahil bigla siyang nanerbyos sa bilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan,“You're so arrogant, that’s what I hate about you. B-but you are sweet when it comes to my best friend. Because you like her,” hindi niya napigilan ang sariling isumbat ang nararamdaman. “At hindi ba at malambing ka rin naman sa kapatid ko? And Who told you that I like your best friend?” Natawa ito sa sinabi at tila aliw na aliw sa kanya. "At anong nakakatawa sa sinabi ko?” Naiinis naman siya dahil tila pinagtatawanan lang siya nito. Ibaba mo ako diyan sa tabi Lucas!” Galit niyang sabi dahil seryoso siya at walang nakakatawa sa mga sinasabi niya. She even swallowed her pride para aminin ang totoong nararamdaman but he just laughed at her. At ang tinutumbok na daan ay hindi ang daan pauwi sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD