CHAPTER 8

2201 Words
Mabilis Lumipas ang mga araw. Simula noon ay halos araw-araw na ganoon ang setup nila ni Frances. Hindi na sila palaging magkasama sa pag-uwi, at unti-unti lumalayo ang loob nila sa isa’t-isa dahil kay Lucas. At napapairap lang siya tuwing nagkukuwento ito tungkol kay Lucas. Mula noon hindi na rin niya nakita pa ang lalaki at palagi naman niyang nakikita si Lance sa campus. Palagi na rin silang magkakasama 'pag vacant time. Nagkuwento na rin ito na na-kick-out daw ito sa paaralang pinanggalingan nito sa Maynila dahil may katigasan daw ang ulo nito. Kasalungat ng kuya nito, na ayon kay Lance ay napakagaling daw na tao. Yes, maybe in some other ways ay magaling nga ito, pero sa ugali ay alam niyang hindi ito mabait. She guess so. Linggo ng gabi nagkukumahog sa pag-ayos si Elianna habang tinutulungan naman siya ng kaniyang Mommy sa paglalagay ng makeup sa kaniyang mukha. Dadalo siya sa debut ni Frances. Kahit na mayroon silang hindi pagkakaintindihan ng kaibigan dahil kay Lucas ay hindi pa rin puwedeng hindi siya dadalo sa isa sa pinakamahalagang kaganapan sa buhay nito. Mas matanda nang halos dalawang taon si Frances sa kaniya dahil tumigil ito sa pag-aaral ng maghiwalay ang mga magulang nito. Naapektuhan ang pag-aaral nito dahil umuwi ang mga ito dito sa Pilipinas. “Okay na ba ang itsura ko, Mommy?” Sabi niya habang sinisipat ang kanyang sarili sa salamin. She’s wearing a champagne lacey A-line gown. hindi naman gaano kalalim ang bukas sa bandang dibdib niya pero sa bandang likuran naman niya ay umabot ang bukas nito hanggang sa kaniyang beywang. The color Complementing her milky white skin. Lalo pa siyang tumangkad tingnan sa suot niyang two inch heels, at ang kaniyang buhok ay bohemian braid ang ginawa ng kaniyang Mommy, letting some strands fall down to her face. Pinaresan ng light makeup na bagay lamang sa kaniyang edad. Natutuwa siya sa kaniyang nakita sa salamin. Tila siya isang modelong lumabas mula sa pahina ng isang magazine. Ang kaniyang Nanay Cora ay sobrang humanga sa kaniya. Katakot-takot ang bilin nito habang papasakay na siya sa pick-up ng Daddy niya na siyang maghahatid sa kanya kina Frances. Sa garden lamang ng bahay ng mga ito ang venue ng debut party nito. Nang makarating sila at makababa siya ng sasakyan ay agad siyang nilapitan ni Lance. Guwapo rin ito sa suot na Royal blue long sleeves. Agad siya nitong hinawakan sa siko at iginiya papasok sa loob ng bahay kung saan ginaganap ang party ng kaibigan. Marami na ring mga tao doon. Nang pumasok sila ay naagaw nila ang atensyon ng mga bisitang naroroon. Admiration is what was written in their faces. Marami rin siyang mga kakilalang naroon, mga classmates and schoolmates nila ni Frances. Dinala siya ni Lance sa isang mesa sa sulok kung saan hindi gaanong matao. Nakita niya namang halos patakbo si Frances na lumapit nang makita ang kanyang pagdating. She’s so beautiful wearing her red strapless gown, para itong prinsesa sa suot at ayos nito. Kumikinang ang mamahaling mga beads na nakadikit sa suot nitong gown. Nakangiti itong lumalapit sa kanya, at nang matuon ang paningin nito kay Lance ay nalukot ang mukha nito at inirapan nito ang binatilyo. Gusto niyang matawa sa reaction nito kay Lance. Hindi rin ito nagtagal sa kanilang puwesto at nagpaalam na rin na aasikasuhin ang iba pa niyang mga bisita. Hindi rin magkaundugaga ang kaniyang Tita Sylvia sa pag-istema ng mga bisita ng anak. Kinausap lang siya saglit at hindi rin ito nagtagal. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang programa. Kasali siya siyempre sa 18th candle and wishes. Ang traditional 18th roses ay dumating na rin. Kasali si Lance sa 18th roses. Nagpaalam ito saglit sa kaniya nang tawagin ng host ng party ang pangalan nito para isayaw sa gitna si Frances. Pagkatapos isayaw ng labing-pitong binata si Frances, finally, her final dance came. Alam niyang wala itong tiyuhing lalaki sa side ng Mommy nito, at hindi rin nakauwi ang Daddy nito. She almost jump nang maklita niya ang lalaking papalapit sa kaibigan. Wearing his usual ripped jeans, a muddy rubber shoes, at kakulay ng gown ng kaibigan na long sleeves ang suot nitong pantaas. Leaving some button open at nakahantad ang malapad at ma-muscles nitong dibdib. Kung iba siguro ang magsusuot ng damit na suot nito ngayon, surely, they will look like a trash and would out of place. But Lucas carries it with touches of uniqueness.A lot of men dream to be in his shoes right now, while women swoon over him. Halos lahat ng kababaihang naroon ay dito nakatuon ang paningin, mga nang-aakit na tingin na lalong ikinangitngit ng damdamin niya. She couldn’t control her heart from beating so fast. Napakapit siya sa braso ni Lance ng mahigpit nang lumingon ito sa kanilang kinaroroonan. At nang magtama ang kanilang mga paningin, she swear to God biglang tumigil ang kanilang mundo at pakiramdam niya ay sila lamang dalawa ang naroroon at nagkakatitigan. Magsalubong ang mga kilay nito ng sundan nang paningin nito ang kamay niyang kumakapit sa braso ng kapatid nito. Unconsciously, bigla niyang binawi ang mga kamay at tila napapasong kumapit sa dalang purse. Tila doon siya kumuha ng kanyang lakas. At parang humapdi ang kaniyang puso nang hapitin nito sa beywang ang kaibigan niya at nagsimula nang sumayaw ang dalawa. Hiyawan, tuksuhan nang mga nasa paligid ang nangingibabaw sa kasiyahang iyon at tila gusto niyang tumakbo palabas at gusto niyang magtago. Pero tila kang baliw pagginawa mo 'yon Elly! Everybody would think that you’re out of your mind 'pag ginawa mo yan! Paalala niya sa kaniyan g isipan ni wala namang rason para gawin niya ang bagay na yon. Tahimik siyang pumasok ng bahay kabisado na niya ang loob ng bahay kaya nagpasya siyang pumunta ng bathroom at pakiramdam niya’y naninikip ang kaniyang dibdib. Nagprisinta si Lance na samahan siya but she insisted na huwag na. Nang mkalabas Ng banyo lumabas siya ng back door at pumunta sa bench na nasa likod bahay upang maupo doon, gusto niyang mapag-isa pansamantala. Wala pa halos limang minuto siyang nakaupo doon ng may magsalita sa kaniyang likuran muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan dahil sa gulat. “What are you doing here sa dilim?” His bedroom voice tickling all her senses. Lucas never failed doing that to her every time he’s near. Nanatili siyang tahimik ayaw niyang magsalita at masama ang kaniyang loob sa walang kadahilanan. Natakot siyang baka masabi niya iyon at pagtawanan lang siya nito at siguradong malalaman din ni Frances dahil halata namang tila hindi mapaghiwalay ang dalawa. “You’re exposing your body too much and it’s not appropriate for your age. Alam mo bang tila mga asong ulol yong mga kalalakihan sa loob while looking at you?” doon siya biglang napalingon nakita niya ang galit sa mga mata nito she even heard his teeth gritted while looking at her bare back. Nakatayo ito at nakasandal sa hamba ng pintuan sa 'di kalayuan sa inuupuan niyang bench. "Again you’re not my parent para pagsabihan ako sa dapat kong isuot at sa hindi dapat. And those men inside na sinasabi mong nakatingin sakin, it’s not my problem anymore hindi ko naman sila inuutusang tingnan ako.” Hindi niya mapigilan ang sariling hindi sumagot bigla siyang naiinis sa trato nito sa kaniya. Ano ba naman ang pinagkaiba ng suot niya sa suot ni Frances diba halos wala naman? Bakit hindi naman maitago sa mga mata nito ang paghanga sa kaibigan niya? Bakit siya ay tila suklam na suklam ito? Pangit ba siya? Thought of it made her heart sick. "Alam mo bang you're driving every men crazy over you? Pati na yong kapatid ko halatang nababaliw na sayo and I hate you for that!” Unti-unti itong humakbang palapit sa kaniya. "And I won’t let that happen na muli siyang mababaliw at ikaw ang magiging rason.” He held her chin at napatingala siya dito, at muli niyang naramdaman ang damdamin noong una nilang pagkikita. She can’t tame her heart from beating so wildly at tila siya napaparalisa at hindi makagalaw. Nagulat pa sila pareho nang biglang sumungaw sa pintuan si Frances at malambing na tinawag ang binata. “I’ve been looking for you Luke nandito ka lang pala.” Biglang ikinawit ang mga kamay sa braso ng lalaki at malambing naman nitong niyuko ang kaibigan at hindi na niya narinig pa ang sinasabi nito. The pain suddenly runs in her young heart. “Elly hinahanap din kita, kararating lang ni Cyrus at kanina ka pa hinahanap sa 'kin.” Baling nito sa kaniya at saka hinihila na papasok si Lucas sa loob ng kabahayan. “Susunod lang ako Frances.” Pasigaw niyang sagot dahil malayo-layo na ang mga ito. Nakita pa niyang lumingon si Lucas sa kaniya but she ignored him at tumayo na rin para pumasok sa loob. Nakita niya sa isang sulok si Lance habang may bitbit na basong may lamang alak. Akma niya itong lalapitan nang biglang linapitan siya ni Cyrus. “You’re so beautiful Elly. Where have you been?” Masiglang sabi nito. “Nagpapahangin lang ako Cyrus.” She’s trying to be calm. “Shall we dance Elly?” Yaya nito sa kaniya. She took his hands at sumunod sa gitna ng dance floor, wala namang masama dahil matagal na niyang kilala si Cyrus. Noong nasa gitna na sila ng dance floor ay ramdam na ramdam niyang may nakatitig sa kaniyang likuran. Unconsciously, napalingon siya at nakita niyang nakatayo 'di kalayuang si Lucas. She seems like burning in his eyes while he’s looking at her. Ramdam niyang namumula ang kaniyang mga pisngi. Hindi nagtagal ay nagulat na lang siya nang lumapit ito sa kanila ni Cyrus, kinuha ang mga kamay nitong nasa baywang niya at hinila siya palayo dito. Everybody never noticed dahil marami ang sumasayaw sa maliit na dance floor at halos magkadikit-dikit lang ang mga taong naroroon. “Ihahatid na kita,” walang gatol nitong sabi, tila siya bata at pinapagalitan ng tatay niya. “Mawalang galang naman po, nag-uusap kami ni Elly,” galit na sabi ni Cyrus. “Don’t make this hard for both of us, boy,” balewalang sagot nito ni hindi ito natinag sa galit ni Cyrus. Well, kung titingnan ano naman ang magagawa nito kay Lucas? Matangkad na bata si Cyrus pero 'di hamak na mas matangkad si Lucas. Idagdag pa ang laki ng katawan nito. Nagmumukhang bata talaga si Cyrus kung pagtabihin silang dalawa ni Lucas. “Let’s go home.” Baling nito sa kaniya, nasa kamay na nito ang dala niyang purse kanina. Ayaw niyang makaagaw sila ng pansin at mas ayaw niyang masira ang party ng kaibigan, kaya hinayaan niya na lamang ito. Kinausap pa nito si Frances at siya ay hindi na niya nagawang makapagpaalam kahit kay Lance na bigla na ring nawala. Hinila siya nito sa labas ng gate at binuksan ang isang mamahaling sasakyan. Halos matulala siya sa ganda nito. Sa mga TV o internet niya pa lamang ito nakikita. An Audi! Alam niyang napakamahal ng sasakyang iyon. At hindi naman siya nagtataka dahil base sa kuwento sa kaniya ni Lance ay isang kilalang negosyante daw ang kanilang ama. “Alam mo bang kung hindi kita inuwi malamang makakalikha ka ng gulo sa party ng kaibigan mo?” Ni hindi siya tiningnan at abala lang ito sa pagmamaneho. “Ano bang pinagsasabi mo diyan, eh, ikaw lang naman ang nagsisimula ng gulo palagi sa buhay ko.” Tiningnan niya ito at nakita niyang tila gumuhit ang lungkot sa mga mata nito. Ngunit agad din itong napalis. O baka imagination niya lang yon? “Akala mo ba ay hindi uupakan ni Lance ang lalaking 'yon? Nagseselos ang kapatid ko at harap-harapan mo siyang sinasaktan. If you knew Lance being nice—” Lumingon sa kaniya saglit saka binalik ang paningin sa daanan. “Well, nagkakamali ka, you don’t know him in his madness.” “Wala akong ginagawng masama kanino man. Bakit naman niya gagawin iyon hindi ko naman siya boy friend?!” Bagamat nagulat sa sinabi nito ay nanaig ang karapatan niya. Wala siyang ginagawang masama. “Bakit ba kailangan kong i-adjust ang buhay ko? Hindi naman ganito dati, nagsimula lang noong dumating kayo. Pakiramdam ko lahat ng galaw ko mali, pati bestfriend ko ay hindi ko na rin kilala,” mapait niyang sabi. Gusto niyang ilabas ang lahat ng nararamdaman niya. Tila nagulat naman ito at biglang nagpreno. Tiningnan siya at akma siyang hahawakan, but his hand froze in the air at agad ring ibinalik sa manibela. Hindi na rin sila nag-usap hanggang sa marating ang kanilang bahay. Dali-dali siyang bumaba, at patakbo sa kanilang gate. Nararamdaman naman niyang nkasunod ito, but she doesn’t care. Isang pindot lang niya ng doorbell ay nakita na niyang mabilis lumalapit ang kaniyang Daddy sa kanilang gate. Hindi 'ata ito natulog at hinihintay siyang tumawag dahil ang sabi nito sa kaniya tatawagan niya ito para sunduin siya. Agad siyang humalik sa pisngi nito at dali-daling pumasok. Never bother to look back at him. Narinig pa niyang binati nito ang kaniyang Daddy pero hindi na niya pinansin pa. Agad-agad pumasok sa kaniyang kwarto at naligo, at nagbihis ng pantulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD