CHAPTER 13

1481 Words
Lumipas ang ilang araw, at mga linggo. Pero sobrang matamlay pa rin si Elly. Hindi rin siya nakapasok dahil iyak lang siya nang iyak. Halos hindi na siya kumakain at alalang-alala na ang kaniyang mga magulang pati na rin ang kaniyang Nanay Cora. Ilang beses na ring nagpunta si Lucas sa kanila pero hindi ito pinayagan ng mga magulang na makapasok man lang sa kanilang bakuran. Nagtapos sila sa ganoong paraan. No bid of goodbye. No word for each other. They just ended something's like that. *** Hapon noon at napakalakas ng ulan, tila ba dinadamayan siya sa pighating kaniyang nararamdaman ngayon. Wala ang kaniyang Mommy at Daddy dahil lumuwas ang mga ito sa Maynila para mamili ng mga fertilizer para sa kanilang farm. Kasalukuyan ding nasa palengke ang kanyang Nanay Cora at mahigpit ang bilin ng mga itong huwag papasukin si Lucas. Kung sakaling pumaroon ang binata, at hindi man ng mga ito iyon sabihin sa kaniya ay 'yon naman talaga ang kaniyang gagawin. Nagulat pa siya nang may bumalya ng malakas sa kanilang gate, sinilip niya sa bintana at laking gulat niya nang makita niya si Lance na nakatayo sa labas at basang-basa ito ng ulan. Agad siyang kumuha ng payong at lumabas sa kaniloang bahay. Wala namang kasalanan si Lance sa kaniya para idamay niya ito sa ano man na problema na meron sila ng Kuya nito. “Elly please, I love you, mamamatay ako kung mawawala ka!” Sigaw nitong tila wala sa sarili. Alam niyang lasing ito. “Please, Lance, hindi mo naiintindihan ang pinagdadaanan ko ngayon, huwag mo na sanang dagdagan pa!” Muling nanumbalik ang sakit na nararamdaman niya nang maalala niya ang kapatid nito. Gusto niyang mapahagulgol ng iyak, but she will not do that sa harapan nito. “Alam mo bang masaya ako nang malaman kong wala na kayo ni kuya Luke? Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal niya sa 'yo, Elly!" “Go home Lance! Now! “ Malakas na sigaw ni Lucas na hindi niya namalayan ang pagsulpot nito. Sabay pa silang napalingon ni Lance sa kapatid nito. Nakita niya si Lucas 'di kalayuan at sakay ng motorsiklo nito. Basang-basa na rin ito ng ulan. Bumabakat na ang matitipunong katawan nito sa suot nitong t-s**t. And the pain suddenly subside dahil bigla niyang naalala ang pinag-usapan nito at ni Frances. Her tears suddenly fell down dahil hindi niya mapigilan ang sarili. Pero nagugulat siya sa sumunod na pangyayari. Nakita niya kung paanong lapitan ito ni Lance at suntukin sa mukha. Hindi ito nakapaghanda at natumba ito, napasadsad ito sa putik gawa ng malakas na ulan. Pati siya nababasa na rin ng ulan dahil nabitawan niya ang dala-dala niyang payong. Gusto niyang daluhan ito but she fought so hard na huwag gawin iyon. Bibigay ang kaniyang puso kay Lucas kapag ginawa niya na lumapit dito. “I said go home!” Galit ito at sinipa ang kapatid nang akma itong lalapit upang muli sana itong suntukin. Natumba rin si Lance at doon siya biglang natauhan. What the hell are they doing? Magpapatayan ba sila sa harapan ko? Agad siyang lumabas sa kanilang gate at hindi niya alintana ang malakas na ulan. ”Utang na loob umuwi na kayo, huwag kayong mag-away dito! Hindi n'yo ba alam ang mangyayari kay tita Cristina sakaling malaman niya ito? Please, naman respetuhin n'yo ako kung meron kayong respeto sa 'kin kahit konti lang.” She’s almost begging. Gusto niyang mawala na ang mga ito nang tuluyan sa buhay niya. “I want you two to get out of my life! Huwag n'yo nang hintayin pa na maabutan kayo ng Daddy dito at lalo lang magugulo ang buhay ko!” Hilam na siya sa luha. Kung kailangan niyang lumuhod para lang layuan siya ng dalawa ay nakahanda siyang gawin iyon. Para sa ikakatahimik ng buhay niya. Para sa ikakatahimik ng lahat. Nang tingnan niya si Lucas ay nakatingin lang ito sa kaniya. Pain crossed in his eyes pero saglit lang ito. Akma siyang aabutin nito pero agad din siyang humakbang palayo rito. Tumayo naman si Lance at pumunta sa sasakyan nitong nakaparada 'di kalayuan. Before she knew it mabilis nang tumatakbo ang sasakyan nito palayo sa kanila. Tumalikod na rin siya para pumasok na sa gate nila nang bigla siyang hinawakan sa braso ni Lucas. Pinalis niya iyon pero mahigpit itong nakakapit sa kaniya. “Please, Elly, mag-usap tayo. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganiyan. The last time we've talked, everything was perfect between us. But now, oh, damn! Hindi ka na daw pumapasok sa eskwela.” Nagmamakaawang sabi nito. His last sentence wasn't questioning her, but more on the statement. Wala na rin siyang pakialam pa kung saan nito nalaman ang bagay na 'yon. She wants to grab and hug him so tight noong makita niya ang dumudugong kilay nito but every time she remembered how he cheated on her ay biglang bumabangon ang galit niya. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan. I want you to leave me alone. Please, maraming masasaktan 'pag tinuloy mo 'yang kahibangan mo,” mapait niyang sagot dito. Sobrang naninikip ang kaniyang dibdib. “I can settle with Lance and Frances, just please listen to me, Sweetheart,” Halos magmamakaawa ito. But she hurt so bad at ayaw niyang makinig pa. “Just leave now, Lucas. Leave!” Taboy niya dahil lalo lang siyang nagagalit sa mga sinasabi nito. Ayaw na niyang makinig sa isa pang kasinungalingan nito. It was over between them the moment she heard him and Frances talking about their betrayal to her. Settle with Lance and Frances? Anong ibig sabihin nito nang sabihin iyon? Patuloy siyang maging girlfriend nito while Frances bearing their child? For Pete's sake! Akala siguro nito dahil bata pa siya mauuto siya nito! “Piliin mo kung anong nararapat. Nandiyan ang pamilya mo para gabayan ka, ito na dapat ang huling beses nating pag-uusap at hindi na kita gustong makita pa.” Nang maramdaman niyang lumuwag ang kapit nito sa kaniyang braso ay mabilis siyang pumasok sa kanilang gate at in-lock iyon para hindi na siya nito mahabol pa. “Elly, please, don’t do this to me!” Malakas na sigaw nito. Halos gibain pa nito ang bakal na gate nila pero hindi siya nagpatinag. Hinayaan niya itong mapagod sa gitna ng ulan. Dahil siya ay pagod na pagod na rin na masaktan. Matagal bago tumahimik sa labas. Nang wala na siyang maririnig na ano mang ingay ay maingat siyang sumilip sa bintana at nakita niya itong nakasandal sa motorsiklo nito. Nakayuko ang ulo at hindi alintana ang malakas na ulan. Maya-maya pa sumakay na ito at sobrang mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Napahagulgol na lamang siya ng iyak na kanina pa niya pinipigilan na kumawala. Hindi pa niya namalayan nang dumating ang mga magulang niya. Nabigla pa ang mga ito nang makita siyang basang-basa at nag-uumiyak. Labis niyang pinag-alala ang mga ito sa nadatnan nilang itsura niya. Mahigpit siyang napayakap sa ina dahil gusto niyang kumuha ng konting lakas doon. “Mommy, please, get me out of here. Daddy, please!” Halos maghistirya na siya. Nakita niyang nagkatinginan ang mga magulang niya dahil sa kaniyang inaakto at sinasabi. Isa pang ganitong pangyayari at talagang mababaliw na siya. “Mommy, Dad please gusto ko pong lumayo rito, hindi ko na po kaya kung ganito na lang palagi,” sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. “Alright, Honey.” Huminga ito ng malalim. Ni hindi na nag-usisa pa ang mga ito sa kaniya kung ano ba ang totoong nangyari noong wala ang mga ito kanina. “Ito 'yong pinakaayaw kung mangyari,” masuyong sabi ng kaniyang daddy. Alam niyang sobra rin itong nasasaktan na makita siyang nagkakaganito. And that moment ay napag-usapan nila kung ano ang nararapat na gawin nila. Pumayag siya sa kagustuhan ng mga ito na lisanin ang lugar na ito. She wanted to move on, at hindi niya magagawa iyon kung mananatili niyang makikita ang mga taong naging parte ng kabiguan niya. Ilang araw lang ay naaayos na ang kaniyang mga kakailanganin sa pagpunta niya sa Singapore. Pinakuha siya ng kaniyang teacher ng exams para makagraduate sa school year na 'yon. Sayang din naman kung hindi siya kukuha ng exam, malapit na ang closing nila. Mahigit dalawang buwan na rin lang at ga-graduate na sana siya. Labis na nanghihinayang ang kaniyang mga teacher sa biglaang paghinto niya dahil hindi sana imposibleng makuha niya ang pagka-valedictorian. Subalit talagang ayaw na niyang mag-stay pa roon. Sa Singapore na siya nagkolehiyo at kumuha ng kursong Architecture. Doon siya tumuloy sa kanyang Auntie Meddy, ang matandang dalagang kapatid ng kaniyang ama. She needed new place, new surrounding, and new people kung hindi ay mababaliw siya sa pinagdadaanan niya ngayon. Talagang nayanig ang buong mundo niya nang dahil kay Lucas. Naging maayos ang buhay niya sa Singapore, the rest they said is history.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD