Lunes.
Nakagayak na siya sa loob ng kanyang silid papuntang school nang tawagin siya ng kaniyang Daddy.Ito ang naghahatid sa kaniya sa school at kung uwian naman ay sumasabay na lamang sila ni Frances pauwi.“I’m here, Dad."Bye Mom.” Humalik siya sa pisngi ng kaniyang ina na nag-aayos ng mga bulaklak sa kanilang salas. Saka siya patakbong lumabas ng bahay at nagkukumahog na isinukbit ang backpack sa kanyang balikat. No'ng makarating na sila sa school ay humalik siya sa pisngi ng kanyang ama, pagkatapos ay nagmamadali na siyang bumaba ng sasakyan. Mabilis din ang ginawa niyang paglalakad papasok sa loob ng eskwelahan.Nang sumapit siya sa gate ay nakita niya kaagad si Frances na nakaupo sa isang bench na naroon. Siguradong hinihintay na siya nito dahil kung siya man ang mauuna ay hinihintay din niya ang best friend niya sa mismong bench na 'yon.“Good morning, Frances! Napaaga ka naman 'ata,” masayang bati niya sa kaibigan. Actually, siya ang palaging nauuna kaya naninibago siya sa kaibigan niya ngayon.“Morning, Elly,isinabay kasi ako ni Luke papunta rito kaya napaaga ako.” Hinayon ng tingin nito ang lalaking nakatayo sa gilid ng inuupuan nito. Ang mga kamay ay nasa likuran ng sandalan ng inuupuan ng kaibigan.Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ito roon. How come hindi niya ito nakita kaagad kanina?Mataman rin itong nakatitig sa kaniya at hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso sa simpleng titig lang nito. At parang gusto niyang tumakbo para makawala sa mga titig na iyon.“G-ganon ba?” tila nauutal pa niyang sabi. Ni hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin. She lost words. Madaldal naman siya, pero bakit parang nauumid ang dila niya pagkaharap niya ito?At teka ano naman ang ginagawa nito dito? Ano pa nga ba Elly, siyempre hinatid si Frances halata namang type niya si Frances! Siya na rin ang sumagot sa katanungan niya at gusto niyang mainis. But for what reason? 'Di ba, wala?“Hello there! How lucky I am at nandito ka rin pala nag-aaral Elly.”Masiglang sabi ni Lance habang papalapit ito sa kanilang kinaroroonan. Nagulat siya nang Makita ito roon pero saglit lang 'yon, napalis din nang makita niyang nakasuot ito ng uniporme ng kanilang eskwelahan. Transferee ito for sure.“Hi Elly maging masigla pala ang pag-aaral ko dito at alam kong may Magandang dilag akong makikita sa school araw-araw.” Hindi niya alam kung nagbibiro lamang ito.“Shut up Lance, don’t forget why we’re here!” Walang kaabog-abog na sumabat si Lucas sa sinabi ng kapatid, at tila galit. But his husky bedroom voice made her knees shiver a little.“Of course, Kuya. Hindi ko nakalimutan 'yan, at siguro ma-inspire pa ako dito. Don’t worry, everything is under control now,” sabi nitong nakatitig sa kaniya.And oh my! Nakakailang 'yong mga titig na binibigay ng magkakapatid sa kaniya.“Magaling na ba ang sugat mo, Elly?” Tanong ulit nito sa kaniya. Tumango lamang siya bilang sagot.“Elianna!” Napalingon siya nang marinig na may isa pa na tumawag sa kaniyang pangalan. Lumiwanag ang mukha niya nang makita niya si Cyrus. Ang crush niya. Pero bakit tila wala na itong epekto sa kaniya? Kung dati ay kinikilig pa siya pagpinapansin siya nito, ngayon ay parang ordinaryong bagay na lamang ang makita niya ito. Automatically, bigla siyang napatingin kay Lucas. Pakiramdam niya ay totoy na totoy lamang si Cyrus kung ikumpara rito.But why the comparison Elly? At kay Lucas pa, pwede namang kay Lance at guwapo rin naman ito! That Lucas, na sobrang kampante at mukhang mayabang. Kastigo niya sa isang bahagi ng isipan niya.“Hi Cyrus,” bati niya sa binatilyo. Fourth year high school din ito at ibang section nga lang. Siya kasi at si Frances ay kabilang sa star section.“Papasok ka na ba? Sabay na tayo,” nagpapacute pa ito sa kaniya at gusto niyang matawa.“Okay.” Maikling sagot niya.Gusto na rin niyang umalis sa harapan ng mga ito dahil mula nang makilala niya ang mga ito ay puro tensiyon lang ang dulot sa kaniya.“Give me your books at ako na magdadala, matagal pa naman ang first subject natin 'di ba? Punta muna tayo sa Library,” he said Coyly at alam niya na dinig na dinig iyon nina Lucas.“Sure.” Binigay niya ang mga librong bitbit kay Cyrus.“Young people nowadays, masiyadong mapupusok,” sabad ni Lucas na nang lingunin niya ay nakita niyang nakaigting ang mga bagang nito. At magkasalubong ang makakapal na mga kilay.“None of your business.” Saka hinila niya si Cyrus sa kamay at nagmamadaling pumasok ng gate.This is her bad day again at simula pa lang ng weekdays. Bakit pa kasi pumunta 'yan dito ng sobrang aga?Tuloy, parang pasan na niya ang bigat ng buong mundo. Kasi nga hinatid niya si Frances 'di ba? At ang magaling niyang kaibigan ay tila gustong-gusto naman at parang wala ng pakialam sa kaniya.“Elly, wait!” Narinig pa niya ang pagtawag sa kaniya ni Lance, pero walang lingong-likod na nagpatuloy siya sa pglalakad kaagapay si Cyrus.“Matagal na kasing crush ni Elly si Cyrus,” narinig pa niyang sinabi ni Frances.See? Kaibigan niya nga ito, pero doon pa kumampi kay Lucas, ang galing 'di ba?She starts hating her. Nagsalita pa ang antipatikong lalaki pero hindi na niya narinig ang sinabi nito.Hindi din siya interesado kung ano man 'yon!Nang marating nila ang pasilyo kung saan malapit lang ang kanilang classroom ay agad niyang kinuha ang libro kay Cyrus. Nagtaka man ay wala na itong nagawa pa nang sabihin niyang doon na lang siya sa classroom nila para hintayin ang unang subject nila.Nang dumating si Frances at maupo sa kaniyang tabi ay hindi niya ito pinansin.“Ano ka ba naman, Elly, bakit ang init-init ng dugo mo kay Luke, eh, sobrang bait lang naman 'yong tao.”“At kakampihan mo pa siya, eh, simula noong sabado napakaantipatiko na ng lalaking 'yon! Ano siya tatay ko na pangaralan niya ako?” She’s bursting out.“Dapat kinakaibigan natin sila kasi bagong lipat lang sila dito at wala pang gaanong kilala,” naiirita na ring paliwanag nito.“Kung si Lance lang ay okay lang Francess dahil magalang naman si Lance. Pero 'yong kapatid niyang mataas ang tingin sa sarili ay 'di bale na lang.”“Mas mabait si Luke Elly, at si Lance never mind,” tila naiinis naman ito pagkarinig sa pangalan ni Lance.“Ayokong pag-uusapan sila dahil wala akong pakialam sa mga buhay nila, basta ba huwag siyang umaktong parang magulang ko.” Hindi naman siya Ganito ka harsh pero pagdating kay Lucas para bang gusto niyang magalit palagi pagkaharap ito.“Dadaanan niya ako mamaya at sasabay na ako sa kaniya, sasama ka ba?” Biglang kuminang ang mga mata nito and she hated it even more.“Dadaanan? Saan ba siya at dadaanan ka niya dito?” Maang niyang tanong dito na binitawan ang librong binabasa at napatingin kay Frances.“Kumukuha siya ng unit sa kursong International Business dito din sa St. Jude,” masiglang sabi nito na tila girlfriend na proud na proud sa boyfriend.”Alam mo ba, Elly, na twenty three years old lang si Luke pero ganap na itong Engineer? Naikuwento niyang dream niya daw 'yon, but his dad wants him to manage their business. So ayon na nga, kumukuha siya ngayon ng units sa International Business” kuwento nitong may kislap sa mga mata.“I’m not interested with his story, Frances," she snap.“Okay, huwag na lang natin siyang pag-uusapan, basta sasabay akong uuwi mamaya sa kaniya, kung ayaw mo bahala ka.” Kibit balikat nito saka kumuha ng libro sa bag.Hinayaan na rin niya ito at patuloy na binasa ang librong hawak-hawak niya kanina.