CHAPTER 21

1782 Words
Papasok siya ng site kung saan nag-uumpisa na ang demolition ng proyektong hawak niya. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng hardhat at sasaglit lang naman siya. Agad siyang binati ng mga trabahador. Nagmamadali rin siya dahil alam niyang maiipit siya sa traffic pagbalik niya sa kanilang opisina. Nagko-commute na lamang siya ngayon at hindi na niya dinadala ang sasakyan na pinagamit ng Daddy niya sa kaniya. Natatakot kasi siya na masiraan ulit siya sa gitna ng daan. Nadala na siya sa nangyari sa kaniya n'ong nagdaan. At ang kotse na bigay ni Lucas? Ayaw niya ring gamitin iyon, ayaw niya na mag-ugat pa iyon sa tsismis sa kanila ni Lucas kapag na may makakaalam na sa lalaki galing iyon. Hahayaan na lamang niya iyon hanggang sa si Lucas na mismo ang susuko at kukunin na lamang iyon sa apartment niya. “Hey beautiful, Elly! Isn’t it necessary ang pagsuot ng hardhat lalo sa isang magandang tulad mo?” Kilala niya ang boses at agad siyang natuwa nang lingunin niya ito. “Lance!” Malakas na bulalas niya at napalingon ang foreman sa kanila pati ang kausap nito. Napahiya siya nang makitang tumingin din si Lucas na kausap pala nito. Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa kanila ni Lance at hindi niya mawari ang ibig sabihin niyon. “Hindi na tayo nakapag-usap ng mabuti the last time na nagkita tayo sa restaurant ko. Tita Luisa, told me na sa Singapore ka pala nagkolehiyo, no'ng magkasalubong kami isang beses sa bayan sa Laguna. That was four years ago, I think.” Saka makahulugan nitong binalingan si Lucas. “Yes, at talagang maganda mag-aral doon. Hindi ko rin alam na kayo pala ang may-ari ng A.Arguellez. Ngayon ko lang din nalaman nang dumating ako rito,” nakangiti niyang sabi rito. Natutuwa talaga siyang makita niya ulit ito ngayon. She really missed her friend. Malaki na rin ang pinagbago nito physically, lumaki at gumanda rin ang hubog ng katawan nito at sa tingin niya mas lalo rin itong tumangkad at gumuwapo. Pati ang ugali nito ay parang nagbago na rin though nakikita niya pa rin ang pagkabolero at pagkaalaskador nito, but the maturity couldn't deny that he's also having it. Hindi na ito kagaya rati na parang hindi kilala ang salitang responsibilidad. “Alam mo lalo kang gumanda, Elly, at parang hindi ka bagay dito sa site.” Pabiro niya itong tinampal at natawa naman ito nang malakas sa ginawa niya. “You really still the same, Elly, na kilala ko nine years ago,” dagdag pa nitong hindi mapagkailang natutuwa sa muling pagkikita nila. “At ano naman ang ginagawa mo rito?” Natatawa ring sabi niya at hindi napansin ang matalim na tinging ipinupukol sa kanila ni Lucas may 'di kalayuan. “May pinasuyo lang ang Kuya Lucas sa’kin kaya idinaan ko na lang dito, since pupunta na rin naman ako sa opisina. By the way, Elly, can we invite you for lunch?” hindi niya pinansin ang sinabi nitong we. “Hindi ka pa ba aalis, Lance? Baka nakakaistorbo ka na sa trabaho ni Miss Lorenzo. Besides, I guess hindi magandang tingnan na nag-uusap kayo as if nothing had happened.” Hindi pa nga niya nakuhang sumagot sa imbitasyon ni Lance ay bigla ng sumingit si Lucas sa usapan nila ng kapatid nito. Atribida talaga! Ano naman ang hindi magandang tingnan sa pag-uusap namin ni Lance, eh, ikaw nga itong masiyadong pabida, manloloko naman! Gusto niyang sabihin ngunit mariin niyang pinigilan ang sarili at ayaw niyang marinig sila ng mga trabahador at kung ano pa ang isipin ng mga ito. “Hindi ka talaga nagbabago, Kuya, when it comes to Elly.” Napapalatak na sagot ni Lance. Balewala ang matatalim na tinging ipinupukol dito ni Lucas, tumawa pa ito nang malakas. Pero teka, nakakailang naman yatang siya ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki sa harapan niya mismo. “Sige na, Elly, I’ll visit you once sa opisina mo. Saka na tayo mag-usap dahil baka magsisiklab pa ang apoy dito kung may magagalit, just like before,” natatawang sabi ni Lance. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. Ibinato naman ni Lucas ang hawak nitong hardhat kay Lance na kaagad naman nitong nailagan. Lalo pang tumawa nang malakas si Lance dahil sa ginawa ng kapatid nito. Kinawayan niya ito nang makasakay na ito sa kotse nito. Tumalikod siya at planong pupuntahan ang foreman para kausapin. “Do you really like him na hindi mo alintana kung may masasagaan kang damdamin?” Ilang hakbang pa lang ang layo niya mula rito. Marahas naman niyang binalingan ito dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Nakatitig lang ito sa kaniya at halatang pinipigil ang galit. “Anong pinagsasabi mo diyan?” Kunot noong balik tanong niya rito. “You know what I’m talking about, so please stop acting like you were innocent. You almost submit yourself freely to me the other day, tapos makita mo lang ang kapatid ko nag-iiba naman ang timpla mo?” Nakataas ang isang sulok ng labi nito. At gusto niyang sampalin ito sa mga sinasabi nito. That was their private moment together at inaamin niyang nagkamali siya. Hangga't maaari ayaw na niyang balikan ang kahibangan niya. “You know what? Ang mga ganiyang utak tulad ng sa 'yo usually kung sino pa ang mahilig mag-isip sila naman ang gumagawa ng mga bagay na makakasakit sa mga kapwa nila,” patuyang sabi niya. Bago siya nagmamartsang pumunta sa kinaroroonan ng foreman. Muntik pa siyang matumba dahil natisod siya sa nakausling bato, kung hindi nito naagapang hawakan siya sa kaniyang baywang. Ayaw niyang madikit man lang dito kaya marahas niyang pinalis ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya saka mabilis na lumakad paalis. Pagkatapos niyang ma-check ang mga materyales na naroon ay dali-dali na siyang lumabas sa site at nag-abang ng taxi na maaari niyang sakyan pabalik sa kanilang opisina. Nang dumaan nga ang bakanteng taxi ay kaagad niya iyong pinara at mabilis nang sumakay. Pakiramdam niya kasi kapag alam niyang nasa paligid lamang niya si Lucas ay parang palaging nakasunod sa kaniya ang paningin nito. Pagdating na pagdating niya sa opisina ay kaagad siyang pinatawag nito sa opisina nito. Talagang nauna pa ito sa kaniya, ha? Saan naman ito dumaan? Napapailing siya bago inayos ang sarili at pumunta na roon. Baka mamaya ay magagalit na naman ito kung matatagalan pa siya sa pagpunta roon. Kumatok siya ng tatlong mahihinang katok bago niya binuksan ang pintuan ng opisina nito. Namilog ang kaniyang mga mata dahil sa gulat nang makita ito sa couch nakaupo at may seksing babaeng nakakandong dito. Ano ito? Pinapunta siya nito rito para ipakita sa kaniya ang kalaswaang ginagawa nito at ang babaeng kasama nito? Halata namang may ginagawa ang mga itong milagro at gusto niyang damputin ang vase na nakapatong sa mesa upang ibato sa mga ito, but that’s the foolish thing to do. Parang biglang sumakit ang dibdib niya sa tagpong nasaksihan niya. Tumikhim siya at natigil naman ang mga ito sa malaswang ginagawa. “Who is she Honey?” Maarteng tanong ng babae. Umalis ito sa pagkakayapos kay Lucas at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Iniwas naman niya ang kaniyang paningin sa mga ito. Parang siya pa ang nahihiya sa nakita niyang ginagawa ng dalawa, alam niyang namumutla ang buong mukha niya. At nagagalit siya kay Lucas. Once a cheater’s always a cheater. Paano nito magagawa kay Frances at sa anak nito ang mga ganoong bagay? Gusto niyang matawa sa sarili. 'Di ba nga hinayaan mo rin ang sarili mo na ipaubaya sa kaniya kahit na alam mong may asawa na ito? At kahit na ito rin ang ginawa niya dati sa ’yo? Sabi niya sa sariling nagpupuyos pa lalo ang damdamin, nang maisip ang sinabi nito kanina sa site, at maisip niya ang maamong mukha ni Kenedy. Matagal siyang tinitigan ni Lucas bago ito sumagot sa tanong ng babae. “An employee,” balewalang sabi nito saka umayos ng upo, subalit nanatiling nasa maliit na baywang ng babae ang kamay nito. Kung hindi niya pipigilan ang sarili niya ay baka masabunutan niya ang babaeng halos lumuwa na ang malalaking dibdib sa suot na spaghetti strap at sobrang ikli na damit at naka-shorts din ng sobrang ikli. So, this is his taste. So cheap! “Pinatawag mo daw ako, Sir,” seryosong sabi niya at saka matalim na sinulyapan ang babaeng titig na titig sa kaniya. “May gusto akong ipabago sa plano ng ginagawa nating condo,” malamig na sabi nito, saka hinayon ang blue print na nasa mesa nito. Padabog niyang kinuha iyon at walang sabi-sabing lumabas ng opisina nito. Alangan namang tutunganga siya sa ginagawa ng mga ito, 'di ba? Likas na manloloko talaga! Galit niyang ibinagsak ang blue print na bitbit niya nang marating ang sariling opisina. At gusto niyang isumbong kay Frances ang nakita. Pero agad ding pinalis sa isipan niya 'yon, she and Frances were not in good terms. Baka katawa-tawa ang kalalabasan niya. Hahayaan niya na lang niya ang mga ito sa kanilang mga buhay. May sarili rin siyang buhay. *** “Umuwi ka na Carina at marami pa akong gagawing trabaho,” sabi niya sa babaeng tila lintang nakayapos sa kaniya. At ewan niya ba kung bakit tila walang epekto sa kaniya ang ginagawa ng babae kahit na maghubad pa ito sa kaniyang harapan. Nakilala niya ito sa isang modeling agency. Nang maghanap sila ng isang modelo para sa bagong produktong inilabas ng kanilang Clothing business na sikat sa buong mundo. Mula noon hindi na siya nito nilubayan. Acting as if boyfriend siya nito at hinahayaan niya lang ito at hindi naman nakasagabal sa kaniya. Besides, she’s been there every time he needed her. Pilit niyang binaklas ang pagkakayapos nito sa kanya nang kumandong pa ito sa kaniya habang nakaupo siya sa may couch. At iyon nga ang tagpong naabutan ni Elly kanina. Nakita niya ang pagkailang nito and he wanted to curse himself to death. At galit pa siya kay Elly sa lagay na 'yon dahil kitang-kita ang labis nitong tuwa nang makita nito si Lance sa site. Tila nanumbalik ang mga tagpo sa kanilang nakaraan. Him hurting, seeing Lance and her, happily having each other. At siya? Nakamasid lang at pilit iniinda ang sakit dahil tila hindi siya nag e-exist para kay Elly. Damn Lucas that was 9 years ago! Galit niyang sita sa sarili and it’s not worth his time. Pagkalabas na pagkalabas ni Elianna sa opisina niya ay pinauwi na rin niya si Carina at ewan ba niya kung bakit hindi na niya gustong magtagal ito roon. Nagdadabog man ay napilitan na rin itong umalis. Pagkaalis nito ay nagsimula na rin siyang magtrabaho sa kanyang computer.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD