Naalimpungatan pa si Elly nang marinig ang mga pasaherong nagkukumahog at nag-iingay habang bumababa. Nakaidlip pala siya. Tumayo na siya at kinuha ang bagahe niya at saka sumabay na sa ibang mga pasahero.
Agad siyang sumakay sa taxi at diretsong nagpahatid sa kanilang bahay. Sa daan, she noticed that everything in the place was changed. Buildings, ways, everything. Lahat ay may pagbabago siyang nakikita mula sa pagtatanaw niya sa bintana ng taxi. Hindi na nga pamilyar sa kaniya ang lahat nang nakikita niya.
Ganoon din kaya si Lucas Alvaro? Marami rin ang nagbago? Ilan na kaya ang anak nila ni Frances?
She slightly shakes her head to erase the thought about Lucas. Hindi magandang mag-isip pa siya tungkol sa lalaking may anak at asawa.
Inisip na lamang niya ang kaniyang pamilya. Hindi niya sinabi sa kanila na uuwi siya. Tiyak siyang masosorpresa ang kaniyang mga magulang. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangungulila sa kaniya mga magulang pati na rin sa Nanay Cora niya.
At hindi nga siya nagkamali. Naiyak ang kaniyang ina sa sobrang galak nang makita siya. Labis namang natuwa ang kaniyang daddy pati na ang kaniyang Nanay Cora. Halos abutin sila ng madaling araw sa masaya nilang pagkukuwentuhan.
***
Kinabukasan ay araw ng Linggo. Nag-ayos na rin siya ng kaniyang mga gamit para dalhin sa apartment na inilaan ng kompanya para sa kaniya.
“Natutuwa kami at umuwi ka na anak. Malapit lang ang Manila kaya makakauwi ka rito any time na gugustuhin mo. Ganoon din kami, anong oras man na mami-miss ka namin ay madali lang sa 'min ang lumuwas ng Maynila para makita ka.” Hindi maitago ang labis na kasiyahan sa kaniyang ina habang inaayos ng ama ang kaniyang bagahe sa loob ng sasakyan nito.
“I’m so happy too, Mommy, at hindi ko na kailangang iwan pa kayo. Kung sana hindi lang ako ganoon kahina noon hindi sana tayo nagkakalayo.” Nakangiti niyang sabi, habang nakatingin sa labas ng gate nila. Ikiniling niya ang kaniyang ulo nang sumariwa sa utak niya ang nangyari noon sa pagitan nila ni Lucas sa labas ng gate. Ang huli nilang pagkikita bago siya pumunta sa Singapore.
Marami na ang nagbago sa lugar nila sa loob ng siyam na taon. But some unforgettable moment pakiramdam niya’y tila kahapon lang nangyari. Napapailing na lamang siyang isipin iyon.
Naikuwento rin ng kaniyang mommy na isang taon daw mula nang umalis siya ay umalis na rin daw ang pamilya nila Lucas at isinama daw nila si Frances na tumigil sa pag-aaral dahil sa nanganak. Salamat naman at pinandigan nito ang dinadala ng dati niyang kaibigan.
Walang kasalanan ang bata, Tatay lang nito ang makasalanan. She smiles bitterly.
Nag-hesitate pa ang kaniyang Mommy nang magkuwento ito tungkol sa bagay na 'yon, but she urged her at pinakitang balewala na sa kaniya ang nangyari.
Kinawayan niya ang ina habang papalayo ang lumang kotseng hiniram niya sa kaniyang ama. Ayaw niya sanang gamitin ito, but they insisted. Dahil dalawa naman daw ang sasakyan sa bahay nila at madalang lang naman daw ginagamit ang mga iyon. Para hindi na raw siya mahihirapan sa pagbiyahe niya anong oras man niyang gustuhing umuwi rito sa Laguna.
Sa kaniyang pagbiyahe ay madadaanan niya ang lumang mansion. Ang lugar kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Lucas. Ang dating tirahan nito. Mayayabong na ang mga damong tumutubo na tila ba pinabayaan na ito nang tuluyan. Nagmistula na itong haunted house. May kirot siyang nararamdaman sa kaibuturan ng kaniyang puso pero pilit niya iyong binabalewala. Jet lag lang itong nararamdaman niya.
Hindi siya makapaniwala nang sipatin niya ang address na nakasulat sa papel at ang apartment na nasa harapan niya. Hindi lang ito mukhang apartment, mukhang bahay na talaga ito kahit hindi naman iyon kalakihan. Bumaba siya sa kaniyang sasakyan at kinuha ang susi na nasa bag niya. Susubukan niya kung kakasya ito, baka mamaya hindi pala iyon ang apartment na para sa kaniya. At sakto, bumukas naman ang gate. Linakihan niya ang bukas niyon para makapasok ang kaniyang sasakyan. May sarili rin itong garahe. Bumalik siya sa kaniyang kotse at minaneho iyon papasok sa loob. Mukhang malinis ang bahay. pati ang bakuran nito ay alaga ang mga bulaklak na nakatanim sa mga paso.
Binuksan niya ang main door at nakita niyang malinis at maaliwalas ang loob ng bahay. May mga necessary things din siyang nakikita. Like refrigerator, TV, chairs, and tables. Oo nga pala binilin sa kaniya ni Andrea na ipinalinis na nito ang bahay bago siya tumuloy dito. May dalawang silid ang bahay. Pinili niya ang mas maliwanag at naka-expose sa araw. Ayaw niya ng silid na medyo madilim. Nang masiguradong malinis iyon ay binalikan niya ang mga gamit niya sa kaniyang sasakyan at isa-isang ipinasok iyon sa napili niyang silid.
Matapos niyang maiayos ang mga gamit niya ay lumapit siya sa malambot na kama at nahiga roon. Dahil wala namang gagawin sa araw na iyon ay natulog na lamang siya pagdating niya sa kaniyang apartment. Pagod pa siya sa biyahe at bukas ay maaga siyang mag-report sa main office nila, kaya kailangan niya talaga ang pahinga ngayon.
Gabi na nang magising siya. Nagising siya dahil sa lakas ng buzzer na nagmula sa labas ng gate. Napilitan siyang tumayo para tingnan kung sino ang taong nasa labas. Baka mamaya ay mahalaga pala 'yon. Iyong tungkol sa trabaho niya.
"Ma'am, magandang gabi po. Delivery po para sa 'yo." Inangat ng delivery boy ang dala nito na sa tingin niya ay pagkain. Kunot noo naman niyang sinundan ng tingin niya iyon.
"Baka po nagkamali po kayo. Wala naman akong in-order na pagkain," takang sagot niya rito.
"Ikaw po ba si Miss Elianna Lorenzo?" Magalang na tanong nito. Tumango lang siya.
"Para po talaga sa 'yo 'to. May nag-order po nito para sa 'yo, Ma'am. Kanina pa nga po ako nandito. Mga isang oras na po, akala ko kasi walang tao sa loob. Kaso po paaalisin ako ng um-order nito sa trabaho ko kapag hindi ko po naibigay 'to sa 'yo."
Gulat niyang tiningnan ang mukha nito. Inisip niya kasi na nagbibiro lang ito, pero hindi niya nakita iyon sa kaharap.
"Sino ba ang nagpa-order niyan?" Naawa siya sa lalaki. Nakaramdam siya ng guilt dahil kanina pa pala ito rito naghihintay. Promise, hindi niya talaga narinig.
"Basta po. Puwede po bang pakipirmahan n'yo na po ito para makauwi na po ako?" Nahihiya itong tumingin sa kaniya.
"Sure." Mabilis niyang kinuha ang pinapipirmahan ito at inabot ang supot ng pagkain na inaabot nito sa kaniya. Nang magpaalam ito ay nagtataka siyang pumasok sa loob ng bahay. Sino naman kasi ang gagawa nito para sa kaniya?
Binuksan niya ang supot at in-order pa ang pagkain na ito sa isang mamahaling restaurant. Pinulot niya ang nalaglag na maliit na papel. Nakita niya na may nakasulat pa roon. Nagmamadali niyang binasa iyon.
I wish you'll enjoy your meal tonight. Huwag kang matulog na hindi kumakain.
Anonymous
Nagtataka man ay kinain niya pa rin ang pagkain dahil tanghalian pa pala ang huli niyang kain kanina at alas otso na ng gabi ngayon. Bahala na, wala naman siguro itong gayuma dahil naka-seal naman ang pagkain. Pero isang malaking katanungan ang nagbigay niyon sa kaniya. Soon, malalaman din niya iyon.
Matapos siyang kumain ay iniligpit na niya ang pinagkainan at naligo na rin at muling natulog. Maaga pa siyang aalis bukas.
Kinabukasan, halos 5:00 AM pa lang sa umaga ay nagsimula nang mag-ayos si Elianna. 9:00 AM ang meeting niya. Sinadya niyang agahan para hindi siya maiipit sa traffic, first time niya pa naman ma-meet ang big boss.
She chose to wear her button down white dress na hapit sa kaniyang katawan. Halos umabot lang ang haba niyon sa ibabaw ng kaniyang mga tuhod, pinatungan niya ng black blazer ang dress niya dahil walang manggas iyon. She wears black ankle boots na hindi kataasan ang takong. Hindi kahabaan ang kaniyang buhok kaya hinayaan niya itong nakalugay. Kinulot na lamang niya ng bahagya ang ilang strands niyon, and that made her look like a Hollywood star. Napangiti siya sa naisip. Naglagay na rin siya ng light makeup and she love her looks.
Kinuha niya ang envelope na ibinigay sa kaniya ng sekretarya ni Sir Art at mabilis na sumakay sa kaniyang kotse.
Eksaktong 8:30 nang marating niya ang building ng A.Arguellez. Nalula siya sa laki nito, triple halos ang laki kompara sa opisina nila sa Singapore.
Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at lumapit sa reception desk. Everyone is looking at her at halatang hangang-hanga sa kaniya. She just smile sweetly at them.
“Goodmorning, I’m Architect Elianna Lorenzo.” Pakilala niya at ibinigay ang sulat na galing sa office nila sa Singapore. Nakita niyang may tinawagan ito sa kabilang linya.
“You can proceed to the chairman’s office, Architect Lorenzo,” sabi nito nang maibaba nito ang telepono. Tinuruan siya nito ng daan patungo roon.
Sumakay siya sa elevator. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Nang marating niya ang itinurong silid sa reception ay maingat siyang kumatok sa malaking pinto. Sa labas ay nakasulat sa plaka na nakakabit sa pinto ang Chairman's office. Huminga muna siya nang malalim bago niya binuksan ang malaking pintuan.
Agad naman siyang sinalubong ng isang babaeng sa tingin niya ay nasa mid-forties ang edad nito.
“Good morning, Architect Lorenzo, I am Rosemarie Clemente, chairman’s secretary.” Pakilala nito na hindi maalis-alis ang tingin sa kaniyang mukha.
“Nice to meet you, Ma'am Clemente.” Nakangiti niyang sabi saka kinamayan ito. Pagkatapos ay kinuha niya ang sulat galing sa opisina nila sa Singapore at akmang ibibigay niya sa babae, pero kaagad siya nitong pinigilan.
“No need, Architect Lorenzo, pumasok ka na lang sa opisina ng chairman, He’s inside at hinihintay ka niya.” Sabay turo sa sarado at tinted glass door.
“Am I late?” Tila nahihyang sabi niya dahil ang boss pa mismo ang naghintay sa kaniya.
Nakakahiya ka, Elly, baka iisipin ng chairman na napaka-incompetent mo. Sana mas inagahan mo pa ang gising mo!” Gusto niyang pagalitan ang sarili.
“No, your on time, in fact mas napaaga ka pa nga pero talagang mas napaaga lang talaga ngayon si chairman,” sabi nito. Iginiya siya nito papunta sa private office nito.
“Pasok ka na,” sabi nito at iniwan na siya.
Dahan-dahan siyang humakbang papasok at iginala ang paningin sa loob. Ito na yata ang napakagandang opisinang kanyang nakita sa buong buhay niya. Dinisenyo ng napakagaling na arkitekto kung hindi siya nagkakamali.
At nang mapadako ang kanyang paningin sa isang malaking mesa na nasa gitna ng malaking silid na 'yon ay biglang tila binayo ang kaniyang dibdib, nang makita niya ang isang malaking pigura ng lalaking nakaupo sa magarang office chair. Nakatalikod ito at nakatingin sa glass wall na kitang-kita ang magandang tanawin sa labas.
Gusto niyang tumakbo palabas at magtago sa kaniyang sasakyan, pero ni hindi niya magawang kumilos man lang. Parang itinulos siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya maaring magkamali at kilalang-kilala niya ang lalaking nakaupo kahit nakatalikod man ito sa kaniya!
“Have a seat, Architect Lorenzo, and I’m going to discuss the said project with you,” hindi nagbabago ang boses nito sa nagdaang mga taon na tila kababangon lang nito sa higaan. Napapitlag pa siya nang bigla itong humarap sa kaniya. Ni hindi niya makontrol ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib.
“You look more beautiful,” tila tinatamad na sabi nito. While his eyes boldly roam all over her body. Hindi niya alam ang magiging reaction niya sa ginagawa nito.
Tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Hindi pa rin niya magawang makagalaw. Sobrang na-shock talaga siya sa pangyayari.
Ngunit natauhan siya nang makalapit ito at hinawakan ang kaniyang baba. Tiningnan nito ang kaniyang mga mata at ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod niya.
“S-Stop it, Mr. Alvaro, hindi ako nagpunta dito para tingnan mo lang ang pagmumukha ko. Trabaho ang pakay ko kung bakit ako naparito. At kung alam ko lang na ikaw pala ang makakaharap ko, sana ay hindi na sana ako umuwi pa ng Pilipinas,” may diin niyang sabi at gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nasabi niya iyon straight sa pagmumukha nito kahit na nanginginig ang buo niyang kalamnan.
“At kung hindi ka pumayag na ma-asign dito, I will terminate you. Simple as that.” Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya. Halos wala itong pinagbago sa nagdaang mga taon.
Pero lalong lumaki ang katawan nito na tila ba babad na babad sa maraming trabaho. Medyo may kahabaan rin ang buhok nito na nakatali sa likod. May tumutubong stubble sa gilid ng mukha nito. It gives him the hottest look. Walang panama si Tom Cruise sa kaguwapuhang taglay ni Lucas. Mas hot pa nga ang dating nito kay Tom Cruise kung maging honest lang siya sa kaniyang sarili.
Rugged as ever, pero ang pantalon nitong maong na kulay itim ay hindi na kupasin gaya dati, naka-coat din ito, pero puting t-shirt naman ang panloob.
Hantad ang mamaskulong mga dibdib dahil sa hapit dito ang suot nitong t-shirt. Naka-rubber shoes lang din ito, pero hindi na kasing dumi ng sapatos nito noon. As he got older he became hotter and handsome. Siguro dahil alagang-alaga ito ni Frances.
The thought of her ex-best friend made her mind awaken.
“Kung alam ko lang naman na ikaw ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay hindi mo na kailangan pang e-terminate ako, dahil ako na ang kusang mag-resign. Pero nandito na tayo there’s no reason for me to back out.” Matapang niyang sabi.
Napaatras siya at tilang hinang-hina na naupo sa upuang nasa likuran niya. Having Lucas near her, made her realize the big danger in it.
“Yeah, diyan ka magaling sa back out na 'yan,” mahina ngunit madiin nitong sabi. Nakita niya kung gaano umiigting ang mga bagang nito.
“Don’t mix job with emotions, Sir, nandito tayo para pag-usapan ang trabahong ibibigay mo sa ’kin. 'Yong mga nakaraan ay tapos na 'yon, lahat tayo I'm sure nakapag-move on na, so please, don’t mention it. Masiyado pa akong bata noon para maintindihan ang mga bagay-bagay.” She raised her chin at sinalubong ang mga titig nito.
“And who’s talking emotions here? Ang sabi ko kung ayaw mong tanggapin ang desisyon ng kompanya na ilipat ka dito, hindi ba dapat lang na e-terminate ka 'di ba? Dahil hindi nararapat na ikaw ang masusunod. Besides, may ibinanggit ba akong past?” Malakas itong tumawa, saka bumalik sa upuan nito. At gusto niyang mapahiya sa sinabi nito.
Bakit mo ba naman naisip ang nakaraan Elly? You must be out of your mind!
“By the way, just read those documents at nandiyan ang lahat ng detail sa trabaho mo, you’ll be meeting your whole team tomorrow. As of now, sasamahan ka ni Rosemarie sa maging opisina mo.” Hinayon nito ang mga folder na nasa table nito.
“C-Copy, Sir,” sabi niya sabay tayo at sinamsam ang mga tinuro nitong folder. Nagpaalam na siya dito habang pinapatay niya ang hiyang nararamdaman niya sa mga sinabi nito, pati na rin ang panginginig ng mga kalamnan niya dahil sa muli nilang pagkikita na ito ni Lucas.
Muntik pa siyang mabangga nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang lalaki. Tumingala ito sa kaniya at namilog ang mga mata habang nakatitig sa mukha niya. She found the little boy so cute, napakaguwapong bata.
“Hello po, I’ve never seen a woman as beautiful as you,” madaldal nitong sabi at muntik pa siyang mapaubo sa sinabi ng bata.
Natatawa siyang ginulo ang buhok ng bata. Sa hula niya’y nasa seven o eight years old lang ito. Pero parang matanda na ito kung umasta.
“Ano po ba ang pangalan n'yo?” Dagdag pa nito.
“I’m Elianna, but you can call me Ate Elly.” Bigla niyang nakalimutan ang presensiya ni Lucas dahil sa pagkaaliw niya sa bata.
“Elly, na lang po, kasi gusto pa kitang ligawan.” Napahagalpak naman siya ng tawa sa sinabi ng bata.
How could be this eight year old boy says those words!
“Kenedy!” Natigil naman ang tawa niya nang tawagin ito ni Lucas.
“Hello, Daddy Luke, dumaan lang po kami ni mommy dahil na-miss na po kita.” Tumakbo ito palapit kay Lucas at nagpakandong sa binata.
Suddenly, parang biglang nanikip ang dibdib niya. Pero pilit niyang iwinaksi ang ganoong damdamin at mabilis na lumabas ng opisina nito. Naririnig pa niya ang malakas na tawa ni Lucas at mukhang tuwang-tuwa sa anak nito.
Dali-dali siyang nagpaturo kay Rosemarie ng maging opisina niya dahil hindi pa siya handang makaharap si Frances.
Pero alam niyang magkikita at magkikita pa rin sila nito dahil nagtatrabaho siya sa kompanyang pag-aari ni Lucas, and she will deal with it later.