Chapter 16

1472 Words
LUMIPAS ang araw at ang mga bagay ay ganap na maayos sa pagitan namin ni Nigel. Hindi ko pa siya sinasagot at hinayaan ko munang manligaw siya sa akin and yes! Nigel nalang kapag kaming dalawa lang at kapag nasa opisina naman ay pormal pa rin naman ang tawagan namin, ako ay Sir, si Nigel ay Miss Francine pa din. Madalas seryoso pa rin ito lalo na kapag nasa trabaho at ganoon din ako pero kapag kami lang dalawa ay napakalambing nito. Sabay na rin kaming kumakain sa kanyang pahingahan, 'di ba nasabi ko na parang bahay din lang niya ang kanyang opisina dahil may kitchen at sala din. Doon kami sabay kumakain nagpapadeliver na lang siya doon kaya minsan ko na lang makasama si Miss Carol at Miguel. Sa ngayon ay papunta kaming botique ni Manong Caloy, upang bumili ng damit na isusuot ko papuntang dinner meeting sa pribadong venue kasama si Nigel at ako. Ayaw ko sana dahil may mga binili naman akong dress kahit 'di kagandahan o mahal ay bagay naman sa akin. Ngunit mapilit talaga ito kaya kesa magalit siya ay pinagbigyan ko na lang, kahit kailan talaga 'di ako manalo-nalo dito noong may sakit lang siya napasunod ko. Pumasok na ako at sinimulang subukan ang mga damit ngunit wala sa kanila ang nababagay sa akin, sobrang mga elegante at kamamahal, bakit ba kasi dito ako pinadala ni Nigel. “Wow, miss ang ganda ng damit at perpektong perpekto sa iyo.” narinig kong puri nang isang tinig mula sa likuran ko. “Salamat po,” sagot ko nasa 50's na ang ginang pero mukha pa rin siyang classy at maganda, sa tingin ko ay mayaman ito. “My name is Charmine, ang may ari ng botique na ito.” sabi niya at hinaplos ang kanyang kamay nito sa dress na suot ko at niyakap ako. “Ako naman po si Francine.” sagot ko habang siya ay nakayakap pa rin sa akin. “Susuotin mo ba ang dress na iyan, para sa isang date,” tanong niya. “How I wish ma'am, buts its for a dinner meeting.” sagot ko pabalik dito. “Well your so beautiful my dear, you shouldn't be worried about this dress, bagay na bagay sa iyo iha.” aniya. “Salamat ma'am.” sagot ko at ngumiti sa kanya, ngumiti rin ito. “Iyan na lang ang suotin mo tiyak na hindi ka mapapahiya iha. You look so gorgeous even with a make up huh, lalo na siguro kapag inayusan ka na.” sabi pa ng babae at nagpaalam at nag pasalamat naman ako dito. “Ang bait naman niya.” naisip ko, pinapa-alala niya sa akin tuloy si Nanay, ngunit wala na siya. Tumulo ang luha sa aking mga mata, mabilis kong ginamit ang aking palad upang punasan ang mga ito. Nagbayad na ako matapos kong makapili ng iba pang mga damit at umalis na doon. NAKAPAGBIHIS na ako tsinek ko muna ang sarili ko. Bakit pa kasi kailangan ko mag-ayos na ganito. Binitbit ko na ang mga files na dadalhin ko. Ang mga files na ito ay talagang importante kay Nigel kaya dapat ingatan ko. Dumating na ako sa lugar, kung saan kami magtatagpo ni Nigel. Sinalubong ako nito ng isang matipi na ngiti syempre may mga importanting tao doon. Nagpalitan ng mga pagbati ang mga namumunuan doon at mga meyembro. Nagulat ako nang makita ko si Renan na isa sa kanila. Alam kong mayroong tungkolin ito, pero 'di ko alam na isa pala siya matataas na member sa kompanya ni Nigel. Ang pagpupulong ay mag-uumpisa na ibinigay ko na kay Nigel ang mga files na bitbit ko kanina at nag excuse muna ako kay Nigel at na pupunta sa banyo. Pagbalik ko ay hinila ako ni Nigel at inutusan akong magsalita, napatanga ako dito at hindi ko alam ang gagawin ko. Para 'di mapahiya, sinimulan kong ipaliwanag ang nilalaman ng files, kahit paano kapag wala ako ginagawa sa opisina ni Nigel ay pinag-aaralan kong maigi ang mga dukomento tungkol sa kasaysayan ng kumpanya ni Nigel. Pinaunawa ko ang presentition na ginawa ni Miss Carol, kaya pala tinuturuan ako minsan ni Miss Carol dahil sa ganitong pagkakataon. Pinaliwanag ko lahat kong anong kagandahan ng kompanya ni Nigel, kung kanina ay ninerbiyos ako ngayon ay taas noo akong nagsasalita sa harapan ng mga boardmember. Natapos ko ang lahat ng matuwasay at walang naging problema, may mga katanungan din akong sinagot sa kanilang lahat na nagbibigay ng concern at side sudjestion nila. Sinuri ko ang lahat ng mga tanong at ipinaabot ko sa kanila ang opinyon ko sa abot ng aking kaalaman. Tiningnan ko ang kanilang mukha at nakita ko ang paghanga ng lahat. Pati na ang may pagmamalaking mukha ni Nigel. Napangiti ako dito at binaling ko ang tingin sa iba. Nakita ko si Renan na walang expression ang mukha kaya iniwasan ko ang tingin niyo. Mabigat talaga ang loob ko dito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. “Inaasahan namin ang pakikipagtulungan ninyo sa amin guys at congrats miss Alcantara. Ang galing mo.” sabi ng isa sa mga lalaki na member, habang ako ay ngumiti at nagpasalamat sa kanya. “Hindi ka lang maganda, kundi matalino ka din pala kahanga-hanga ka sa katulad mong High school graduate lang." sabi ni Renan habang ako ay lalong bumigat ang loob sa kanya, ipamukha ba naman. “Sa susunod na mga araw ay magkikita na tayo araw-araw.” sabi ni Renan at pinisil ang pisngi ko bago umalis. Napaatras naman ako dito dahil sa gulat. Naibaling ko ang paningin ko kay Nigel. Seryoso ito na parang galit hindi ata nagustuhan ang paglapit sa akin ni Renan. Napalunok ako ng wala sa oras. Matapos ang meeting ay nagdinner naman kaming lahat maya-maya lang ay nagsi-alisan na ang karamihan kami na lang ni Nigel ang naiwan, pero wala pa rin itong imik hanggang sa magyaya na itong umuwi. Inutusan niya ang kanyang driver na ihatid muna ako sa bahay. Naghiwalay kaming hindi man lang niya ako sinulyapan. KARARATING ko lang galing sa dinner meeting, mabigat pa rin ang loob ko dahil hindi man lang ako kinausap ni Nigel kanina, bago niya ako pinahatid. Matutulog na ako ng biglang may kumatok, sino kaya ang kumakatok? Baka si Nigel. Kaya dali-dali akong bumaba at binuksan ang pintuan. Pero wala namang tao, pero rinig ko talagang may kumatok. Baka hangin lang kaya nag kibit balikat akong pumasok ulit sa taas at nagsimulang matulog. “TAMA NA PO PLEASE, TAMA NA POOOO!" malakas na sigaw ko at nagising mula sa aking pagkakatulog. Sinuri ko ang oras na ito ay 2:00 am pa lang, humiga ulit ako nang makarinig ako ng ingay sa ibaba. Bumaba ako mula sa kama, at dahan-dahan akong lumakad papunta sa sala, nakabukas ang pintuan kaya nagmadali ko itong sinarhan. Habang sa kusina naman ay nagkaroon ng ingay, kaya nagmadali din akong tumungo doon pero hinagip ko muna ang walis tambo upang gawing panangga kung sakaling may masama akong makita sa kusina. Hindi ko binuksan ang ilaw dahil sanay ako sa dilim kaya makikita ko ang taong iyon kung saka-sakali. May alam naman akong self depense na pinagaralan ko talaga simula ng makatakas ako sa demonyong iyon. “Ipakita ang sarili mo, kung sino ka man?" madiin kong saad ngunit walang sumagot. Nakarinig ako ng may nabasag, ngunit wala pa rin tao akong nahahagilap. Binuksan ko agad ang ilaw ng masiguro kung wala talagang tao, baka pusa lang na nakapasok. Nang may makita akong papel sa sahig at nakita kong nakasulat dahil nakatihay iyon habang nakalapag. Maaari kang tumakbo mula sa akin, ngunit hindi ka maaaring magtago ng matagal, dahil hahapin kita kahit saan ka man pumunta. Basa ko sa isp ko nang pulutin ko iyon kaya bigla ko itong nabitiwan dahil sa takot. Tumakbo ako papasok sa taas at inilock ko ang pinto ng kuwarto ko, isinara ko din lahat ng mga bintana at umupo sa higaan na takot na takot. Mabilis kong iniabot ang aking telepono at dinail ang numero ni Margo. “Francine napatawag ka?” sabi ni Margo sa inaantok na tono. “Margo, Margo. . .nahanap niya ko,” saad ko dito habang umiiyak ako. “Sino ang nakahanap sa iyo?” ulit niya sa sinabi ko. “Ang demonyong iyon, Margo. .. toot, toot toot,” sigaw ko dahil sa takot ngunit naputol ang tawag na hindi man lang nakapagsalita si Margo. Napatingin ako sa cellphone ko, na lowbat ito. Napaiyak na lang ako sa mga oras na iyon ang hirap mag-isa sa buhay wala akong karamay. “Mama, mama," hikbi ko at ang hindi magandang alaala na patuloy na bumalik sa aking balintataw na para akong mababaliw anumang oras. Hindi ko na mapigilan ang luha na bumubuhos sa aking pisngi hanggang sa dumilim ang lahat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD