Chapter 15

1207 Words
FRANCINE NAGISING ako kina-umagahan na maganda na ang panahon. Meron palang bagyo kahapon kaya umulan ng malakas. Nakatulog pala ako, kami sa sopa ni Sir. Nigel, nakasandal kami ng magkayakap. Nakasandal ako sa dibdib ni sir at naka-akbay naman ito sa akin habang hawak niya ang dalawa kong mga palad na na magka-salikop. Napatingala ako dito ang guwapo nito kapag tulog parang anghel. Napangiti ako at dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Dahan-dahan ko siyang pinahiga ang katawan nito sa sopa para kumportable itong makahiga. Pumunta ako ng banyo at naghilamos at nagtootbrush na din. Na alala ko ang mga nangyari kagabi matapos kaming magtawanan. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa ayos niya kagabi. Flashback Matapos kaming matawa ay niyaya ko siyang kumain ng tanghalian, mabuti na lang at hindi siya nagalit sa akin ng pagtawanan ko siya bagkos ay natawa rin ito. Hindi pa rin ito naka-uwe kahapon dahil ang taas na raw ng tubig sa kalsada kaya napagpasiyahan kong 'wag mo na siyang pa uwiin na hindi naman nito tinanggihan. Dahil wala kaming magawa ay niyaya ko na lang siyang manood ng cd. Ang pinanood namin ay nakakatakot na palabas ang 'train to busan' Hindi ko mapigilang tumili at mapayakap sa kanyang sa bawat salakay ng mga zombies sa mga bida. Pinanood namin ito hanggang sa nasundan ito ng tatlo pang palabas kaya inabot na kami ng hatinggabi na hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kanyang balikat. End of flashback NALIGO na rin ako pagkatapos ay tumungo ako sa kusina upang maghanda ng agahan. Malapit na akong matapos ng may bumati sa likuran ko. "Hi, Morning!" narinig kong tawag nito kaya medyo nagulat ako. "Sorry, nagulat ka ba?" sabi ni sir Nigel. "Sorry, Sir hindi lang ako sanay." sagot ko na may ngiti sa labi. "I will serve the breakfast in a second. Wait nyo lang Sir," dagdag kong saad habang tumango na lamang siya. Maya-maya ay nag-agahan na kami ng itlog, cornbeef at black coffee saka fried rice. Kahit hindi ako sanay mag-agahan na gutom na rin kasi ako, dahil nakalimutan na naming mag dinner kasi nabusog kami sa tuna sandwich at mga sitserya at drinks habang nanonood kami ng cd. "Thanks for breasfast masarap ka pala magluto," sabi nito na may kislap ang mga mata, hindi ko na lang iyon pinansin at tumango lang ako dito. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya kagabi dahil pinagtawanan ko ito at pinatulog ko pa sa sopa lang tapos dinaganan ko pa sa bigat ko. "Okay, Francine kita na lang tayo sa opisina kahit ma-late ka okay lang. I have to go," sabi ni Sir at tumayo na upang lumabas. "Okay po sir, bye po, salamat." sagot ko at hinatid ko na ito sa labas. Malungkot ko siyang pinanood na umalis bago ako pumasok sa loob para mag-ayos na din, sayang hanggang dito na lang siguro itong naramdaman kong kasiyahan na nakasama ko siya. Dahil kahit baliktarin mo man ang sitwasyon ay babalik pa rin kami sa dati na siya ay boss ko at P.A niya lang ako. Nakarating na ko sa trabaho, medyo na late nga ako ngunit okay lang may abiso naman ako kay sir Nigel. Narinig ko ang mga yapak mula sa likuran ko kaya umupo ako ng maayos. May kumatok sa pintuan kaya, mabilis akong tumingin doon, si Miguel lang pala napatayo ako at nag-umpisa na akong ipagpatuloy ang naudlot kong trabaho kahapon medyo 'di na ito gaanong kadami dahil nagawa na ito ni Miss Carol kahapon. Binati ko si Miguel. "Good Morning Sir Miguel." bati ko dito ng may ngiti sa labi ko. "Good morning Miss Francine!" sagot niya na may malungkot na tono "So anong tono yan?" tanong ko "Nothing," sagot niya ngunit alam kong may dinaramdam ito. "I wanted to ask you, may namamagitan na ba sa inyo ni Nigel?" tanong niya na ikinabigla ko, "Whaaat no, wala 'noh." sagot ko pabalik dito. "Pero gusto mo ba siya?" tanong niya ulit "Hahaha wala ah, wala. Anong klasing tanong iyan!?" sagot ko pabalik na kinakabahan. Pero alam ko sa sarili ko ay gusto ko na siya gustong-gusto ko na siya. "Okay that's good," sagot niya na may ngiti sa labi. "Sabay tayong mag lunch mamaya, ah?" alok niya para makabawi dito ay pumayag ako "Sure, ikaw pa," "See you later." tinapik niya sa pisngi ko. Nang pumasok si Sir Nigel at iyon ang na abutan nito. Binati ko ito ngunit seryoso lang itong lumakad papunta sa kanyang mesa. Umalis na si Miguel nang hindi nakatanggap na isang man lang na sulyap ni Sir. Nigel. "Ano ang kahulugan ng nakita ko kanina, sa inyo ni Miguel?" galit niyang tanong sa akin "Wala lang po iyon, magka-Sagot ko pero pinutol lang niya ang sasabihin ko o ipapaliwanag ko, pahamak ka talaga Miguel kahit kailan. "Kung makikipag-flrit ka kung kani-kanino ay wala ako pakialam, basta huwag lang aking kompanya MALIWANAG." sigaw nito sa akin kaya nagulat ako at tumango, kahit masama ang loob ko dito. Hindi man lang niya ako pinaliwanag, na galit agad siya sa isang bagay na wala naman kalaswaan ang nakita niya. Hinusgahan niya agad ako, sabagay sino a lang ba ako? Isang hamak na mpleyado lamang niya. Lumabas muna ako at gumawa ng kape niya, dahil parang maiiyak ako kapag tumagal pa ako doon. Inilabas ko muna ang mga luha ko at nag-ayos ng sarili bago ko inihatid ang kape sa kanya, sinigurado kong walang bakas na anumang pagluha ang makikita niya sa mga mata ko. Kinuha ko ang mga natitirang payslip na hindi ko pa na aayos. Paalis na sana ako nang tawagin niya ako kaya bumalik ako sa harapan nito. "Francine!" siya, "Sir, bakit po?" ako "Anong namamagitan sa inyo ni Miguel?" tanong niya "Wala po, kaibigan lang ko lang siya at hanggang doon lang iyon." sagot ko, ano bang nangyayari sa dalawang ito. Bakit puro tanong nila ay kung may namamagitan sila sa akin. Habang mataman lang itong nakatingin sa akin. Tumayo si Sir, Nigel at naglakad papunta sa akin at ngayon ay kakaunti na lang ang pagitan naming dalawa. Hindi tuloy ako makahinga ng ayos at baka hindi siya mabanguhan sa hininga ko charot. "Sa susunod kung kailangan mong may hahawak sa pisngi mo ay pagbibigyan kita sa gusto mo. Basta ako lang ang hahaplos ng mga ito." sabi niya at sinimulang haplusin ang mga pisngi ko habang napapakagat labi na lamang ako. Tinitigan niya ang mga labi ko na para bang pagkaing iyon na kinatatakaman nito. Maya-maya lang ay hindi na ito nakatiis at sinakop na nito ng buo ang aking mga labi. Hinalikan na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin Francine. Ginayuma mo ba ako? Dahil gabi-gabi kitang na iisip at pati sa pagtulog ko ay naroon ka. Nagseselos rin ako kay Miguel sa tuwing magkasama kayong dalawa." Napailing na lang ako sa sinabi nito. Kahit gusto kong magprotesta sa pagbibintang niya. "Hindi ko na kayang pagilan pa ang nararamdaman ko sa iyo Francine," I think! I think! I like you! Hindi pala. . . I'm falling inlove with you. FRANCINE AlCANTARA." sabi niya na nagdulot ng mga butterflies sa aking tiyan sa sobrang pagkakilig. A/N KILIG YARN?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD