Chapter 17

1369 Words
“FRANCINE, gumising ka, Francine.” nagising ako sa isang tawag at iminulat ko ang aking mata sa una ay malabo, ngunit kalaunan ay luminaw na ang aking paningin. Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Nigel na nakatunghay sa akin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nasa isang hospital ako naalala ko ang nangyari kagabi. “Nigel?” ako “Are you okay?” tanong niya na may pag-a-alala. “Bumalik ako kagabi, upang makita ka kung na kauwi ka ng ayos pagpasok ko ay nakarinig ako na parang may nabasag, kaya dali-dali kong binuksan ang pintuan mo. Nasira ko pa ata ang lock dahil isang banga ko lang ay nabuksan ko agad ito. Hinanap kita sa sala at sa kusina mo. Ngunit wala ka roon ang tanging nakita ko lang doon ay ang nabasag na plorera tapos natagpuan kita sa silid mo. Ano bang nangyari sa'yo?” si Nigel pa rin. “Paano ako nakarating dito?” tanong ko sa kanya. “Itinakbo kita agad dito ng makita kong nakahandusay ka sa sahig sa loob ng silid mo. Patiwarik kitang na kita, dahil nasa taas ng kama ang mga paa mo habang ang ulo mo naman ay nasa sahig. Natakot ako na baka na paano ka na. Kaya dinala kita dito. Ano ba talaga nangyari, bakit ganoon ang ayos mo? Okay ka lang ba, wala ka bang sugat? Please honey, tell me I can listen to you?” tanong ulit nito at hinaplos ang pisngi ko. “I'm Fine Nigel, thank you for bring me here. I'm totally fine now, nahilo lang ako, kanina.” sagot ko dito at ngumiti ayoko nang malaman pa ng iba ang sitwasyon ko lalo na si Nigel busy itong tao, kaya wala akong karapatang dagdagan pa ang pasanin nito. Bumangon ako ng tuluyan at nagpumilit na umuwi na lang, alam kong nagtatampo pa ito sa akin. Kaya bukas na lang ako mag papaliwanag total okay naman talaga ako siguro dahil lang sa takot ko, kaya ako nahimatay. “Saan ka pupunta magpahinga ka muna, bukas ka na lang umuwi.” sabi pa nito. “Uuwi na, ayoko dito sa hospital Nigel, please take me home na lang,” sagot ko. Wala siyang nagawa kundi iuwi ako sa apartment ko kahit medyo takot pa ako doon ay kailangan para 'di makahalata si Nigel. Pina-uwi ko na ito dahil may pasok pa kami bukas. Ayaw pa sana ako nito akong iwan, pero pinakita ko dito na nagtatampo pa rin ako dahil pina-uwi ako nito na hindi man lang inimikan. Hinanap ko ang papel na naroon, ngunit 'di ko na iyon nakita nakapagtataka? Pagkauwi nito ay isinara ko ang lahat ng dapat isara at natulog ulit 4:30 am pa naman may kaunti pa akong oras para matulog. KINABUKASAN papunta na ako sa trabaho. Matamlay akong pumasok at wala sa mode, ang mga mata ko ay malungkot at medyo maputla, dahil wala ako sa mode mag-ayos. Tumungo ako sa opisina nito. Hindi ako umiimik at patuloy lang akong gumagalaw na parang wala sa sarili. “Francine!” medyo malakas na tawag ni Nigel sa akin habang napatalon naman ako sa gulat. “Anong na nangyayari sa iyo? Kanina pa kita tinawag, bakit 'di ka na imik? Hindi mo rin ako dinalhan ng kape.” tanong niya. “Sorry!” sagot ko at dali-dali akong kumuha ng kape. Pagkalapag ko ng kape ay bumalik ulit ako sa dati. Nailuwa nito ang kape at napangiwi, “Bakit ganito ang lasa ng kape mo ang pait.” Nagtitimping saad nito para hindi ako masigawan. “Are you okay? Whats wrong with you? May problema ka ba? Bakit ka nagkakanyan, tell me?” tumayo ito at nilapitan ako. “Umimik ka naman, tinatanong kita. WHATS WRONG WITH YOU?” madiin na tanong nito habang nakatulala akong nakatingin lang dito. “I'm fine okay, OKAY LANG AKO, BAKIT ANG KULIT MO?” I yelled with him. Nagulat ito sa inakto ko habang napayuko naman ako, dahil na realise ko ang nagawa ko dito. Dahil pati ako ay nagulat sa sarili ko nang masigawan ko ito. “What did I do?” NAGLAKAD ako pabalik sa aking ginagawa, napaisip ako sa pagsigaw ko sa kanya. Hindi ko dapat ginawa iyon kaya lang hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako, paano ako uuwi mamaya baka kung ano naman mangyari? Ang oras ay lumipas nang mabilis kung puwede lang 'wag nang umuwi ay gagawin ko. Hindi na ulit ako inimikan ni Nigel, siguro nainis iyon o ayaw niya lang magalit ako. Sa wakas ay dumating na ang uwian, mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at umalis na agad bago pa ako mapansin ni Nigel. Dumaan muna ako sa park, walang katao tao doon. Umupo ako sa isang walang laman na bench. Nanatili ako doon, naka upo at nag-isip na ma-aaring maging hakbang para sa problema ko, madilim na madilim na nang makaramdam ako ng lamig at gutom. Tumayo ako at pumasok sa aking sasakyan na ibinigay ni Nigel sa akin sa una niyang panliligaw. Ayaw ko sanang tanggapin pero iginiit nito, para kapag hindi niya daw ako napapasundo ay madali na lang ako makakapunta sa kanya anumang oras. Umalis na ako doon at nagmaniho. Huminto ako sa isang kainan upang kumain dahil tinatamad na akong magluto pa, pagdating sa bahay. Saglit lang ako doon. Palabas na ako ng kainan na iyon nang may mapansin akong tao na naka hoddie na jacket at nakaharap sa deriksyon ko. Medyo malapit ito kaya kita ko ang mukha nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ang demonyo na kinatakutan ko sa buong buhay ko ay nasa harapan ko na. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang malaking plorera at sinilip ko ito. Iba na ang hitsura niya ngayon, sa totoo lang mas nagmukhang nakakatakot ito, lalo na ang awrang bumabalot dito, ang kanyang balbas ay 'di nawala nagkabigote na rin ito at lalong lumaki ang katawan. Naghintay ako na makaalis ito kahit gustong gusto ko ng umuwi, pinanood ko siyang umalis, inabot ng isang oras mabuti at may malapit na upuan doon at hindi naman ako sinita ng mga empleyado. Tumalikod ito at naglakad na, habng ako naman ay sumunod sa kanya ng medyo malayo na ito. Hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin na sundan siya na ginawa ko naman. Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa isang lumang hotel hindi gaanong kalayuan sa aking apartment. Kaya malakas ang kutob kong siya talaga ang pumasok doon at nag-iwan ng sulat. Mabilis kong pinihit ang sasakyan ko at umalis na doon na kinakabahan pa rin. Umuwi ako sa apartment ko at kumuha ng ilang mga damit na pampasok at pambahay, kinuha ko rin ang ilang libo na inipon ko para sa enrolment ko sa susunod na pasukan at ang aking mga damit para sa trabaho. Kumuha din ako ng ilang mahahalagang gamit. Kinandado ko ang bahay pero hindi ang gate para akalain nitong doon pa din ako umuuwe. Humanap ako ng murang hotel na ilang metro lang ang layo sa kompanya ni Nigel. Alam kong babalik ito doon. Kaya uunahan ko na siyang 'di niya ako makita doon. Umaga na pumasok ako sa banyo ng hotel, at ginawa ang aking rituwal morning at nagbihis ako para magtrabaho. Maaga akong dumating ang lahat ng gawain na hindi ko nagawa kahapon ay ginawa ko na at hinintay na dumating si Nigel. Maya-maya pa ay dumating na ito, nginitian ko ito ngunit hindi ako pinansin at umupo lang sa kanyang upan. Mabilis akong kumuha nang kanyang kape at ibinigay ko dito. Nag-a-alangan akong magsalita. Kaya lalabas na sana ako nang tawagin niya ako. “Take a set honey,” sabi niya sa malumanay tinig. “Okay ka na ba? ‘Tumango ako’ Ano ang nangyari sa iyo kagabi at noon isang gabi?” tanong niya. “Wala naman medyo masama lang pakiramdam ko kahapon.” nakangiting sagot ko dito, kahit gustong gusto ko nang ipagtapat pero ayoko namang mandamay pa. “Sigurado ka?” tanong niya at marahan naman akong tumango, nilapitan ako nito at niyakap nang maramdam ko ang bisig niya ay nakaramdam ako nang kaginhawaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD