Chapter 14

1247 Words
Francine KATATAPOS lang naming mag lunch break ni Miguel kasama si Miss Carol, matapos kong dalhan ng pagkain si Sir Nigel. Ngayon ay pabalik na kami sa taas. Nakaramdam ako ng masakit sa aking tiyan at puson at sobrang sama talaga ng pakiramdam ko na pinagpapawisan na din ako ng malapot. Hindi na ako makapaghintay na matapos na ako nang pag-arrange ng mga payslip sa opisina ang dami kasi nito. Libo ba naman ang nagtatrabaho sa kompanyang ito, ewan ko na lang baka dito na ako abutin ng antok. "Ano na, na gawa mo bang mapatas 'yan Francine?" tanong niya sa akin. "Patapos na po sir. Pero puwede ko bang bitiwan mo na ito, i don't feel good kasi Sir. Ang sakit ng tiyan ko." sagot ko habang pinagpapawisan na din. Binaba ko ang mga payslip na nasa kamay ko at tumayo nang pigilan niya ako. "Ahmn. . .Francine 'wag ka muna lumabas. Ikaw. . ay may. . .may." nahihiya niyang sabi kaya tinuro na lang niya ang likuran ko. Aw! Tinawagan niya ako sa pangalan ko, kaka. . .wait pero may tagos ako?" kakahiya. Nag-init agad ang aking pisngi at hindi ako makagalaw kaya pala ang sakit ng puson ko, akala ko nakakain lang ako ng masama kaya sumakita ang tiyan ko. Ilang segundo din akong hindi alam ang gagawin. Tinakpan nito ng tela na kinuha niya sa drawer na nasa gilid ng kanyang mesa ang pang-upo ko. Saka lang ako natauhan sa wakas kaya napatakbo tuloy ako palabas ng kanyang tanggapan na parang hinababol ng aso. Sa wakas ay nagawa kong linisin ang aking sarili, ngunit hindi ako makalabas sa banyo namin ni Miss Carol. Dahil ang palda kong natagusan ay pinapatuyo ko pa sa banyo sa handblower na nandoon. Mabilis kong nilock ang pintuan upang walang pumasok doon. Wala ako pamalit ang meron lang ako ngayon ay ang blouse ko at panty na suot ko. Iyong tela naman ay hindi puwede mai-tapis dahil likod lang ang matatakpan nito. Habang iniisip ko kung paano ko masusulusyonan ay nakarinig akong may kumatok sa pintuan. "Sino kaya iyon?" sa isip ko. "Sino 'yan?" sigaw ko. "Ako ito, open the door!" narinig ko ang boses ni Nigel. Kinakabahan akong binuksan ito ng kaunti at isinilip ko lang ang ulo ko. "Bakit Sir?" tanong ko. "I think, kailangan mo ito?" sabi niya at binigay sa akin ang isang maliit na shopping bag. "S-Salamat Sir." pabalik na sagot ko at isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ito. "Gamitin mo iyan," sinabi niya at umalis na ito ng tuluyan. Isinara ko na ang pintuan at inilabas ko ang laman niyon isang palda at panty ang mga iyon at mga napkin. Namula naman ako ng marealize na si Sir Nigel ang nagbigay sa akin sana iniutos na lang niya ito. Ginawa ko ang lahat ng kinakailangan at lumabas na ng tuluyan sa banyo na komportable na ang pakiramdam. May kasama din kasi itong gamot sa sakit sa puson. Pagkapasok ko sa opisina nito para ipagpatuloy ko ang mga ginagawa ko ng pa-upo na sana ako nang biglang nagsalita si Nigel. "Tama na iyan umuwi ka na at ihahatid kita sa bahay mo, ngayon!" alok nito sa akin. "Okay na po ako 'wag na kayo mag-alala itutuloy ko na lang po ito." sagot ko at umupo na ulit ako pero hinatak ako nito patayo at hinila ako nito palabas ng opisina niya. Magkahawak kamay kaming lumabas sa building na iyon. Hindi alintana ni Sir Nigel ang mga tinging binato sa amin ng mga empleyado niya. Samantalang ako ay nakayokong nagpatianod na lang sa mga nangyayari. Nigel Kasama ko ngayon ang babaeng kahit pagalitan mo o sungitan mo ay hindi mo man lang makikitaan ng pagkaasar o magalit din sa iyo. Unang kita ko pa lang dito ng pumasok ito, upang mag-apply ay nakaramdam na ako ng kakaiba dito. Kaya lang dahil hindi ko pa lubos na kilala ito ay pinakitaan ko pa rin siya tulad ng kung paano ko tratuhin ang mga empleyado ko. Lumingon ako sa direksyon niya at nakita kong nakatulog ito. Napakaganda niya, at simpli lang hindi maarti sa katawan na kahit anong isuot nito ay napakaganda pa rin tingnan. Hindi na kakasawang pagmasdan ito kahit buong araw. Pinatay ko ang aircon at binuksan ko ng bahagya ang bintana dahil tag-ulan na, kaya medyo malamig ang panahon kahit na tanghaling tapat pa lang. Tinapik ko siya ng marahan at binuksan naman agad nito ang mga mata, at tumingin sa paligid. "Would you like to come in for coffee, before the rain's stop?" alok ko dito sa pormal na tuno ng maiparada ko na ang sasakyan ko sa tabi ng apartment niyo. Kahit gustong gusto kong ilambing ang boses ko. "Oo naman, Sir. No problem." sagot naman nito. Pareho kaming bumaba at tulad ng inaasahan na basa na kami pariho ng ulan. Dinalahan niya ako ng tuwalya upang ipangpunas ko dahil basa na ako at umalis ito, patungo siguro sa kanyang kuwarto. Medyo malaki din ang apartment nito sapat lang para dito malinis din ito at halatang laging nililinisan kasi walang kalat kahit isa. Wow, bihira sa babae ang ganito pa sa panahon ngayon. Iba talaga si Francine sa lahat ng nakilala ko. Hinubad ko ang lahat ng aking damit at itinira ko lang ang aking boxer short, medyo mahaba haba din ito kaya 'di nakakailang na ipakita dito. Ayoko na kasing magkasakit dahil mahirap talaga. Bumaba ulit ito na may dala-dala. "Ohh! Sorry, I had no idea na magkakasya sa iyo ang isa kaya, marami rami na ang dinala kong damit, Sir. Pero ang pang-ibaba ay wala akong nakita kaya itong malaking padyama ko na lang ang pagtiyagaan mo. Buti na lang may mga naiwan pa dito ang pinsan mong si Alfie, baka magkasukat kayo." sabi niya na binigay sa akin ang mga damit na kanyang hawak. "Bakit may damit dito si Al?" nakaramdam ako ng hindi maintindihang damdamin. Selos ba itong nararamdaman ko? No, no sana mali ang iniisip ko. "Ah iyon ba, dati itong tinutuluyan ni Margo at Alfie. Magkasintahan kasi sila at kaibigan ko si Margo." sagot naman nito ulit sa akin. Napatingin ako sa kanya, basa rin ito ngunit 'di naman gaano, pero medyo nabasa lang sa may dibdib nito. Kaya bakat ang brang suot nito. Kitang kita ko tuloy ang kabuohan ng dibdib nito na natatakpan ng dilaw na bra at ang makinis na cleavege nito. Napalunok tuloy ako ng laway sa lalamunan. "I will get you a coffee, Sir." sabi nito at naglakad papunta sa kusina. Bumalik siya na may isang tasa na ng kape at umalis ulit ito at pumasok ulit sa kusina. Napa-upo tuloy ako, dahil sa kabang naramdaman ko pero napatayo ulit ako d. Dahil medyo nasikipan ako sa kanyang padyama ina-ayos ko ito. Kayang lang bitin naman sa may paanan ko, para tuloy ako nitong bata sa ayos ko. Hindi ko namalayang bumalik na pala siya pagkalipas ng ilang minuto, kung wala pa akong narinig na natawa ay 'di ko pa siya mapapansin. "Paumanhin!" sabi nito at pinipigalan nitong 'wag mapatawa ng malakas kaya itinakip nito ang dalawang palad para 'di umalpas ang pinipigilan nitong pagtawa. "Nakakahingan ka pa ba diyan sir? Sa lagay mong iyan?" sa wakas naibukas nito ang bibig kaya natawa na ito ng malakas. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa halakhak niya ay hindi ko na pigilang matawa. Kaya sa isang kisap-mata lang ay pareho na kaming nagtatawanan na parang mga baliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD