Chapter 19

1961 Words
NIGEL MATAPOS ang nakakatawang pangyayari sa kusina ay sabay na kaming kumain at nagluto ulit ako ng panibago. Nakakahiya iyon, pero nang makita ko kung paano tumawa ito sa sobrang saya at kahit napahiya ako ay wala ako pakialam, basta makita ko lang siyang masaya ay masaya na rin ako. We hug each other and watch netflix when someone knocked in my movie room. “Sino kaya ang kumatok?” sa isip ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto para lang makita si Nelina, Oo si Nelina ay kapatid ko siya iyong na abutan ni Francine sa opisina ko na nakakandong sa akin. Ipapakilala ko sana ito kaya lang mabilis itong lumabas doon na pinagtaka ko. Kaya ng araw na iyon ay 'di ko naipakilala sila sa isa't isa. Pero kay Nelina ay nasabi ko na dito. Kaya nga ganoon na lang ang reaction nito nang dalhin ko dito sa bahay si Francine. “What are you doing here?” I asked her. “Wala gusto ko lang makilala nang lubusan ang magiging sister in law ko.” sagot niya pabalik at hinihimas ang aking balikat at naglakad papunta sa deriksyon ni Francine. “Hi good morning, you most be francine right? Pasensiya ka na kagabi kung 'di kita kinausap na mesmerizes lang ako dahil, first time ni kuya magdala ng babae dito.” she screamed exictedly. Napailing na lang ako sa inakto niya sa harap ni Francine. “You look so much better in perso,” she said as he just smiled at me. Nakita ko si Francine na namumula sa hiya sa lahat nang sinabi ni Nelina. Nakita kong hinawakan ni Nelina sa kamay si Francine upang lumabas ng awatin ko ito. “Where do you think your going, and to leave with out me. Include Francine without my permission?” tanong ko rito at pinaningkitan ng mata ang kapatid ko. “You don't care about us, Brother, you just wait here. Dahil kikilalanin ko lang ang girlfriend mo, okay, Tara na!” tumango naman ang huli. Hinahatak pa rin nito si Francine, kaya wala na ako nagawa. Napakahusay talaga nito, upang sirain ang pagkakataon kong masulo si Francine. Itinapon ko ang remote ng T.V dahil sa galit at humiga. I wonder kung ano ang pinag-u-usapan nila ngayon. Francine ITO iyong magandang babae na parang manika sa opisina ni Nigel, noong mga nakaraang linggong. Nakakandong sa kanya, na kala ko ay karealasyon n'ya iyon pala ay kapatid nito. Kakahiya napagisipan ko pa tuloy nang masama ito. Ang ganda talaga nito para talaga itong manika, napaka classy at mukhang matalino rin tulad ni Nigel, ang balat nito ay maputi at makinis walang kamali-mali o kahit na piklat ang makikita mo dito. Ito ang babaeng version ng kanyang kuya Nigel. Kung paano ito makipag-usap sa kanyang kuya Nigel ay sadyang nakakaaliw. Nandito kami sa kuwarto nito, matapos ako nito hilahin palabas sa movie room ni Nigel ay dinala niya ako dito. Ang daldal nito at nakakaaliw din kaya lang nang makarating ang pinag-u-usapan namin sa buhay ni Nigel ay talagang nagulat ako. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa malungkot na nakaraan nito at kung bakit ganyan ang ugali nito. Kaya pala now I know. Si Nelina ay nakakatuwang kausap, siya ay parang pangalawang Margo, palatawa at palakaibigan. “Nais kong pumunta sa shop! Para mag shopping ng ilang mga damit maaari mo ba akong samahan?” tanong niya na nagpuppy eyes pa. Natawa ako at tumango rito. “Nakakahiya, hindi ako nakaayos o na bihis.” sagot ko dito. “Dont worry I can take care of that.” sagot niya at kinaladkad ang aking kamay sa isang silid ang hilig nitong manghatak! Binuksan niya ang aparador na tulad ng kay Nigel at binigyan ako ng magandang damit. Sinuot ko ito at inayusan naman niya ako. “Perfect sabi ko na at magkasing ganda tayo.” masayang saad nito. Sa ngayon ay nagmamaniho siya kasama ako, papuntang boutique. Kami ay nagpatuloy sa pamimili hanggang sa kami ay mapagod. Ibinili rin niya ako ng maraming mga gamit ang mamahal pa pero talagang makulit ito, kaya tinanggap ko na. Pumunta kami sa isang restaurant at kumain ng masarap. Masaya kaming dalawa, magkasundo at parihong kalog. Pauwi na kami ng mapansin namin ang itim na Kotse. “Napansin mo ba, na may kotse na sumusunod sa atin? Kanina pa sila ng pumasok tayo sa restaurant?” tanong ni Nelina sa akin kaya biglang kumabog nang malakas ang puso ko. “May short cut ka bang alam para maiwasan natin sila?” tanong ko dito kay Nelina. Tumango naman ito at mabilis kaming umikot at naghanap ng ibang ruta. “Ilock mong maigi ang iyong seat belt, Ate,” sabi ni Nelina na ginawa ko naman. Dinadagdagan niya nang bilis ang takbo ng kanyang sasakyan at naramdaman ko ang espiritu ng katawan ko ay parang mahihiwalay sa katawang lupa ko. trenta minuto lang nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan namin. “Maaari mo ng buksan ang iyong mga mata Ate Francine,” sabi niya na tumatawa. “Saan mo natutunan kung paano magmaneho ng ganyan? Grabi halos mahiwalay ang kaluluwa ko.” tanong ko sa kanya. “Hahaha, lets us to thank God, for we lost him or her.” sabi niya kaya napatango ako sa kanya. Kaya nga salamat naman. Hindi ito ang unang pagkakataon na may sumusunod sa akin. Isang tao lang ang nasa isip ko. Nelina Hi My Name is Nelina May Agoncillo kapatid ko si Nigel Kurt Agoncillo sa wakas ay nakita ko na siya ng personal nang malapitan noong nasa opisina ako ay madalian ko lang siyang nasulyapan, dahil nagmadali itong lumabas agad. Napagkamalan pa ata ako nitong lovers ng sarili kong kapatid. “Well may sasabihin ako sa inyong secret 'wag kayong maingay sa dalawa, kundi hindi n'yo na sila makakasama sasabihin ko sa nagsusulat nito na ‘itigil na ang update’ Joke lang 'di agad kayo mabiro. Pero ito na, ito na talaga ang sekreto ko. Ako lang naman ang nagpapasubaybay kay Ate Francine, Yes! Tama kayo nang narinig ako ang stalker niya at ako rin ang kumuha ng sulat na nakita ni Ate, sa bahay nila. Sayang nga lang at hindi na namin na abutan nang aking mga tauhan na inutusan kung subaybayan si Ate Francine, ang taong naglagay ng sulat doon, tanging papel n may nakasulat ang na abutan namin doon. Infact pinapabantayan ko ang lahat nang ginagawa nito at bawat galaw nito at kung sino ang lalapit dito, para hindi ito mapahamak alam niyo kung bakit ko ito ginagawa. Dahil ang totoo ay gusto ko siya! Gusto ko siya para sa kuya ko, akala n'yo na kung ano na, kinabahan ba kayo? Hahahaha Nagpadala ako ng mga tauhan, upang sundan siya at ako rin ay nagpagawa ng background check sa kanya at ngayon alam ko na ang lahat tungkol sa kanya. Nang napansin kong may sumusunod sa amin, alam kong may kinalaman ito sa isang tao, mula sa kanyang nakaraan. Ngunit hindi ko muna ito tatanungin sa kanya. Sa ngayon ay lahat ay nakaayon sa mga palad ko. At Oo, alam ko ang tungkol sa kanyang walang pusong amain at talagang pinahukay ko ang malalim na lihim sa kanyang nakaraan at kung bakit inaprubahan ko siya sa aking kapatid. Dahil mabuting tao ito at totoong tao. Natutuwa talaga ako kapag ang mga bagay ay na aayon sa palad ko. Ngunit ang kaninang taong sumusunod sa amin, ay iba dahil kilala ko ang mga tauhan ko, at alam kung siya iyon. Francine Binaba ako ni Nigel sa aking apartment nabitin tuloy kami sa bonding momment namin, dahil kay Nelina, hanggang ngayon badtrip pa rin ito. Pumasok na ako sa bahay at ang buong lugar ay maalikabok na, kaya't nilinisan ko ito at naghanda ng almusal at naghanda na rin para sa trabaho, mamaya ko na lang kukunin ang iba ko pang gamit sa hotel. Pumasok ako sa kotse ko at nagmaniho, marami tuloy akong gagawin sa ngayon dahil nag-absent kami ni Nigel. “Hey, pwede ba akong pumasok,” narinig kong saad ni Miguel, pinapasok ko ito sa loob ng opisina. “Anong kailangan mo?” sagot ko at hinayaan itong makapasok. “Bakit wala ka, kahapon at ngayon ay huli ka nang dumating may problema ka ba?” tanong nito . “Wala naman sumama lang ang pakiramdam ko.” sagot ko. “At bakit si Nigel wala rin dito kahapon?” dagdag niya. “Ewan, baka naman may pinuntahan siya!?” pagsisinungaling ko at nagmaang maangan. “Hi, Honey!” narinig kong may tumawag at na freez ako sa kinatatayuan ko habang kinabahan. “Good morning Miguel,” bati nito kay Miguel na nakatulala lang dahil sa narinig lalo na nang lapitan ako ni Nigel at inakbayan sa harapan nito. “Boss,” sagot ni Miguel ng makabawi sa kabiglaan at nagsalita ng may pangungutya. Gosh! Sobrang nakakahiya, bakit ba ginawa ito ni Nigel. Walang anu-ano ay lumabas si Nigel matapos ako nitong halikan sa pisngi, “See you in lunch, honey!” Saad pa nito bago lumabas, habang ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. Binigyan ako ni Miguel ng nagtatanong na mukha. “Now I know, you and Nigel have a relationship now!” saad nito at sinubukang manatiling kalmado. “O-Oo,” nahihiya kong sagot; pero nanliligaw pa lang siya sa akin, hindi ko pa siya sinasagot!" dugtong ko pa. “Maniwala ka sa akin Francine, habang maaga pa ay ilayo muna ang sarili mo sa kanya, para hindi ka na masaktan pa,” sabi ni Miguel at naglakad na palabas sa opisina ni Miss Carol, mabuti na lang at day-off n'ong tao kundi nakita nito ang eksina namin tatlo, nakakahiya. Pero ang mga salita ni Miguel ay nagpaapekto sa akin. Nagpatuloy ako sa pagwowork, ngunit ang aking isipan ay patuloy na inuokupado sa sinabi sa akin ni Miguel. “Francine, honey!” narinig kong tawag ni Nigel at kumakaway ang palad sa aking mukha. “Okay ka lang ba? Tinatawag kita pakina pa, pero 'di ka naimik? May problema ba?” tanong niya na nag aalala. “Okay lang ako. . .Puyat lang ko kagabi dahil medyo madaling araw na akong pinatulog ni Nelina, ang daldal pala ng kapatid mo,” sagot ko at iniba ang topic namin. “Ganun talaga iyon, masanay ka na!” nakangiting saad namam nito sa akin. “O, sige, uuwe ka na ba?" tanong ni Nigel at nginitian ako. “Yes, tara na!” pinasigla ko ang bises ko at tumango naman ito at sabay na kaming naglakad pa bababa ng opisina. MABILIS na lumipas ang mga araw, patuloy akong nililigawan ni Nigel, minsan naman ay bigla-bigla na lang ako nitong nanakawan ng halik, tuwing nagagawi ako sa opisina niya o kaya sa tuwing kailangan niya ako ay na isisingit niya pa ako para lambingin. Patuloy ang panliligaw niya sa akin. Magtatatlong buwan na rin ang nakakalipas. Pauwi na ako ng hawakan ako ni Nigel sa aking kamay at sabay na kaming pumasok sa elevator nasa ika anim na kami nang palapag ng magulat ang buong lobby nang makita kaming magkasamang dalawa. Magkahawak kamay dahil hindi niya kasi binitawan ang kamay ko na ginagawa naman nito dati kaya kinakabahan ako sa sasabihin ng iba. Ang aking mga kamay ay pawisan na, dahil sa nerbiyos at sigurado akong napansin ito ni Nigel dahil magkahawak kamay nga kami. Sa wakas ay nakarating na kami sa labas. Kaya nakahinga na ako nang maluwag, kukomprotahin ko sana ito kaya lang ay hinalikan na niya ako labi, at saka ito sumakay sa sasakyan nito na mag malapad na ngiti sa labi. Kaya napailing na lang ako at sumakay na lang din sa sasakyan ko at umuwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD