Chapter 20

1942 Words
NAKARATING ako sa bahay at nahiga ako saglit para makapagpahinga bago ako kumain ng dinner. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil sanay naman na ako sa dilim at kabisado ko na ang pasikot sikot ng apartment na ito. Maya lang ay bumangon na ako at pumunta sa kusina, pero hindi ko pa rin binubuksan ang ilaw. Tapos na ako sa pagluluto kaya naghain na ako at binuhat ko ang pinggan at dinala sa sala, upang manood ng TV. "My Princes!" Tawag sa aking ng pamilyar na boses kaya, nabitiwan ko ang plato na hawak ko sa aking kamay, nahulog at nabasag ito. Unti-unti akong umangat nang tingin sa taong iyon at nanginginig ako sa takot na nasalita, IKAW! Doon siya nakaupo sa isang sopa, ang binti nito ay nakapatong sa lamesa at nakangiti sa akin na nakakatakot. Ang taong sumira sa buhay ko noon ay nandito sa aking harapan. Tumayo ito at naglakad palapit sa akin, amoy alak at sigarilyo ito. "Kaytagal kong hinintay ang sandaling ito. My princess," sabi niya at hinaplos ang aking buhok. Habang ako ay kukulaps na sa sobrang takot. Sa sandaling iyon ang aking mga binti ay unti-unting nanghihina, hindi ko maigalaw ito na para bang nakapako at nakadikit ako sa kinatatayuan ko. "Nagbago ka na, pumuti at napakaganda, tulad ng iyong ina," sabi niya at ang kanyang palad ay lumapag sa aking mukha at sinampal ako ng malakas. Agad namang namula ang aking pisngi dahil sa sampal na iyon, agad ding tumulo ang mga luha ko sa natatakot kung mga mata. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking buhok at itinulak ako sa sopa. Pinatingala niya ako sa kanya at sinibasib nito ng halik ang aking mga labi. Iyak ako ng iyak at nadidiri sa mga ginagawa niya. 'Lord please help me, please.' Nagawa kong maabot ang isang plorera at inihampas ko ito sa kanyang ulo habang siya ay lalong nagalit, ang tigas ng ulo nito dahil 'di man lang niya ininda ang ginawa ko. Nagpupumiglas ako ng malakas kaya nabitiwan niya ako kaya pagkakataon ko na para tumakbo palabas ng apartment na sira na ang blouse na suot ko. Tumakbo ako nang mabilis habang naalala ko na naman ang hindi magandang alaala na patuloy na kumakawala sa aking memorya. Hinahabol din niya ako tulad ng dati, ng unang maganap ang pagtakas ko sa kanya. Bumalik lahat ng nangyari sa buhay ko sa aking alaala ang sakit at takot ko noon ay bumalik din lahat. Ngunit ang oras na ito ay iba, ako ay nanghihina na at pagod na, ang aking katawan ay nagsimulang gumiwang, dahil nahihilo na ako. Ang puso ko ay mabilis na kumakabog at masakit na rin aking mga paa, dahil sa high heels na suot ko, basang basa na rin ng luha ang buong mukha ko at naghalo na yata ang sipon at pawis ko. Hindi ko na kaya pa nanlalabo na rin ang aking paningin at unti-unti nang pumipikit ang mata ko, hanggang sa mawalan na ako ng malay sa kalagitnaan ng kalsada. FLASHBACK Year 2005 Namatay ang ama ni Francine sa isang akisedente noon, nadisgrasya ito habang angkas ng kanilang tricycle. Ilang buwan lang nang magpakasal ang ina nito sa isang lalaking maykaya at isang businessman at may isang laundery shop na may iba't ibang branches na sa Pilipinas. Ang nanay niya ang namamahala nito kaya naging maalwan naman ang buhay nila dahil sa kanyang amain, nakalimutan nilang unti-unti at nakamove on sa pangungulila nila sa kanyang tunay na ama. Noong una ay mabait naman ito. Mahal na mahal siya nito at tinuturing na parang tunay na anak, 'My Princess' pa nga ang tawag nito sa kanya. NASA sampung taong gulang na noon si Francine. Magandang mabait at malaking bulas ito. Pero ang masayang pamilya niya sa piling ng amain nito ay nagbago. Hindi nagtagal ay naging demonyo na ang amain niya sa paglipas ng buwan na kasama nil ito. Ang dating malambing na amain niya ay nag-iba dahil nalulong ito sa sugal hangga't nalugi ang negosyo ng mag-asawa, dahil sa kapabayaan ng amain nito. Ilang buwan lang ng mag kasakit ang kanyang ina, dahil nasobrahan sa katatrabaho, dahil ang dating maalwan na paglalabada ay naging mahirap para rito. Kaya nang hina ito at kalaunay sumunod na sa kanyang tatay sa langit. At iyon ang naging simula kung paano ang buhay ni Francine ay tuluyang nagbago. "Nang dahil sa iyo namatay si nanay." Sigaw ni Francine sa kanyang amain, na lasing naman. "Hindi ko kasalan na mahina pala ang nanay mo, kaya 'wag mo ako sumabatang bata ka, pumasok ka sa iyong silid Francine at baka samain ka sa akin." sigaw nito kay Francine. "Ayoko ibalik mo sa akin ang Nanay ko, Pangit. Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay siya, kung hindi ka nalulong sa bisyo mo at naging lasingo ay hindi sana mahihirapan si Nanay. Hindi sana siya magkakasaki," Ngunit hindi nito sinununod sa halip ay nag salita pa ito na lalong ikinagalit ng amain nito. Sa galit nito, dahil siguro na kulitan na ito sa kanya ay sapilitan nitong ipinasok sa silid ang kawawang si Francine. Tinulak ito at hinila ang buhok kaya napatingala ito sa lalaki. Habang si Francine naman ay nagsimulang tumulo ang mga masaganang luha sa mga mata nito. "Wala ka nang magagawa patay na ang nanay mo, kaya sa ayaw at sa gusto mo pag-aari na kita at simula ngayon ay pagsisilbihan mo ako, maliwanag. Matagal kong hinintay na masulo kita, kaya umayos ka kung ayaw mong palayasin kita." Pagsabi nito ay sinampal nitong muli si Francine sa mukha, kaya na padapa ito sa higaan. Iniwan nito ang bata sa ganoon ayos, umiiyak at tumatangis sa pagkawala ng nanay nito at inisip ang sinabi ng amain na kung anong matagal na hinintay nito? Mula noong mamatay ang nanay ni Francine ay napapansin ni Francine na muling naibalik ang negosyo ng amain, nakakuha pa ito ng katulong sa pamamagitan ni Manang Gloria, habang ang amain nito ay natigil sa bisyo at sugal. Pinamahalaan nito ulit ang negosyong akala ni Francine ay nawala n. Nakakapag-aral naman si Francine noon kaya nga nakagraduate ito ng highschool. Kaya lang simula noon ay lumayo ang loob nito sa amain. Hindi naman ito minamaltrato ng amain dahil sagana naman ito sa kagamitan at pinansyal. Ang kaibahan nga lang ay bantay sarado siya sa isang bodyguard. Hindi na rin na ulit ang pananakit nito sa kanya. Nagdalaga siyang maraming nagkakagusto dito pero ang bawat nanliligaw dito ay umaatras ng hindi niya alam ang dahilan. Tumungtong ang araw ng kanyang kaarawan sa edad na dise otso. Pinaghanda naman ito ng amain nitong si Amador Agani. Nagsimula ang malagim na bangungot ni Francine ng tumungtong niya sa araw ng ikalabing walong kaarawan nito. Araw ng kaarawan ni Francine March 12, 2013 BUSY ang lahat, hindi man marangya ngunit sapat naman ang handa at ayos sa kanyang kaarawan, sapat ng maging masaya ang may kaarawan sa gabing ito. Habang ang lahat ay masaya may isang tao ang hindi masaya sa gabing iyon, ito ay Francine. "Anak?" tawag ng nasa labas ng pinto ng kuwarto ni Francine si Manang Gloria. "Come in Nay!" Sagot naman ni francine tapos na itong makapag-ayos, nakasuot ito ng puting dress at nakalugay ang alon-along buhok nito at may naka palibot na itim na perlas sa kanyang buhok. Pinarisan naman ng itim na sandals ang damit niya na bumagay s Hindi tulad ng tradisyon noon na pula dapat ang kulay tuwing mag cecelebrate ng kaarawan ang iba. Mas gusto nito ang puti para naiiba. "Wow, ang ganda ganda naman ng alaga ko." nagagalak na saad ng matanda kay Francine na sinuklian naman nito ng ngiti. Ngunit malungkot pa rin ang mga mata. "Nay, Ayokong bumaba." Sabi naman ni Francine sa matanda. "Ay naku pong bata ka, bakit naman? Birthday mo ngayon at may mga bisita ka sa baba at saka sayang naman 'yang ayos mo para 'di ka nila makita." Si Nanay Gloria. "Ayoko po, alam n'yo naman na ayaw ko nito si Amador lang ang may gusto nito." sagot ni Francine dito. Alam mo naman mahal na mahal ka ng ama mong iyon at bakit ba Amador lang ang tawag mo sa ama mo?" tanong ng matanda na matagal na itong nagtataka sa turingan ng dalawang mag-ama. Mabilis na sinarhan ni Francine ang pintuan at nilock nang maigi na ipinagtaka ng matanda. Mabuti at na lang at busy ang lahat at si Amador ay inaasikaso ang cake na hindi pa raw dumarating at ang bodyguard naman niyo ay pina day off ng kanyang amain. "Si Amador po ay hindi ko, ama, Nanay Gloria, amain ko lang po siya.Sila talag ang tunay kong mga magulang," sagot nmn niya sa matanda at ipinakita ni Francine ang kinuhang larawan ng mga magulang nito na nakatago sa isang drawer. "Namatay ang tatay ko at napangasawa siya ni Nanay, pero po nalulong si Amador sa bisyo niya, kaya simula noon si Nanay na ang naghanapbuhay kaya nagkasakit si Nanay at namatay din . Kaya simula po noon ay si Amador na ang naging legal guardian ko, akala ko ay magiging mabuti siyang amain sa akin, Nanay Glo, sinubukan kong tumakas mula sa kanya noon, ngunit mahirap dahil palaging naka-lock ang bahay sa tuwing aalis ito at nakabantay naman sa akin kapag nasa bahay lang ito. Naalala ko pa noon isang linggo pa lang ang nakakalipas buhat ng mamatay ang nanay ay umuwi ito, isang gabi na lasing at sinubukan ako nitong gahasain. Mabuti na lang at nagawa kong sipain ang kanyang hinaharap kaya nabitiwan ako nito. Tinanggal niya ang kanyang sinturon at hinataw sa akin hanggang sa nawalan ako ng malay. Nagkamalay ako noon, nasa ibang bahay na kami at ito na iyon. Kinausap ako nito na siya na raw ang mag-aalaga sa akin at humingi naman ito ng sorry sa akin at hindi na niya raw ako gagalawin at sasakatan hangga't hindi ako tumutuntong sa edad na dise otso. Kaya simula noon lumayo na ang loob ko at habang tumatagal ay nagiging malinaw na sa akin ang mga sinabi niya. Dahil ilang beses ko siyang nahuhuli kong paano ako tingnan. Tingin na may pagnanasa sa akin at ilang beses din niya ako hinawakan sa pang-upo ko tuwing lalapit siya sa akin. Kaya hindi n'yo ba napapansin na lagi mahahaba ang manggas ng damit ko at medyo maluluwang at lagi ako nakapadyama dito sa bahay." mahabang salaysay nito kay Manang Gloria. Natuptop na man ng palad ni Nay Gloria, ang bibig dahil sa mga narinig nito sa alaga, kaya pala ganoon na lang ang galit nito. Kapag may nag tatangkang manligaw sa kanyang alaga, akala nito ay sobra lang mahigpit ito sa anak anakan. "At simula noon ay may taga-bantay na po ako si manong Ronnie. Nakakapag-aral ako pero parang impyerno ang buhay ko 'di ako malabas kung walang pasok sa school at hindi ako makatakas, dahil bantay sarado niya ako kay Mang Ronnie. Kaya manang sabihin mo nga po sa akin kung dapat ba akong maging masaya?" i Francine ulit. "Oh, iha bakit di ka nagsumbong sa mga pulis?" tanong ni Nay gloria sa alaga. "Walang maniniwala sa akin Nay, bata pa ako at hindi ko magawang makatakas kay manong Ronnie." Nagsisimula ng lumuha ito habang nag kukuwento kay Manang Gloria. "Oh, iha, ngayong mag dedesi otso kana at nasa legal ka ng edad, ay magagawa na niya ang masamang balak sa iyo. Ngayon ay na iintindihan ko na kung bakit sobrang saya nito, habang ikaw ay nanganganib sa kanya. 'Wag kang mag alala anak tutulungan kitang makatakas pero dapat planuhin natin ang lahat." Tumango naman si Francine sa taga pagalaga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD