Chapter 18

1646 Words
“HINDI ka pa ba, uuwi?” tanong ni Nigel sa akin. “Hindi pa, kailangan ko munang ipatas ito.” sabi ko nang nakangiti “Okay see you tommorow, sorry kung hindi kita maihahatid kaya nga binigyan kita ng sasakyan para sa mga ganitong pagkakataon,” sabi niya at hinalikan ako sa labi, matapos lang itong problema ko ay sasagutin ko na siya. Wala nang katao-tao ang kompanya alas dyes na kasi ng gabi ang guardias na lang ay nasa bababa naman at bihira romonda dito sa taas. Pagkinakailangan lang, hindi na muna ako uuwi sa hotel dahil tinatamad pa akong magmaniho, lalo na ngayong pagod ako. Handa na akong matulog nang makarinig ako ng ingay, mabilis akong bumangon nilock ko opisina ni Nigel at sa sopa lang naman ako balak matulog. Nang bigla akong nakarinig ng mga yapak ng paa na mabilis na lumapit at kumatok matapos nitong pihitin ang seradura. “Francine?” Narinig ko ang isang pamilyar na tinig na tumawag. “C'mon I know your in there, open up?” utos nito sa akin. No choise ako kundi i-unlock ang seradura. “N-nigel?" sumagot ako nang mahina at nagsimulang buksan ang pinto. “Ano ang ginagawa mo dito sa oras na ito?” sabay namin tanong sa isa't isa. “Nakita ko ang kotse mo nakaparada pa rin kaya, inisip kung 'di ka pa umuuwi. Mabuti na lang at may nakalimutan akong ducomento diyan.” saad ni Nigel. “Ikaw, bakit 'di ka-uuwi?" dugtong pa nito. “Ahm, Kasi. . .kasi ayaw ko muna napagod ako sa kaliligpit kanina,” pagsisinungaling kong sabi. “Kumain ka na ba?" tanong niya at tumango na man ako, pero kumulo naman ang aking tiyan. Pahamak! “Tsk, Kunin mo ang mga gamit mo at sasama ka sa akin.” anito at kinuha ang nakalimutan nito at hinila ako pababa matapos nitong ilock ang pinto ng opisina nito. Tahimik kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod na lang sa kanya. Naka-upo ako sa kotse niya, habang nagmamaneho ito. Iniwan na lang namin ang kotse ko sa parking area, hindi naman mananakaw dahil covered pa naman ng kompanya ang underground parking area. “Saan ba tayo pupunta Nigel?” tanong ko. “Sa bahay ko!" sagot niya, Ang aking puso naman ay kumabog ng malakas, “Pupunta kami sa bahay niya? This is for real?" PAGKALIPAS ng 20minute ay nakarating na kami sa isang maganda at malaking bahay ay hindi Mansyon na ata ito sa sobrang ganda at laki. Pagkapasok palang namin sa gate ay kusa na itong sumara, hightect na ata ang mga kagamitan dito sa Mansyon na ito. Pareho kaming bumaba at pinangunahan niya ako, inaasahan kong lalapit ang mga maid sa amin ngunit wala kahit isa. “Wala akong maid ngayon.” sabi niya na parang nabasa niya ang nasa isipan ko. Nigel Kinakabahan ako ngayon. Wala pa ako inaanyayahan na babae dito sa bahay kung meron man kaibigan ko lang pero iba si Francine. Mayroon din akong madilim na nakaraan na aking inilibing ng matagal nang nakalipas at mula noon ay nanumpa akong hindi na magmahal pang muli. Hanggang sa dumating si Francine, isang simple babae, maganda, matalino, nasa kanya na lang ang lahat. Gusto ko talaga siya ay hindi mahal ko na siya at ngayon alam kong may pinadadaanan ito ay gagawin ko ang lahat para malaman iyon. Bakit hindi siya umuwi sa bahay niya? Bakit siya mukhang balisa nang ihatid ko siya sa kanila na kahit anong tago niya ay kitang kita ko pa rin sa kanyang mga mata? Ang lahat ng mga tanong na ito ay dapat kong hanapan nang kasagutan. Tinawag ko ang aking kapatid na si Nelina at agad naman siyang sumagot maya-maya lang ay nasa harapan na namin siya. Inutusan ko itong maghanda ng makakain, ngunit hindi man lang kumilos ito at tumingin lamang nang mataman kay Francine, saka ko na isip na iha-hot set naman nito ako. Sa mga susunod na araw. Hinila ko na lang si Francine pakusina para doon na lang tumingin na makakain o maluluto. Dinala ko siya doon pinaupo ko siya sa isang silyang naroon at nagsimulang magluto habang si Nelina naman ay nakatitig lamang dito. Ano bang nangyayari dito sa kapatid ko. Umalis na si Nilena, matapos niya akong titigan na parang inaarok ang pagkatao ko, umiwas lang ako ng tingin dito. Ako naman ay hinayaang ko lang makatulog nang mapayapa si Francine na hinatid ko kanina sa may sala, pagkaalis ni Nelina. Pagkatapos kong magluto ay pinatay ko na ang kalan at pinuntahan ko io roon. Binuhat ko ito papunta sa taas sa kuwarto ko. Ibinaba ko siya sa kama ko, at tinanggal ang kanyang sapatos at kinumutan ko ito. Hinalikan ko ito ng magaan sa kanyang labi, hanggang sa dumiin ito. Bigla kong inilayo ang mukha ko dito at kinontrol ko ang sarili ko. Bago pa ako mawala sa sarili ko ay lumabas na ako sa kuwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pintuan habang nirerelaks ko ang sarili ko. Nakatanggap ako ng text sa aking kapatid at sinabi ko sa kanya na tulog na si Francine. Dahil tinatanong nito kung nasaan na raw ang bisita ko at inaalok na ako nitong kumain ng hapunan. Tinext ko ito na mauna na dahil may gagawin pa ako. Nagpunta ako sa aking silid aralan at nagsimulang magtrabaho. Oo, ako ay isang workaholic na kahit nandito sa bahay ay tinatapos ko pa rin ang dapat tapusin. Patuloy akong nagtatrabaho ng makarinig ako ng malakas na sigaw sa isang entercom na nagmumula sa aking silid. Si Francine. Nagmadali akong pumunta sa aking silid at nakita ko si Francine na binabangungot sa kanyang panaginip. Hinila ko ito pabangon at saka ko ito niyakap nang mahigpit. “Hush, baby its okay no one hurting you. I'm here to protect you, okay." bulong ko dito habang hinihimas ko ang likod niya. Yumakap naman ito sa akin nang mahigpit at umiyak ng umiyak. Ilang minuto lang nang kumalma ito at yumakap lang sa akin. Huminga ito nang mariin at kitang kita ko ang mga luha sa kanyang mukha. Nahihirapan akong makita siya sa ganoong kalagayan at ipinangako kong gagawin ko ang lahat, upang mahanap ang taong responsable sa paghihirap ng aking mahal pinapangako ko. Francine MABILIS kong pinagala ang aking mga mata at napansin ko ang isang malaking braso na nakayakap sa akin. Napangiti ako nang makita ko ang may ari ng brasong iyon kay Nigel. Umikot ako paharap sa kanya. Sinubukan kong palayain ang aking sarili sa yakap niya, ngunit hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin na parang ayaw na niya ako pakawalan na nagpa-kilig sa akin. “Hayaan mo munang manatili tayo sa ganitong posisyon.” bulong niya. “Nagugutom na ako!” Sagot ko dito at tumunog ang tiyan ko na ikinatawa nito. Sinuri ko ang oras alas otso na nang umaga, dapat nasa opisina na kami. “Hindi ba tayo papasok sa work?” tanong ko rito. “Don't worry, na itawag ko na kagabi kay Miss Carol, na hindi tayo makakapasok at siya na ang bahala muna doon.” sagot niya na medyo paos ang boses at hinigpitan pa ang yakap sa akin. “Kailangan kong gumamit ng banyo.” nahihiyang sabi ko. Kumalas siya at hinayaan akong bumangon ngunit, humabol ng halik ito bago ako tuluyang bumangon at pumasok sa kanyang banyo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero ang lawak nang pagkakangiti ko. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako, nakayakap ko siya at nakatabi sa pagtulog matapos nang pag-iyak ko kagabi ay kilig naman ang nararamdaman ko ngayon. ‘Ang sarap ng mamatay. hehehe, joke lang 'di wala nang kaloveteam ang papa Nigel ninyo.’ Naghilamos ako ng tubig sa aking mukha. Nakakita ako ang isang bagong toothbrush at nagsimula akong maglinis ng ngipin. Hindi nagtagal ay lumabas ako sa banyo nang dahan-dahan, sinilip ko siya at nakita kong wala siya sa silid niya. Sayang! “Ano kaya puwede kong isusuot ko,” sa isip ko ng makita ko sa salamin na iyon pa rin ang suot ko kakahiya. Narinig ko ang mga yapak na paparating kaya mabilis akong tumakbo at isinara ang pintuan ng banyo. Nakarinig akong tumawa ng malakas, “It's okay honey, suotin mo na ang gusto mong suotin na damit ko. 'Wag ka ng mahiya,” sigaw nito sa akin na natatawa pa rin. Mabilis kong binuksan ang aparador at pumili ng isang boxer shorts at isang t shirt na halos umabot na rin sa boxer nito na suot ko. Lumabas ako sa highect na closet na iyon, ang laki nito halos kasing laki na rin ng sala sa apartment ko. Paglabas ko ay wala na ito roon. Pumunta ako sa kusina at nakita kong gumagawa ng pancake si Nigel. “Wow I cant wait to eat that! Pero mukhang nasusunog ata.” sabi ko sa kanya, pero sa akin pa rin ito nakatingin. “Hindi ka naman amoy sunog, eh,” sabi pa nito. Siya ay nakangito ng parang timang at patuloy na nakatanga sa akin. “Hindi, ang ibig kong sabihin ang pancake, nasusunog." sigaw ko rito at napatingin naman sa niluluto niya. “Ay, s**t!” sigaw nito habang natataranta kung paano patayin ang kalan. Tumakbo ako para tulungan it, sinimulan kong puksain ang apoy. Matagumpatay din naman namin napatay ang kalan at agad dinala ang nasunog na pancake sa lababo at pinatuluan ng tubig. Ang buong kusina tuloy ay napalibutan ng usok kaya hindi namin maiwasang mapaubo. Pero pareho kaming natawa nito. “Hindi ba talaga tayo papasok?” tanong ko. “Yes, Lets take a day off, first." sagot niya at napahagikhik ako. “Okay, pero before that magluluto ulit tayo ng bago, sinunog mo kasi,” napapangiti kong saad kaya natawa naman kami pareho. Sa tingin ko ay magiging isang magandang araw ito para sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD