Chapter 13

2937 Words
NAGISING akong masakit ang ulo ko. Bumangon ako at pumunta sa banyo at pumasok upang magshower. Paano ako napunta dito sa aking silid at nag-iba na rin ang suot kong damit. Paano ako nakauwi dito sa bahay ng hindi ko alam? Bakit parang may nararamdaman ako sa aking labi ng “Arg, nagkiss kami ni sir, Omg?” Tili ko ng maalala ko na ang lahat. “Hinalikan niya ako? No, no, no!” “Ano na lang mukhang ihaharap ko sa kanya mamaya?” patuloy akong nakikipag-usap sa aking sarili at naglulupasay sa sahig ng banyo. Flash back Halos two minute din ang halikan namin sa wakas ay pinakawalan na ako ni Sir! Nagkatinginan kami sa isa't isa. Saka ko lang narealise ang ginawa naming dalawa, sa hiya ko ay pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Alam ng Diyos na sobrang kinakabahan ako ngayon at nalilito, nag-iba rin ang pakiramdam ko. Para akong na uuhaw at na iinitan, marahil ay epekto iyon ng spirito ng alak. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kanyang balikat kung hindi pa niya ako niyugyog o ginigising ay hindi ko na alam. Kakahiya! NANDITO na ako sa opisina, kinakabahan ako pati ang aking mga palad ay pinagpapawisan at nanginginig habang hawak ko ang files na iniutos sa akin ni Miss Carol na ibigay ko kay Sir, Nigel. Nanalangin ako habang kumatok, pumasok ako sa kanyang tanggapan ngunit imbis na si Sir Nigel ang nabungaran ko ay isang magandang babae ang nakita ko para itong manika sa ganda, alon-alon din ang buhok nito na kulay itim, sexy din ito. Naka-upo ito mismo sa kandungan ni Sir, Nigel. Nawala ang panginginig ko at napalitan ng panghihina at nararamdaman, na hindi ko maipaliwanag. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa kanila at binaba ko ang mga files sa ibabaw ng mesa nito. Umalis na ako sa kanyang opisina na hindi ko man lang tinitingnan ang dalawa, nagseselos ba ako ng makita ko sila? Umiling ako at napabuntong-hininga, hay naku! Hindi ako naniniwala na nagseselos ako. Siguro na bigla lang ako sa nakita ko, kasi first time ko makita na may kasama si Sir na babae, saka wala akong gusto sa kanya, hindi ako dapat magkagusto rito. Napakamapagmataas at mayabang ito kaya hindi ako magkakagusto sa isang tulad nito. ‘Pero guwapo. . . opps! hindi ko sinabi ang huli, hindi siya guwapo.’ UMUPO ako sa coffee area at malalim na nag-iisip kung ano ang maaaring ginagawa nila sa mga oras na ito. Isang oras din akong naghintay, bago bumalik sa opisina ng Sir. Nigel at nakita kong nag-iisa na lang siya doon, sabagay 'di ko nga makikita ang paglabas nito kasi medyo likod na kinapupuwestoluhan ko kanina. Sino kaya ang babaeng manika na iyon at kaano-ano siya ni Sir? “Francine!” tawag niya. “Sir!” tugon ko habang kunyari busy sa mga files na nakakalat sa sofa na naroon. “M-May natatandaan ka ba kagabi?" tanong niya na medyo kinakabahan. “Wala naman Sir. Bakit sir anong nangyari kagabi?” sagot ko na kinakabahan, muntik na akong mautal mabuti na lang at napigilan ko. “Ah, okay! Wala naman, sige na ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo at bumalik ka na sa trabaho.” sabi nito pero bakit malungkot ang mga mata nito. Bumalik na ako sa ginagawa ko hindi ko na lamang pinansin iyon, oo nagsinungaling akong hindi ko na aalala ang lahat. Maya-maya lang ay may biglang kumatok sa pintuan pinagbuksan ko ito at tinaasan nang kilay, ito 'yong lalaki na nagbastos sa akin sa event kagabi. “IKAW!?" sigaw ko dito ngunit ngumiti lamang siya. “Yes it's me, nandito ako upang makita ang boss mo.” aniya at pumasok na sa loob at na iwan naman akong nakatanga. RENAN TOLINTINO HINDI ako isang masamang tao, ngunit nang makita ko si Francine na kasama ni Nigel ay nanibugho ako. Unang kita ko pa lang nang bumabaa siya sa kotse ay nagandahan na ako dito at nakaramdam ng kakaiba sa damdamin ko. Kaya nilapitan ko ito nang mapag-isa ito. Kaya lang kinakabahan ako kaya ko lang nasabi iyon. Kaya lang nang malaman kung P.A ito ni Nigel ay no choice ako kundi gamitin siya laban kay Nigel. Lalo na nang makita kong hinalikan ito ni Nigel nang umalis ito doon sa event. Nakita ko iyon ng sundan ko sila . Hindi lang alalay ang turing nito sa babae kundi gusto nito si Francine. Kaya kailangan kong gamitin si Francine sa aking misyon na dapat tuparin sa pamilya Agoncillo. NAGDAAN ang mga araw patuloy lang ang buhay namin ni Sir Nigel. Trabaho, bahay. Bahay, trabaho lang kami. Nakalimutan namin ang tungkol sa halik na pinagsaluhan namin. Kahit na si Renan ay patuloy na pumupunta sa opisina at ginagawang kabuwisitan ang araw ko. Kung minsan ang sarap na nitong ipakain sa mga leon. Kung 'di lang ito kasosyo ni Sir Nigel baka na gawa ko na. Isang araw habang kumakain ako dahil maglilinis ako nang buong bahay dahil day-off ko ngayon. Ngunit pagkatapos ay mag gogrocery ako dahil kakunti na lang ang mga gamit ko sa katawan, tulad ng shampoo, sabon ect. Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ako ng makita kong si Miguel ang nakatok. “Oh, Miguel na padalaw ka?" pilit kong ngiti dito ano kayang ginagawa nito dito. “Morning, Francine!” sabi niya at inilabas ang isang pulang rosas na nakatago sa likod nito. “Can i invite you, to go out with me?" nakangiting tanong nito. Sasabihin ko sanang hindi dahil maglilinis sana ako ng bahay, pero nagbago ang isip ko. Isasabay ko na lang ang paggogrocery sa labas naming ito, para may ma idahilan akong maagang umuwi para makapaglinis pa din ako ng bahay. “Yeah sure, pasok ka muna habang ako ay naghahanda.” sagot ko habang niluluwagan ko ang pintuan wala naman sigurong masama wala na rin naman kami sa opisina. Pumunta kami sa iilang lugar na magkasama at lahat naman ay naging maayos. Nalibang kami sa pamamasyal, sinamahan niya rin akong magrocery at nilibre pa niya ako ng mga foods snack. Masaya pala itong kasama palapatawa at talagang matatawa ka sa mga banat nito. Alas tres na nang magyaya na akong umuwi na hindi naman nito tinutulan. Sa aming pagbabalik napansin ko ang isang itim na van na sumusunod sa amin, nakalimutan ko ang bagay na iyon. Sino ba talaga kasi, sila ano ba talaga ang kailangan nila sa akin? Pero hangga't wala silang ginagawang masama hindi pa rin ako puwedeng magreport at baka nagkakataon lang ang lahat. “Sa palagay ko tayo ang sinusundan ng itim na van na 'yan.” saad ni Miguel na ikinatango ko. Mabilis na nagmaneho si Miguel at patuloy pa ring sumunod sa amin ang van kapag mabilis ang takbo namin ay binibilisan din nila. Kaya lalong lumakas ang kutob kong ako talaga ang minamatyagan nila. Mabuti na lang at magaling na driver itong si Miguel at na iligaw namin sila, pagdating namin sa bahay ay wala na ang itim na van sa likuran ng kotse ni Miguel. Salamat naman. Hindi ko sinabi kay Miguel na matagal ko na itong nakikita na nakamanman sila sa akin, dahil wala namang nangyari sa araw na iyon. Pagkahatid niya sa akin ay nagpatuloy na ako sa balak kung maglilinis ng apartment. Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho, tulad ng dati ay nandoon na ako bago dumating si Sir, Nigel ang katotohanan ay hindi na ako makapaghintay na makita siya. “Tsk, para isang araw ka lang 'di pumasok miss mo na agad siya.” sa isip ko. “Ano ka ba, Francine kung ano-anong iniisip mo na iinlove ka na ba sa boss mo?” sabi naman ng kabilang side ng utak ko. “Hindi ayoko masasaktan lang ako kapag nagkataon.” Kausap ko sa mga boses sa isipan ko. Papasok na ako noon sa opisina nito na dala-dala ang kape nito. Habang busy ako sa kakausap ko ay hindi ko namalayang binuksan na pala nito ang pintuan. Kaya nagulat ako sa mukha nito, dahil bagong gupit ito wala na ang bigote at balbas niya kaya lalo itong gumugwapo sa paningin ko. “Gwapo!” tili ko sa isip ko. “Bakit ka nakatulala diyan ang kape ko nasaan na?" tanong nito at tinalikuran na ako at bumalik na ito sa mesa nito. Lumapit naman ako at ibinaba ko ang kanyang kape na walang sinabi at nakatitig pa rin dito. “May kinaka-usap ba ako dito?" tanong nito; Hindi ka pa ba sawa sa kakatitig sa akin, paano kung matunaw ako?" sabi nito. “Oo, Sir! Nakatitig ako sa iyo este ito na po ang kape mo.” namumula kong sagot dito at dali-dali NAGISING akong masakit ang ulo ko. Bumangon ako at pumunta sa banyo at pumasok upang magshower. Paano ako napunta dito sa aking silid at nag-iba na rin ang suot kong damit. Paano ako nakauwi dito sa bahay ng hindi ko alam? Bakit parang may nararamdaman ako sa aking labi ng “Arg, nagkiss kami ni sir, Omg?” Tili ko ng maalala ko na ang lahat. “Hinalikan niya ako? No, no, no!” “Ano na lang mukhang ihaharap ko sa kanya mamaya?” patuloy akong nakikipag-usap sa aking sarili at naglulupasay sa sahig ng banyo. Flash back Halos two minute din ang halikan namin sa wakas ay pinakawalan na ako ni Sir! Nagkatinginan kami sa isa't isa. Saka ko lang narealise ang ginawa naming dalawa, sa hiya ko ay pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Alam ng Diyos na sobrang kinakabahan ako ngayon at nalilito, nag-iba rin ang pakiramdam ko. Para akong na uuhaw at na iinitan, marahil ay epekto iyon ng spirito ng alak. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kanyang balikat kung hindi pa niya ako niyugyog o ginigising ay hindi ko na alam. Kakahiya! NANDITO na ako sa opisina, kinakabahan ako pati ang aking mga palad ay pinagpapawisan at nanginginig habang hawak ko ang files na iniutos sa akin ni Miss Carol na ibigay ko kay Sir, Nigel. Nanalangin ako habang kumatok, pumasok ako sa kanyang tanggapan ngunit imbis na si Sir Nigel ang nabungaran ko ay isang magandang babae ang nakita ko para itong manika sa ganda, alon-alon din ang buhok nito na kulay itim, sexy din ito. Naka-upo ito mismo sa kandungan ni Sir, Nigel. Nawala ang panginginig ko at napalitan ng panghihina at nararamdaman, na hindi ko maipaliwanag. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa kanila at binaba ko ang mga files sa ibabaw ng mesa nito. Umalis na ako sa kanyang opisina na hindi ko man lang tinitingnan ang dalawa, nagseselos ba ako ng makita ko sila? Umiling ako at napabuntong-hininga, hay naku! Hindi ako naniniwala na nagseselos ako. Siguro na bigla lang ako sa nakita ko, kasi first time ko makita na may kasama si Sir na babae, saka wala akong gusto sa kanya, hindi ako dapat magkagusto rito. Napakamapagmataas at mayabang ito kaya hindi ako magkakagusto sa isang tulad nito. ‘Pero guwapo. . . opps! hindi ko sinabi ang huli, hindi siya guwapo.’ UMUPO ako sa coffee area at malalim na nag-iisip kung ano ang maaaring ginagawa nila sa mga oras na ito. Isang oras din akong naghintay, bago bumalik sa opisina ng Sir. Nigel at nakita kong nag-iisa na lang siya doon, sabagay 'di ko nga makikita ang paglabas nito kasi medyo likod na kinapupuwestoluhan ko kanina. Sino kaya ang babaeng manika na iyon at kaano-ano siya ni Sir? “Francine!” tawag niya. “Sir!” tugon ko habang kunyari busy sa mga files na nakakalat sa sofa na naroon. “M-May natatandaan ka ba kagabi?" tanong niya na medyo kinakabahan. “Wala naman Sir. Bakit sir anong nangyari kagabi?” sagot ko na kinakabahan, muntik na akong mautal mabuti na lang at napigilan ko. “Ah, okay. Wala naman, sige na ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo at bumalik ka na sa trabaho.” sabi nito pero bakit malungkot ang mga mata nito. Bumalik na ako sa ginagawa ko hindi ko na lamang pinansin iyon, oo nagsinungaling akong hindi ko na aalala ang lahat. Maya-maya lang ay may biglang kumatok sa pintuan pinagbuksan ko ito at tinaasan nang kilay, ito 'yong lalaki na nagbastos sa akin sa event kagabi. “IKAW!?" sigaw ko dito ngunit ngumiti lamang siya. “Yes it's me, nandito ako upang makita ang boss mo.” aniya at pumasok na sa loob at na iwan naman akong nakatanga. RENAN TOLINTINO HINDI ako isang masamang tao, ngunit nang makita ko si Francine na kasama ni Nigel ay nanibugho ako. Unang kita ko pa lang nang bumabaa siya sa kotse ay nagandahan na ako dito at nakaramdam ng kakaiba sa damdamin ko. Kaya nilapitan ko ito nang mapag-isa ito. Kaya lang kinakabahan ako kaya ko lang nasabi iyon. Kaya lang nang malaman kung P.A ito ni Nigel ay no choice ako kundi gamitin siya laban kay Nigel. Lalo na nang makita kong hinalikan ito ni Nigel nang umalis ito doon sa event. Nakita ko iyon ng sundan ko sila . Hindi lang alalay ang turing nito sa babae kundi gusto nito si Francine. Kaya kailangan kong gamitin si Francine sa aking misyon na dapat tuparin sa pamilya Agoncillo. NAGDAAN ang mga araw patuloy lang ang buhay namin ni Sir Nigel. Trabaho, bahay. Bahay, trabaho lang kami. Nakalimutan namin ang tungkol sa halik na pinagsaluhan namin. Kahit na si Renan ay patuloy na pumupunta sa opisina at ginagawang kabuwisitan ang araw ko. Kung minsan ang sarap na nitong ipakain sa mga leon. Kung 'di lang ito kasosyo ni Sir Nigel baka na gawa ko na. Isang araw habang kumakain ako dahil maglilinis ako nang buong bahay dahil day-off ko ngayon. Ngunit pagkatapos ay mag gogrocery ako dahil kakunti na lang ang mga gamit ko sa katawan, tulad ng shampoo, sabon ect. Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ako ng makita kong si Miguel ang nakatok. “Oh, Miguel na padalaw ka?" pilit kong ngiti dito ano kayang ginagawa nito dito. “Morning, Francine!” sabi niya at inilabas ang isang pulang rosas na nakatago sa likod nito. “Can i invite you, to go out with me?" nakangiting tanong nito. Sasabihin ko sanang hindi dahil maglilinis sana ako ng bahay, pero nagbago ang isip ko. Isasabay ko na lang ang paggogrocery sa labas naming ito, para may ma idahilan akong maagang umuwi para makapaglinis pa din ako ng bahay. “Yeah sure, pasok ka muna habang ako ay naghahanda.” sagot ko habang niluluwagan ko ang pintuan wala naman sigurong masama wala na rin naman kami sa opisina. Pumunta kami sa iilang lugar na magkasama at lahat naman ay naging maayos. Nalibang kami sa pamamasyal, sinamahan niya rin akong magrocery at nilibre pa niya ako ng mga foods snack. Masaya pala itong kasama palapatawa at talagang matatawa ka sa mga banat nito. Alas tres na nang magyaya na akong umuwi na hindi naman nito tinutulan. Sa aming pagbabalik napansin ko ang isang itim na van na sumusunod sa amin, nakalimutan ko ang bagay na iyon. Sino ba talaga kasi, sila ano ba talaga ang kailangan nila sa akin? Pero hangga't wala silang ginagawang masama hindi pa rin ako puwedeng magreport at baka nagkakataon lang ang lahat. “Sa palagay ko tayo ang sinusundan ng itim na van na 'yan.” saad ni Miguel na ikinatango ko. Mabilis na nagmaneho si Miguel at patuloy pa ring sumunod sa amin ang van kapag mabilis ang takbo namin ay binibilisan din nila. Kaya lalong lumakas ang kutob kong ako talaga ang minamatyagan nila. Mabuti na lang at magaling na driver itong si Miguel at na iligaw namin sila, pagdating namin sa bahay ay wala na ang itim na van sa likuran ng kotse ni Miguel. Salamat naman. Hindi ko sinabi kay Miguel na matagal ko na itong nakikita na nakamanman sila sa akin, dahil wala namang nangyari sa araw na iyon. Pagkahatid niya sa akin ay nagpatuloy na ako sa balak kung maglilinis ng apartment. Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho, tulad ng dati ay nandoon na ako bago dumating si Sir, Nigel ang katotohanan ay hindi na ako makapaghintay na makita siya. “Tsk, para isang araw ka lang 'di pumasok miss mo na agad siya.” sa isip ko. “Ano ka ba, Francine kung ano-anong iniisip mo na iinlove ka na ba sa boss mo?” sabi naman ng kabilang side ng utak ko. “Hindi ayoko masasaktan lang ako kapag nagkataon.” Kausap ko sa mga boses sa isipan ko. Papasok na ako noon sa opisina nito na dala-dala ang kape nito. Habang busy ako sa kakausap ko ay hindi ko namalayang binuksan na pala nito ang pintuan. Kaya nagulat ako sa mukha nito, dahil bagong gupit ito wala na ang bigote at balbas niya kaya lalo itong gumugwapo sa paningin ko. “Gwapo!” tili ko sa isip ko. “Bakit ka nakatulala diyan ang kape ko nasaan na?" tanong nito at tinalikuran na ako at bumalik na ito sa mesa nito. Lumapit naman ako at ibinaba ko ang kanyang kape na walang sinabi at nakatitig pa rin dito. “May kinaka-usap ba ako dito?" tanong nito; Hindi ka pa ba sawa sa kakatitig sa akin, paano kung matunaw ako?" sabi nito. “Oo, Sir! Nakatitig ako sa iyo este ito na po ang kape mo.” Namumula kong sagot dito at dali-dali akong lumabas doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD