Chapter 12

1520 Words
FRANCINE NAALIMPUNGATAN ako sa mula sa aking pagtulog, luminga ako sa paligid at napansin kong nasa loob pa rin ako ng opisina. Naalala ko bigla ang nangyari ka gabi, napansin kong umaga na at wala si Sir, Nigel sa kanyang kinahihigaan at siya ang pumalit dito, nagtataka siyang magtatanong kung paano siya lumipat sa sopang mahaba? At saka saan kaya ito pumunta? Magaling na kaya ito? Tumayo ako at inayos ko ang hinigaan ko kinapkap ko sa aking bulsa ang aking cellphone at tiningnan ko kung anong oras na nakita kong ang daming miss call sa akin ni Miguel. Tinext ko na lang ito. Alas sais na nang umaga, may oras pa ako para makauwi, kaya dali-dali akong umalis sa kompanya at umuwi. Hindi ko na rin nakita si Sir Nigel doon. Matapos kung makaligo ay nagbihis na ako okay lang na malate ako, dahil may dahilan naman ako kung bakit. Palabas na ako sa aking apartment ng may nagtext sa akin, tiningnan ko ito at nakakita kong galing ito kay Sir Nigel na huwag na daw ako pumunta sa trabaho at magpahinga dahil ipasusundo daw niya ako kay mang Caloy. "Bakit kaya?" sa isip ko. Pero mabuti nga iyon para makapagpahinga ulit dahil napuyat ako kagabi. Tumalon ako sa kama ko ng naka-unipormi pa, hindi ko na hinubad dahil inaantok pa talaga ako mabuti na lang at may konsiderasyon pa ito kahit kaunti. Simpling dress lang na kulay asul ang aking suot at simpling light make up lang ang inilagay ko. Mag-a-alas sais pa lang naman ng gabi nasa labas na ako ng gate at hinihintay si Mang Caloy. Maya-maya lang ay nandiyan na agad si Mang Caloy, bakit kaya ang text sa akin ni Sir Nigel ay mag-a-alas otso daw ng gabi niya ako ipapasundo pero inagahan ko lang dahil nagbabaka sakali akong bigla na lang sumulpot ito. Pero hindi ko inaasahan na tama nga ang naiisip ko. "Bakit nandito na agad kayo manong, 'di ba hindi pa oras ng pagsundo mo? Mabuti na lang at advance ako mag-isip." sabi ko sa kanya habang ngumiti lamang ito. "Hiniling sa akin ni Sir na ibigay ito sa iyo. Suotin mo daw iyan. Bago tayo umalis hihintayin kita sa sasakyan iha." nakangiting sabi niya at ibinigay sa akin ang isang shopping bag at umalis habang ako ay nakatingin lamang sa shopping bag na hawak ko. Natauhan ako ng bumusina si Mang Caloy, kaya nagulat akong napapasok sa loob binuksan ko ang shopping bag at ini-angat ko ito at nakita ko ang isang maganda bistida na kulay pula halatang mamahalin. Ibinaba ko ito at tiningnan kung meron pang laman ito at isang pares ng sandalyas ang nakuha ko itim ito at sobrang ganda din. Mabilis akong naghubad at pinalitan ang aking damit na ibinigay sa akin ni Manong. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagulat ako ng makita kung gaano kaganda at bumagay ang damit sa akin. Matapos ay nag-apply ako ng make-up at pinuyod ko ang aking kulot na buhok na pabun at may kaunting laglag ng ilang hibla ang buhok ko. Nilagyan ko din ng ipit na pabulaklak ang buhok ko sa likod. Umikot ikot ako sa harap ng salamin at hindi ako makapanilawa na may igaganda pa pala ako pagnabihisan. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa venue at pinagbuksan ako ni manong ng pintuan ng sasakyan. Kinakabahan akong lumabas agad ng sasakyan, Dahil sa dami ng mga camera na kumikislap sa aking paligid. Humakbang ako at naglakad palapit kay Sir Nigel, ang gwapo nito sa suot na parang hindi ito nagkasakit no'ng nakaraang gabi. Hinawakan niya ako sa aking kamay at ikinabit sa kanyang mga braso at bumulong. "I-relaks mo lang iyang katawan mo at umayon ka na lang sa mga nangyayari." bulong ni Sir sa aking tainga. Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako kung bakit isinama pa niya ako sa pagtitipon na ito. Lumakad kami papasok sa loob, pagkatapos kaming kuhanan ng maraming mga larawan. Nakangiti lang ako matapos niyon. Karamihan sa mga bisita ay lumingon sa amin at nagsimulang magbulong bulungan, Panginoon hindi ako sanay sa ganitong atinsyon. Dinala kami sa aming mesa kung saan magkatabi kaming umupo. Maya lang ay nagsimula ang kaganapan hindi ko pa rin alam kong anong okasyon itong pinuntahan namin ni Sir. Maya-maya lang ay nagpaalam si Sir Nigel at nakisali sa ilang mga lalaking naroon kaya naiwan ako sa table na kinapupuwestuhan namin. Kasama ng mga couple na may kanya-kanyang buhay. Uminom na lang ako ng red wine at kumain. Alam kong magkakaroon din ako ng tama nito lalo na hindi ako sanay uminom, ngunit sa ngayon wala akong pakialam. Naasar ako kasi isinama lang ba niya ako dito para magmukhang tanga, akala ko pa naman ito ang pasasalamat niya sa akin sa mga ginawa ko sa kanya no'ng nakaraang gabi. Patuloy akong umiinom ng wine, na kakatatlo na akong wine glass habang nalantak ng pagkain. Paki ko kung nagmumukha na akong patay gutom mabuti nga 'yan para naman mapahiya ang lalaking iyon. "Tila nababagot ka na rito?" tanong ng isang baritonong boses, umangat ako ng tingin at sinino ang may-ari ng nagsalita. "Paki mo 'di magpakabagot ka na rin para may kasama na ako," Nakasimangot kong sagot dito na tinawanan lang ang sinabi ko. "O, by the way My name is Renan and you are?" sabi niya at ibinigay ang kamay para makipagkamay sa akin. Hindi ko iyon inabot at patuloy lang akong uminom. Habang nang aasar na nakatingin sa kanya. "Are you one of Mr. Nigel's whores." tanong niya na may ngiti sa kanyang labi o ngisi. Doon lang ako nagkaroon ng paki sa kanya sa inis ko ay initsa ko sa kanyang mukha ang wine na hawak ko. Napatingin naman ang lahat ng tao sa event na iyon at nag simulang nagbulungan na para bang ang laki na nagawa kong krimen, mabuti nga sa lalaking iyon. Masyadong makati ang dila. Lumapit sa akin si Sir, Nigel at hinatak ako palabas ng venue. Na masama ang tingin doon sa lalaki. "Bakit ginawa mo iyon, i-inom-inom ka tapos gagawa ka ng kabalbalan." Galit na tanong niya habang ako ay natatawa sa itsura niya, dala siguro ng pagkalasing, grabi, anim na red wine glass ba naman ang ininom ko lalo na hindi na at hindi ako sanay uminom. "What's so funny?" tanong niya na at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You look so cute, Sir. Hahaha." sagot ko habang halos ito ay magkadikitan na ang mga kilay at mata dahil sa pagkakasalubongan ng mga iyon. Napasmirk ito, pero 'di iyon nakita ni Francine. "Talagang lasing ka na Francine, tara na pumasok ka na sa kotse at ihahatid na kita, bukas ka na mag paliwanag kung bakit mo iyon ginawa kay Mr. Tolintino." sabi niya at mabilis na akong hinila papalayo sa event na iyon. HINDI naman talaga totally na lasing ako may tama lang ng kaunti. Pero pinanindigan ko na lang. Pumasok ako sa sasakyan at gan'on din siya. "Ang gwapo mo sir ngayong gabi!" namumungay ang mga matang saad ko, na nagpangiti rito sa sinabi ko. Ghad, ngumiti siya. Nakakatuwa naman gumana ang plano ko. "You're beautiful too!" sagot naman nito pabalik tapos ngumiting saglit na ikinagulat ko, ngunit kinailangan kong mag-act na lasing pa rin ako. Kaya ngumisi lang ako sa sinabi niya kahit gusto kong kiligin sa papuri niya sa akin. "Ganyan, dapat. Ngumingiti ka ng madalas, para lalo kang gumuwapo ka at bawas bawasan mo ang pagiging moody mo. Para gumuwapo ka lalong tingnan," sabi ko pa sabay tawa ko na lalo itong ngumiti, kaya lalong nagrigodon ang dibdib ko sa kilig. "Ang pagngiti ko ay ipinapakita ko lang ngayon sa gusto ko at dahil lasing ka, kaya sana 'wag mo maalala ang pagngiti kong ito." sagot niya pabalik at nagpatuloy sa pagmamaniho. "Okay, Sir. What if i make you smile again right here?" tanong ko. "Thats imposible, 'di ka naman clown para mapangiti ako." sagot niya "Tunay na nga, subukan mo ako kapag napangiti kita ngayon, may isang request ako sa iyo." sabi ko at napangisi. "Game, kung kaya mo!" tipid na sagot naman nito at pinaseryoso ang mukha at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Gumawa ako ng nakakatawang itsura noong una ay hindi pa siya natatawa maya-maya ay nagpamukha akong unggoy sa harap niya at sa gulat ko ay natawa siya. "Yes, I won!" tuwang tuwa kong saad at pinindot ko pa ang pisngi niya "Your crazy! So Nanalo ka, anong gusto mong premyo?" tanong niya na matamang nakatingin sa akin. "Sure, ka sir. Ibibigay mo ang hihilingin ko?" nakangising saad ko at inilapit ko ang mukh ko sa mukha nito alam ko namang hindi niya magagawa ang hihilingin ko. "Marunong akong tumupad sa usapan," nakataas kilay na sagot naman nito. "Okay, kiss me!" biro kong saad dito at inilapit ko pa ang mukha ko. Ilang sigundo itong 'di na kaimik dahil sa sinabi ko, kaya napangisi ako at naisip kong hindi niya talaga magagawa ang hiniling ko. Pero sa pagkabigla ko ay hinila ako nito at hinalikan ang labi ko ng magaan hanggang sa lumalim ang halik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD