LINDSAY(POV)
"MAMA, aalis na po ako," nagmamadali kong paalam sa aking ina.
"Sige, anak mag-iingat ka," tugon sa akin ni mama. Halos madapa na ako sa pagmamadali makalabas lamang kaagad sa bahay. Baka male-late na ako sa first subject ko. Sobrang malala pa naman ang traffic dito sa aming lugar. Dumagdag pa itong medyo tinanghali na ako ng gising, kasi may tinatapos akong project. At ipinagkanulo pa ako ng aking cellphone dahil hindi tumunog ang sine-set kong alarm.
Sa nakalipas na ilang buwan sunod-sunod na blessing ang dumating sa aming pamilya. Malaking pasasalamat ko sa Panginoon dahil sa maraming biyayang na natanggap ng aming pamilya. Una, ang muling pagkakatanggap ni Papa sa ina-applyan niyang trabaho. At 'di hamak na malako ang kanyang sahod sa bago niyang trabaho ngayon kaysa isang construction worker. Sa panahon ngayon akala ko wala ng tao na may ginintuang puso. Pero nagkakamali pala ako, dahil isa ako sa natutulungan, nakapag-aral ako sa isang sikat na paaralan dahil may tumulong sa akin sa pag-aaral ko ngayon, ang anonymous sponsor ko.
Nagtataka man ako kung bakit ayaw nitong magpapakilala ngunit hinyaan ko na lamang basta ang mahalaga. Nakapah-aral na ulit ako. At sana dumating ang araw na makilala ko rin siya at personal kong mapapasalamatan sa kanyang kabutihan.
Pagdating ko sa paaralan nakita ko kaagad si Ella, nakatayo sa may gate. Hinihintay pa talaga ako. Medyo may kalayuan na ang bahay nila Ella kaysa sa amin. Lumipat na kasi ito ng bahay. Hindi naman siya katulad namin na mahihirap. Ang mama at papa niya ay parehong OFW at tanging kasama lang niya sa bahay ang Anti Suset niya. Ngunit kadalasan mag-isa lamang si Ella sa bahay dahil sa trabaho ng kanyang tiya. Isang manager ng isang BPO company. Kaya kung susumahin hindi talaga nakaranas ng kahirapan ang bakletang 'yon.
"Bakit ang tagal mong babae ka, ha? Kanina pa ako naghihintay dito! Sabi ko naman sa iyo dadaanan na kita sa bahay ninyo. Para naman makasabay ka na sa akin. Hindi 'yang nagtitiis ka sa paghahanap ng jeep at makatipid ka pa sa pamasahe," maarte nitong sabi sa akin.
"Pasensiya ka na bhe. Tinanghali ako ng gising. Hindi kasi tumutunog ang alarm ko," paliwanag ko sa kanya.
“Sige na, huwag ka ng magpaliwanag pa. Mabuti pa tumabi ka na riyan. Dito tayo maghihintay.”
"Bakit ba ano'ng mayroon? Tila yata hindi ka mapakali riyan?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi hindi siya mapakali. Kanina pa naka taas ang leeg. Maging ang ibang kababaihan dito sa school campus namin ay aligaga rin.
"Ay, nakalimutan mo na bhe. Ngayon ang araw na pupunta si Mayor Arguelas sa school natin," kinilig nitong saad. Napataas ang aking kilay sa narinig.
"And so? E—no naman ngayon? Wala akong paki kung pupunta siya?" Nakanguso kong tugon. Muli kasing bumabalik sa aking isipan ang unang tagpo namin.
"Ano’ ng and so, ka r'yan? Hindi ka ba excited na makikita ang fafa Mayor Vincent Arguelas, ha!" wika nito na hindi pa rin tumitingin sa akin kundi sa daan.
"E—ano naman ngayon? Wala akong paki!” Nakahalukipkip kong tugon. Pinasadahan ko ng tingin ang iba kong mga kaklase. May nagdadala pa talaga ng banner. At tila kilig na kilig. Tsk . . .OA naman kasi ang mga reaction nila para si Mayor Arguelas lang. Akala mo naman kung sino 'ng member ng BTS ang dumating.
“Naku! Ikaw na babae ka sasabunutan na talaga kita. Ikaw lang yata ang walang ka excite - excitement sa katawan.Huwag ka ngang KJ,” maktol nitong sabi.
“Hindi ako killjoy, noh! Nagsasabi lamang ako ng totoo. Kung si Jungkook at Jimin ang nandito. Aba! Kahit magpagulong-gulong at maglulupasay pa ako sa tuwa. Hindi sa ganyang tao!" Nakangisi kong tugon kay Ella.
Ngunit hindi na nito pinakinggan ang aking mga sinasabi dahil nagulat na lang ako nang biglang nagsisitilian ang mga kababaihan at sangkabaklaan. Ako lang yata ang hindi tumitili.
"Ah! Ah! Mayor ang g'wapo mo! Akin ka na lang Mayor!" tili ng karamihang mga kababaihan. Napatirik ako sa aking mata dahil sa kanilang inaasta. Pati na ang malandi kong bestfriend hindi rin napigil ang pagtitili. Hindi pa nga si Mayor ang dumating kung makasigaw sila wagas.
"Ah!! Ang g'wapo bhe! Fafa Vincent ang g'wapo mo!" sigaw ni Ella at halos mapunit na ang aking suot na blusa dahil sa mahigpit nitong hinawakan at niyuyog ako ng malakas. Akala yata nito na kahoy ako. Pati ang mga babae na kanina pa tumitili ay halos mangisay na sobrang kilig nang may puting van na dumating.
Nang nagtaas ako ng tingin saka pa lamang nakabukas ang pintuan ng van at iniluwa ang tatlong body guards. Kasunod ang pagbaba ng isang lalaki bagong gupit at napaka-fresh nitong tingnan.Bagay sa kanya ang suot na Polo na kulay navy blue. Tila nag-slow motion lahat ng mga tao sa paligid nang tuluyang nakalabas si Mayor Vincent Arguelas. Tuwid itong nakatayo. Nasa loob ng kanyang bulsa ang isang kamay nito. At ang isang kamay ginagamit nitong kumakaway sa aming mga estudayanti. All smile pa ang loko dahilan na lumabas ang pantay at mapuputi nitong ngipin.
Kahit maingay ang buong paligid ngunit rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kabog sa aking dibdib. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.
Lalo na nang nagtama ang aming paningin. Napalunok ako ng ilang beses. Mataman niya akong tinitigan hanggang nilampasan nila ang kinaroroonan namin ni Ella.
Tila babawiin ko na yata ang sinabi ko kanina na ang member lang ng BTS ang makapagpapakilig sa akin. Dahil isa na yata ako sa fan ng macho, gwapito Mayor na 'to.
Pero s' yempre hindi ko pinapahalata na isa rin ako sa kinikilig baka mapuno lang ako ng pang-aasar ng bruhilda kong best friend.
Napatakip ako sa aking mga tainga. Naririndi ako sa lakas ng mga tili ng mga babaeng ito.
"Hoy, Gabriel. Tumigil ka nga sa kakasigaw mo riyan!" saway ko sa kanya. Dahil kahit nakalampas na sa amin si Mayor. Wala pa rin tigil sa pagtitili ang iilang mga estudayanti.
"Eto naman kung maka, Gabriel sa akin. Parang 'di mo naman ako best friend. Ang totoo kaibigan ba talaga kita o hindi? I' m Ella you know," wika nito sabay flip sa kanyang imaginary hair. At basta na lamang ako tinalikuran.
"Hoy, sorry na bhe. Ella, hintayin mo naman ako! Saan ka ba kapupunta?" sigaw na habol hininga kong saad. Ang bakla bigla na lang nag-walk out. Tumigil naman ito sa paglalakad.
"Sorry na kasi, Bhe. Binibiro lang naman kita, eh." paglalambing ko sa kanya.
“Tse! Binibiro. Alam mo naman sensitive ako sa pangalan ko," maktol nitong sabi.
"Sorry, na please, please," pagmamakaawa ko sa kanya. Sinabayan ko pa nang pag-puppy eyes para mas effective. Alam ko naman na hindi ako matitiis nito.
"Sige na, pasalamat ka love kita. Kung hindi matagal na kitang jinumbag," Imbes na matakot na patawa na lamang ako sa kanyang mukha.
"Halika na nga, Bhe.Baka wala na tayong mauupuan doon," habang nagmamadaling naglalakad. Habang hila-hila nito ang aking kamay.
“T-teka, saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ba dapat sa classroom na tayo? Ano ’ng oras na? May klase pa tayo sa ating first subject!"
“Ano ka ba, wala tayong klase dahil nasa Stadium ang lahat ng ating professor. Kaya halika na pupuntahan natin ang yummy, fafa Mayor Vincent Arguelas ko!" tugon nito sa akin at nauna ng naglakad.
"Eh, hindi naman yummy 'yon! Mas lalong 'di naman g'wapo. Mas gwapo pa nga ang Jungkook at Jimin ko kaysa mayor na 'yan! Nagsasayang lamang tayo ng oras sa kanya,” tugon ko kay Ella. Not knowing na napalakas pala ang aking tinig.
Natutop ko ang aking bibig nang na realize ko ang aking mga tinuran. Mali yata ang sinasabi ko dahil biglang natahimik ang kanina pa nagtitilihang studyanti habang ang mga mata ay galit na nakatuon sa akin.
"Ops! Sorry," mahina kong usal sabay peace sign sa kanila. Paatras akong naglalakad para umiwas sa kanila. Ngunit may nabunggo ako sa aking likuran.
Kaagad akong napaharap para alamin kung sino ang aking nabunggo. Ngunit nanlaki ang aking mga mata tila napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang matigas at tila galit nitong tinig ng lalaking nakatayo sa aking harapan. Bigla akong nahintatakutan dahil sa nanlilisik nitong mga mata na tila kakainin ako ng buhay.
"What did you say? Sino’ng hindi yummy at g'wapo?" galit nitong tanong sa akin. Kuyom ang mga kamao.
"Ay! kanding nawalang bangs! Bakit kaba nagugulat?" singhal ko sa kanya dahil sa bigla nitong paghablot sa aking braso. Hindi ko napaghandaan ang kanyang ginawa.
"Hi, M—Mayor. N-nandyan ka po pala. G-good morning po," nagkanda utal-utal kong sabi sa kanya. Binigyan ko pa siya ng alanganing ngiti. Ngunit hindi man lang ito umiimik na natiling nakatitig ito sa mukha ko. Kaya kaagad akong inataki ng nerbiyos. Hindi yata ito mahilig sa biruan. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi dahil sa klase ng titig niya sa akin.
"Patay ako nito," mahina kong saad habang diniinan ko ang pagkagat sa aking pang- ibabang labi.
"Patay ka talaga sa akin," nakangising saad nito.
Kinakabahan tuloy ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang aking baba upang magpantay ang aming mukha. Kitang- kita ko ang kanyang pantay at mapuputing mga ngipin na sa malayo ko lamang nakita kanina. Mas lalo pa lang gumu-guwapo ang masungit na 'to kapag nasa malapitan.
Pero kaagad akong natataranta. Nanlaki ang aking mata nang dahan-dahan nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin. Ngunit napapikit ako dahil nalamyos ko ang kanyang mababangong hininga.
"OMG, hahalikan ba niya ako?" malanding ani ng aking isipan habang hinihintay na lumapat ang kanyang labi sa akin. Ngunit
napatigil ako sa aking pantasya nang biglang may humila sa akin. Pagmulat ko sa aking mga mata, tumambad sa akin ang mukha ng best friend ko.
"Pasensya ka na po, Mayor. Nakulangan kasi sa tulog itong kaibigan ko. At may pagka lukarit kasi ito minsan," hinging paumanhin nito sabay kurot sa aking tagiliran.
"Aray, ano ka naman Gabriel. Bakit ka nangungurot?" maktol kong tanong.
"Its okay, next time. Pakisabihan naman ang best friend mo na magdahan-dahan ka sa pananalita against me," tugon nito. At tinitigan pa ako ng matagal bago tuluyan kaming tinalikuran.
"Tsk . . .g'wapo sana kaso sobrang sungit!" inis kong saad. Pero s'yempre sinarili ko lamang iyon baka tuluyan na akong malagot sa kanya.