CHAPTER 12

1031 Words
JUSTINE POV Ayos na ayos lang naman sa akin na mag abot ng pera sa kuya kong ito. Lalo na't masipag din naman siyang lalaki at maasahan sa bahay. Subalit mayroon lang din talaga akong isang kondisyon sa kanya bago ako pumayag sa gusto niyang mangyari. "Okay, sa isang kondisyon? Wag mo na sana akong pigilan sa gusto kong mangyari? Kasi alam mo kuya, ito na lamang ang magpapasaya sa akin. Kaya sana naman ay wag mo na akong pigilan na makamit ang hustisya na hinahangad ko para sa mama natin." "Alam mo Justine, kahit naman anong gawin ko, kung talagang determinado ka nang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay mama? Basta kung di na kita kayang pigilan, ipangako mo lang din sa akin na mag iingat ka. At once na talagang nalalagay ka na sa panganib, sorry kasi wala na talaga akong ibang choice kung di ang ipagtanggol ka. Wala na ang parents nating dalawa, tayong dalawa na lang ang magkasama ngayon." "Pangako ko talaga sayo kuha, magiging maayos din ang lahat." "At isa pa pala, kapag naka pasok na ako sa trabaho, tutulungan kita sa pag babayad ng tuition fee mo. Gusto ko pa rin na mag tapos ka sa pag aaral. Mahirap ang buhay ngayon, Justine! Mahirap kapag hindi ka nakapagtapos ng pag aaral kasi maraming tao ang manlalait sayo, mamaliitin ka, kaya kailangan igapang natin ang pag aaral mo. Ako kasi hindi ko na nakikita ang sarili kong mag aaral ulit. Kahit na ikaw na lang, masaya na ako." Sa sinabi ni kuya, ginawa ko nang 22 thousand ang perang binigay mo sa kanya. Nagpa order din kaming dalawa ng pagkain, nag paturo pa ako sa kanya ng pagiging maangas para naman magiging lalaki talaga ang datingan ko lalo na kapag nandoon na ako sa campus. (Monday morning) Ngayong araw ang pinaka hinihintay ko, ang first day ko sa pag aaral sa AIM university. At kasabay ko pang papasok si kuya na isang guard na sa malapit na factory dito. Lalaking lalaki ang pormahan ko ngayong araw. Mula sapatos, pantalon, hanggang sa uniform. Pati na rin sa pananalita ko at sa gupit ng buhok ko, talagang pinag handaan ko talaga ang araw na ito. Kaya sure ako na walang kahit na isang tao sa classroom ang makaka halata sa pormahan kong ito. Sorry na lang sila kasi masyado kong ginalingan sa pag di disguise ko! "Naks, talagang ready ka na ha?" sabi ni kuya na kakalabas lang sa cr upang mag bihis. "Syempre naman pare ako pa ba?" nakangiting sagot ko sa kanya habang naka tingin ako sa salamin, poging pogi talaga ako sa sarili ko ngayon. Kahit na saang anggulo pa tingnan, talagang wala nang bakas na isa akong babae. "Wow! Mas lalaki na ang boses mo sa akin. Buti na lang talaga at magaling ka sa ganyan, basta kailangan lang na i maintain mo yan hanggang nasa school ka," sabi niya habang nag lalakad sa papunta sa tabi ko. Ipinaubaya ko naman sa kanya ang pananalamin kasi kanina pa ako naka babad dito. "Alam ko naman, pero tatahimik lang din ako hangga't maaari. Iiwasan ko talagang makipag kaibigan sa ibang mga lalaki sa loob. Introvert naman talaga ako simula pa lang. Kaya sanay akong mag isa. Baka nga madalas akong nasa library para pampapatay sa oras eh." "Basta ingat lang ulit ha? Alam kong ilang beses ko na itong sinabi sayo pero pramis, sasaluhin talaga kita kung saka sakaling malagay ka na sa bingit ng kapahamakan," nag aalalang sabi pa ng kuya ko. Ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya. Sabay na kaming umalis at nag hiwalay lang kami nang nasa tapat na siya ng factory na kanyang pagta trabahuhan. Ako naman, dumeretso ako ng lakad hanggang sa maka sakay ako sa jeep papunta sa school. At dahil sa 7 am pa lang ng umaga, talaga namang grabe na ang traffic sa lugar na ito. Tapos ang dami pang mga pasahero ang stranded. Hays, wala na talagang pag babago ang sitwasyon na ito. Bagkus ay palala lang ng palala ang nangyayari. Inabot ako ng mahigit isang oras dahil lang sa traffic. Nakaka inis pero wala naman akong magagawa. Mabuti na lang at 8:30 ang una kong klase ngayong araw. Ayaw ko talagang ma late kasi baka mapahiya ako sa professor namin. Pag pasok ko naman sa loob ng campus namin, sobrang dami na ng mga students sa loob. Lahat sila ay nagku kumpol kumpulan. May mga Engineering, may mga computer science, at Information Technology students, at mga criminology. Bukod pa ang ibang mga course. Mayroong tatlong buildings dito sa loob pero yung building kung saan ako magka klase ay sa Building A. Magulo pero masasabi ko naman na masaya ang first day of school ko. Pumila na ako sa mga hanay ng criminology students at sinimulan kaagad ang aming flag ceremony. May 15 minutes pa naman para gawin ito. Ayos na sana ang lahat hanggang sa magulat ako ng makita ko ang isang lalaki na unti unting nagpa wala ng ngiti sa aking mga labi. Ang lalaki na pilit ko nang kinaka limutan. Ang ang mas nakaka loka pa, tumayo pa siya sa harapan ng row kung saan ako naka pila at siya pa ang nag angat ng flag. Grabe naman ito, bakit sa lahat ng mga lugar ay dito pa kami magkikita ni Andrew? Ang plano ko, sa isang iglap lang ay pwedeng masira ng isang lalaki na naka one night stand ko. Parehas pa kaming dalawa ng suot na uniform which only means na isa rin siyang criminology student. Alam kong magka edad lang kaming dalawa pero wala talaga sa hitsura niya ang pagiging isang students. Nang matapos na kaming kumanta ng pambansang awit at nang hymn ng aming school, kinusot ko ulit ang mga mata ko sapagkat baka nililinlang lang ako ng aking paningin. Subalit, kahit ilang beses kong ikusot ang mga mata ko, talagang si Andrew ang nakikita ko sa aking harapan. "Attention everyone," ang sabi niya gamit ang mega phone, "please proceed to your designated rooms. Nobody is allowed to enter late in the classrooms. Is that clear?" "Sir yes sir," ang sigaw namin habang naka saludo kami sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD