JUSTINE POV
Parang aabutin pa nga yata ng isa o higit pang linggo bago ako gumaling.
Inabot naman ako ng mahigit isang oras sa pag e enroll bago ako tuluyang maka pasok.
Grabe, sobrang sarap ng pakiramdam ko na finally ay enrolled na ako sa University na ito.
As I was walking on the mall, inabutan naman ako ng gutom so I decided to treat myself.
Naka shades pa nga ako habang nag oorder at naka suot din ako ng cup. Ganito naman talaga ako simula nang lumuwas ako ng Manila.
Ayaw ko talaga na kahit may isang taong makaka pansin na babae ako. After having delicious meal for today, I decided na umuwi ako. Sayang gusto ko pa naman sanang bumili ng mga pambabaeng damit kaya lang ay masisira ang pag di disguise ko nito.
Sa sobrang gala ko at pati na rin ang traffic, talaga namang 6 pm na rin ako nakarating sa inuupahan kong condo unit. 6k lang ang binabayaran ko rito monthly. Included na ang kuryente ko at tubig. Para sa akin, sulit na sulit na talaga ito kasi malaki ang matitipid ko.
Nang ipapasok ko pa lang ang susi sa door knob, nagulat naman ako ng bukas ito.
Hala, baka nanakawan ako kaya nilabas ko kaagad ang pepper spray ko. Kung sino man itong hayop na mag nanakaw na pumasok sa condo unit ko, sobrang malas niya lang talaga sapagkat ako pa ang kinalaban niya!
Nang maka pasok naman ako sa loob, nagulat ako ng naka bukas ang tv at biglang nag bukas ang pintuan sa cr. Si kuya Tristan ang bumungad sa akin at naka tapis lamang siya ng twalya!
"Oh bakit nandito ka kuya? Akala ko ba ay hindi mo balak lumuwas ng Manila ha?" tanong ko sa kanya nang alisin ko ang shades ko.
Isa kasi siyang guard sa isang factory at ngayon ay nandito na siya na biglang sumulpot na parang isang kabote!
Tiningnan niya naman ako ng seryoso, "Wow! Ayos ang porma mo ha? Talagang lalaking lalaki ang datingan mo, Justine! Nag resign ako sa work ko, para lang sa kaalaman mo. And I decided na dito na ako sa Manila mag ta trabaho kasi gusto talaga kitang bantayan."
Inirapan ko siya, "Hay nako kuya! Masyado na akong malaki at mayroon na akong sariling pag iisip. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Di ba nga sabi ko naman sayo na-"
"Justine, ano ka ba? Di mo ba naisip na sobrang delikado ng ginagawa mo ngayon? Sinabi ko sayo, tanggapin na lang natin ang katotohanan na wala na si mama. Na hindi na natin mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya kasi mahirap lang tayo. Ipag pasa Diyos na lang natin ang nangyari. Kasi kahit ako naman, nahihirapan din sa ganitong sitwasyon pero ano ba ang magagawa natin kung ibinaon na nila sa limot ang kaso ni mama ha?"
Matagal na kaming nag tatalong dalawa ni kuya tungkol rito. Sa katunayan nga, noong una ay siya naman ang talagang gusto kong pumasok sa school at kumalap ng mga ebidensyang pwede naming magamit upang buhayin ang kaso ni mama. Kaya lang, kahit na anong klaseng pangungumbinsi pa ang gawin ko ay ayaw niya talaga at wala na rin siyang ipag patuloy pa ang kanyang pag aaral. Dalawang taon lang ang pagitan naming magka patid.
Mataas man ang respeto ko sa kuya ko, pero kailangan ko talagang makamit ang hustisya para sa nanay kong pinatay ng wala man lang kalaban laban.
"Kuya, mahal kita at ikaw na lamang ang nag iisang pamilya ko. Naiintindihan naman kita na gusto mo lang akong proteksyunan, kaya lang ay buo na talaga ang desisyon ko. Kahit na delikado itong gagawin ko ay itataya ko na talaga ang sarili kong buhay mabigyan ko lamang ng hustisya ang pag kawala ni mama.
Sa katunayan nga ay nakapag enroll ako sa sa AIM university at sa Monday na kaagad ang start ng klase namin. So please, wag ka nang matakot sa akin kasi nasisiguro ko naman sayo na magiging maayos din naman ako."
"Ano? Teka lang... ang mahal ng tuition fee jan di ba? At saan ka naman kumuha ng perang pinambayad mo sa pag enroll?" pag tatakang sabi niya pa sa akin.
Nako po, never akong naging handa sa ganito. Hindi ko din talaga ine expect na luluwas itong kuya kong guard. Bahala na, basta kailangan ko lang na mag sinungaling sa kanya.
"Yung sa savings ni mama bago siya mamatay, nakuha ko yun nang nag punta ako sa bangko niya at malaki ang perang nakuha ko. Pero madiskarte naman akong babae at gagawan ko na lang din ng paraan para masustentohan ko ang sarili ko. Wala naman akong plano na makapag tapos ng pag aaral eh. Ang sa akin lang naman, mabigyan lang ng hustisya ang pagka matay ni mama ay ayos na sa akin."
"Ano may savings siya pero di niya sinabi sa atin? Nag sasabi ka ba ng totoo sa akin Justine?"
Punong puno ng pag dududa ang tono ng boses ni kuya. Pero nandito na rin ako at alam ko naman kung ano ang magpapatikom sa kanyang bibig.
"Oo kuya, nasa 60 thousand ang perang iniwan ni mama. Nalaman ko na lang din yun noong nakaraan na nagkalkal ako ng mga gamit niya. Anyway, pwede naman kitang bigyan ng 10 thousand na pwede mong gamitin sa pag aapply mo ng trabaho," paninindigan ko sa pag sisinungaling ko sa kanya.
Napa ngiti naman siya ng marinig ang sinabi ko. Mabilis talaga itong si kuya lalo na kapag usapang pera na.
Kahit naman ako, mukhang pera din naman. At lahat naman siguro ng mga kakilala ko ay gusto rin ng pera.
"Sige na nga! Pero syempre, kung nasa 60 thousand ang perang iniwan niya, aba dapat lang na mag hating kapatid tayo jan. Pero ayos na ako sa 20 thousand since nag aaral ka naman. Bukod kasi sa pang apply ko sa trabaho ko, balak ko rin sanang bumili ng bike para maka tipid ako ng pamasahe," sabi pa ng kuya kong parang naging maamong tupa.