JUSTINE POV
Sa lahat ng mga students, kami ang huling pumasok sa aming building. At si Andrew naman, naka tingin sa bawat students na pumapasok sa building. Halos nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Kapag namukhaan niya ako, tiyak akong ibubuking niya ako sa lahat at wala nang hustisya para sa nanay ko.
Teka lang, paano na ako nito? Alam ko na, mabuti na lamang ay mayroon akong dalang face mask na tinakip ko sa aking mukha upang di niya ako makilala.
Ngayon, tingnan natin kung gaano katalas ang mga mata ng lalaking ito kapag naka face mask na ako? Ilang sandali pa ang lumipas, ako na ang sumaludo sa kanya. Dedma lang siya sa akin ng may seryosong tingin. Nang makalampas ako sa harapan niya, grabe ang sayang nararamdaman ko.
Buti na lang at mukhang hindi niya ako nakilala nang lumampas na ako sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng classroom, iniikot ko ang mga mata ko at parang ako yata ang pinaka pogi dito sa loob. Di ako sa nagyayabang pero nag sasabi lang ako ng totoo. Bagamat sobrang lalaki ang pormahan ko, straight girl pa rin naman ako at gusto ko pa rin namang mag asawa. At least sa ngayon, di na ako mai inlove sa kahit na sinong kaklase ko. Madali rin kasi akong bumigay kapag pogi na ang kaharap ko.
Lumipas ang ilan pang mga minuto, nabalot na ang katahimikan ang buong silid namin ng dumating ang isang matandang lalaki na naka suot ng salamin. At naka suot siya ng damit pang teacher so I assume na siya ang magiging professor namin ngayon. Kaya lang, iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Mukha naman siyang mabait pero bakit ganun? Talagang iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Sa mga mata niya, para bang mayroong nagkukubling isang pagkataong gusto kong tuklasin.
At nang ngumiti siya sa amin, nilabas niya ang kanyang dalawang malalim na dimples. Nang tingnan ko pa nga siya ng maigi ay napag tanto ko na hawig niya si Andrew. Nako po, it makes sense to me now. Siguro ay anak niya ito kaya siya ang nag lead sa amin kanina.
Kinakabahan ako, di lang pala si Andrew ang kailangan kong iwasan, pati na rin ang tatay niya.
"Good morning everyone. Ako pala ang inyong magiging professor sa subject na ito. Ang pangalan ko ay Ricardo Bautista pero just call me Cardo, alam ninyo naman siguro na ako ang pulis na di mamatay matay di ba?"
Natawa ang buong klase sa sinabi niyang ito, maging ako. Kasi para siyang isang clown, kulang na nga lang ay mag costume siya. Marami pa siyang mga sinabing jokes sa klase namin na talagang humahagalpak ang tawa naming lahat. However, kahit na isa siyang certified joker, di ko pa rin talaga maiwasan na mag duda sa pagkatao ng isang ito.
"Anyway guys, gusto ko sanang ipakilala niyo na ang sarili ninyo sa akin. I will really appreciate it kung magsasabi pa kayo ng something about yourself at kung bakit ninyo pinili ang kursong ito," sabi niya pa.
Ayos na ayos lang naman sa akin na ipakilala ko ang aking sarili. Sa katunayan nga ay pinraktis ko rin ang isang ito kaya naman alam ko sa sarili kong hinding hindi ako papalpak.
Isa isa nang nagpakilala ang mga kaklase ko hanggang sa turn ko na.
"Magandang araw po sa inyong lahat. ako po si Justine Galvez. I am 19 years old at kaya ko pinili ang criminology bilang course ko ay dahil gusto kong sumunod sa yapak ng lolo ko. Maraming salamat po." sambit ko sa harapan ng mga kaklase ko, pati sa harapan ni Mr. Ricardo na nakatingin sa akin ng seryoso.
Parang hinuhusgahan na niya ako ngayong araw. Pero not unless makita niya ang private parts ko, di niya masasabi kung isa ba akong babae. Lahat ng anggulo ko ay tiningnan ko na. Kaya kahit mag hapon niya pa akong titigan, wala siyang mapapala sa akin sapagkat pinag handaan ko ito.
Nang mapalihis ang tingin ko sa mga kaklase ko, wala naman kahit na isa sa kanila ang tumititig sa akin kagaya ng pag titig ng professor naming ito.
"Okay you may sit down, Mr. Justine Galvez," pag uutos niya pa sa akin.
Itinago ko lamang ang kabang nararamdaman ko at nag proceed na ang iba ko pang mga kaklase sa kanilang pag papakilala. Nang matapos ang aming klase, nagtungo ako kaagad sa library upang magpa patay oras. 10 am pa ang next subject ko kaya naman dito muna ako tatambay. Nag suot na lamang ako ng face mask para di ako masyadong halata.
Habang namimili ako ng libro, pumukaw sa akin yung isang lumang magazine na nakalagay sa mga hilera ng libro. Pag bukas ko pa lang nito, bumungad kaagad sa akin ang ilang mga trends noong 2007, ang taon kung saan nasawi ang mama ko sa school na ito. Masyado pa akong bata noon pero sariwang sariwa pa rin sa akin ang mga alaala ng mama ko.
So kihuna ko ang magazine na ito at tsaka ako naupo sa pinaka dulong upuan, mag isa at tahimik na nag babasa. Ang dami rin pa lang naganap noong panahon ng 2007 dito sa Pilipinas. Pero di ko na yun babalikan, sure naman ako na mayroon din ditong mga articles about sa school na ito. Anything na pwede kong malaman sa school ay makakatulong talaga sa akin.
"Hi Justine!" ang sabi ng lalaking umupo sa tabi ko.
Mabilis ko namang sinara ang magazine na binabasa ko at lumingon ako sa lalaking ito. Kilala niya ako pero aminado akong di ko siya matandaan.
"Teka lang? Sino ka po?" magalang na tanong ko sa kanya habang naka kunot ang noo ko.
Napa kamot siya sa ulo, "Ikaw naman, magkaklase tayo kanina sa klase ni sir Cardo? Ikaw naman, ang bilis mong makalimot."
Now that he mentioned it, naalala ko nga siyang bigla, "Ah, ikaw pala si James, tama ba ako/"
"Mismo!" naka ngiting sabi niya pa sa akin. "Anyway, sorry ha, sa unang tingin ko kasi sayo kanina ay babae ka, Justine!"