JUSTIN POV
"Ha? Ano bang pinag sasabi mo jan? Siyempre lalaki ako no? Gusto mo bang sapakin ko pa ang mukha mo?" pag babanta ko pa sa kanya, nilaliman ko pa nga ang boses para masindak siya sa akin.
"Ay sorry na..." biglaan niyang pag bawi, nakita ko ang takot sa kanyang mukha, "Nagjo joke lang naman ako eh. Siya nga pala, lumapit ako sayo kasi gusto kong makipag kaibigan. Trust me, di ko na 'to uulitin pa."
Mabuti naman at nasindak siya sa akin. Mas matangkad siya at mas malaki ang katawan niya kumpara sa akin pero the fact na kaya ko siyang sindakin, ibig sabihin ay talagang effective ang pag papanggap kong ito.
"Sige! Basta wag mo rin akong sasabihan na bakla ha? Kasi yung huling nagsabi sa akin nun ay binugbog ko talaga, nagkakaintindihan ba tayo pare?"
"Sorry na, pramis ko sayo na hindi na ito mauulit, Justine! Siya nga pala, bakit ka nag babasa ng magazine? Marami namang mga libro about sa criminology ha? Bakit hindi na lang yun ang basahin mo?" tanong niya.
"Wala tayong basagan ng trip. At tsaka, di naman talaga ako mahilig mag basa ng libro, ayaw ko lang tumambay sa labas kasi mainit. Gusto ko dito sa loob ng library kasi malamig," pag sisinungaling ko sa kanya. "Kaya kung ako sayo, kumuha ka na lang din ng libro at kunwari mag basa ka. Baka mapagalitan ka pa ng librarian dito eh." sabi ko pa.
Naiinis ako pero tinatago ko lang ito sa ngiti. Ayaw ko lang din talagang makipag kaibigan sa kahit na sinong nakaka salamuha ko. Lalo na sa isang kagaya niya. Kaya lang, parang ang bastos naman kung itataboy ko siya gayong parang okay lang naman siyang maging isang kaibigan.
"Ganun? Ako rin naman, hindi mahilig mag basa ng libro. Talagang sinundan lang kita dito kasi gusto kong makipag kaibigan sayo eh. Sa lahat kasi ng kaklase natin, ikaw yung napili ko."
"Wow! Bakit, baka naman crush mo ako ha?" tanong na pag bibiro ko pa sa kanya.
"Ha hindi no? Lalaki din ako, Justin! Straight ako para sabihin ko sayo," sagod niya namang masyadong defensive, Natawa na lamang ako sa kanya.
Habang mahina naman kaming nag uusap dalawa, bigla ko na lamang nakita sa gilid ng mga mata ko si Andrew na pumasok sa loob ng library. Na magnet bigla ang mga mata ko sa kanya, halos hindi ako makapaniwala na pati ba naman dito sa library ay magkikita kaming dalawa. Kahit sa malayuan, nangingibabaw pa rin ang ka gwapuhan niya sa akin.
Ang sarap niyang titigan, sobrang perfect niya talaga. Pati nga p********e ko ay kinilig sa kanya ng todo todo. Sino bang makakalimot kapag isang kagaya na niya ang naka talik? Hanggang ngayon ay detalyadong detalyado pa rin ang alaala ko sa nangyari sa aming dalawa. Kung paano niya ako yakapin, halikan, at kung paano niya romansahin ang katawan ko at kung paano niya sipsipin ang n*****s ko. What more pa sa nakaka baliw na sarap nang kainin niya ang sariwang p********e ko ng higit sa sampong minuto? Sobrang lakas ng dating niya sa akin ngayon.
Kaya lang, di niya talaga ako pwedeng mamukhaan kaya naman kailangan ko lang din talagang mag mask kapag nasa loob ako ng campus. It was really a good riddance na hindi ko siya naging kaklase at sana ay wag naman itong mangyari.
"Bakit parang titig na titig ka kay Andrew? Fourth years student siya dito sa school natin at siya ang ating president. Gwapo talaga siyang lalaki at may nababalitaan nga akong maraming mga lalaking discreet dito ang nagkaka gusto sa kanya eh," sambit ni James, dahilan para muli akong lumingon sa kanya.
"Ahhh... wa... wala ah... akala ko kasi ay professor siya rito... siya nga pala bakit kilala mo siya?"
"Eh kasi fourth year na rin ako at kaklase ko siya sa isang subject. Kung di mo pala naitatanong, tatlong beses ko nang kinukuha ang subject na ito at di ako maka graduate kasi di ko ito maipasa. Siya nga pala, respetadong tao si Andrew dito kaya kapag nakita mo siya sa labas, sumaludo ka sa kanya ha? Tapos i greet mo na rin siya kasi anak siya ni Sir Ricardo. Siguro naman napansin mo rin na hawig sila di ba?"
Nako yari na, nandito si Andrew sa loob ng library kaya kailangan ko kaagad umalis. Sa sobrang taranta ko nga ay di ko na nagawang sagutin pa si James. Binalik ko ang magazine sa pinagkuhaan ko at agad akong umalis habang si Andrew ay busy na nakikipag usap sa librarian.
Wow, at his early age, sino ba ang mag aakala na isa na siyang fourth year college? Sabagay, tri sem kasi dito sa school kaya mabilis lang maka graduate.
Nang pababa naman ako ng hagdan, sumunod naman sa akin si James. Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa galit sa kanya pero wala akong mapapala kung paiiralin ko ang galit ko kaya kahit na labag sa loob ko ang alok niyang pakikipag kaiban sa akin, tiniis ko na lang!
"Saglit lang pare, bakit bigla ka na lang umalis sa library? Natatakot kaba sa president natin? Mabait naman si sir Andrew kagaya ni sir Ricardo eh," sabi niya pa tapos nilagay niya pa ang kamay ko sa balikat na para bang mag bestfriend na kami. Babae pa rin ako at feeling ko ay na harrass na ako.
Nang tingnan ko siya ng masama, inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. Ayaw ko siyang takutin kaya naman napangiti ako sa kanya, "Sorry, nagutom lang din kasi ako kaya gusto ko munang kumain sa canteen. Gusto mo bang sumama kahit na hindi kita ililibre?"
"Sige ayos lang naman sa akin. Sa katunayan nga, pwedeng ako na lang ang manlibre sayo. Kaya lang, wag ka na sanang aalis ng biglaan ha? Ang pangit lang kasi ng ganun eh."
"Sorry na! Medyo maypagka weird lang din kasi ako minsan pero di na rin ito mauulit, pramis!" sabi ko pa habang pilit na naka ngiti sa kanya.