CHAPTER 15

1025 Words
JUSTINE POV Nag punta kaming dalawa sa canteen at parehas kaming kumain ng spaghetti. Di ko gusto ang lasa nito kasi di naman siya sweet. Pero mura lang naman din at pang masa ang presyo kaya pampatawid na rin ito ng gutom. Sa tatlong klase na pinasukan ko, I am so glad na hindi ko na nakita pa si Andrew. Grabe ang saya saya ko, sana ay mag patuloy lamang na ganito ang sitwasyon kasi di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling magkita kaming dalawa. Sure akong nag uumapaw ang galit niya sa akin sa laki ng perang kinuha ko sa kanyang wallet habang natutulog siya. Pero kailangan kong mag isip kung ano ang gagawin ko kung saka sakaling magkita kaming dalawa. Hindi ko naman siya pwedeng gawing isang tanga at sabihin ko sa kanya na di ako ang kumuha ng pera niya kung masyado naman itong obvious. Ang tanging pwedeng sabihin ko lang naman sa kanya ay, ganun kamahal ang singil ko kasi kinuha niya ang virginity ko! Taman, dapat ganun na lamang ang maging litanya ko kay Andrew. Subalit kapag tinakot niya ako na isusumbong niya ako sa school, sisiraan ko rin siya at sasabihin ko na pinag samantalahan niya ako! Habang nasa labas naman ako at dumadaan sa parking lot, bigla na lamang akong napahinto ng maramdaman kong may sumusunod sa akin. Paglingon ko ay nagulat na lamang ako ng makita ko si Andrew. Naka suot pa rin siya ng uniform at seryoso ang tingin niya sa akin. Wala man kami sa loob ng campus pero kailangan kong mag bigay galang sa kanya, sumaludo ako at binati ko siya. Nilaliman ko ang boses ko upang itago pagkatao ko sa kanya. Naka face mask pa rin naman ako at mata langang nakikita niya sa akin. Pagkatapos ko siyang batiin, nagulat na lamang ako ng bigla siyang mapatawa at ipinalupot niya pa ang kanyang kamay sa kanyang malalaking braso. "Nakaka tawa ka for so many reasons! Una, masyado kang halata manamit pang lalaki, sa flag ceremony pa lang, naamoy ko nang nag papanggap ka na kauri kita. Ikalawa, sinubukan mo pang umalis sa library nang makita mo ako at umalis ka habang busy akong nakikipag usap sa iba. At ikatlo, pinipilit mo pang ibahin ang boses mo sa lalaking hanggang ngayon ay naalala pa rin kung paano ka umungol habang nagtatalik tayong dalawa. You can drop the act, Justine! Malaki pa ang kasalanan mo sa akin kaya itigil mo na ito. Di gagana sa akin kahit ano pang palusot mo. Lying about your work tapos mag aaral ka pa rito? I still cannot believe na nagpa uto ako sa isang kagaya mo!" Ang dami niyang sinabi sa akin, di ko na maalala ang lahat. Pero what is the point of hiding kung nalaman na niya ito! Hindi ako papayag na isang kagaya lang ni Andrew ang sisira sa lahat ng mga plano ko! Tumalikod na ako sa kanya at naglakad papalayo. "Wag mong pagurin ang sarili mo Justine! Trust me, whatever you do, hindi mo ako kayang takasan!" muli niya pang sabi. Nag patuloy lamang ako sa paglalakad ko. Patuloy niya akong sinundan pero di ako nag padaig sa kanya, kumaripas ako ng takbo at patuloy pa rin siya sa pag habol niya sa akin hanggang sa ma trap ako sa isang eskinita. Napa tigil ako sapagkat hingal na hingal ako sa ginawa ko. "Ano ha? Tatakasan mo pa rin ba ang lalaking ninakawan mo ng higit 100 thousand pesos? Ang mahal naman pala ng presyo mo? Di ka naman gawa sa ginto! So I am giving you time to explain... yun ay bago kita turuan ng leksyon. Tomboy ka talaga siguro!" This is it, nainsulto na talaga ako sa sinabi niyang ito sa akin. Di ako tomboy, straight akong babae at sa totoo lang ay sukang suka ako sa ginagawa kong ito. Kaya lang ay ginagawa ko ito para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nanay ko. Tinanggal ko ang face mask ko at boses babae na ang gagamitin ko sa kanya, "Ang sakit mo naman mag salita? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin ha?" Umabante siya at habang papalapit siya sa akin ay atras naman ako ng atras. "Hindi mababa ang tingin ko sayo kung di masama! How can you steal money from someone? Siguro ay tinimingan mo talaga akong malasing bago mo ako huthutan?" "Wala na! Nagastos ko na ang perang kinuha ko, di ba nga sarap na sarap ka pa sa nangyari sa ating dalawa? Yun naman talaga ang presyo ko kaya wag ka nang mag reklamo kasi gustong gusto mo rin naman ang one night stand natin. Sabi mo pa nga ay tanda mo pa rin ang ungol ko? Hayaan mo na lang ako, kalimutan na lang natin itong lahat! Tutal mayaman ka naman-" "Shut up! I have heard enough. And now, I already have you on the ropes. But before I report you to the Dean, gusto ko munang malaman kung bakit ang lakas ng loob mo na mag panggap na lalaki at pumasok sa school na ito? Ano to ha? Kasi kanina pa ako napapa isip kaya lang di ko talaga naiintindihan." Huminto siya sa harapan ko and we are only inches away from each other. Nginisian ko siya ng may pag yayabang. "Wala kang mapapala sa akin. At subukan mo lang na isumbong ako sa dean natin, kakalat ang baho mo sa school!" pag babanta ko rin sa kanya. Kung iniisip niya na kaya niya akong takutin, nagkakamali siya! Basta hindi ko rin pwedeng sabihin ang dahilan kung bakit ako pumasok rito. Bukod kay kuya Tristan, walang iba ang pwedeng makaalam nito, lalo na ang anak ng lalaking misteryoso ang ugali. "Wow! You really got some nerve! Ang angas mong mag salita, sige tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo lalo na kapag nalaman ito ng dean! Pero baka mag bago pa ang isip ko kapag binalik mo ang perang kinuha mo sa akin," sabi niya pa. Tumingin ako sa mga mata niya, talagang seryoso siya sa sinabi niyang ito sa akin. Ano na lang ang gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD