KABANATA 9: INGGIT

1050 Words
Pakiramdam ko simula ng araw na yun ay sa akin na lang nakapokus ang mga mata ng mga kasamahan kong nagtatrabaho sa malaking bahay. Ako lang ba ang dalaga dito? Ang alam ko ay dalaga din yung kasa-kasama nung taga-linis. Pero 'di hamak na mas bata sa akin, siguro nga ay hindi nalalayo ang edad nila ni Chad, sila ang mas bagay pero bakit ako pa yata ang ibinubuyo nila sa lalaking yun? Parang kapatid ko na si Chad, hindi ko man alam ang tunay niyang edad, alam kong mas bata siya sa akin at hindi pa ako na-attract sa lalaking mas bata sa akin. Ayoko kaya ng sakit sa ulo! Matapos kumain ay lumabas na ako sa garden, naroon naman si Chad at iniikot-ikot si Lola sa paligid. Humugot muna ako ng sariwang hangin at pinuno ang dibdib ko bago tuluyang lumapit sa kanila. "Thank you," mahinang usal ko. "Oh, ang bilis mo naman kumain." Tila manghang sambit niya. Hindi ako kumibo. "Nami-misinterpret mo ba ang mga sinasabi ko?" Nagulat ako sa tanong niya. "Hah?" "I mean, iba kasi ang nagiging reaksyon mo minsan. Gaya kanina, namutla ka kasi bigla." Ang prangka niya, wala man lang harang kung magsalita. "Alam mo ba kung bakit may ngipin tayo?" Tanong ko. Hinanap ko ang lakas ng loob na palagi ko namang baon. Pilit ko iyong pinangibabaw kahit pa nga nanlalambot ako sa tuwing mapapalapit sa kanya. Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "What?" "Para magsilbing harang sa dila natin." "Uhm-" nagkibit-balikat siya. "I don't understand what you mean." Napailing ako. Mahusay naman siyang magtagalog kaya ini-expect ko marunong din siya umintindi kahit malalalim na salita. "Nothing," tugon ko na lang saka umikot sa harapan ni Lola at naupo sa tapat ng binti niya para simulan ang massage therapy session namin. "You're amazing, I think you can do everything." "Hindi naman lahat." Ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Walang paalam niya kaming iniwan ni Lola, napailing ako ulit. Ugali niya na yata talaga yun. "Ganyan ba talaga ang ugali ng apo mo, Lola? Young blood talaga siya, ano? Sayang, gwapo pa naman sana kaso mukhang hindi kami magkakasundo." Kampanteng saad ko. Magaan ang loob kong kausap si Lola Calixta, kahit walang tugon na salita mula sa kanya, ramdam ko naman sa mga titig niya ang pagkagiliw sa mga kwento ko. "Siguro close na close kayo, mabuti na lang at naisipan niya kayong samahan sa pagpapagaling ninyo. Mas maaliwalas na kasi ang mukha niyo kaysa noong mga nakalipas na buwan. Sigurado akong mas makakatulong pa sa inyo ang presensiya ni Chad dito para mas mabilis kayong maka-recover." Bahagya siyang ngumiti at tumango. Ngumiti na rin ako at ipinagpatuloy ang pagmamasahe sa isa pang binti niya ng makarinig ako ng hagikgikan. Awtomatiko akong napaangat mula sa pagkakaupo, tanaw na tanaw ko ang pagpasok ng dalawang babae sa main gate. Kasama nila si Chad na noo'y tila itino-tour pa sila papasok. Dumeretso din ang mga iyon sa loob ng bahay, ni hindi man lang kami dinaanan ni Lola upang ipagpaalam ang mga bisita niya. Ang bastos! Kung pagbabasehan ang kasuotan ng mga babae, para silang modelo, ang se-sexy at mahahaba ang biyas. Magaganda din pero mukhang liberated. Sino ba ang mga iyon at bakit pinapasok pa ni Chad sa loob ng bahay ni Lola? Napabuntong-hininga ako at napailing. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, ano kayang gagawin nila? Bakit dalawang babae pa, hindi na lang sila magmotel. Pero sino ba ako? Trabahador lang naman ako dito at may karapatan si Chad na gawin ang nais niya dahil bahay nila iyon. Parang nabastusan lang ako para kay Lola Calixta, hindi naman porket baldado na siya, e gagawin na ni Chad ang nais nito. Bigla tuloy nabuhay ang pagdududa ko, mahal nga ba talaga ni Chad ang lola niya o naghihintay na lang ito para makuha ang mana na para sa kanya? Noong uminit ay umakyat na kami ni Lola. Ng matapos ako sa lahat ng dapat gawin ay pumasok na ako sa kwarto ko at nagpahinga muna. Hindi ako mapakali, ang tahimik sa kuwarto ni Chad, nandoon kaya sila? Hindi ko naman magawang magtanong sa mga kasambahay kung nakita ba nila, baka mamaya lalo pang madagdagan ang issue nila tungkol sa akin. Pabiling-biling ako sa higaan, hanggang sa mapunta sa CR ang atensiyon ko, nagkaroon ako ng ideya pero marahas kong ipinilig ang ulo, ano ba itong naiisip ko? Bakit ako naku-curious sa ginagawa nila? Naiinggit lang kaya ako? Sa isiping iyon kusang dumako ang kamay ko sa aking dibdib pababa sa aking puson. Nag-iinit ang buo kong katawan, mariin akong napapikit. Tama, naiinggit lang ako sa naiisip na senaryo sa kabilang kwarto kaya ako nagkakaganito, naroong sana ay ako na lang. Gusto ko ng maranasan ang mahawakan ng isang tunay na lalaki, mahalikan sa labi, at maangkin. Bumalik lang ako sa huwisyo ng makarinig ng kaluskos mula sa CR. May kasama pa iyong kwentuhan at hagikgikan kaya marahan akong tumayo at lumapit sa pintuan. Maingat kong idinikit ang tainga sa pisngi ng pinto at pinakinggang maigi kung ano ang pinag-uusapan sa loob. "Ang husay niya, grabe!" "Kaya nga, e. At ang gwapo pa. Kahit nahirapan tayo sa pinagawa niya, worth it naman dahil medyo malaki ang bayad." "Kakailanganin niya pa kaya tayo ulit?" "I doubt it, siguradong bago na ang hahanapin nun. Alam mo naman ang tulad niya, kailangan palaging bago at hindi paulit-ulit lang sa isang babae." "Kung sabagay, hayaan mo na. Malaking bagay na rin ito para sa whole day na trabaho." "Yeah, right." Napatakip ako sa'king bibig. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, totoo ba? Totoong ganoong klase ng tao si Chad? Bakit kumukuha pa ito ng mga bayaran para lang makapaglabas ng init ng katawan, ayaw ba nito sa isang disente at malinis na babae? Galing nga siya sa America, kahit sino na lang at hindi man lang iniisip ang kaligtasan nila. Parang nawala tuloy ang pagnanais ko na maangkin ni Chad, teka sandali- Si Chad? Kung paano at kailan ko naisip na magpaangkin sa kanya, hindi ko rin alam. Ang alam ko sa sarili ko, hindi ako maa-attract sa tulad niya, lalo pa ngayon at nalaman kong hindi disente ang hanap niya kung hindi ang one-time fu*k buddy lang. Pero bakit iba ang nararamdaman ko sa pagitan ng mga hita ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD