KABANATA 8: EAT!

1131 Words
Masama kong pinukol ng nagtatanong na tingin si Chad. Bakit parang sinadya niya pang lakasan yung boses niya? "Anong pinagsasabi mo?" Mahinang tanong ko sa kanya. "What's your name again?" Halos pabulong din na balik niya sa'kin. Hindi man lang sinagot yung tanong ko. Hah! Ni hindi niya nga kilala ang pangalan ko tapos magagawan pa ako ng issue dahil sa bunganga niyang walang preno! "See, ni hindi mo alam ang pangalan ko." nakangiting tugon ko. Sinadya ko ring lakasan ang tinig ko. Ng silipin ko yung mga tsismosa ay tila manghang-mangha pa sila sa naririnig na usapan namin ni Chad. "Look, Miss.. I just wanna know your name so I can address you better and thank you for taking good care of me last night," mahinahon niyang paliwanag. Parang may bumara sa lalamunan ko sa narinig na tugon mula sa kanya. Kaagad akong nilamon ng guilt. Nag-iwas ako ng tingin at marahang itinulak ang wheelchair ni Lola papunta sa lamesa kung saan nakahanda na ang mga pagkain niya. Wala naman akong narinig na salita pa mula kay Chad pero ramdam ko ang mga titig niya sa likuran ko. Bakit ba kasi ang hilig kong maghinala sa mga tao? Hindi kaya feeling asyumera na ako nito? Hay, nakakahiya… Ipinilig ko ang ulo, hindi ako makakapagpokus sa trabaho kung mahahaluan ng kung anu-anong isipin ang ginagawa ko. Baka mamaya ay magkamali pa ako ng ituturok na pagkain kay lola. "La, kain na po kayo." Nakangiting wika ko. Kimi siyang gumanti ng ngiti sa akin. Pagkatapos no'n ay matiyaga ko na siyang inalalayan sa pagkain, hindi iyon madalian at kailangan talaga ng mahabang pasensiya. Nakasanayan ko naman at na-eenjoy ko na rin. Ng magtaas ako ulit ng tingin ay nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Chad, nasa dulong bahagi siya ng lamesa at kumakain pero tila nasa amin ang atensiyon niya. Kumabog ng malakas at sunod-sunod ang puso ko. Sa unang pagkakataon ay natakot ako sa kakaibang reaksyon ng katawan ko dahil lang sa titig ng isang lalaki. Ni hindi ko nga maintindihan ang ibig sabihin ng mga tingin ni Chad, kung bakit parang ang lamlam ng mga mata niya. "Uhm-" feeling ko nawalan ng lakas ang mga braso ko kaya bago ko pa man mabitiwan ang hawak ko ay hinamig ko na ang sarili. Ano bang trip ng lalaking 'to at ganito makatitig? Saka, bakit ako naaapektuhan? Mga tanong na patuloy lang na naglalaro sa isip ko. Panay ang lunok ko ng sariling laway, ang aga-aga pa para mawala sa huwisyo. Sa unang pagkakataon ay ninais kong matapos na agad ang pagpapakain kay Lola upang makalabas na kami sa hardin at tuluyang makalayo kay Chad. Ni hindi ko na nagawang inumin pa ang kapeng nakahanda sa lamesa para sa akin. Matapos maayos si Lola ay akma na sana kaming lalabas pero biglang humarang si Chad. Nasa likuran siya ng wheelchair ni Lola Calixta at hawak na ang pangtulak. Nasa gilid kasi ako at inaayos ang isang gulong ng wheelchair. Ng umangat ang ulo ko ay sakto iyon sa pagitan ng mga hita ni Chad, sobrang lapit niya sa mukha ko. Nataranta ako, biglang nag-init ang buo kong katawan maging ang mukha ko. Dahil fitted ang suot niyang jogging pants, kitang-kita ko ang umbok ng kanyang pagkala**ki doon.. Muli akong napalunok ng laway, pakiramdam ko nagutom ako bigla at nauhaw. Tumaas pa ang tingin ko sa mukha niya, damn him! Bakit ganoon kalamlam ang mga mata niya? Parang …. parang nang-aakit! "Do you.. wanna eat?" Paos ba talaga ang tinig niya o pati pandinig ko ay naapektuhan na rin ng tumataas na temperatura sa katawan ko? "H-hah? E-eat?" Bulol na tanong ko rin. Ewan ko kung naintindihan iyon ni Chad. Pero wala na akong paki-alam. Intindihin niya kung gusto niya tutal ay kasalanan niya rin naman kung bakit ganito ako ngayon. "Yeah, eat.." muli ay parang mahika iyong nakapapag-pabaliw sa utak ko. Ano bang 'eat' ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Napayuko ako, hindi ko alam ang sasabihin at gagawin, unti-unti na akong nadadala ng emosyon ko. Hindi kaya gusto niyang…. Oh, god! Kusa kong naitakip sa bibig ang kamay ko. Hindi ko pa nagawang kumain ng- "Eat your breakfast first, I can take care of Lola. Mukhang tapos na rin naman siyang kumain. Ni hindi mo kasi binawasan ang kape mo." "H-hah?" Kulang na lang ay malaglag ang panga ko. Baliw ba ang lalaking 'to? Pagkatapos akong akitin ay biglang ganoon ang sasabihin? Mas ikatutuwa ko pa siguro kung tuloy-tuloy niya na akong paiinitin. "A-ano bang.. sinasabi mo?" "Just eat, I will take care of lola hanggang matapos ka, doon lang kami sa garden." Kasabay noon ay lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin. Para siyang adonis na may perpektong mukha. Lihim kong nakagat ang dila ko sa pagpipigil. Mabuti na lang at aware pa rin ako na baka ako lang ang nag-i-imagine sa aming dalawa. Epekto na ba 'to ng pagiging virgin ko sa edad na trenta'y dos? Hanggang sa mawala ang maglola sa harapan ko ay hindi na ako nakaimik. Para akong nahipnotismo sandali at muli ring nakabalik sa reyalidad. Hindi kaagad nagfunction nang maayos ang utak ko. Big deal na ba ang simpleng bagay na tulad ng senaryong iyon sa akin? Gusto ko tuloy sisihin ang mga kaibigan kong madudumi ang utak, pati tuloy ako ay nahahawa na sa kanila. "Haba naman ng hair mo, Lorryn. Imagine, ang lambing ni Sir sayo." Ang taga-luto iyon. Hindi naman kami masyadong close, ang totoo ay ngayon lang ako unang kinausap ng babae. "Lambing? H-hindi no." Naupo na ako at nagsimulang kainin ang toasted bread, hotdog at itlogna nasa plato ko. "Sus, kunwari ka pa. Sabagay, galing sa US yan si Sir Chad, lahat ng matipuhan niyan siguradong titirahin niya. E, sino ba namang tatanggi sa bata at machong tulad niya. Ang yummy! Ngiti pa lang ulam na.." Ng tingnan ko ang babae ay para pa itong nag-iimagine habang nakatingin sa pinaglabasan nina Chad. Mas matanda itong 'di hamak kaysa sa akin, maputi at medyo chubby rin pero may hitsura. Hindi nga lang maitatangging nanay na. Naupo rin siya sa tabi ko at makahulugang tumitig sa akin. "Sabihin mo nga sa'kin, Lorryn. Gaano ba kahaba ang kargada ni Sir? Balita ko tabi lang daw ang kuwarto niyo at iisang CR ang gamit niyong dalawa. Simula ngayon, friends na tayo ha? Kaya kwentuhan mo na ako kung gaano kasarap si Sir, alam mo kasi matagal na akong tigang. Ilang taon na akong biyuda at walang dilig kaya sana maunawaan mo." Halos mabilaukan ako sa kinakaing hotdog at itlog. Kulang na lang ay isaksak ko na rin sa bibig ko ang isang buong tinapay makaiwas lang sa tanong ng babae. Hanggang dito ba naman ay hindi ako lulubayan ng may maduduming utak?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD