KABANATA 10: 1ST LOVE

1012 Words
Ang tagal kong nakatitig sa kisame, hindi mawala sa isip ko ang mga narinig na pinag-usapan nung dalawang babae. Naroong napapapikit ako nang mariin at makikita ang ilang malalaswang tagpo sa aking isip. Hay, nasobrahan na yata ako sa imagination, hindi na maganda ang mga tumatakbo sa utak ko. Ano bang klaseng mahika mayroon si Chad para magkaganito ako samantalang wala naman siyang ginagawa sa akin? Baka tama nga si Migz, nade-depress na nga akong magkaroon ng karanasan. Sa isiping iyon muling sumagi sa isip ko si Andrew- ang una't huling lalaking minahal ko simula 1st year college ako. Ang lalaking dahilan kung bakit nawalan ako ng amor sa mga kalahi ni Adan at ang dahilan kung bakit nagdurusa ako ngayon dahil mas pinili kong maging virgin hanggang sa edad na 'to. Nagkakilala kami ni Andrew sa canteen ng university, hindi ko alam kung nagkakataon lang pero palagi kaming nagkakasabay sa pamimili, ang nakakatuwa pa ay parehong-pareho ang madalas naming ino-order, banana cue at punchum na apple ang flavor. Kung ang iba ay pinagtatawanan ako sa madalas kong inumin dahil pambata lang daw iyon, siya naman ay na-amazed daw sa akin..Mas gusto din namin parehas yung malamig na malamig. Doctoral ang minamaster niya noon samantalang ako ay nursing, may ilang subject na magkaklase kami dahil same year lang naman kami noon kaya lalo pa akong napalapit sa kanya. Naging masaya naman kami, pakiramdam ko nga ang perpekto niya, wala akong makitang red flags sa kanya, nauunawaan niya ako sa lahat ng bagay. Maski sa pangangailangan ko bilang babae, gaya ng minsang dinatnan ako sa eskwelahan at hindi ako ready, wala akong nakitang pag-aalinlangan sa kanya para bilihan ako ng napkin. Kaya naman mas lalo ko pa siyang minahal simula noon. Ang totoo niyan, naging kami ng walang nangyayaring ligawan, basta isang araw pinakilala niya na lang ako sa mga tropa niya bilang girlfriend niya. Yun na yun, hindi na ako umangal at nagpabebe, kahit 1st boyfriend ko siya, nakuntento ako sa kung anong mayroon kami. Macho naman siya at gwapo, ang kakaiba nga lang, minsan pakiramdam ko hindi siya sexually attracted sa akin. Hindi naman sa gusto ko ng magkaroon kami agad ng s****l contact, Kahit simpleng kiss sa labi kasi ay never niyang ipinagkaloob sa akin, hanggang akbay at hawak lang sa beywang ang pinaka-intimate na nangyari sa amin. Gayunpaman ay bumabawi naman siya sa pagiging sweet, hindi siya nakakalimot sa mahahalagang petsa, palagi siyang may pabulaklak at tsokolate, araw-araw niya akong hinahatid pauwi, nililibre ng pagkain, halos araw-araw nga yata ang date namin noon kaya tumagal din kami ng kulang-kulang dalawang taon. Marami nga ang naiinggit sa akin noon, si Andrew na daw kasi ang pinakaperpektong pinapangarap ng bawat babae. Feeling ko tuloy ang haba-haba ng buhok ko noon kahit maikli lang naman ang gupit ko. Hindi rin kami nag-aaway, bibihirang magkatampuhan dahil napaka-maunawain niya. Ang totoo ay ako pa ang madalas na tinotoyo at gumagawa ng paraan para magalit sa kanya. Masarap kasi siyang manuyo, kulang na lang ay gamitin niya lahat ng tao sa room para lang suyuin ako. Sobrang saya ko noon, akala ko nga ay wala na iyong katapusan, pero mali ako.. Matindi pala ang magiging kapalit na sakit ng halos dalawang taong ligaya sa piling ni Andrew. Isang araw, sinorpresa ko siya sa apartment niya, nag-iisa lang kasi siya doon at kung minsan ay niyayaya niya ako upang magbonding. Nanunuod lang naman kami hanggang antukin o kaya ay mag-aaral ng mga lessons at assignments. Feeling ko nga nirerespeto niya ako kaya kahit dalawa lang kami ay hindi siya nagparamdam ng kahit anong may kinalaman sa s*x, nakakakilig din yung ideya na baka isa siyang coservative na lalaki at gusto niya na sa unang araw ng kasal makuha ang kalinisan ng isang babae. Gusto ko rin naman ang ganoon lalo pa nga at siya na ang nakikita kong makakasama sa habam-buhay. Noong araw na iyon ay nagsinungaling ako sa kanya na sa bahay muna ako ni Dad magpapalipas ng weekend, hiraman kasi sa akin ang parents ko. Pero ang totoo ay nais ko lang siyang sorpresahin, namili pa ako ng cake at pizza noon para snack sana namin. Sa labas ng apartment ay rinig ko ang malakas na ingay ng TV, inakala kong nanunuod siya. Naka-lock ang pintuan pero may kopya naman ako ng susi kaya hindi na ako nag-abalang kumatok. Pero walang tao sa sala pagpasok ko, ipinagwalang bahala ko lang iyon at nagsimulang maghanap sa kanya. Mahinhin pa ang kilos ko dahil gusto ko siyang bulagain, wala rin siya sa kwarto noon pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa CR, napangiti pa nga ako dahil sa kalokohang naglalaro sa isip ko. Tumapat ako sa pinto noon pero nagtaka ako, may mga ungol kasi akong naririnig mula sa loob. Inisip ko na baka nagsasarili siya, normal naman iyon sa mga lalaki, pero ilang sandali pa ay parang dalawa na ang boses na naririnig ko. Naghahalinhinan iyon sa pag-ungol na akala mo ay sarap na sarap. Doon na ako nagsimulang magduda, hindi rin kasi tinig ng babae ang naririnig kong kasama ng isa pang boses, parehas iyong lalaki! Doon parang nanaas lahat ng buhok sa katawan ko, pakiramdam ko biglang gumaan ang ulo ko at nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo sa tapat ng CR ni Andrew, tulala ako habang blangko ang utak ko. Hanggang sa lumabas na nga sila, tama ako, parehas silang lalaki at nakahubad pa. Hindi pa nga yata sila tapos dahil naghahalikan pa sila habang papalabas ng CR. Hindi sila magkanda-ugaga sa pagtatakip sa katawan nila ng makita ako doon, kaagad rin na namutla si Andrew pagkakita sa akin. Doon lang din tuluyang tumulo ang luha ko, pakiramdam ko nawala lahat ng hiya ko, napalitan iyon ng pandidiri habang tinitingnan silang dalawa. Hiniling ko ng mga sandaling iyon na sana ay lamunin na lang ako ng lupa o 'di kaya ay mauntog at magka-amnesia para makalimutan ko lang ang matinding sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Sakit na halos hindi ko maipaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD